KABANATA 5: MARIA IS BACK

2640 Words
KABANATA 5: MARIA IS BACK! “MARIA, MAKIKISABAY KA ba sa amin?” tanong ni Stella. Tiningnan nang masama ni Leon ang asawa. “Iba ang daanan niya, Stella.” “L-Leon,” nag-aalalang sambit ni Stella. “Tama si Leon, Stella. Nagtawag na rin naman ako ng taxi. Actually, papapunta na iyon dito.” “Sige.” Tipid na ngumiti si Stella. Nang natapos mag-agahan ang tatlo. Magkasabay na silang lumabas ng mansion. Dumiretso naman si Leon sa sasakyan nito. Habang si Stella ay nag-aalala sa kaibigan dahil sa ginawa ng asawa. “Papapunta na raw ang taxi na tinawagan mo, Maria?” tanong ni Stella. Hindi siya mapakali. “Yes. Sige na, sa labas na ako ng gate maghihintay.” Nang tumungo na palabas si Maria ay pumasok na si Stella sa sasakyan ng asawa niya. Nagpakawala naman siya nang malalim na hininga bago nilingon ang asawa. Pagkatapos, hinawakan niya ang binti nito at hinimas. “Huwag ka namang ganoon, Leon. Kaibigan ko pa rin iyon. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya,” si Stella. Makikita sa mga mata niya ang pag-aalala sa kaibigan. Hindi na sumagot si Leon at pinaandar na ang sasakyan. Wala namang nagawa si Stella kung hindi ang bumitaw na lang. Alam niya kasi ang ugali ng asawa. Kapag hindi ito sumagot, galit ito at hindi na puwedeng kulitin pa. Tuluyan na nga nakaalis ang mag-asawa habang si Maria ay naghihintay sa tinawagan nitong taxi. Tahimik namang nagtitipa si Stella sa cell phone niya dahil may ipapadala siyang mensahe sa kapatid niya. Pinadalhan niya kasi ito ng allowance para sa buong buwan. Ipinaalam niya lang dito ang inpormasyon para makuha agad ang pera. [Shekaina: Salamat, Ate. I love you. Ate, si Agila po.] [Stella: Bakit? Ano ang meron kay Agila?] [Shekaina: Palagi niya akong tinutukso, Ate. Bakit mo ba kasi inilipat ako ng school. Iyan tuloy. Out of focus na ako.] [Stella: Blessings iyan. Iyan ang gusto ng Kuya Leon mo. Hayaan mo na.] [Shekaina: Simple lang naman akong tao, e. Hindi ako makahinga rito. Ang yayaman ng mga tao rito.] [Stella: Bumili ka rin ng mga gusto mo. Malaki naman ang baon mo na ibinibigay ko.] [Shekaina: Ayaw ko. Sayang. Pinaghirapan mo kaya ito. Sige na, papapunta na ako sa school.] [Stella: Okay. Mag-ingat kayo. Bilhan mo ng makakain sina Mama, Papa, at Skyler kung makuha mo na ang pera.] [Shekaina: Okay, Ate.] Natapos magpalitan ng mensahe ang magkapatid ay napalingon si Stella sa asawa niya na tahimik na nagmamaneho. Tumikhim naman si Leon nang napansin na nakatitig siya rito. “Bakit?” tanong ni Leon. “Iyong kapatid mo. Si Agila.” “Ano ang meron sa bunso?” “Palagi raw nito tinutukso ang kapatid ko.” Napangiti naman si Leon. “May gusto lang iyon.” “Paano mo nasabi?” “Maganda ang kapatid mo; matalino, mayumi. Mana sa iyo. Sa tingin mo? Ano ang rason ni Agila para tuksuhin si Shekaina? Nagpapapansin lang iyon.” “Ganoon ba iyon? Bakit ikaw? iba? Ang sungit mo nga sa akin niyon.” “Ginagawa ko iyon para magmukhang cool. Iyon ang way ko para magpapansin sa iyo. And thank God, nabihag kita. Ibinigay ka Niya sa akin. Kasal na tayo at soon—magkakapamilya na.” “Hindi na ako makapaghintay, Leon. Sana magbunga agad. Sana may maging panganay na tayo.” “Yes naman. Alam mo, Stella, iyon talaga ang pangarap ko. Ang magkaroon ng anak. Dahil kapag may anak na ako, ipapakita ko kay Daddy kung paano ang magiging isang mabuting ama.” Hindi na sumagot si Stella. Naririnig niya kasi sa boses ng asawa ang gigil. Hindi naman niya masisisi si Leon, pero nandoon sa isip niya na sana magkaayos ang mag-ama. Walang galit at hidwaan. Minuto ang lumipas, dumating na sina Leon at Stella sa kumpanya. Dumiretso naman si Stella sa department kung saan siya napabilang. Pagkatapos, inilabas niya agad ang inaatas ni Cobra sa kaniya. Bumuntonghininga naman si Stella dahil makikita na naman niya ang biyenan. Nang lumabas siya ng opisina, masasalamuha niya ang biyenan na babae. Si Riza. Tumigil si Riza sa paglalakad habang nagpatuloy naman si Stella. Pagdating niya sa kinatatayuan ni Riza ay sinubukan niyang magmano, pero walang kamay ang tumanggap sa kamay niya. Inalis na lang niya iyon dahil nahihiya siya sa mga taong dumadaan. “Good morning, Mommy,” bati ni Stella. “Mommy? Maghunos dili ka, Stella,” irap na sabi ni Riza. “Sorry po.” “Saan ka?” “Kay Daddy po.” “Daddy?” Humahalakhak si Riza na parang isang mangkukulam. “Mom? You’re here,” sambit ni Leon. Napatigil naman si Riza sa pagtawa at biglang niyakap si Stella. Hinimas pa niya ang likuran nito. Ayaw nitong makita ni Leon na tinatarayan nito ang asawa. Alam kasi nito na magagalit sa kaniya ang panganay na anak. Nilingon ni Riza ang anak sa likuran nito. “Nakakatuwa ang asawa mo, ’Nak. Kinuwento niya sa akin ang unang gabi niyo bilang mag-asawa.” “Oo, Leon. Sorry,” sagot ni Stella para wala ng gulo. “Saan ka?” tanong ni Leon sa asawa. “Kay Dad,” sambit ni Stella. Wala namang nagawa si Riza kung hindi irapan ang manugang. Hindi nito gusto si Stella para sa anak. Una, payak lang ang pamumuhay nito. Pangalawa, nakaramdam ito ng takot na baka magkagusto ang asawa nito sa manugang. Hindi nito maitanggi ang ganda na meron si Stella. Kaya labis ang takot nito na baka magkagusto ang asawa. Alam nitong mahilig ito sa presko. “Just scream kung may gagawin man si Daddy sa iyo. Huwag kang matakot,” utos ni Leon. “Kaya ko ang sarili ko. Hindi naman ganoon ang Daddy. Magaling lang iyong mang-inis, pero hindi iyon mapanakit ng pisikal.” “Pinaparinggan mo ba ako?” irap na sabi ni Riza. “Mom, I did not hear your name. Stop hallucinating,” si Leon. “Mauna na ako,” pagpapaalam ni Stella. Hinayaan na lang niya na mag-usap ang mag-ina. Pagpasok ni Stella sa opisina ni Cobra, nadatnan niya itong nakangiti. Agad naman itinikom ni Cobra ang bibig nang makita ang manugang. Mula sa pagiging masaya ay naging madilim na naman ito. Ganoong mukha ang palagi nitong ipinapakita kay Stella. “Tapos na po ako.” “Have a seat first.” Pagka-upo ni Stella, tila hindi siya mapakali kung ano ang tiningnan ng biyenan sa laptop na nagpangiti rito. Minsan niya lang kasi makitang nakangiti ito. Iyong totoong saya. Napansin naman ni Cobra ang ginawa ni Stella kaya hinarap nito ang laptop. “Chit-chat with my son, Tigre. Ganyan niya ako kamahal. Kahit walang kailangan, nakikipag-usap sa akin. Maiintindihan mo ang saya ko kung maging magulang ka na—at ako ang ama.” Hindi na pinansin ni Stella ang biyenan at muling hinarap ang laptop pabalik. Ang ginawa niya, hinihintay na lang ang sasabihin ni Cobra na pwede na siyang umalis. Pero dahil wala pang hudyat, nanantili lang siyang naka-upo at kalmado. Napalingon naman sina Stella at Cobra nang bumukas ang pinto. Iniluwa roon si Riza. Ang talas naman ng tingin ng ginang sa manugang. “Akala ko ba, umalis ka na?” tanong ni Cobra. “Hindi ko hahayaan na gumawa kayo ng milagro sa kumpanya ko!” sigaw ni Riza na hindi mapakali. “Act professional. Mahiya ka naman sa manugang natin. Huwag masyadong magpahalata sa edad. Insecurities start at 50.” “Ako? Maiingget? Nasa akin na ang lahat, Cobra!” sigaw ni Riza. “Maliban sa akin. Pwede ka ng umalis. Hindi mo ba nakikita? Nagtatrabaho kami rito para sa kumpanya natin. Hindi lang sa iyo.” Lumapit si Riza kay Stella at dinuro niya ito. “Subukan mo lang landiin ang asawa ko. Ibabalik kita sa gubat kung saan ka nararapat!” Napayuko na lang si Stella habang hindi mapigilang mangilid ang luha. Hindi niya alam kung bakit pinagseselosan siya ng biyenan. Wala naman sana siyang ginawa. At isa pa, kasal na siya sa anak nito. Natapos masabi ang pagbabanta ni Riza ay umalis na ito. Nakahinga naman nang maluwag si Stella. Wala na ang dahilan ng pagsikip ng dibdib niya. “Pinagseselosan ka na ng praning kong asawa. Paano na lang kaya kung ma—” “Enough. Pwede na ba akong umalis?” “May sinabi na ba ako?” si Cobra. May pang-iinis pa sa boses nito. “Pwede po bang magtimpla na lang ng kape?” tanong ni Stella. “Go.” Pumunta na si Stella sa sulok kung saan ang coffee maker. Gumawa naman siya ng kape na para sa dalawa. Sinalihan na rin niya ang biyenan. “May creamer?” tanong ni Stella. “Meron ako. Ikaw nga lang ang pumiga.” Napailing-iling na lang si Stella at hinanap mag-isa kung mayroong creamer. Nagsisisi tuloy siya kung bakit tinanong niya pa iyon. Napangiti naman siya nang makita ang hinahanap niya. Natakpan lang pala iyon. Kumuha naman siya at nilagay sa kape na nagawa niya. Nang natapos siya sa ginawa niya, bumalik siya sa upuan na bitbit ang kape ng gawa niya. Inilagay naman niya sa gilid ang kape na para sa biyenan. Nakita naman niya ang paglapad ng ngiti nito. “You’re the sweetest. Thanks.” “Welcome.” “Wala na akong problema sa first five pages ng gawa mo. Day by day, mas gumaling ka, Stella. Bagay nga tayong dalawa.” “Namamaga ang pisngi niyo. Ano ang nangyari riyan?” Tipid na ngumiti si Cobra. “Price of being myself. Hindi mo talaga mapigilan ang sarili mong hindi matitigan ang kagandahan sa mukha ko, tama ba?” “Agaw atensiyon ang pamamaga. Hindi ako interesado sa mukha mo.” “Sounds fake. Sige na, umalis ka na. Mas tinigasan ako sa iyo.” Tumayo na si Stella at umalis na. Kahit madalas siyang binabastos ng biyenan, wala na iyon sa kaniya. Nasanay na siya. Alam niya kasing hanggang sa bibig lang iyon. Kilala niya rin ito, alam niyang kahit papaano ay may mabuti itong puso. Hindi niya ito pwedeng husgahan dahil sa mga pananalita nito. Si Stella iyong taong sa galaw tumitingin, hindi ang lumalabas sa bibig. ••• TAHIMIK NA NAGBABASA ng libro si Shekaina sa bench ng garden sa university nila. Sa university na pinapasukan niya, halos lahat ay mga mayayaman. Karamihan sa mga kaklase niya ay ang baba ng tingin sa mga mahihirap kaya wala siyang mga kaibigan. Mabuti na lang ay sanay siyang mapag-isa at ang garden ang napili niyang tambayan. “Hey!” sambit ng isang lalaki. Paglingon niya, kapatid lang pala ng bayaw niya na si Agila, ang university president sa Senior High School. Kahit mapang-asar na tao si Agila, may matalas din itong pag-iisip na namana sa ama nitong si Cobra. Kaya ito ang humawak sa pinakamataas na posisyon. “Sinusundan mo ba ako?” tanong ni Shekaina. “Mumurahin lang ang panty mo. Hindi ako interesado sa iyo.” “Ang bastos talaga ng bibig mo! Mabuti na lang iba si Kuya Leon sa iyo!” inis na sabi ni Shekaina. “Comparing me sa kapatid kong ungas? The heck!” “Ikaw ang ungas. Napaka-isip bata!” “Isip bata ka riyan. Ang galing ko kaya gumawa ng bata.” “May nagtanong? Wala akong pake sa buhay mo, ungas!” “Ang sungit mo naman. Ibang-iba ka talaga sa hipag ko. Kasi iyon, kahit tinatarayan ni Mommy, hindi nagsasalita. Ikaw? Parang asong aspin.” “T-Tinatarayan ng Mommy mo si Ate?” gulat na tanong ni Shekaina. “Yup. Pero no need to worry. Nandiyan naman si Kuya na feeling knight and shining armor.” “Mabuti naman. Ano ba talaga ang ginagawa mo rito? Inaabala mo na ako.” “Pinagod kasi ako ng university secretary sa library kanina. Ang sarap niya infairness.” “Kadiri. At proud ka pa niyan?” “At least nag-aaral nang mabuti.” “Wala namang dangal.” “Ang tapang mo talaga. Pero good iyan, ha. Marami kang haters sa room pero walang ni isa ang umaaway sa iyo. Siguro iyon ang dahilan. Ugaling aspin ka.” “Kahit mahir—mali! Hindi kami mahirap. May pwesto kami sa palengke at nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.” Tumawa naman nang malakas si Agila. “P-Palengke?” “May nakakatawa ba!?” singhal ni Shekaina. “Wala naman. Ang baho lang talaga ng word na palengke.” “Palibhasa mayaman. As if hindi kayo bumibili roon.” “Sorry na lang. May sarili kaming farm,” pagmamayabang ni Agila. “T-Talaga?” nakangiting sabi ni Shekaina. Mukhang nawala ang inis niya. “Bakit mukhang masaya ka pa? Iniinis kita, ’di ba? Mapikon ka please.” “Mahilig kasi ako sa farm.” “Talaga? Gusto mo ipasyal kita roon? Malaki roon. Maganda rin ang view.” “Pero hindi naman tayo close.” “Magpanggap na lang tayong friends kahit yucks.” “Sige. When?” “Saturday. Susunduin kita sa bahay niyo.” “Magpapaalam pa ba ako kay Ate?” “’Wag na! Baka hindi ka papayagan kung magpapaalam ka pa sa kanya. Baka lang naman hindi ka niya ipagkatiwala sa akin. Kilala ako ng Ate mo.” “Sige. Ano ba iyan! Excited na tuloy ako.” “Ang babaw, ha? Pero makinis ka pala, Shekaina.” “Ang bastos mo!” “Magpasalamat ka dahil tinitigan ka ng nag-iisang Agila Silvestre!” “Pangalan mo pa lang lumilipad na. Ugali pa kaya? Diyan ka na nga! Pero sa sabado, ha? Deal na natin iyon.” “Sabay na tayo bumalik,” hiling ni Agila. “’Wag na! Baka sabunutan pa ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo kahit hindi naman deserve.” “Grabe siya sa akin. Pero kaya mo naman sila, e.” “So okay lang sa iyo na mapaaway ako?” “Nakakagwapo kaya iyon sa part ko.” “Grabeng pag-iisip iyan, Agila,” si Shekaina. Humakbang na siya paalis. “Maganda pala ang katawan mo.” Bumuntonghininga na lang si Shekaina at hindi na pinansin ang nang-aasar na si Agila. Pero hindi nagtagal, napangiti na siya. Naalala niya kasi na ipapasyal siya sa farm ng Silvestre na bago lang niya rin nalaman na meron. ••• ABALA SI STELLA sa paggawa ng report nang may tumawag sa kaniya. Pagtingin niya, si Maria Claire, ang isang kaibigan niya na naghahanap buhay sa Amerika mahigit apat na taon na rin ang nakalipas. Tatlo silang magkaibigan noon sa kolehiyo at ang dalawang iyon ay sina Maria Angel at Maria Calire. Dalawang Maria ang kaibigan niya nang hindi sinasadya. Sinagot agad iyon ni Stella. “Hello, Maria!” “I’m back! Actually, kasama kami ni Maria ngayon. Halika! Libre ko kayo. Nandito kami sa Tita Amor Cafe.” “B-Busy ako. Pero susubukan kong magpaalam kay Leon. Sana pumayag siya.” “Papayag iyon. Alam mo naman iyon. Hindi lang mabait kung hindi gwapo.” “Tama. Sige, magpapaalam na lang ako. Namiss na kita. Sayang lang talaga dahil hindi ka umabot sa kasal namin.” “Kaya nga. Sorry talaga, Stella.” “Okay lang. Naikuwento na ba ni Maria ang nangyari sa inuupahan niya?” “Yup. Kukunin ko siya sa inyo. Sa bahay na lang muna namin siya titira.” Napangiti naman si Stella. “Mabuti kung ganoon. Si Leon kasi, mukhang ayaw sa kanya.” “Kawawa nga ang friend natin. Pero hindi naman natin mapipilit si Leon, may karapatan naman siya. Bahay niya iyon.” Bumuntonghininga na lang si Stella. Masaya naman siya na umuwi na si Maria Claire. Ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Mas nauna pa niya itong naging kaibigan kumpara kay Maria Angel na pinatira niya sa mansion nila ni Leon. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD