Episode 3 - Underground

1007 Words
SAMANTALA, halos malibot na ni Axel, ang lahat ng hospital sa lalawigan. Ngunit hindi pa rin niya matagpuan ang asawa. Magdam na siyang naghahanap at nakalimutan na rin niya ang oras. Halos namamaga na ang kaniyang mga mata sa kakaiyak dahil sa sobrang pag-alala sa kaniyang butihing asawa. Naibalita na rin niya sa kaniyang mga magulang ang nangyari. Subalit hindi pa niya ito pinaalam sa anak, sapagkat ayaw niyang magiging malungkot ang bata. ( Steela... calling... . ) Ayaw sana niyang sagutin ang tawag ngunit iniisip rin niya na baka tungkol sa negosyo ang itinawag nito. "Steela, napatawag ka?" "Axel, napanood ko kasi ang news kanina tungkol sa pagkaaksidente ni Quinn. Nahanap mo na ba siya?" Matagal bago siya sumasagot. "Hindi pa! Halos malibot ko na ang buong hospital." "Ganoon ba? Gusto mo bang tulungan na kita?" "No, thanks!" tugon niya, at agad ng kinansela ang tawag. "Damn! Why you do this to me, Axel?!" galit na tanong niya sa sarili. Hating gabi na nang makauwi si Axel sa kanilang bahay. At nanlumo siya sapagkat ay bigo ito sa paghahanap. "Dad," sambit ng kaniyang anak. "Thorn, bakit gising ka pa?" "Dad, hinihintay ko po kayo ni, Mommy. Nahanap mo ba siya Dad?" Hindi nakasagot si Axel at napatingin ito sa yaya. "Sir, napanood kasi ni Thorn, ang news kanina. Sir, kumusta si, ma'am Quinn?" malungkot na tanong ni Maricel. "Hindi ko pa nahanap, hindi ko alam kung saan ko siya  hahanapin. Nalibot ko na ang buong hospital pero wala ang kaniyang pangalan." "Dad, babalik tayo bukas, baka nandoon lang si, Mommy," anang bata na may kasamang  luha. "Yes, anak. Babalik tayo." Nayakap ng mahigpit ni Axel, ang anak at sobra siyang naawa nito. "Maricel, iakyat mo na si, Thorn." "Dad, it's okay, kung tatabi ako sa iyo sa pagtulog? Ayaw ko kasing malungkot ka." At muli siyang yumakap sa ama. "Yeah, it's okay, anak. Sige na, Maricel magpahinga ka na." Hawak ni Axel, ang kamay ng kaniyang anak. At dinala niya ito sa kuwarto nilang mag-asawa. Dahil sa sobrang pagod niya ay hindi na ito nakapagpalit ng damit at kahit papaano ay nakatulog ito na yakap ang anak. -QUINN POV- Nagkamalay si Quinn, na halos hindi makagalaw "Ehmp!Ehmp!" tanging boses niya. Napaiyak siya sa kaniyang sinapit at hindi niya inaasahan na mangyari ito sa kanya. Takot ang naging laman ng kaniyang isip, baka patayin siya ng mga ito at paano na lang ang kaniyang mag-ama. Ramdam rin niya na sobra na ang pag-alala nila ngayon. "Ehmp! Ehmp..." patuloy ang kaniyang ungol. h Humahagulgol ito habang nagpupumiglas at nagbakasakaling matanggal ang tali niya sa kamay. Subalit sobrang higpit ang pagkatali sa kaniyang kamay. Dahil sa kakapilit niya na matangal ang tali ay nagkasugat-sugat ang kaniyang mga kamay at paa. Lupaypay si Quinn, na sumandal sa pader. "Axel, Thorn," bulong ng kaniyang isip at patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha. MAAGANG gumising si Axel, upang ipagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang asawa. Maaga rin niyang tinawagan ang pulis na humawak sa kaso ng kaniyang asawa. Upang itanong kung may balita na ba sila. "Pasensiya na, sir. Pero wala pa kaming nasagap na balita patungkol sa iyong asawa. Ngunit huwag po kayong mag-alala dahil pupunta kami sa lugar. Kung saan naaksidente ang iyong asawa," pahayag ng pulis. Nang matapos silang mag-usap ay ginising naman ni Axel ang kaniyang anak, dahil may pasok pa ito. "Ayaw kong pumasok, Dad, gusto kitang tulungan sa paghahanap kay, Mommy." "Thorn, need mong pumasok at ako na ang hahanap kay, Mommy. I'll promise, na kapag mahanap ko si, Mommy, ay tatawagan ko agad ang iyong teacher." "Okay po, Dad," malungkot na bumangon ang bata at nagtungo sa kaniyang kuwarto. "Sana mahanap na kita, Quinn. Sobra na akong nag-alala sa iyo," bulong niya. Hindi pumasok si Axel sa kompanya dahil kailangan niyang unahin ang paghahanap sa kaniyang asawa. Kasalukuyan na siyang nagbiyahe patungong siyudad. Nang biglang nag-ring ang kaniyang phone. Si Steela na naman ang nasa kabilang linya. "Yes, Steela? May kailangan ka?" tanong niya agad. "Nope! I just asking kung nahanap mo na ba ang iyong asawa. Nag-alala kasi ako sa kaniya." "Hindi pa, pero papunta ako ngayon sa siyudad upang hanapin siya." "Ganoon ba? Sige, tutulong na rin ako sa paghahanap. Magtanong-tanong rin ako sa mga hospital." "Huwag na, Steela. Asikasuhin mo na lang ang kompanya. May mga pulis din namang naghahanap sa kaniya." "But—" "Bye!" paalam ni Axel. Inis na naman ang naramdam ni Steela, nang tanggihan siya ni Axel. "Fine! Good luck sa paghahanap ninyo!" galit niyang sabi sa sarili. Dinampot niya ang kaniyang shoulder bag at padabog na lumabas sa kaniyang kuwarto. "Cora! Cora, nasaan ka?!" sigaw niyang tawag sa katulong. "Bakit po, ma'am?" Patakbo itong lumapit sa amo. "Ito ang susi at pakainin mo ang iyong alaga. Make sure na hindi mo tanggalan ng takip ang kaniyang mata. Higit sa lahat ang kaniyang mga tali, gets mo?!" Ang tinutukoy niyang alaga ay si Quinn, na  para sa kaniya ay isa itong hayop. "Opo, ma'am. Ummm... ma'am. Susubuan ko ba si, ma'am Quinn?" "Shut up! Don't mention her name again! Baka may makarinig sa iyo!" bulya ni Steela, at madiin niyang tinakpan ang bibig ng katulong. Dahil hindi siya makapagsalita, kaya idinaan niya sa pagtango-tango ang kaniyang ulo.   "Bunganga mo ang sarap lagyan ng isang kilong sili!" inis pa rin niyang sabi. Kaba at takot naman ang naramdaman ni Cora, dahil baka tutuhanin ng kanyang amo ang sinabi nito. Nakahinga nang malalim ang katulong nang makaalis si Steela. Agad naman siyang nagtungo sa kusina upang kumuha ng pagkain para kay Quinn. Sobrang dilim sa underground kaya binuksan niya ang ilaw. Awang-awa siya sa kaniyang nakita. Ngunit ano ang kaniyang magagawa? "Ma'am, kumain muna kayo," sabi ni Cora, at tinanggal niya ang takip sa bibig nito. "Nasaan ako? Sino ka? Please, pakawalan mo ako. Hinihintay na ako ng aking pamilya," umiiyak na sabi ni Quinn. "Pasensiya na po kayo, ma'am. Hindi kita puwedeng sagutin, kumain na lang po kayo para may laman iyang tiyan mo." Hindi maiwasang mapaluha si Cora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD