Pinutol ng lalaki ang kanilang pag-uusap at sinubukan naman itong tawagan ni Steela. Subalit naka-off na ang phone nito. "Damn it!" payamot nitong sabi. "Bakit, ma'am?" "Wala!" Pansamantalang tumuloy si Steela sa squatter, kung saan nakatira ang kanyang kanang-kamay na si Apollo. Kailangan natin ng hideout, iyong hindi tayo matunton agad. At mamayang gabi papasukin n'yo ang aking bahay, kunin ninyo ang pera sa safety vault, isama ninyo ang aking passbook at ATM card. Kailangan natin ng maraming pera at kailangan ko rin ng mga tao." "Sige po, ma'am. Ilan ba ang kakailanganin mong tao, ma'am? At magkano ang budget mo sa kanila?" "Kahit mga lima, twenty-five thousand each." "Okay, ma'am. Aalis kami ngayon para maghanap ng bago nating hideout." SAMANTALA, dumating na rin ang mga hina-