KABANATA 7: SILVESTRE BROTHERS
“SINO SA ATIN ang ungas? Tumigil ka sa paglalakad,” maawtoridad na sabi ni Leon.
Napatigil sa paglalakad si Agila habang nanginginig ang mga tuhod. Natatakot ito sa boses ng kapatid. Dahan-dahan nang humakbang patungo si Leon sa kapatid niya kaya dahan-dahan na rin umatras si Shekaina para bigyan nito ng pagkakataon ang dalawa na mag-usap. Pagdating ni Leon sa kinatatayuan ng kapatid, pumunta siya sa harapan nito. Pagkatapos, hinawakan niya ang baba nito at pinatingin sa kaniya. Pagtingin niya sa mukha ng kapatid, may namumuong luha sa mga mata nito. Tipid naman siyang ngumiti at binigyan nang mahigpit na yakap ito.
“Sorry. I did not mean it,” paghingi ng paumanhin ni Leon.
Tulayan ng tumulo ang luha ni Agila at niyakap din ang kapatid. Gumanti na rin ito sa yakap ng kapatid.
“’Wag mo na akong pagsabihan nang ganoon, Kuya. Nasasaktan ako,” hiling ni Agila.
Bumuwag sa pagyakap si Leon at pinunasan ang luha sa mga mata ng kapatid. Nginitian naman niya ito sabay tango. Senyales na hindi na niya gagawin iyon muli.
“Natatakot lang ako. Kapatid kasi iyan ng asawa ko. Paano kong saktan mo si Shekaina? Baka magkaproblema pa kami ng Ate Stella mo.”
“Hindi ko naman iyan kayang gagalawin, e. Hindi naman iyan katulad ng ibang babae na pabigay sa akin. Sinamahan ko nga lang siya rito kasi nang narinig niyang may farm tayo ay ang laki ng ngisi niya. Nakikita ko sa mga mata niyang ang pagiging ignorante. Kaya nagmamagandang loob na ako. Tapos pagsasabihan mo lang ako nang ganoon? Para ka rin si Daddy, e. Hindi mo nakikita iyong worth ko.”
Habang naririnig ni Shekaina ang sinasabi ni Agila ay hindi nito mapigilang mapakuyom ang kamao. Gusto nitong bugbugin ang kaklase sa harap ng panganay na kapatid nito. Naiinis ito sa sinasabi at hindi nito lubos matanggap iyon.
“Hindi totoo iyan. Proud ako sa iyo. Kahit sina Tigre at Dad. Kahit galit ako kay Daddy, alam kong proud siya sa mga achievements mo.”
“Bakit hindi niya sinasabi sa akin?” nakayukong tanong ni Agila. Nakanguso pa ito.
“Hindi naman kasi kailangan.”
“Bakit kay Kuya Tigre? Sinasabi niya? Naririnig ko iyon palagi. Ang sakit kaya rito sa puso ko.”
“Expressive kasi iyon kay Daddy. Daddy’s boy kung baga. Natural, showy rin si Dad sa kanya. Ikaw ba? Ipinapakita mo ba na mahal mo si Daddy? Hindi rin, ’di ba?”
“Iyon naman pala! Kaya ’wag ka ng sad boy riyan!” singhal ni Shekaina dahil sa inis.
“S-Shekaina!” singhal ni Stella.
“Bakit ba ang sungit mo? Okay naman tayo kanina, ha?” kunot-noong tanong ni Agila.
“Immature ka nga. Hindi ka aware sa mga sinasabi mo! Ungas!”
“Gusto mong upakan kita!” sigaw ni Agila.
Inakbayan ni Leon ang kapatid. “Kalma. Ang magaganda, minamahal.”
“Mumurahin lang ang panty niya, Kuya. Hindi ko siya type.”
Hindi naman napigilang humalakhak ni Stella. Natatawa lang ito sa sinabi ng bayaw. Kilala nito si Agila at alam nito na makulit itong bata ngunit may puso itong mamon. Madali lang din itong umiyak kaya palagi nitong pinagtatawanan noon.
Lumapit si Shekaina kay Stella at binigyan ng yakap. Humingi na rin ito ng patawad dahil sa hindi nito paghingi ng paalam. Taos puso naman iyong tinanggap ni Stella. Naiintindihan nito ang paliwanag ng kapatid. Pero pinapaalahan pa rin nito na sa susunod ay dapat maging matapat. Sinang-ayunan naman iyon ni Shekaina na tanggap ang pagkakamali na nagawa.
“Ganito na lang. Double date tayo,” nakangiting sabi ni Leon.
“K-Kuya? Double date talaga? Hindi ko nga type ang nagsusuot ng mumurahing panty,” si Agila.
“Kunwari ka pa. Ang gandang bata ni Shekaina. Mana sa Ate niya. Mabait. Pormal. Imposible kung hindi mo siya magustuhan."
Tiningnan ni Agila si Shekaina at binigyan nang pandidiring tingin. Matapang namang inirapan ng dalaga ang sa tingin nitong nang-aasar na binata. Lumapit naman si Agila sa kinatatayuan nina Shekaina at Stella at hinila si Shekaina.
“Ate, hiramin ko muna si Shey,” si Leon.
“S-Shey?” si Shekaina.
“Shey na lang ang tawag ko sa iyo. Ang haba kasi ng Shekaina.”
“Okay. Ate, magkikita lang tayo mamaya. Mamamasyal muna kami ng ungas na ito.”
“Okay. Mag-ingat kayo.”
“Agila, bumalik kayo rito sa pananghalian. Magpapahanda ako kay Manong.”
“Kuya, check mo iyong mga pinggan, ha? Tapos iyong kuko ni Manong. Lahat doon.”
“Oo na.”
Pag-alis ni Leon hindi niya mapigilang mapangiti. Kahit nadadagdagan na ang edad ng bunsong kapatid niya, nadadala pa rin nito ang ugali noong bata. Maarte kasi ito. Wala naman sana itong sakit na tinatawag na obsessive-compulsive disorder pero iba ito manigurado kung malinis ang isang bagay. Nakuha siguro nito ang ugaling iyon sa ina dahil malapit ito roon. Pagdating naman sa mga babae, sa mga pumapasa lang sa pamantayan nito ang tanging pinapatulan. Isang magandang babae, makinis, at birhen.
Nilingon ni Leon si Stella. “Tara na?”
“Saan?”
“Mamasyal din tayo, ’di ba? Date kung baga.”
“Pwede pa pala iyon?” natatawang sabi ni Stella.
“Kahit kasal na tayo, gagawin pa rin natin iyong mga bagay na magkasintahan pa lang tayo.”
“Kikiligin na ba ako?”
Inakbayan ni Leon ang asawa. “Bakit naman hindi? Ikaw lang naman ang babaeng pwedeng kikiligin sa akin.”
“Sana nga. Sana hindi mo ako pagsawaan.”
“Si Daddy lang ang makakagawa niyon. Pero ako? Ibahin mo ako. Hindi ako maging katulad ni Daddy. Kahit kasal na, nagagawa pa rin lumandi sa iba. Hindi na nahiya!? Mga bata pa talaga! Nakakahiya lang bilang anak niya,” gigil na sabi ni Leon.
“Sinisiraan mo na naman si Daddy, Kuya,” pagsulpot ng isang boses. Si Tigre.
Nilingon ni Leon ang kapatid at sinamaan ng tingin. Hindi naman nagpasindak si Tigre at walang takot na nakikipagtitigan sa kapatid. Pumagitna naman si Stella, ayaw nito ng gulo. Ang ayaw ni Tigre sa lahat, ang pagsalitaan ng masama ang ama nito.
“Bakit mo ba palaging pinagtatanggol ang taong iyon? Bulag ka ba, Tigre?” inis na sabi ni Leon.
“Iyon ang nakikita mo. Do you think that is valid? Wala ka namang alam sa lahat. Masyado mong pinapairal ang pride mo. Masyadong kang mapaniwala sa mga sumbong ni Mommy.”
“Si Mommy pa ang mali ngayon? Siya ang sinasaktan, ’di ba?”
“Wala ka ngang alam. Kung ako sa iyo, manahimik ka na lang.”
“Ano ba ang alam mo? Para ipagtanggol mo nang ganyan si Daddy?”
“Mahal ka niya, okay? ’Wag kang ganyan sa kanya.”
“Leon, tama na.” Nilingon ni Stella si Tigre. “Please. Tama na.”
“Okay,” sagot ni Tigre.
Bumuntonghininga si Leon. “Bakit ka nandito? Ano ang gagawin mo?”
“Ikukuha ko lang ng gatas si Dad.”
Napailing-iling na lang si Leon at umalis na. Sinundan naman ito ni Stella na labis ang pag-aalala sa asawa. Masyado kasing mainitin ang ulo.
Kinuha ni Leon ang cell phone niya sa bulsa. Pagbukas niya ng Facegrammer Account niya, napamura siya nang wala sa oras na ipinagtaka naman ni Stella.
“Ano ang meron, Leon?” si Stella.
“Iyong kaibigan mong si Maria. In-add na naman ako. Hindi ko nga pinapansin. Add pa rin nang add.”
“Bakit ba ganyan ang galit mo kay Maria? Wala naman iyong ginagawa sa iyo?”
“Malandi iyon. Nagtataka nga ako bakit naging kaibigan mo iyon.”
“Huwag ka namang ganyan, Leon. Hindi ganoong babae si Maria.”
“Mas mabuting manahimik ka na lang, Stella. Ayaw kong mag-away tayo nang dahil lang sa babaeng iyon.”
Tumahimik na lang si Stella dahil iyon ang gusto ng asawa. Nang napansin ni Leon na wala ng kibo ang asawa niya ay nakaramdam siya ng konsensiya. Huminto siya at hinarap ito.
“Nakita ko iyon ng dalawang beses. She wore sexy dress. Naghihintay sa may kalsada. May humintong sasakyan at inabutan siya ng pera. What’s next? Sumama siya roon sa sasakyan. Kaya noon pa lang, hindi ko gusto ang ugali niya. Pero wala akong magagawa dahil kaibigan mo siya.”
Natahimik si Stella dahil sa rebelasyon ni Leon. Hindi ito makapaniwala na magagawa iyon ng kaibigan.
“Tara na. Doon na tayo sa kubo.”
•••
“UNGAS, NANDITO KA pala,” si Agila.
Hindi sumagot si Tigre at patuloy lang sa pagpisil sa dede ng inahing baka para makakuha ng gatas. Habang ginagawa ng binata iyon, umupo sa gilid si Agila at tiningnan ang kasamang dalaga na tahimik na tinitingnan ang likuran ni Tigre.
“Ganyan sila sa akin. Hindi nila ako pinapansin! Hinahayaan lang nilang magsasalita ako, pero wala akong sagot na makukuha sa kanila,” sumbong ni Agila.
“Ano ang pinagsasabi mo riyan? Umalis ka nga!” singhal ni Tigre.
“Ganyan ka pala humimas ng dede, ungas? Ibang-iba sa akin, ha?”
Tipid na ngumiti si Tigre sabay hawak sa mukha ng kapatid. Nanlaki naman ang mga mata ni Agila nang maalala na galing sa dede ng baka ang kamay ng kapatid niya. Pagkatapos, sumigaw siya dahil sa galit at pandidiri. Napatakbo naman siya sa isang puno ng rambutan at doon walang tigil sa pagsusuka.
Napatawa naman si Shekaina habang tinitingan ang maarteng binata. Pagkatapos, umupo siya sa gilid ni Tigre at tiningnan ito. Tinapik pa nito ng tatlong beses na para bang magkakilala sila.
“Mabuti sumama ka sa kapatid ko?” mahinang tanong ni Tigre. Sinigurado nito na silang dalawa lang ang makarinig.
“Alam ko kasing darati—”
“Shey! Halika ka! Masahiin mo ako!” tawag ni Agila.
“Puntahan mo muna iyon. Shey ka na pala ngayon?”
“Hanggang ka—?”
“Ano ba iyan! Ang tagal mo naman! Bakit ka ba nakikipag-usap sa ungas na iyan?!” sabi ni Agila.
“Sorry.” Tumayo na si Shekaina at tiningnan si Tigre. “Mauna na kami.”
Napakamot naman sa ulo si Agila. “At nagpaalam ka pa talaga sa ungas na iyan? Hindi naman kayo magkakilala, ha?”
“Ang dami mong sinasabi, Agila.”
Nilingon ni Agila ang kapatid. “Kahit hate ko ang ugali mo, ungas! Magtatanong pa rin ako kung hindi ka ba sasama sa amin?”
Hindi na naman sumagot si Tigre sa pagmamagandang loob niya kaya napasigaw siya sa galit. Tumakbo naman siya at hinabol ang mga inahing manok na parang isang bata. Hindi naman mapigilang tumawa ni Shekaina habang ang mga mata nito ay nakatingin kay Tigre.
“Shey! Halika na!” sigaw ni Agila.
Paglapit ni Shekaina sa kinatatayuan ni Agila, inakbayan siya nito. Agad naman nitong tinanggal ang kamay ng binata at hindi mapakali. Hindi nagtagal, tumunog ang cell phone nito. Senyales na may nagpadala ng mensahe.
Pagbasa nito...
[Mahal: At sino ang nagsabing pwede kang magpa-akbay? Ipinagbabawal ko na iyon from now on.]
Palihim namang napangiti si Shekaina dahil sa nabasa. Pagkatapos, bumuntonghininga ito at hindi na sinagot ang mensaheng natanggap. Muli namang inakbayan ni Agila ang kaklase pero katulad kanina, tinanggal pa rin nito ang kamay ng binata.
Nang napansin iyon ni Agila ay agad niyang binatukan ang kasama. Napasigaw at napahawak naman si Shekaina sa batok nito. Tiningnan ng dalaga ang binata at sinamaan ng tingin.
“What the hell are you doing? Baliw ka na ba, Agila?”
“Ang arte mo the heck!? Wala ka namang reklamo noong inakbayan kita kanina, ha?”
“Basta. Bawal.”
“Arte! Cheap naman ang panty!”
“Ungas ka!” gigil na sabi ni Shekaina.
“Tara na! Ang arte mo!”
Pagdating nina Agila at Shekaina sa kubo, nakahanda na ang mga pagkain. Tinawagan naman ni Leon ang kapatid nitong si Tigre para kumain na ng pananghalian. Kahit nagkasagutan sila kanina, wala lang iyon para kay Leon. Mahal nito ang kapatid.
Minuto ang lumipas, dumating na si Tigre na may bitbit ng isang boteng gatas. Mga mahigit dalawang litro din ang laman niyon. Inilagay muna ito ng binata sa refrigerator at pagkatapos, agad ng naghugas ng kamay.
Habang nakatalikod sa lababo si Tigre, sinamaan ni Agila ng tingin ang kapatid. Nang nakita ni Leon ang ginawa niya, nakatikim siya ng hampas sa noo.
“Ano na naman ang problema mo?” si Leon.
“Napakaungas! Hindi ako pinapansin! Pinahiran pa ako ng kamay niya na galing sa dede—”
Napatayo sa upuan si Agila at tumakbo sa lababo para sumuka. Nandidiri lang siya nang maalala ang ginawa ng kapatid.
“Kadiri kang bata ka! Dito pa talaga sa lababo?” si Tigre.
“It’s all your fault! I hate you!”
“Tama na iyan. Kumain na tayo.”
Nang nasa mesa na ang lahat para kumain. Nagdasal na muna silang lahat sa pamumuno ni Stella. Nang natapos, napangiti na ang lahat dahil oras na ng kainan. May may iba’t ibang potahe naman sa mesa na inihanda ng trabahador nila na napakagaling sa kusina.
Bago kumain si Agila, inisa-isa niyang tingnan ang mga gamit sa harapan niya. Katulad ng kutsara, tinidor, plato, at baso. Mga minuto rin ang dumaan bago siya tuluyang kumain.
“Napagsunduan namin ni Stella na rito na lang tayo matutulog. Okay ba kayo roon?” masayang sabi ni Leon.
“Good. Katabi ko dapat si Shekaina, ha? Ako pa naman ang nagdala sa kanya rito,” si Agila.
“Kadiri ka talagang nilalang, Agila. Ate, pero paano si Skyler? Siya lang ang mag-isa sa bahay,” pag-aalala ni Shekaina.
“Papapunta na siya rito. Pinasundo ko na sa driver kanina pa,” si Leon.
“Grabe! Alam ko na ang end game. Magtatabi kami ng ungas mong kapatid! Mabuti na lang ay malinis iyon.” Tiningnan niya ang kapatid na si Tigre. “Mag-isa ka lang sa isang kubo. Ayaw mo ng maingay, ’di ba? Oo na! Maingay na ako,” si Agila. Sumimangot pa siya na parang aping-api sa mundo.
“Kaya dapat ay mag-enjoy lang tayo rito. Napaka-peaceful pa naman dito,” sabi ni Leon.
“Kuya, may dala ka bang drinks? Mag-inuman tayo mamaya,” nakangiting sabi ni Agila.
“At sinong nagsabi sa iyo na pwede ka ng uminom?” inis na sabi ni Leon.
“Ano ba iyan! Nag-inuman nga kami ni Mommy kahapon!” si Agila.
“So inaway na naman ni Daddy si Mommy?” tanong ni Leon.
“Si Mom ang nagsimula, okay?” si Tigre.
Tiningnan ni Leon si Tigre. “Hanggang kailan ka ganyan? Bulag at mangmang?”
“I know the truth,” giit ni Tigre.
“Nasa hapagkainan tayo. Leon, Tigre, please... kumain na muna tayo,” hiling ni Stella.
Tumahimik na ang dalawa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Si Agila naman ay hindi na lang pinansin ang dalawa niyang kapatid na palaging nagtatalo dahil sa mga magulang nila. Hindi na bago sa kaniya iyon.
~~~