KABANATA 6: AT THE FARM

3111 Words
KABANATA 6: AT THE FARM “MARIA!” SIGAW NI Stella sa sobrang saya nang makita ang kaibigan. Napatakbo naman siya dahil sa galak. Nang nasa harapan na siya ng kaibigan, hindi na siya nagsalita at niyakap ito. Makikita naman sa mga mata niya ang pangungulila sa kaibigan. Mabuti na lang ay pinayagan siya ni Leon. Ang buong akala niya ay mahihirapan siya. May ugali kasi si Leon na kung ano ang gusto, iyon ang masusunod. Bumuwag sa pagyakap si Maria at tinitigan nito nang matagalan si Stella. Para bang hindi ito makapaniwala na nasa harapan na nito ang kaibigan. Hinaplos pa nito ang mukha at walang tigil sa pagpisil. “Mas gumanda ka lalo. Alam mo ba? Habang tinitignan ko ang mga wedding pictures niyo ni Leon ay hindi ko mapigilan ang mapaluha. Pangarap lang natin dalawa noon, I mean tatlo ang magkaroon ng isang katulad ni Leon na nasa kanya na ang lahat. Naalala ko pa noon, palagi kaming nagpapapansin ni Maria sa asawa mo, pero irap lang ang natatanggap namin. Ikaw lang pala ang gusto.” Tumawa naman siya habang inaalala ang nakaraan. “Grabe ka.” “Ang swerte mo talaga sa lahat. Halika at umupo ka muna.” Nang nakaupo si Stella... “Kumusta ang unang gabi niyo? Ano sa pakiramdam?” si Maria Claire. Namumula naman ang mukha ni Stella at tila hindi makasagot. Naiilang siyang sagutin ang tanong ng kaibigan. Inalayan lang niya ito ng ngiti. “Malaki ba?” nakangiting tanong ni Maria Claire. Nilingon pa niya si Maria Angel na tahimik lang sa gilid. “Feeling mo, Maria?” Nagkibit-balikat naman si Maria Angel. “Ewan ko. Ang panget naman kung iisipin ko.” “Change topic na nga. May mga bagay na hindi na pwedeng pag-usapan. Sa amin na lang iyon mag-asawa.” “Ang pormal naman. Ang unfair lang sa side namin ni Maria. Kami noon, panay kwento sa iyo.” “Basta. Hindi ko siya kayang ikwento. Sana maintindihan niyo ako.” “Oo na lang.” Itinaas ni Maria Claire ang kanang kamay at parang may hinahanap. Napangiti naman ito nang makita ang sadya, “Waiter!” Nang lumapit ang waiter ay agad nag-order ang magkakaibigan. Sinulit na nina Stella at Maria Angel ang mga pagkain dahil libre naman ang lahat ng bagong dating na kaibigan mula sa bansang Amerika. “Kumusta roon?” tanong ni Stella. “Nakakaduling. Ang sasarap ng mga kano!” gigil na kwento ni Maria Claire. Napatingin naman sa isa’t isa sina Stella at Maria at pareho ang dalawa na hindi mapigilang tumawa. Pagkatapos, nilingon na ni Stella ang kaibigan na nagkukuwento at binigyan nang kakaibigang tingin. “Ano pala talaga ang ipinunta mo roon? Aminin mo nga,” tanong ni Stella. “Trabaho. Pero dahil sa panunuyo ko nang halos dalawang buwan doon, hindi na ako nakapagpigil. Ginamit ko na ang ganda ko. Mabuti na lang ay marami akong naakit na Kano roon.” “Iba ka talaga, Maria,” si Maria Angel. “Look who’s talking. Pareho lang tayong dalawa, ’di ba? Si Stella lang naman ang iba sa atin.” “Kayo talaga. Anong iba riyan. Tumahimik na nga kayo.” “Anyways, Maria, hindi ka ba pinatira ng boyfriend mo sa bahay nila?” tanong ni Maria Claire. “Nangungupahan lang din sila. Lima silang lahat sa pamilya. Dalawang kwarto. Sa sala nga lang siya natutulog. Kung nandoon ako, wala rin akong pwesto.” “Ang sad naman. Pero mabait naman iyon si Tep, ’wag mo ng pakawalan,” sabi ni Stella. “Ewan ko ba. Hindi naman nakakabuhay ang mabait lang. Mabait nga, wala namang mailalapag sa mesa. Kulang nga ang sweldo niya sa pamilya niya. Paano pa ako na kasintahan niya lang?” “Pero nagsisikap naman si Tep, Maria,” si Stella. Saksi siya roon. “Alam ko. Pero kailangan kong maging practical ngayon—nasunugan na ang girlfriend niya. Ano ang tulong ang naibigay niya? Emotional support? Hindi iyon ang kailangan ko.” “Grabe siya. Pauutangin kita. Basta ’wag ka lang mag-isip nang ganyan. Naaawa tuloy ako kay Tep. Feeling ko, sa ngalan ng pera—gagawa ka ng karumal-dumal na krimen. Iiwan mo siya at ipagpapalit sa may pera na kayang ibigay ang luho mo. ’Wag ganoon, Maria,” si Maria Claire. “Sorry,” aniya sabay tulo ng luha sa mga mata niya. “Bakit? Oy, nasaktan ka ba sa sinabi ko? Parang hindi ka naman nasanay,” si Maria Claire. Nag-aalala ito sa kaibigan. “Maria,” sambit ni Stella. “Mahal ko si Tep, pero feeling ko—kailangan ko na siyang pakawalan.” “P*tang-ina naman, Maria! ’Wag ka nga ganyan,” si Maria Claire. Mukhang naiinis na ito sa kaibigan. “Huwag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo, Maria. Pag-isipan mong mabuti. Baka magsisisi ka lang sa huli.” Hindi na sumagot si Maria at nagpupunas na lang ng luha sa mga mata nito. Sina Stella at Maria naman ay nagtinginan. Makikita sa mga mata nila ang pag-aalala sa kaibigan na nawalan na ng pag-asa. “Isipin mo ang anaconda ni Tep. Kaya mo bang pakawalan?” biglang sabi ni Maria Claire. Natawa naman si Maria Angel. Kahit si Stella sa gilid, nagpipigil din. Natuwa lang sila sa sinabi ng kaibigan. Sa kanilang tatlo, si Maria kasi ang babaeng walang sinasanto. Kung ano ang gusto nitong sabihin, sinasabi nang walang anumang takot. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Maria,” nakangiting sabi ni Stella. “Ako pa ba? Hello?” Minuto ang lumipas, dumating na ang in-order nila. Agad naman silang nagsimulang kumain dahil nagugutom na sila. Habang kumakain sila, palihim na tinitingnan ni Stella si Maria Angel. Naawa siya para rito. Natatakot siya na baka ano na ang gagawin nito sa buhay gayong nawalan na ito ng pag-asa. ••• “HEY! ANG ATE mo? Nasaan?” tanong ni Agila. Nasa tapat na ng pintuan nila Shekaina ang gwapong binata na si Agila. Napag-usapan na kasi nilang dalawa na ipapasyal niya ang dalaga sa farm nila. Kahit hindi sila magkaibigan, napagsunduan pa rin nila ang bagay na iyon. Tiningnan ni Skyler ang ikalawang palapag ng bahay nila. “Ate! Hinahanap ka ng kapatid ni Kuya Leon!” “Papasukin mo muna!” sigaw ni Shekaina. “Okay!” Tiningnan ni Skyler si Agila. “Kuya, pasok ka raw muna.” “Narinig ko nga. A-Ano? Hindi ba madumi ang bahay niyo?” paninigurado ni Agila. “Mas madumi pa po ang pag-iisip mo, Kuya,” walang takot na sagot ni Skyler. Napangiti naman si Agila. “Magkapatid nga kayo ni Shekaina. Papasok na ako, ah?” “Go.” Pagpasok ni Agila, iginiya niya ang tingin sa paligid. Dumiretso naman siya sa bubong na punong-puno ng mga sertipiko at medalya. Hindi niya namalayan na napangiti na siya habang tinitigan iyon. Nilingon niya ang kapatid ng sadya niya. “In fairness. Matalino kayong lahat. Parang kami lang din ng mga kapatid ko.” Hindi naman sumagot si Skyler at umupo lang sa sofa ng bahay nila. Napakunot noo naman ito nang makita ang sapatos ng bisita. Hindi nito iyon gusto ang ginawa. “Kuya, tanggalin mo nga iyang sapatos mo. Madudumihan ang sahig namin.” “A-Ano? Baka madudumihan ang paa ko?” “Malinis naman ang sahig namin. Pakitanggal nga iyan. Ang bastos mo. Hindi marunong mag-adjust. Si Kuya Leon nga, nagtatanggal ng sapatos.” “Ang sungit mo namang ungas. Oo na, tatanggalin na!” inis na sagot ni Agila. Mukhang napahiya siya roon. Inis na bumalik sa may pinto si Agila at inilagay ang sapatos niya sa gilid ng pinto. Pagbalik niya sa sala, umupo siya sa sofa. Sinilip naman niya ang ginagawa ni Skyler. “Watching anime, ha. Highly recommended, hentai,” si Agila. Hindi naman siya pinansin ni Skyler at parang wala lang narinig. Napailing-iling na lang si Agila habang hindi mapigilang mapangiti. Natutuwa lang siya sa ugaling ipinapakita ng kapatid ng sadya niya. “Shekaina! Bilis!” sigaw ni Agila. “Bahay mo ito, Kuya? Kung makasigaw ka naman,” sabi ni Skyler nang hindi man lang tinitingnan ang katabi. “Ang ungas mo, ha? Good iyan.” “Anyways, ano po ang gusto niyo? Tubig, softdrinks, or juice?” “Malinis ba ang baso niyo? Tubig? Pitcher?” “Mas malinis pa po sa budhi niyo. Ano na?” “Tubig na lang. May UTI ako.” “Talaga? Pero hindi ako nagtanong, ha.” Napailing-iling na lang si Agila. Hindi siya makapaniwala na makatagpo siya ng tao na katulad ng mga kapatid niya, na kung tawagin niya ay ungas. “Ungas ka nga.” Pagdating ni Skyler sa tapat ni Agila, inabot niya ang basong may lamang tubig. Tinanggap naman iyon ni Agila. Pero bago niya ininom, tiningnan niyang mabuti ang baso at ang laman na tubig. Nang sa tingin niya ay malinis, ininom na niya. “Thanks dito.” “I’m coming!” masayang sabi ni Shekaina. Pagbaba ni Shekaina, napatitig si Agila rito. Hindi niya inaasahan na mas may igaganda pa pala ang kaklase. Ang suot ni Shekaina ay isang hipster na denim habang sa pang-itaas naman ay crop top na off shoulder. May nakasabit naman sa balikat nito na isang sling bag na tanging pitaka lang at cell phone ang magkasya. Sa buhok naman, nakatali ito kaya makikita ang kinis ng leeg nito at malalim na balagat. “Magbihis ka nga!” suway ni Skyler. “H-Ha? B-Bakit?” takang tanong ni Shekaina. “Too revealing. Lalaki ang kasama mo.” “Grabe naman sa akin ang kapatid mo, Shekaina. Kanina pa niya ako binabastos. Mabuti na lang ay mahaba ang pasensiya ko. Kasinghaba ng—” “Mabait iyan. Nagpapanggap lang iyan na kumag para sabihing cool. Pero sad boy iyan.” “Sad boy the heck?” irap na sagot ni Agila. “Ungas ka! Tara na!” singhal ni Shekaina. Bago umalis si Agila, hinampas niya muna ang noo ni Skyler. Wala namang nagawa si Skyler kung hindi ang hawakan ang noo nito at haplusin. “Bye, ungas!” sambit ni Agila. “Isara mo ang pinto, bunso. Mauna na kami,” paalam ni Shekaina. Paglabas ng dalawa, agad silang tumungo sa sasakyan. Pinagbuksan naman ng pinto ni Agila ang dalaga kaya palihim itong napangiti. Hindi lang nito inaasahan na gagawin iyon ng binata. Mukhang tama nga ang pakiramdam nito na may mabuting puso si Agila. “Thanks,” si Shekaina. Hindi na sumagot si Agila at lumipat na sa kabilang puwesto. Pagpasok niya sa sasakyan, agad niya tiningnan ang dalaga. “Kayo lang ang nandoon? Saan ang parents niyo?” tanong ni Agila. “As I’ve said last time, may pwesto kami sa palengke. Syempre, roon sila sa madaling araw hanggang gabi.” “So madalas sila wala sa inyo. Mabuti matino kayo kahit kulang kayo sa aruga.” “Bukas kasi ang isip namin sa reyalidad. Ginagawa nila iyon for us. May rason ang lahat. So bilang anak, nakikita namin iyong sacrifices nila. Bilang ganti, ginagalingan namin sa academics para maging masaya naman sila.” “Ginagalingan mo sa acads, really? Bakit hindi kita nakitaan ng potential?” “Ang yabang talaga! Kahit hindi ako kasingtalino mo, school valedictorian ako noong junior high sa amin!” “Ang sad naman ng past school mo. Hindi ka nga umabot sa top 10 sa overall.” “It’s okay. What matters most to me. Proud ang parents ko sa akin. Ikaw kaya na overall top 1? Proud ba sila sa iyo?” Natahimik si Agila at pinaandar na lang ang sasakyan. Nakaramdam naman ng konsensiya si Shekaina nang makita ang paglungkot ng mga mata ni Agila natapos ang sinabi. “Sorry,” si Shekaina. “Wala ka namang ginawang masama. Nagtanong ka lang naman.” “Sad boy ka nga, ungas.” “Hindi, ah. Huhubaran pa kita mamaya. Sana pumayag ka.” “Bastos! As if naman katulad ako ng mga babaeng biktima mo.” “Well see. Ang dami pa namang dayami roon.” “Ano ako? Kabayo?” “Mukha lang. Biro lang.” “Alam ko. Stop pretending rude. I know you are good.” “Ang dami mong alam. Pareho lang kayo ng kapatid mong ungas!” Tumawa lang si Shekaina. Alam nito ang ugali ng kapatid kaya sigurado itong nakatikim ang katabing binata sa mga sagot nitong pabalang. Habang nagmamaneho si Agila, nagpatugtog siya ng mga romantikong kanta. Sinabayan naman iyon ng katabi niyang dalaga. Hindi naman niya napigilang hindi mapatawa dahil sa panget ng boses na narinig niya. Pero hindi naman siya nainis bagkus natutuwa pa siya. Habang nakikinig si Agila sa pagkanta ni Shekaina, bigla siyang napatigil sa pagmamaneho. Napalingon naman siya sa dalaga at binigyan nang kakaibigang tingin. Napangiti naman si Shekaina sa naging reaksiyon ng katabi. “Akala mo, ha. Pinapatawa lang kita.” Ang dahilan ng pagtigil ni Agila ay ang marinig ang magandang boses ni Shekaina. Hindi niya inaasahan iyon. Ang buong akala niya ay wala itong talento sa pagkanta. Pero nagkamali siya. Ginawala lang pa iyon ng dalaga para matuwa siya. “Bakit mo naman ako pinapatawa?” “Nakikita ko lang ang lungkot sa mga mata mo. Sad boy ka nga talaga.” “Hindi ako sad boy.” “Sige na lang,” natatawang sabi ni Shekaina. Muli ng pinaandar ni Agila ang sasakyan at nagpaharurot ng takbo. Oras ang lumipas, dumating na sila sa farm nang mapayapa. Bago ginising ni Agila ang kaklase ay kinunan niya muna ito ng larawan. “Shekaina, we’re here. Gising na!” Pagmulat ng mga mata ni Shekaina, bumungad sa dalaga ang magandang mukha ni Agila. Inilayo naman nito ang mukha ng binata dahil naiilang ito. Hindi ito sanay sa ganoong eksena na madalas nakikita sa mga pelikula. Napangiti si Agila. “Naiilang ka, tama ba? May bisa rin pala ang kapogian ko sa isang katulad mo na ungas.” “Hindi ako bulag. Alam kong pogi ka. But damn—I can’t patol someone like you.” “Prank ba iyan? Lahat naman ay nahuhumaling sa akin. Pakipot ka lang. Tara na.” Inilapit muli ni Agila ang mukha niya sa dalaga. Tinitigan pa niya ito nang seryoso. Nang nakita niya ang hindi mabalisang mukha nito ay tumawa siya sabay bukas ng pinto. Pagkatapos, tinulak niya ang mukha nito. “’Wag ka nga matakot sa akin. Ang sabi ko sa iyo, hindi ako pumapatol sa may suot na mumurahing panty.” “Thanks be to God kung ganoon. Buy 2 take 1 lang itong suot ko sa Divisoria.” Tumawa muli si Agila at itinulak ang dalaga. Pinababa na niya ito. Nang nakababa na si Shekaina, bumaba na rin siya. “Welcome to Silvestre farm!” masayang sabi ni Agila. “Grabe! Ang ganda naman dito. Thank you, ha! Ang lawak, oh. Excited na tuloy akong makita ang kabuuan nitong farm.” “Happy to know na masaya ka. Halika na at ipapasyal na kita. Ang swerte mo, gwapo ang tour guide mo.” Habang naglalakad ang dalawa, pasimpleng inakbayan naman ni Agila si Shekaina. Walang reklamo naman ang dalaga at sinulit lang ang pagkakataon na makapasyal sa farm. Unang bumungad sa kanila na bahagi ng farm ay ang iba’t ibang klase ng bulaklak. “Agila, picture tayo roon,” masayang sabi ni Shekaina. Tinanggal nito ang kamay ni Agila sa balikat nito at hinila papunta sa naglalakihang sunflowers. Pagdating nila, agad inilabas ni Shekaina ang phone nito at inabot sa binata. “Kunan mo ako.” “Hindi ako humahawak ng old model ng Iphone.” Inilabas niya ang Iphone 13 sa bulsa. “I will use mine.” “Feeling mo ungas! Pero go! Kunan muna ako.” “Okay.” Kinunan na ni Agila ang dalaga. Masaya naman siyang nakikita sa mga mata nito ang saya. Pagkatapos, niyang kunan ito ay lumapit siya rito. Muli niya itong inakbayan at kinunan niya ng litrato na magkasama silang dalawa. “In fairness, bagay pala tayo,” nakangiting sabi ni Agila. “Pinagsasabi mo riyan.” “Sinusungitan mo na naman ako, ungas. Doon na muna tayo sa may puno ng mangga.” Pagdating nila roon, agad naghubad ng damit si Agila at inilagay iyon sa isang bakanteng upuan. Nanlaki naman ang mga mata ni Shekaina nang makita ang magandang katawan ng binata. “Oops. Katawan pa lang ito, pero mukhang nanghihina ka na. Paano na lang kaya kung ang ano ko na?” pagmamayabang ni Agila. “Sad boy—sh*t!” Tumawa lang si Agila dahil mukhang napataas niya ang dugo ni Shekaina. Nagsimula na siyang umakyat sa punong mangga at pumitas ng hinog na bunga. Nang may nakuha siyang isa, ihinagis niya ito sa dalaga. “Thanks!” nakangiting sabi ni Agila. “Hugasan mo muna bago kainin, ha? ’Wag mo dalhin ang kadumihan mo rito. May mga chemicals iyan.” “Alam ko! Nagbebenta rin kami ng prutas, ’no! Palibhasa utak mo kinalburo.” “Ungas ka!” natatawang sigaw ni Agila. Muling kumuha ng isang bunga si Agila at pagkatapos ay tumalon mula sa itaas. Hindi rin naman kataasan iyon kaya nakayanan niya. Kinuha naman niya ang mangga na hawak ng dalaga at nagboluntaryong hugasan. “Sir Agila,” bati ng isang trabahador sa loob ng farm. “Nandiyan si Agila?” tanong ng isang lalaki. Si Leon. Lumabas si Leon sa loob ng isang kubo. Nang nakita nito ang kapatid, tinaasan lang nito ng kilay bilang pagbati. “K-Kuya, nandito ka pala.” “Agi—K-Kuya Leon?” si Shekaina. “Leon, sinong nan—Shekaina?” si Stella. “A-Ate?” sambit ni Shekaina. Makikita sa mga mata nito ang takot. Inilihim pa naman nito ang lahat. “Agila? Bakit kayo magkasama?” seryosong tanong ni Leon. “Trip ko lang po,” si Agila. “Ano ang pinaplano mo? Ibahin mo si Shekaina sa mga nilalaro mo.” “Grabe ka sa akin. Nagmamagandang loob na nga para ipasyal siya rito. Ganyan pa kayo mag-isip.” Nilingon ni Agila ang dalaga. “Ganyan sila sa akin. Wala pa akong ginawa. Hinuhusgahan na! Kaya nga ginagawa ko na lang para makuha ko iyong expectations nila. Mga ungas, ’di ba?” “Anong sabi mo!?” inis na sabi ni Leon. “Leon, kalma,” si Stella. “Ewan ko sa iyo,” sagot ni Agila nang hindi tiningnan ang kapatid. Nagsimula na siyang humakbang palapit kay Shekaina. Pagdating niya, pinatalikod niya ito at inakbayan. “Samahan mo muna ako. Pakiramdam ko, iiyak ako. ’Wag mo akong pagtawanan, ha?” hiling ni Agila. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD