Episode 1- Happy Family
"Wifey, later ay dadaanan ko kayo ni Thorn. Sa labas na tayo mag-lunch," sabi ni Axel, bago siya umalis papunta sa kanilang company.
"Okay, hubby. Maghihintay kami dito mamaya. Love you! Mag-iingat ka sa pag-drive," tugon ng asawa, sabay halik sa labi.
Ang 'CEMENT ROCCO COMPANY' ay pag-aari ng mga magulang ni Axel. Dahil nag-iisa siyang anak ay siya ang ginawang presidente ng kaniyang ama. Isa rin silang stock holder sa kompanya nina ni Steela. Kung hindi dahil sa ama ni Axel ay tuluyan ng bumagsak ang kanilang negosyo. Ang ama ni Axel ang nagpabangon nitong muli, seventy percent ang kanilang share sa 'AGUA MINERAL CORPORATION'
Dahil mataas ang share ng ROCCO kaya si Quinn, ang itinalaga, bilang presidente at si Steela naman ang vice-president.
Magkaibigang matalik ang mga magulang ni Steela at Axel. Minsan na silang ipinagkasundo ng kani-kanilang mga magulang. Ngunit ayaw ng lalaki sapagkat ay hindi niya gusto si Steela.
Subalit si Steela, ay sobrang naghuhumaling sa kaniya. Naghihintay lang ito na liligawan siya ni Axel. Ngunit iba ang napupusuan ng lalaki.
Nagkakilala si Quinn at Axel sa kolehiyo, magkaklase sila sa kursong. 'Bachelor or Science Major of Marketing Management'. Mabait si Quinn, maganda, masipag at sobrang tahimik.
Nang malaman niyang wala pang nobyo ang dalaga ay agad niya itong nililigawan. Simple lang ang pamilyang pinagmulan ni Quinn, hindi mahirap at hindi rin mayaman. Ulilang lubos ang dalaga at nag-iisang anak. Namatay ang mga magulang nito sa isang car accindent.
Lumaki siya sa kaniyang Lola, pinalaki sa tamang disiplina. Kaya noong nakapagtapos sila sa kolehiyo ay agad na silang nagpakasal. Nagustuhan naman siya ng mga magulang ni Axel, sapagkat ay magalang at mapagpakumbaba si Quinn.
Nang malaman ito ni Steela, ay sobra siyang nasaktan at pansamantalang nagpakalayo-layo.
When she realize na hindi pa huli ang lahat ay umuwi siya ng Pilipinas. But, it's too late dahil isa ng presidente si Quinn sa kanilang kompanya. Sapagkat napabayaan ng kaniyang ama ang kanilang negosyo. Dahil sa pagkalulong nito sa casino.
Pakiramdam ni Steela, ay inagawan siya ni Quinn sa maraming bagay.
"Babawiin ko ang inagaw mo sa akin Quinn, may araw ka rin!" Ito ang isinaisip ni Steela.
Kaya ang kaniyang ginawa ay nakipag mabutihan siya kay Quinn. At kinuha rin niya ang loob ng anak nila ni Axel na si Thorn. Ang pitong taong gulang na batang lalaki.
Kapag-araw ng Sabado at Linggo ay hindi nagpupunta sa opisina si Quinn. Dahil ang araw na iyon ay inilaan niya sa kaniyang mag-ama. Ganoon rin si Axel, ngunit minsan ay nagpupunta ang lalaki tulad ngayon na may malaking shipments sila para Japan.
"Steela, napatawag ka?" boses ni Axel sa kabilang linya.
"Hmmm...yayain ko sana kayo ni Quinn na dito sa bahay mag-lunch."
"Anong okasyon?"
"Wala naman, naisipan ko lang."
"Sorry, hindi kami makapunta. May family bonding kami mamaya. Next-time na lang."
"Ganoon ba? Okay, no problem, and enjoy kayo."
"Thanks! Bye!" paalam sa kabilang linya.
"s**t!" mura ni Steela, matapos kanselahin ng lalaki kanilang pag-uusap.
After ng transaksyon ni Axel sa kompanya ay agad na siyang umuwi...
Nagsilbato siya at hindi na bumaba sa kotse at hinintay na lang niya ang kaniyang mag-ina sa garahe.
"Thorn, let's go! Your Dad is outside," sambit niya sa anak.
"Okay, Mom. I'm coming!" tugon ng kanilang anak at patakbo itong bumaba ng hagdan.
"Slowly baka mahulog ka," paalala ng isang butihing ina.
Magkahawak ang kamay ng mag-ina na lumabas sa kanilang bahay.
"Hi, Dad!" bati ni Thorn, sa ama nang makasakay sila sa kotse.
"Hi, son!" tugon ng ama, sabay halik nito. Ganoon din ang kaniyang ginawa sa asawa.
"Saan pala ang gusto ninyong pumasyal after nating mag-lunch?" tanong ni Axel.
"Thorn, saan mo gusto?" baling ni Quinn sa anak.
"Hmmm... kina Lolo na lang, Dad. Na-miss ko na sila, eh!" pahayag ng kanilang anak.
Nang matapos silang kumain ay agad na silang nagtuloy sa mansion. Doon sila nagbabad buong maghapon at doon na rin sila naghapunan. Gabi na sila nakauwi sa kanilang sariling bahay. Dahil sa pagod ay nakatulog ang anak sa loob ng sasakyan.
"Thorn, anak," yugyog ng ina, ngunit hindi ito nagising.
"Huwag na, wifey. Bubuhatin ko na lang."
"Good evening, ma'am, sir!" bati ni Maricel, ang yaya ni Thorn.
"Magpahinga ka na, Maricel. Tulog na ang alaga mo at kami na ang bahala sa kaniya," nakangiting sabi ni Quinn.
"Okay, ma'am Quinn. Salamat, and good night!"
"Good night too!"
-STEELA POV-
"Hello! Gawin n'yo na bukas ang inutos ko sa inyo," sabi ni Steela sa kabilang linya.
"Okay, ma'am."
Kinabukasan ay nagpaalam si Axel na mauna na sa pag-alis ng bahay. Dahil may maaga siyang appointment sa kanilang shipment.
"Hubby, mag-breakfast ka muna," sabi ng butihing asawa niya.
"Okay, wifey."
Dali-daling inaasikaso ni Quinn, ang pagkain ang breakfast ng asawa. Ito ang lagi niyang ginagawa sa araw-araw, ang pagsisilbihan ang asawa at anak.
"Wifey, ako na ang susundo sa anak natin mamaya," he said.
"Okay, hubby," she answered.
Nang matapos mag-almusal ay agad na itong umalis. At siya naman ay nag-asikaso na sa kaniyang sarili. Dahil maya-maya lang ay bababa na rin ang kaniyang anak. Hanggang sa makaalis na rin silang mag-ina at idinaan niya ang anak sa kaniyang eskuwelahan.
"Mommy, ikaw ba ang susundo sa akin?" his son asked.
"Nope! Si Daddy ang magsundo sa iyo mamaya," she replied.
"Okay, Mom."
Nang maihantid ni Quinn ang anak ay agad na siyang nagtungo sa kompanya.
Wala siyang kamalay-malay na may nag-aabang na pa lang panganib sa kaniyang buhay. Pagkaparada niya sa kaniyang sasakyan sa basement ay nagmadali na siyang pumasok sa entrance.
Ang dalawang lalaki naman ay agad lumapit sa sasakyan ni Quinn. Ang isang lalaki ay siyang nagbabantay sa paligid. At ang isa naman ay agad kumilos, pinutol niya ang brake sa sasakyan ni Quinn, at nagmadali na itong lumayo.
Maraming kasabwat si Steela sa planong iyon sapagkat ginamitan niya ito ng malaking suhol.
Malaki rin ang kaniyang ibinayad sa nagbabantay ng cctv. Kaya walang kuha sa mga oras na iyon. At malinis ang pagkagawa nito.