Nasa auditorium kami ngayon ng mga kaklase ko, may orientation kami para sa nalalapit na on-the job training namin. Malapit na kasing matapos ang 1st semester namin at required kaming mga 4th year college sa kursong business administration na mag undergo ng internship sa 2nd semester. Kailangan namin itong gawin dahil kasali ito sa prospectus ng curriculum namin. Kapag hindi namin ito gagawin ay maaring hindi kami makaka-graduate. Masayang ang unang tatlong taon namin dito sa university.
Habang nakaupo kami dito sa auditorium ay di mapigilang mapag-usapan kong saan kami mag-apply ng ojt. Madami namang pagpipilian kaso kadalasan walang allowance at ikaw pa ang gagastos para sa kumpanya na pipiliin mo. At ito ang isa sa problema ko ngayon. Kapag nagsimula na kaming mag ojt ay kailangan ko nang tumigil sa part-time job ko sa Jollibee. Nine hours ang kailangan ko e-renden every day para makumpleto ko ang required hours bago matapos ang 2nd semester.
"Saan kaya tayo pwedeng mag-apply?" tanong ng isang kaklase ko na si Jhy
"Lahat na lang pasahan natin, pwede naman yon," sagot ko sa kanya. Katulad ko ay isa ding itong scholar ng University. Ang kaibahan nga lang ay naka-focus lang siya sa pag-aaral niya habang ako kat kung ano-ano pang ginagawa sa buhay.
"Magpasa din tayo sa McKinney Corporation," excited ma sabi niya.
"Naku, may kilala akong nagtatrabaho doon, hindi siya umabot ng isang linggo doon tanggal agad sa trabaho," singit ng isang kaklase ko.
"Bakit daw?" tanong ni Jhy.
Strict daw at sobrang nakakatakot ang boss doon," sagot ng isang kaklase ko.
"Hala, totoo? Ekis na pala ang kumpanya na yon," wika ni Jhy.
"Pero balita ko may allowance ka doon kapag palarin ka," sabi pa nito.
Parang automatic na naliwanagan ang utak ko sa sinabi niya, "Talaga? May makukuha kang allowance kapag doon ka?"
"Oo, may makukuha kang allowance kapag nandoon ka. Ayon nga lang pahirapan kung makakapasok doon. Maraming nag attempt ngunit bigo. Ang taas din ng standard ng kumpanya na iyon."
"Try natin?" Aya ko kay Jhy. "Malay natin makakapasok tayo."
"Sige, pero mag-apply pa rin tayo sa iba para kapag hindi tayo mayanggap doon ay may choice pa tayo," sagot niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya. Pinag-uusapan namin mga gagawin upang makuha ang slot na iyon. Eager na eager akong makakapasok sa kumpanya na iyon. Sa isip ko, kina-calculate ko na ang gagawin kong hakbang upang makakapasok doon. At sana ng palarin akong makapasok doon.
Nang magsimula na ang orientation ay tumahimik na kami. Nakikinig na lang sa mga nagsasalita sa harap. Dini-discuss nila yong mga rules and regulations kapag nasa site na kami. Mga bawal naming gawin during ojt. Kung kailan kami dapat mag-report sa paaralan. Sympre, hindi nawawala doon ang mga requirements, kung kailan ang cut-off para maabot namin required hours and so on and so forth.
Madami pa silang sinabi na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Lumipad ang isip ko sa McKinney Corporation. Ano kaya ang magiging buhay ko kapag makapasok ako sa kumpanya na iyon. Hindi pa naman sure kung matanggap ako doon pero gagawin ko ang lahat para makuha ang slot na yon. Kahit sinabi nila na nakakatakot pumasok sa McKinney Corporation ay baliwala ito sa akin. Ang importante ay may mapapasukan akong kumpanya.
Nang matapos ang orientation ay kanya kanya na kami ng mga kaklase ko. Wala na kaming pasok dahil katatapos lang ng finals namin. Naisipan kong umuwi na lang since wala naman akong ibang lakad. Absent na rin naman ako sa Jollibee dahil umaga nangyari ang orientation. Okay na rin yon para kahit paano ay nagpapahinga ako, yon nga lang ay mabanawasan ang sweldo ko ngayong buwan.
Tahimik ang bahay ng makarating ako. May pasok ang kapatid ko kaya walang tao. Sa halip na magpahinga ay mas minabuti kong maglinis na lang muna. Ang daming liligpitin na kalat at tambak ang mga labahan namin. Examination week din kasi ng mga kapatid kaya hindi na nakapag-ayos pa ng bahay at naiintindihan ko naman yan dahil kahit ako ay wala ding panahon maglinis ng bahay.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalaba nang dumating si Karylle. Nagulat siya ang makitang nangangalahati na ako ng labahan. Dali-dali itong pumasok sa kwarto namin at ng lumabas ay nakapambahay na ito. Sinamahan niya akong maglaba. Siya ang mga nagbabanlaw ng mga damit na tapos ko ng sabonin.
"Ate, magpahinga ka na lang sana," sabi niya sa akin habang binabanlawan ang mga puting damit.
"Okay lang, Rylle. Di rin naman ako makakatulog kapag nakikita kong kalat ang bahay."
"Pasensya na te, sob-sob kasi sa pag-aaral sina Karillo at Kyla kaya di ko na lang muna dinisturbo. At di rin ako nakapaglinis noong nakaraang araw dahil finals na. Daming kailangang sauluhin," reason out niya.
"Bakit naman kasi trip mong mag-political science, eh, pwede na mang phycology na lang. Pinapahirapan mo pa sarili mo," wika ko sa kanya.
"Nagsisi mga ako kung bakit iyon ang napili ko. Ayaw ko na ring mag-shift dahil ikaw rin ang mahihirapan kapag ginawa ko yon."
Napangiti ako sa sinabi ng kapatid ko. Kahit paano, isinali niya ako sa mga desisyon niya. Kahit paano kini-consider niya kung ano ang maaring maging epekto kapag ginawa niya yon. Ganun pa man kung sakali man na gusto talaga niyang mag-shift ay susuportahan ko pa rin siya. Anong silbi kong mananatili ka sa isang bagay na hindi ka naman masaya.
"Salamat dahil naisip mo ako, pero, kung di ka masaya sa course mo ngayon, pwede ka naman bumitaw. Mas lalong maging mahirap yan kapag pinipilit mo lang," sabi ko sa kanya.
"Ano kaba naman te. Okay lang ako. Mahirap pero kaya ko naman," sabi niya sa akin.
"Sinabi mo yan ah? Wag ko lang marinig na nagrereklamo ka, kondi, patigilin talaga kita," biro ko sa kanya.
"Promise te. Paninindigan ko to."
Tumango na lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagsasabon ng mga pantalon. Habang siya ay biinanlawan na niya mga damit na sinabunan ko. Nang matapos kami ay tulong-tulong kami nag sampppay ng mga nilabhan namin. At pagkatapos ay nagpahinga lang muna kami saglit. Napansin kong wala siyang libro na hawak-hawak ngayon, di tulad dati na kapag tapos na sa gawain ay libro agad ang atupagin niya.
“Himala yata at di ka humawak ng libro ngayon?” biro ko sa kanya.
“Grabi ka naman te, gusto mo yata buong buhay ko ay nakatunganga lang sa libro.”
“Hindi na ako sanay na wala kang librong hawak. Parang di kumpleto ang araw mo pag wala ang mga ito,” sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. “Di na kailangan nasa utak ko na ang lahat ang laman ng libro.”
“Talaga? Akin na libro mo, tanungin kita kung totoo ngang nasa utak mo na nga yon?” sabi ko a kanya.
“Wag na baka lumayas na siya sa utak ko,” sabi niya. Sabay kaming natawa sa sinabi niya.
“Bahala ka dyan. Matulog muna ako, kailangan kong bumawi ng tulog at may duty ako mamayang gabi.”
“Sige te, ako nang bahala dito,” sagot niya sa akin. Tumango lang ako at pumasok na sa maliit na kwarto namin.
Ako, si Karylle, at Kyla ang magkasama sa kwarto na ito. Habang si Karillo ay sa sala matutulog. Wala naman kaming choice kundi ang magsama sama sa iisang kwarto dahil maliit lang ang bahay namin. Kung pwede pa lang magrenta ng mas malaki-laking bahay ay ginawa ko na kaso wala naman akong pambayad ng renta. Dito pa nga lang sa bahay na ito ay 4000 pesos na ang binabayaran ko, paano na lang kapag hahanap ako ng mas malaki baka doble pa ang bayad kumpara dito.
Nang makapasok sa kwarto ay agad akong humiga sa higaan namin, ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng katawan ko. Kaya mas pinili kong ipikit ang mga mata. Hindi ko na pinansin ang mga kalampag ni Karylle sa kusina, marahil ay nagluluto ito ng makakain namin. Tuluyan na akong nilamon ng dilim. Nagising na lang ako na madilim na sa labas at narinig ko na ang maiingay na mga kapatid ko sa sala.
Paglabas ko ay nadagnat ko ang mga kapatid kong naglalaro ng scrabble. Di nila ako napansin dahil tutok na tutok sila ginawa nila. Nagtatawanan sila tuwing may ginagawang kalokohan si Karillo. Ang dami niyang alam na kabalastungan na mga salita. Kaya minsan ay nabatukan ni Karylle.
Nang mapansin ako ni Kyla ay tinawag niya ako, “Ate Kim, gising ka na pala, halika dito samahan mo kami.”
“Okay,” sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa kanila ay umupo sa sahig katabii ni Kyla. Binigay naan agad ni Kyla ang mga blocks niya sa akin mas lalo siyang tinutukso ni Karillo.
“Oh, bakit mo binigay ang blocks mo kay ate Kim? Wala kanang maisip noh?” tukso ni Karillo kay Kyla.
“Heh, wala kasing blocks si ate kaya binigay ko na lang ang blocks ko sa kanya. Hindi ako katulad mo na madamot kahit marami pa ayaw namang magbigay,” sagot naman ni Kyla sabay irap sa kapatid niya.
Natatawa na lang talaga ako sa kanila. Kung si Karillo ay maluko, si Kyla naman ay pikon, habang si Karylle naman ay nakisabay lang. Kaya minsan ay nagbabangayan sila na si Karylle ang taga awat. Hinayaan ko na lang sila dahil ay kong dagdagan ang stress ko. As long as wala silang ginawang masama ay hindi ko sila papakilaman.
Ako ang panganay sa kanilang tatlo, 25 years old na ako habang 23 years old naman si Karylle. Magkasunod lang ang edad ni Karillo at Kyla na 20 at 19 years old. Anim na taon naman ako nang iwan kami ng magaling kong ama at labing siyam ako ng tuluyang mamaalam si nanay sa mundo. Kaya kayod kalabaw ang ginawa ko matapos mamaalam si nanay. Naatang sa akin ang lahat na responsibilidad bilang panganay at tumayong magulang sa kanila.
“Ayoko na suko na ako, ang hirap bumuo ng words,” reklamo ni Karylle. “Kain na lang tayo, diba may pasok ka ppap sa work mo, ate Kim?”
“Oo, mamayang alas nuwebe,” sagot ko sa kanya.
“Ayon, ligo ka na te, ihanda ko ang mesa para paglabas mo ay kakain na tayo ng sabay,” sabi pa ni Karylle.
Tumayo na rin ako nang tumayo na siya, sabay na kami na naglalakad patungong
kusina habang naiiwan si Karillo para ligpitin ang scrabble box na ginagamit namin kanina. Kinuha ko ang tualya ko sa may sabitan at pumasok sa banyo namin a narito sa kusina. Walang banyo sa kwarto kaya dito kami naliligo. Kurtina lang ang nakatabi sa pinto kaya kapag naliligo kami ay naka damit pa rin. Mahirap na baka may tao na biglang dumating, o, kaya may mga walang magawa sa buhay ay butasan pa ang dingding ng banyo.
Nang matapos maligo ay nakatualya lang akong lumabas sa banyo at diretso na ako sa kwarto upang magbihis. Napatingin ako sa salamin na narito, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti na lang dahil para naman akong siraulo na pinupuri ang sarili ko. Totoong maganda naman daw ako, maputi, malaporsila daw ang balat ko ayon kay Jess na katrabaho ko sa Jollibee. Straight ang buhok ko na akala mo nagpaplantsa araw-araw at higit sa lahat parang heart shape daw ang mukha ko. Katamtaman lang ang tangkad ko ngunit hindi rin masyadong pandak na tingnan.
Marami akong manliligaw nguithindi ko lang pinansin dahi mas focus ako sa pagtatrabaho para sa aming magkapatid. Idagdag pang nag-aaral ako kaya mas lalong wala akong panahon dyan. Marami pa akong dapat problemahin kaysa mga bagay na iyon. Saka ko na isipin ang mga bagay na iyon kapag tapos na ang lahat ng problema ko. Naputol lang ang pagmumuni-muni ko ng tawagin ako niya Kyla.
“ate, kain na daw sabi ni Ate Karylle.” Tawag sa akin ni Kyla.
“Oo, palabas na,” sagot ko sa kanya at kinuha ang bag na dadalhin ko para sa trabaho.
“Halika na ate, maapi ng mag alas syete emedya, baka ma-late ka pa,” pag-aya sa akin ni Karylle.
Tumango lang ako at umupo na sa misa. Nilagyan naman ako ng plato at kutsara sa harapan ni Karillo. Nakatingin ako sa pagkain na nasa harap ko. Tortang talong at pansit na ang sahog ay sardinas plus may kanin na din. Napatingin ako sa mga kapatid kong nagsisimula ng magsandok ng pagkain.
“Thank you,” sabi ko ng lagyan din ni Karillo ng kanin ang plato ko. Ngumiti lang ito sa akin.
Nagulat ako ng lagyan din ni Kyla ng isang tortang talong ang plato ko, “Ate, isang buong torta na bigay ko sayo. Para di ka hinatayin sa trabaho mo.”
“Salamat,” natatawa na sabi ko na lang sa kanya. Alam ko namang nagbibiro lang ito.
“Naku te, baka may hihingin yan kaya ang lambing sayo,” pang-aaska ni Karillo.
“Wala kaya, baka ikaw meron,” bwelta ni Kyla kay Karillo.
“Wala din kaya, gusto ko lang pagsilbihan si Ate,” rason ni Karillo.
“Mas lalo na ako,” di rin nagpapatalong wika ni Kyla.
“Nahiya naman ako, na siyang nagluluto ng mga ito,” biglang singit ni Karylle.
Natahimik ang dalawa sa bangayan nila. Tapoos maya-maya ay bigla na lang silang nagtayuan. Akala ko kung anong gawin nila. Bigla na lang nilang sinugod si Karylle at kinikiliti. Tawang tawa ako sa ginawa nila. Kinuha ko na ang ang kutsara at nagsisimula ang kumain baka mas lalong akong ma-late dahil sa kakulitan ng tattlo kong kapatid.