bc

Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO

book_age18+
2.1K
FOLLOW
20.1K
READ
billionaire
HE
kickass heroine
drama
bxg
brilliant
office/work place
disappearance
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ruthless Billionaire Magnate Jonathan McKinney known as a heartless businessman not only in Asia but also in Europe and in the US continent. Most of his employees feared him because he immediately fired those who commit even just a simple mistake. Even his co-businessmen and investors fear him. Not until he met this simple, plain but beautiful lady intern in his company.Kimberly Ann Martinez a fourth year college student taking her internship at McKinney Corporation. Her dream is to finish her college degree and become an accountant. All she wants is to help her family free from debts and send her siblings to school after they graduate. But all her dreams vanish when she meets the ruthless magnate Jonathan McKinney.What will happen if these two meet each other?Are they compatible? Or end up hating each other when the past will slowly reveal as they go along?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ate, saan na ang damit ko." "Ate Kim, ngayon na pala ang deadline para sa test paper namin." "Ate, tapos na akong magsaing. Kain na tayo. Mali-late na kami sa school." Iilan lang ito sa mga naging sinaryo dito sa bahay tuwing umaga. Mas maingay pa kami sa tianggi kapag araw ng pasukan. Lahat ng kapatid ko, ate ng ate sa akin. Parang di kumpleto ang araw nila kapag hindi nila ako natawag. Sanay na rin naman ako sa ganito. Matapos mamaalam ni nanay anim na taon ang nakaraan ay ako ang tumayong magulang sa tatlo ko pang nakababatang kapatid. Namatay si nanay sa sakit na pneumonia, hindi na naagapan pa dahil lumala na ito. Sa hirap ng buhay ay hindi na namin nagawa pang ipa-check up ito. Ayaw din naman ni nanay na pumunta sa ospital. Kaya naman nang mawala ito ay sa akin naatang ang responsibilidad. Ang tatay ko naman ay wala na akong balita sa kanya. Iniwan niya kami matapos isilang ang bunso kong kapatid na Kyla. Limang taon pa ako nang iwan niya kami. Halos dalawang dekada na ang nakalipas. Hindi na rin ito hinahanap pa ni nanay bagay na ipinagtataka ko. Napatingin ako sa relo ko, 7:35 na ng umaga. Kailangan kong magmadali dahil 8:30 ang pasok ko sa pinagtatrabahuhan kong food chain. Isa akong service crew sa Jollibee na naka base dito sa Quezon. Hanggang 2:30 ng hapon ang pasok sa Jollibee at pagka alas tres ay papasok ako sa paaralan hanggang alas otso ng gabi at mula alas nuwebe ng gabi hanggang alas-dose ng hating gabi ay isa akong chambermaid sa isang sikat na hotel na malapit lang din sa paaralan at Jollibee na pinapasukan ko. "Guys, una na ako sa inyo, ha? Nandoon kay Karylle ang mga baon 'nyo, paghati-haitian nyo nalang. Mali-late na ako," sabi ko sa mga kapatid ko. Nagmamadali na kasi ako, baka maka-peso na naman ako sa manager namin dahil late akong dumating. "Sige, ate. Mag-ingat ka," sagot ni Karillo, ang nag-iisang lalaking kapatid ko. "Opo, ate. Ingat ka, salamat sa baon," sabi naman ni Kyla. Tumango lang ako sa kanila at naglalakad patungong pinto. Nasa pintuan na ako ng muling akong bumaling sa kanila at nagbilin, "Pagkatapos ng klase, uwi kaagad. Maglinis kayo ng bahay dahil ang kalat-kalat. Wala na akong oras para maglinis pa pag-uwi." "Opo, ate. Ako nang bahala dito," sagot ni Karylle na kalalabas lang galing kusina. Marahil ay magluto para sa agahan nila. Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay. Lakad takbo ang ginawa upang makarating agad ako sa labasan kung saan dumadaan ang jeep papuntang North Edsa. Ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay nirentahan ko lang para sa aming magkapatid. Hindi naman squatters area ang kinaroroonan ng bahay namin, ayon nga lang maliit at talagang dikit-dikit ang mga bahay na nandoon. Swerte na lang kami at apat lang kaming nakatira sa maliit na bahay namin kaya hindi masyadong masikip di tulad ng mga kapitbahay namin na may anim hanggang walong anak. Agad akong pumara ng may dumaang jeep, tumigil naman ito ngunit lang dismaya ko ng puno na ito. Dahil mawala na akong oras ay mas pinili kong sumapit na lang at umupo sa sahig ng jeep makarating lang sa Jollibee na pinag trabahuan ko. Saka lang nakaupo ng may bumaba na pasahero sa Center Mall. 8:20am na nang makarating ako sa Jollibee kaya dali-dali akong nagbihis ng uniform ko sa locker room. "Himala at napaaga ka ngayon," tukso ni Jess sa akin. Katatapos lang nitong magbihis ng uniform. "Oo nga eh, sumabit lang naman ako sa jeep," nakakatawang sagot ko sa kanya. Nattawa din ito sa sagot. "Sana araw-araw makasabit ka," biro nito sa akin. "Ai, true. Para iwas sermon," ganting biro ko sa kanya. "Buti na lang at wala pa si madam." "Pasalamat ka at wala pa siya kundi sermon na naman ang abutin mo. Insecure kasi sa beauty mo dahil kahit anong gawin niya hindi siya tutubuan ng malusog na dibdib at malapurselanang mukha. Ang kanya kasi mas magaspang pa sa langka ang mukha," panlalait ni Jess sa manager namin. "Hoy, marinig ka. Goodbye trabaho ka talaga," saway ko sa kanya. "Totoo naman," giit pa niya. Napailing na lang ako sa kanya. Grabe siya kung maka-describe ng manager namin. Pero totoo ang sinabi niya. Binabae kasi ang manager namin at laging ako ang pinag-iinitan nito. Ewan ko ba, sa dami ng kasamahan ko, ako lagi ang nakikita nito. Kaya lagi akong binibiro ng mga kasamahan ko na ambagan ko daw ito ng kagandahan ko para di ako pag-initan. Five minutes for 8:30 ay lumabas na kami sa locker room upang makipag-shift na sa nakaduty ngayon. Si Sheena ang papalitan ko ngayon sa kahera ako ngayon na-assign dahil lunes ngayon kaya change rotation kami. Last week taga-linis ako ng table sa tuwing may table na wala ng tao ngunit nandoon pa rin pinagkainan ng mga customers. Ito ang problema ko kapag taga-linis or kahera ako, lagi akong napapansin ng mga lalaking customer, may nagpapa-cute, nanghihingi ng number, minsan laging nanghihingi ng kung ano-ano tulad sachet ng sugar, creamer, gravy at kung ano-ano pa parang lang makuha ang atensyon ko. Bagay na ikinainis ng manager namin na si Tansio aka madam Tanya. "Sheen, ako na dito. Logout ka na," sabi ko sa kanya, ang papalitan kong shift. "Sige, tapusin ko lang to at ikaw na sa kasunod," wika naman niya. Hinintay ko siyang matapos ang ang pag-punch ng order sa isang customer at ng matapos ay pinalitan ko na siya. Timing na pag-istema ko ng isang customer ang pagdating ni madam Tanya kaya binabati ko siya. Hindi ko sure kung tango o irap ba ang isinukli niya sa akin dahil sa customer ito nakatingin na s'yang ini-istema ko ngayon. Nang balikan ko ang customer ay nakita kong titig na titig ito sa akin. Kaya naman ay medyo nailang ako. "Anong order 'nyo, sir?" tanong ko sa kanya. "Pwede bang ikaw na lang?" nakangising sabi niya habang nakatitig sa akin. "Ano po?" tanong ko kahit na klaro ko namang marinig ang sinasabi niya. "Ang sabi ko, kung pwedeng—" hindi nito natapos ang sasabihin sana ng sumingit si madam Tanya. "I'm sorry, sir, may pagkabingi kasi tong babae na ito kaya hindi niya masyadong narinig ang sinabi mo. What's your order, sir?" Napahiya ako sa sinabi ng manager ko. Nakita ko ang disappointment ng lalaki sa akin. Parang gusto kung umiyak dahil lahat na lang ginawa ng manager upang mapahiya ako sa lahat ng customer. Kung ako ang masusunod, matagal ko nang nilisan ang trabaho kong ito. Ngunit kailangan ko ang trabahong ito, alang-alang sa mga kapatid ko. Kung susukuan ko ito, ano na lang ang ipapakain ko sa kanila, pambaon nila sa school. "Wag kasing mang-akit ng mga lalaki upang mapabilis ang trabaho mo. Mas lalo kang babagal sa trabaho kapag pinairal mo na naman ang kalandian mo," sabi ni madam Tanya sa akin sabay alis sa harapan ko. Binangga pa niya ang kaliwang balikat ko. Pinigil ko ang luha ko dahil nakita kong marami-rami ng nakapila sa line ko, baka mas lalo akong pagalitan kapag papalpak ako. Buong shift ko ay nakatayo at nag-punch ng mga order ng customers ang ginawa ko. Mabuti na lang at di na ako muling pinipisti ni madam Tanya. Kaya nasa mode na ulit ako. Nang matapos ang shift ko ay agad akong nagbihis upang pumasok sa paaralan, 4th year college na ako para sa kursong Bachelor's degree in business administration. Dalawang sem na lang at matatapos na ako. Konting tiis na lang at makapag relax na din ako at focus na lang ako sa trabaho. Ganon pa man kahit working student ako ay si rin naman tagilid ang mga grado sa school, sa katunayan ay half-scholar ako sa paaralan kung saan ako nag-aaral ngayon. Kaya kahit paano nabawasan ang mga gastusin ko. Nilalakad ko lang ang University mula dito sa Jollibee dahil malapit lang naman. Wala pang twenty minutes ay makakarating kana, nakatipid kapa ng pamasahe. Pagdating ko sa University ay agad akong dumeritso sa open space ng paaralan. Agad kong nakita ang isang kaklase ko sa minor subject kaya dali-dali ko itong nilapitan dahil malapit ng magsimula ang klase ko. Nang makarating sa kanya ay agad kong inaabot sa kanya ang kanina ko pa dala-dala na folder. "Grace, ito na ang term papers mo," wika ko sa kanya. "Hala, thank you. Ang bilis mo namang ginagawa to, next week pa naman ang deadline nito," wika nito sabay abot ng folder at nang matapos maabot yon ay kinuha nito ang wallet. "Ito na ang bayad, Kim. Salamat sa paggawa nito." "Salamat din dito," sabi ko naman na ang tinutukoy ay ang one thousand pesos na bayad niya sa pagpapagawa ng term paper. Oo, maliban sa trabaho ko sa food chain at sa hotel, rumaraket din ako sa paggawa ng mga project ng mga kaklase. Bayad naman ang bawat gawa ko kaya walang problema sa akin at malaki naman ang mga bigay nila. Hindi naman ako ang nag presyo kung magkano ang ibinayad nila. At dahil mga mayamang anak sila, pinakamaliit na natanggap ko para sa paggawa ng mga project nila ay one thousand. Kaya nagpapasalamat ako na kahit kulang na kulang ako sa tulog ay di pa bumigay ang katawan mo, dahil kapag mangyari yon, paano na lang ang mga kapatid ko. Alas otso na ng gabi nang matapos ang huling klase, kaya antok na antok ang diwa ko ngunit di pa ako pwedeng umuwi dahil may isa pa akong part time job. Need ko pang pag-duty-an yon dagdag kita para sa akin ng mga kapatid. Ako lang kasi ang nagtatrabaho sa amin. Hindi ko pinagtrabaho si Karylle para hindi ma stress sa pag-aaral niya, political science ba naman ang kinuha. Gusto maging abogado ang kapatid ko kaya memorize dito, memorize doon ang ginawa niya. Kalat na kalat sa bahay ang mga libro niya puro batas ang nakasulat. Mga republic act, article section, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa batas ng Pilipinas. Kaya pag binasa ko yon ay sumakit din ang ulo ko. Okay na sa akin ang may subject isang bese ng political science, wag lang akong pagsaulohin ng buong libro baka mabaliw ako pag ginawa yon. Ewan ko ba sa kapatid kong iyon, kung bakit mahilig siya sa Philippine Constitutional Law. Pumara ako ng jeep na daanan ang hotel na nagtatrabaho ako. Pagdating doon, agad akong sinalubong ng maintenance head namin. "Good evening, Kim, sa 4th floor ka ma-assign ngayon ah? Kaya mo bang mag-isa lang sa floor?" "Yes, Miss Dub, thank you," sagot ko sa kanya. "Pasensya na, kulang kasi tayo ngayon nag-leave ang tatlo mo pang kasama," hinging paumanhin niya. "Walang problema, Miss Dub. Kaya ko naman po." "Sige. Kapag may concern ka, nasa opisina lang ako," sabi niya. "Sige po," sagot ko sa kanya. Tumango lang si Miss Dub at pumasok na sa opisina niya. Ako naman ay dumiretso sa locker room at nagpalit ng uniform ko. Kung kanina ay antok na antok ako, ngayon ay nawala na. Siguradong pagpawisan na naman ako dahil sa dami ng gawain. Pero hindi ko alintana ang lahat basta may kita ako. Maganda ang trato ni Miss Dub sa akin, kabaliktaran ng trato ni madam Tanya. Kung sa food chain laging mali ang napuna sa akin, dito sa hotel ay palaging complement narinig ko. Pulido daw akong magtrabaho, walang reklamo ang mga guest sa akin at higit sa lahat kasundo ko si Miss Dub. Hindi katulad ni madam Tanya na bawat kilos ko may masabi siya. Kung papipiliin ako, mas gusto dito sa hotel kaysa fast-food chain. Sinimulan ko ang trabaho ko upang makarami ako. Inisa-isa ko ang mga rooms na wala ng naka-check in. Nilinis ko ang mga ito, pinalitan ng punda, bedsheets, at kung ano-ano pa. Pati comfort room ay nilinis ko. Minsan may nakita pa akong di kanais-nais tulad ng condom na ginagamit na at may malagkit na likido sa loob, mga underwear na nasa ilalim ng kama, minsan natabunan lang ng bedsheets. Napailing na lang ako, hindi naman ako inosente sa mga bagay na ito. Alam ko naman kung ano ang mga ito at kung anong posibleng mangyayari sa loob. Ano pa ba ang asahan mo sa isang hotel? Syempre, hindi maiiwasan na may ganitong pangyayari. Kaya hindi na nakapagtataka kung may mga bagay ganito. Saktong alas doce ng matapos ako sa lahat ng kwarto dito sa 4th floor. Mabuti na lang at walang guest na tumawag upang magpalinis ng kwarto kaya deri-diretso ako sa trabaho ko. Wala na si Miss Dub nang makabalik ako sa maintenance room, marahil ay umuwi na rin ito. Kaya nagbihis na din ako para makauwi na. Nagpapaalam na rin ako sa ibang kasamahan ko na siyang papalit sa akin. Detitso na ako ng uwi sa bahay namin at nang makarating ay latang-lata akong dumapa sa higaan ko. Agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.1K
bc

His Obsession

read
90.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook