Chapter 4

1561 Words
Napatingala ako sa sobrang taas ng building na nasa harapan ko. May nakasulat sa ibabaw na McKinney Corporation. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatapak ng ganito kalaki ang building. Marami naman akong nakikitang naglalakihang building pero kakaiba awra at disenyo ng building nato. Nasa bandang Makati City pa kasi ito kaya kailangan mong mag-triple ride kapag nagtitipid ka sa pamasahe. Or kung gusto mo mag-taxi ka para mas mabilis, yon nga lang butas bulsa mo sa pamasahe pa lang. Napatingin ako sa relong pambisig ko at na-shock ako nang makitang 8:05am na ng umaga. Alas otso ang alas otso ang time in namin nga napatakbo ako papasok sa loob. Di ko na pinansin ang cellphone ko na vibrate ng vibrate, marahil ay si Jhy ang tumatawag. Mabuti na lang at may company i.d na akong suot kaya di na ako sinisita pa guard. Tumakbo ako papuntang elevator dahil nasa 5th floor pa ang opisina ng HR ngunit sa kakamadali ko di ko inaasahang matapilok ako at deretsong natumba ako sa lalaking nasa harap ng elevator. "What the hell!" sigaw ng lalaki sa malamig na tinig. Mabuti na lang at matigas ang tindig ng lalaki kaya di ito natinag ng mabangga ko ang likod niya. Yon nga lang napasobsob ako sa bandang puwitan niya kaya napahawak ako sa mga hita niya. "Are you out of your mind?! Stand up!" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling tumayo. Napangiwi ako nang makaramdam ng kirot sa paa. Gunin pa man ay pinilit kong tumayo ng maayos. Napayuko na lang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang nasa harapan ko. Sobrang nahihiya ako sa katangahang nagawa ko. "Sorry po. Hindi ko po sinasadya," hinging paumanhin ko. "Are you new here?" malamig na tanong ng lalaki. "O-opo," nagka-utal-utal na sagot ko kanya habang nakayuko. "Rise your head," utos nito sa akin. "And tell me your name." Kaya naman ay napatingala ako sa kanya. Bumalaga sa akin ang makisig na anyo niya. Naka-tuxedo ito na may white polo with necktie sa loob. Naka-slacks with belt ito with matching leather shoes. Nakapamulsa itong humarap sa akin. Muli akong napayuko dahil hindi ko kaya ang mga titig niya sa akin. Para niya akong kakain ng buhay. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang mga mapanuring tingin ng mga nakapaligid sa amin. Parang sinasabi nilang katapusan ko. Saka ko lang napansin ang muling pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. "s**t!" Biglang wika ko. Katapusan ko na nga talaga. Mukhang mag ba-bye na agad ako sa kumpanya na ito nang hindi pa nakapag-log in man lang. "What's your name?" muling tanong ng kaharap ko. Ayaw ko sanang sabihin ang pangalan ko ngunit pakiramdam ko kailangan kong saguton ang tanong niya. "Kimberly po. Kimberly Martinez." "Which department are you in?" tanong pa niya. "D-di ko pa po alam. Ngayon ko pa po malalaman kung saan ako i-assign," kinakabahan na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko na naman ang muling pag vibrate ng cellphone at saktong bumukas ang elevator. Ngumuko ako sa kanya at dali-daling pumasok sa elevator kahit paika-ika ako dahil palagay ko ay na sprain ang kaliwang paa ko. Nakita ko pa ang akmang pagpigil sa akin ng isa sa mga kasama ng lalaki ngunit pinigilan ng nito. Titig na titig ito sa akin habang papasara ang elevator. Natingin ako sa relo at muli akong napamura ng makitang 8:36am na. "Lagot na talaga," tanging nasabi ko at pinindot ang 5th floor sa button. Napahilamos na lang ako ng mukha. Pagdating doon ay kita pa ang pag-alalang mukha ni Jhy sa akin. "Anong nangyari sayo? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Jusko naman Kim, mukhang masesante ka agad sa unang araw pa lang natin dito." "Wag naman sana, haizt. May nangyari lang sa baba kaya natagalan," rason ko sa kanya. "Kanina pa nag-alboroto si Miss Shiela. Mukhang makapeso ka agad dito. Kanina pa mainit ang ulo noon sa kakahintay sayo." "Saan pala siya?" tanong ko sa kanya. "Ayon, pumasok sa office niya, pasok na lang daw tayo sa opisina kapag dumating ka. Pa importante ka daw masyado," napa buntong hininga na sabi niya. Napabuntong hininga na rin akong inaya siya na pumasok sa opisina ng HR. Nararamdaman kong pinagtitinginan kami ng mga empleyadong narito. Naramdaman siguro nila na may nagawa akong kapalpakan. Kumatok si Jhy sa pinto at nang sumagot ang nasa loob ay saka lang ito binuksan ni Jhy. Pumasok kami sa loob at nakita ko si Miss Shiella na nakaupo sa swivel chair niya habang kaharap documento sa mesa nito. "Good morning po, Miss Sheila," bati namin sa kanta. Nag-angat naman ito ng tingin sa amin. Naka reading eyeglasses ito at masinop na nakapangko ang buhok. Para itong si Madam Chin-chin sa 'Ang Munting Prinsesa' pinagbibidahan dati ni Camille Prats noong bata pa ito. Napaka-strict ng mukha nito. Kaya naman ay kinakabahan pa din kami kahit na minsan na namin tong nakasaluma noong ini-interview niya kami. "Oh, akala ko ba ay wala na kayong balak na pumasok pa. Kakasimula pa lang ganito kaagad ang pinapakita nyo?! King ganito na rin lang ang gagawin nyo araw-araw, mas mabuting wag na kayong pumasok pa," sermon niya sa amin. "I'm sorry po," sabay na wika namin ni Jhy. I feel sorry for Jhy, nadamay tuloy siya sa katangahan ko. "Umagang-umaga ini-stress nyo ako," litenya pa ni Miss Sheila. "Sorry po," hinging paumanhin ko ulit kanya. "Alright, para matapos na ang stress ko sa inyo, I will tell you about your assignment now. You, Miss Navarro, you will be assign in Sales and Marketing department, while you, Miss Martinez will be assign in Account–" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang tumunog ang telepono nito sa mesa. Sumenyas muna ito sa amin na sagutin muna ang tawag. Mataman lang itong nakikinig sa kung sino ang kausap nito sa telepono. Napa Sulyap pa ito sa akin kaya muling kinakabahan ako baka nakarating na sa kanya ang ginawa kong kapalpakan sa baba. Napalunok na lang ako ng laway. "Noted, sir. I'm working on it." Tanging sabi niya at ibinaba ang tawag. Seryuso siyang tumingin sa akin, "Miss Martinez, you will be assigned at the office of the CEO, directly under Mr. McKinney's supervision. "Po? Akala ko ba sa Accounting Department ako maka-assign?" di ko mapigilang tanong ko sa kanya. "Kini-question mo ba ang ang desisyon ko?" Balik tanong nito sa akin. "Hindi po," sagot ko na lang sa kanya. "Good. You may now go to your respective department," wika niya sa amin. Lumabas kami Jhy sa opisina ni Miss Sheila. Kinakabahan ako sa magiging assignment ko. Ang akala ko ay sa accounting department ako ma-assign since financial naman ang major ko. Kaya nakapagtataka lang na sa mismong CEO ako maka-assign. Sabay kaming pumasok sa elevator, sa 9th floor ang department ni Jhy samantalang top floor naman ako. "Bye, friend. Kita na lang tayo mamayang lunch break. Tawagan kita, ha?" Sabi niya sa akin ng nasa 9th floor na kami. "Sige, friend. Good luck sa trabaho mo," sabi ko sa kanya. "Good luck din sayo. Ayeee, office of the CEO agad ang sayo," tukso niya sa akin. Napailing na lang ako sa kanya at muling pinindot ang close button ng elevator nang makalabas si Jhy. Nakita kong kumaway pa ito bago tuluyang sumura ang elevator. Kinakabahan ako ng mag-isa na lang ako. Hindi ko mawari kung para saan ang nararamdaman kong ito. Sana ang walang mangyayari na hindi ko inaasahan. Pagdating ko sa top floor ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso dahil sa kaba. Tumambad sa akin ang napaka maalwan na silid. May nakita akong iilang empleyado ngunit mukhang di nila napapansin ang pagdating ko dahil tutok sila sa kani-kanilang monitor. Napansin ko ang dalawang lalaki na kanina lang ay kasama nong lalaki na nabunggo ko ang likod. "s**t," mahinang usal ko na lamang sa sarili. Kahit kinakabahan at pinili kung lumapit sa nag-iisang babae na narito. "Ahm, good morning po." Nag-angat naman ito ng tingin sa akin. "Yes?" "I'm Kimberly Ann Martinez, an intern from New Era University, sabi ng HR, dito daw po ako naka-assign," kinakabahan na pakilala ko sa kanya. Nalilitong napatingin naman ang babae sa mga kasama nito marahil ay hindi nito inform sa nangyari. Nang makitang tumango ang mga kasama niya ay ngumiti ito sa akin at tumayo. Sininyasan niya akong sumunod sa kanya. Kaya sumunod na lang sa kanya. Nang nasa hapanan na ito ng pinto ay kumatok lang ito ng tatlong beses at pagkatapos ay binuksan niya ito kahit wala pang sumagot sa loob. Pumasok kaming dalawa sa loob at namangha ako sa interior design ng opisina. Napaka manly ng dating ngunit hindi naman ito plain kung titingnan. Malawak din ang loob na kung may bata lang na narito ay pwede nang maging playground. Napansin kong may lalaking nakaupo sa swivel chair nakatalikod ito kaya naman ay hindi ko agad nakikita ang mukha nito. "Sir, we have new intern fro New Era University, dito siya ina-assign HR," sabi ng babae na di ko pa alam kung anong pangalan. "Leave us first, Miss Atayde," wika ng lalaki sa buong-buo na boses. "Noted, sir." Yumuko lang ang babae saka tiningnan ako. Ngumiti lang ito sa akin na parang bang sinasabi na 'good luck' saka tuluyan ng lumabas sa opisina. Ako naman ay mas lalong kinakabahan ng maiwan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD