"Walang anuman, ma'am. Basta itong mahal ko ang lalapit sa akin, lahat ay gagawin ko." "Suwerte mo pala, Cora," sabi ni Quinn at nakangiti ito. "Naku! Sana lang hindi siya magloloko, ma'am," tugon ni Cora. Hanggang sa dumating sila sa isang abandonadong bodega medyo nasa liblib na lugar ito at sa unang tingin ay walang katao-tao. "Parang wala namang tao dito, Alvin," wika ni Cora. "Mayroon iyan, halikayo papasok tayo sa loob. Ingat sa daan, ma'am Quinn, Cora," turan nito. "Bossing! Bossing, nandito na kami!" sambit ni Alvin. "Ahem!" Isang agham ang narinig nila at sabay-sabay silang napalingon. "Magandang hapon!" anang lalaki, na tama lang ang pangangatawan nito. "W-Warren? I-ikaw ba iyan?" bungad na tanong ni Quinn. "Quinn?!" ganting sambit ng lalaki. "Oo, ako nga!" nakangiting