Hindi nito maiwasan na hindi papatak ang kaniyang mga luha dahil awang-awa siya. Lalo na nang makita niya ang mga sugat sa kaniyang mga kamay at paa. Napansin rin niya na basang-basa ang suot nitong slacks. "Susubuan na po kita, ma'am. Huwag po kayong mag-alala, ma'am, aalagaan kita." Bawat subo ni Cora ay kinakain naman ito ni Quinn. Kailangan niyang mabuhay at hindi mawalan ng pag- asa, alang-alang sa kaniyang asawa at anak. "Gusto kong mag-banyo," saad ni Quinn na tila nahihiya pa ito. "Halika, ma'am. Hahawakan kita," ani Cora at inalalayan niya si Quinn na makatayo at dinala niya sa loob ng banyo. Dahil nahihirapan itong makabangon at nakatali rin ang kaniyang mga kamay sa likod. Naka kadena ang kaniyang mga paa. "Bakit ba nila ito ginagawa sa akin?" umiiyak niyang tanong. Sapag