Matagal na itong pinaplano ni Steela, kaya hindi puwedeng pumalpak sila.
"Good morning, Quinn!" bati ni Steela, nang makasalubong niya ito.
"Good morning too, Steela!" masayang tugon niya.
"Busy ka ba mamayang lunch?" tanong ni Steela.
"Not so, why?"
"Sabay sana tayong mag-lunch."
"Sure! Daanan mo na lang ako dito mamaya."
"Okay."
Agad namang tinawagan ni Quinn, ang asawa. Upang ipaalam na hindi siya makakauwi ng lunch, sapagkat nagyaya si Steela sa kaniya at pumayag naman si Axel.
"Quinn, car ko na lang ang gagamitin natin," alok ni Steela, nang magkasama na ang dalawa papuntang basement.
"Yeah sure!"
At nagtungo sila sa malapit lang na restaurant at doon ay puno sila ng kuwentuhan at tawanan. Ang hindi alam ni Quinn na lahat na iyon ay isang pakitang tao lang ni Steela.
KINAHAPUNAN habang papauwi na si Quinn, mula sa kompanya ay sinundan siya ng dalawang sasakyan. Si Steela at ang kaniyang tauhan.
"OH—MY—GOD!" bulalas ni Quinn, nang mapansin niyang hindi kumakapit ang preno.
Buti na lang ay wala pa siya sa masyadong pababa na kalsada. Agad nag-panic si Quinn, ngunit pilit pinakalma ang sarili.
Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang phone mula sa bag at tinawagan ang asawa.
( Wifey... calling... . )
"Daddy, si Mommy, kanina pa tumatawag." sabi ni Thorn, at inabot sa ama ang phone nito. Sapagkat naiwan niya ito sa sala.
"Hello, wifey?" sambit niya
"Axel, nawalan ng preno ang aking sasakyan, ano ang gagawin ko?" umiiyak niyang sumbong.
"WHAT?! Nasaan ka ngayon?!" gulat niyang tugon, at sobra itong nag-aalala.
"Dito na ako banda sa zigzag road!" nanginginig ang boses ni Quinn, at patuloy ito sa pag-iyak.
"Please — Calm down, Quinn. Papunta na ako diyan!"
Nang matapos mag-usap ang dalawa ay naghanap si Quinn, ng isang lugar kung saan puwede niya ibangga ang kaniyang kotse. At kasunod noon ay ang pagsalpok ng kotse ni Quinn sa isang maliking puno. Ngunit ang pagsalpok na iyon ay kaniyang napaghandaan. Kaya hindi siya masyasong nasaktan.
Nang mapansin ni Steela, na buhay pa si Quinn, ay agad niyang tinawagan ang kaniyang inuutusan.
"Kumilos kayo! Puntahan n'yo siya at sunugin ninyo ang kaniyang sasakyan bilis na!" taranta niyang utos.
"Okay, ma'am!"
"Sino kayo?! Ehmp! Ehmp!" Pilit nanlaban si Quinn, ngunit malakas ang puwersa ng dalawang lalaking naka bonet.
Pinasinghot siya ng tela na may gamot pampatulog. Pinagtulungan nilang buhatin ang walang malay na babae at isinakay sa kanilang sasakyan. Muli nilang binalikan ang kotse ni Quinn, at binuhusan ng gasolina sabay sindi nito. Mabilis lumaki ang apoy at maya-maya pa ay sumabog na ito.
"Umalis na kayo at dalhin n'yo ang babae sa bahay," utos ni Steela
Agad nagkagulo ang mga tao sa paligid, nang marinig nila na may malakas na pagsabog. Dumating naman si Axel, at nang makita niyang may nagkagulo ay agad siyang pumarada. Kinabahan siya habang pababa ito sa kaniyang sasakyan.
"M-miss, anong nangyari diyan?" garalgal ang boses niya habang nagtanong sa dalagang tumatakbo.
"M-may sasakyang sumabog."
"Ano?!"
Tumakbo si Axel, sa kinaroroonan ng gulo at nakita niya ang sasakyan ng kaniyang asawa.
