KABANATA 2: MARIA’S REQUEST
NAPAKUNOT NOO SI Stella nang magising habang nakabalot sa makapal na kumot. Hindi niya mapaliwanag ang sakit na naramdaman sa pagitan ng kaniyang hita. Napahawak naman siya banda roon at ininda ang sakit. Pero nang mahagilap niya ang asawa na kakapasok ng kuwarto, kasing lapad ng kapatagan ang kaniyang nakasisilaw na ngiti. Pagkatapos, tinakpan niya ang kaniyang napakagandang mukha na maihahalintulad sa isang diwata. Nahihiya lang siya nang maalala ang nangyari sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.
“Are you shy, mahal. Aren’t you?” kantiyaw ni Leon.
Hinimas pa nito ang tiyan na wala man lang harang. Wala itong suot na damit at tanging boxers lang ang meron. Hindi na ito nag-atubili na magbihis. Para rito, malaya ng makita ni Stella ang maganda at makisig na pangangatawan nito.
“L-Leon,” nahihiyang sambit ni Stella.
“Wake up, mahal. Ipinagtimpla kita ng gatas. Pakiramdam ko kasi, naubos ko ang iyong lakas kagabi at ang ano mo. . . iyong katas,” biro nito sa asawa.
“L-Leon,” muling sambit ni Stella. Nagpipigil na siya. Kinikilig lang siya sa presensiya ng asawa.
“Kumusta ang unang gabi, mahal? Lapagan naman ng saloobin.”
Hindi napigilang magpakawala ng malalim na hininga ni Stella para ikalma ang kaniyang sarili. Aminado siya sa sarili na nahihirapan siyang sabayan ang asawa sa mga banat nito. Hindi lang siya sanay na pag-usapan iyon.
Umupo na si Leon sa tabi ng asawa. Iniligay muna nito ang gatas sa tabi ng lampara. Pagkatapos, hinaplos na nito ang asawa nang dahan-dahan. Nang makaramdam ng kasaganaan si Stella, tinanggal na niya ang kumot na nakatakip sa katawan niya.
“Good morning, mahal,” nakangiting bati ni Leon.
“I love you.”
“Iba ang sagot mo, ha. Pero gusto ko 'yan. Magbihis ka muna.”
Nang bumangon si Stella sa kama, hindi napigilang mang-init ni Leon. Bumungad kasi sa mga mata nito ang magandang hubog ng katawan ng asawa. Pero hinayaan muna nito na pigilan ang sarili. Alam nito na hindi maganda ang kondisyon ng asawa. Aminado itong napasobra sa ginawa nila kagabi. Matagal ang hinintay ni Leon kaya sabik ito sa bagay na iyon.
Nang natapos ng magbihis si Stella, tumabi siya sa asawa. Umusog naman si Leon palapit sa kaniya at tinali ang buhok niya. Nang natapos, kinuha na niya ang gatas at ininom sa harapan ng asawa.
“You look so beautiful, mahal. I love you,” pagpuri ni Leon. Wagas ito makatitig sa asawa. Nangungusap ang mga mata nito.
Iginalaw ni Stella ang hawak na baso. “Salamat dito sa gatas.”
“That’s my duty as your yummy husband.”
“Ang yabang nito,” reklamo ni Stella.
Napatawa naman si Leon. “Bakit, mahal? Hindi ba?”
“Ewan ko sa iyo. Magbihis ka na nga ng damit.”
“Ayaw mo ba na ganito ako? Pangarap ito ng lahat na makita. Pero ikaw—aayawan mo lang?”
“Ang kengkoy mo, Leon.”
“Oo na. Magbibihis na.”
Nang natapos magbihis ni Leon, agad nitong pinatayo ang asawa. Pagkatayo ni Stella, inakbayan agad ito ni Leon at hinalikan sa pisngi.
“Ang sweet mo. Sana hindi ka magbabago. Ipagpatuloy mo lang, Leon.”
“Hindi ako si dad na sa una lang magaling. Lumaki akong nasaksihan ang luha ni Mom ng dahil sa kanya. Kaya pangako ko sa sarili ko, kung magkaroon man ako ng asawa... kailanman, hindi ko gagawin ang ginagawa niya. Ang babae, inaalagaan at hindi sinasaktan.”
“Tama ka roon. Iyong mga magulang ko naman, nag-aaway rin naman sila. Pero hindi iyong katulad ng sa inyo. Ang sa amin, pera lagi ang isyu.”
“Mabait kasi sina Papa at Mama kaya dapat sila ang tularan natin. Pero dahil may pera ako. Mabibili ko lahat ng mga gusto mo. So hindi na tayo mag-aaway?”
“Ang kengkoy mo, Leon Silvestre!”
Humalakhak naman si Leon nang makitang naiirita ang asawa sa banat nito. Nakaugalian din kasi nitong inisin si Stella. Pero kahit ganoon ang ugali nito, mahal na mahal nito ang asawa.
Nang nasa baba ng bahay sina Stella at Leon, dumiretso na ang dalawa sa kusina. Nakapaghanda na kasi si Leon ng agahan nila. Ang nakamamangha sa ginoo, sinadya pa nitong magising ng maaga para mapagsilbihan ang asawa. Pagprito lang ang ginawa nito ngunit malaking bagay na iyon para kay Stella.
“Salamat sa inihanda mo, Leon.”
“Umupo ka na mahal. Kumain ka ng marami.”
Umupo na si Stella. “Paano kung tumaba ako?”
Umupo na rin si Leon sa tapat niya. “Anong klase tanong ’yan? Walang magbabago, mahal. Kaluluwa mo ang pinangakuan ko, hindi ang katawan mo.”
Napakagat naman si Stella sa ibabang parte ng labi para pigilan ang kilig. Kahit mag-asawa na sila, labis pa rin ang kilig niya. Iba ang tama sa kaniya ng mga salitang pinapakawalan ni Leon.
“Kinikilig ka, mahal.”
“Ikaw kasi... ang sarap mong magmahal.”
“Salamat dahil na appreciate mo itong ginawa ko para sa iyo.”
“Sino ba ang hindi? Pangarap ito ng lahat ng kababaihan, ang pagserbisyuhan.”
Sa gitna ng pagkain ng dalawa, nakatanggap ng tawag si Stella sa maid of honor ng kasal nila, ang matalik niyang kaibigan na si Maria Angel. Sinagot niya agad ito sa kadahilanang baka may mahalaga itong sasabihin.
“Napatawag ka?” Nanlaki naman ang mga mata ni Stella nang marinig ang hikbi ni Maria sa linya. “Umiiyak ka ba? W-Wait—bakit ang ingay? Ano ang meron diyan? Bumbero ba 'yan o pulis? Maria? Tell me.”
“Nasusunog iyong tinutuluyan kong apartment, Stella.”
“A-Ano?” sigaw ni Stella. Bumuntonghininga siya. “Okay ka lang ba riyan?”
“Iyon na nga ang problema. Kaya ako napatawag dahil gusto ko sana humingi ng pabor. Puwede bang makituloy sa inyo? Kahit limang araw lang. Please, Stella. Wala na akong ibang malalapitan. Ikaw lang ang meron ako,” ani Maria. Walang tigil pa rin ito sa pag-iyak.
Napatingin si Stella kay Leon na ngayon ay nakatitig din sa kaniya. Gusto man niyang patuluyin ang kaibigan pero nahihiya siya. Para sa kaniya, kailangan din ng permiso ng asawa niya. Bahay nila iyong dalawa pero wala siyang ambag ni isang pisong duling dito.
“Ano ang meron, mahal?” tanong ni Leon.
“S-Si Maria, nasunugan. pwede ba raw siya tumuloy rito?”
Matagal na sumagot si Leon. Para rito ay dapat sila lang dalawa ni Stella sa bahay nila lalo pa at bagong kasal lang sila. Gusto nitong tumanggi, pero natatakot itong madismaya ang mahal na asawa.
“Ikaw bahala,” tanging sagot ni Leon.
“Talaga bang okay lang sa iyo? Please, Leon. She needs help. Maria needs us.”
“Okay.”
“Yes! Thanks, Leon. I love you.” Muling ibinaling ni Stella ang atensiyon sa umiiyak na kaibigan sa linya ng tawag. “Okay, Maria. Dito ka muna sa amin tumira. Susunduin lang kita riyan mamaya after ko kumain.”
“Salamat, Stella, utang ko ang buhay ko sa iyo. God bless sa inyo. Pasensiya na talaga.”
“Ano ba iyan. Tama na ang drama. Kung ako ang may kailangan ng tulong, I’m sure tutulungan mo rin naman ako. What friends are for?”
“Yes. Thanks again.”
Ibinaba na ni Stella ang tawag. Ang ginawa niya, tumayo siya at lumapit sa asawa niya. Hindi siya manhid, alam niyang hindi pabor si Leon sa pagtira ng kaibigan.
Niyakap niya ito patalikod. “Leon, please. Huwag ka ng mainis.”
“Kailangan ba talagang dito siya tumira? Bigyan na lang natin ng pera to start a new life. Hindi iyong makikitira pa siya rito. Bagong kasal lang tayo. Gusto kong masolo kita. May kahati pa ako sa oras mo.”
“Pero pumayag na ako sa kanya. Nahihiya akong bawiin ang sinabi ko. Please, hindi naman siya forever dito. Temporary lang. Hayaan mo na natin siyang makapag-move on. Please, Leon. Please. Please. Please.”
Bumuntonghininga si Leon. “Fine. ’Wag lang siyang magtagal dito.”
“Yes! Thank you!”
Hindi napigilang mapasigaw ni Stella sa labis na saya. Masaya lang siyang matulungan ang matalik na kaibigan. Alam niya kasi ang nararamdaman ng taong nangangailangan dahil ganoon sila noon. Kayod kalabaw ang mga magulang niya para makapagtapos lang siya ng pag-aaral, sila ng mga kapatid niya. Kaya ngayon na meron na siya, para sa kaniya—oras ng ibalik ang pasasalamat niya sa pamamagitan ng pagtulong.
~~~