Habang nakaupo si Quinn ay bigla siyang napapaisip. "Cora," sambit niya. "Yes, ma'am Quinn?" "Paano kaya kung magpapaturo ako kay Warren." "Paturo ng ano, ma'am?" "Kung paano humawak ng baril, para naman maprotektahan ko ang aking sarili. "Ay! Maganda ang naiisip mo, ma'am Quinn. Agree ako diyan." "Sige, kapag may oras ay pupunta tayo sa lugar nila." Muling dumungaw si Quinn sa bintana at nandoon pa rin ang itim na van. "Ma'am, sino ang tinitingnan mo sa baba?" "May itim na van sa harapan, medyo kahina-hinala." "Talaga, ma'am?! Naku! Tatawag na ako ng pulis!" taranta nitong sabi. "Huwag! Parating na sila Warren, hinintay ko ang tawag niya ngayon." "Eh… iyong bata, ma'am?" "Oo nga pala, sandali tatawagan ko ang driver!" Dali-dali niyang pinindot ang numero ng drayber at agad