"Oh, Jesus!" bulalas niya at dahan-dahang lumapit sa kotse.
"Quinn! Quinn! Ang asawa ko! Quinn... Quinnn!" Nagsisigaw si Axel, at napaluhod sa harapan ng sasakyan na sunog.
Nagiging emosyonal si Axel, sa kaniyang nakita at nagsisigaw ito. Upang makahinga siya dahil ay biglang naninikip ang kaniyang dibdib.
"Sir, kilala mo ba ang may-ari ng sasakyan?" tanong ng pulis.
"Oo, sasakyan ito ng asawa ko. Kanina tumawag siya sa akin at sinabi niyang nawalan raw ng preno ang kaniyang sasakyan. Nasaan ang asawa ko?" wala sa isip niyang tanong.
"Wala kaming nakitang katawan sa loob ng sasakyan, sir. Baka may sumaklolo sa kaniya at dinala sa hospital"
"Seryoso kayo, sir?"
"Yes, negative na walang tao sa loob."
"Thank you, Lord!" nakahinga nang maluwag si Axel, sa kaniyang narinig.
"Ano pala ang pangalan ninyo, sir?At ang pangalan ng asawa mo?"
"Axel Rocco, at ang pangalan ng asawa ko ay Quinn Rocco."
"Kamag-anak n'yo ba ang may-ari ng CEMENT ROCCO COMPANY?"
"Yes. I am the president of the company. Ang asawa ko naman ay ang presidente ng AGUA MINERAL CORPORATION. Please, imbestigahan ninyo ang pangyayari ng ito, sir."
"Don't worry, gagawin namin ang lahat at agad namin kayong balitaan.
"Bilisan ninyo! Baka may makakita pa sa inyo!" utos ni Steela, at nagpalinga-linga ito sa paligid.
Pinagtutulungan ng dalawang lalaki na buhatin ang walang malay na si Quinn. Nang papasok ang mga ito sa sala ay nakita sila ng katulong. At nagulat ito nang makita niya ang babaeng walang malay.
"Cora!" matigas na sambit ni Steela sa katulong.
"Ma'am! Mabilis niyang sagot at lumapit sa amo.
"Makinig ka! Wala kang nakita at wala kang narinig! Naintindihan mo?!" bulyaw nito, at tinutukan siya ng baril.
"O-opo! Opo!" kandautal nitong sagot at nanginginig ang buong katawan.
"Siguraduhin mo iyan, dahil kung magkakamali ka ay ipapatay ko ang iyong pamilya!" Pagbabanta niya.
"Opo! Ma'am!" takot na takot nitong sagot.
Halos hindi makapaniwala ang katulong na ito pala ang tunay na ugali ng kaniyang pinaglilingkurang amo
Dinala nila sa underground si Quinn, at agad nila itong tinalian sa kamay at kinadina ang mga paa niya.
"Siguraduhin ninyong hindi iyan makawala!" utos niya rito
"Opo, ma'am!"
Nang matapos nilang maikadina ang babae ay agad na silang binayaran ni Steela sa malaking halaga. tig-dalawang daang libo ang kaniyang ibinayad sa dalawang lalaki.
"Salamat, ma'am. Tawagan mo lang kami kung may ipatrabaho ka sa amin."
"Yes. Sige na, umalis na kayo."
Nang makaalis ang mga lalaki ay agad niyang tinawag si Cora. Lumapit naman ang katulong na nanginginig sa takot.
"Makinig kang mabuti, pakainin mo iyang bilanggo. Pero huwag na huwag mong kalagan. Hayaan mong kakain siyang mag-isa gamit ang kaniyang bibig. At huwag na huwag mong sabihin kung nasaan siya, huwag mo ring tanggalin ang takip sa kaniyang mga mata. Pagkatapos mong pakainin, ibalik mo ang takip sa kaniyang bibig! Naintindihan mo?!"
"Opo! Ma'am!"
"Good!"
Agad tumalikod si Steela, at nakahinga naman ng malalim si Cora.
"Bakit kaya dinukot siya ni, ma'am? Kawawa naman, sobra pa namang bait ni, ma'am Quinn," pabulong niyang tanong sa sarili.