KABANATA 3: THE FATHER IN LAW
“PASOK, MARIA,” NAKANGITING sabi ni Stella.
“Hi, Leon,” pagbati ni Maria sa asawa ng kaibigan.
Naluluha ang mga mata ni Maria sa sobrang saya dahil pumayag ang mag-asawa na patirahin ito. Nahihiya man itong tumuloy pero wala na itong ibang malalapitan. Alam kasi nito na hindi ito mahihindian ng kaibigang si Stella na may busilak na kalooban.
“Kay Stella ka magpasalamat dahil siya lang naman ang may gustong tumuloy ka rito,” may inis sa mukha na sabi ni Leon. Nagkasalubong pa ang kilay nito.
“L-Leon,” nag-aalalang sambit ni Stella.
Hindi na sumagot si Leon at tumungo na lang pupunta sa kuwarto nilang mag-asawa. Nahihiya namang humarap si Stella sa kaibigan dahil nahihiya siya sa inasta ng asawa. Pakiramdam niya, napasobra ito.
“Mukhang ayaw ni Leon na nandito ako, Stella. Mas mabuti pa sigurong uma—”
“No. Hindi ko hahayaan iyon. Kaibigan kita at kailangan mo ng tulong. Dito ka lang. Kilala mo naman ang asawa ko, he’s strict pero mabuti siyang tao.”
“Pero pakiramdam ko, hindi magandang ideya ang tumuloy pa ako sa bahay niyo. Paano kung mag-away kayo nang dahil lang sa akin? Hindi ko kaya iyon,” ani Maria. Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata nito.
“Huwag mo na lang siguro pansinin ang asawa ko,” sagot ni Stella habang tinitingnan ang papalayong asawa.
“Salamat talaga, Stella. Biyaya ka ng Diyos sa akin.”
“Halika na, Maria, ihahatid na kita sa kuwarto mo.”
Ihinatid ni Stella si Maria sa kuwarto kung saan niya ito patutuluyin. Dahil may guest room sa pangalawang palapag ng bahay nila, doon niya ito pinatuloy. Pagdating nila, hindi napigilang mapangiti ni Maria. Inilakbay naman nito ang tingin sa buong kuwarto na napalaki at ang ganda ng disenyo.
“Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?” may bahid na lungkot na sabi ni Maria.
Nilingon ni Stella ang kaibigan. “Hardwork, Maria.”
“Hindi ka naman naghirap. Minahal ka lang naman ng isang Leon Silvestre,” giit ni Maria.
Pilit na ngumiti si Stella. Para bang nasawalang bahala ang lahat ng pagpupursige niya sa buhay. Dahil hindi pala iyon nakita ng kaibigan niya sa kaniya. Nakapagtapos si Stella ng c*m laude sa unibersidad kung saan sila nag-aaral. Iskolar din siya na may sinusunod na malaking marka. Isa rin siya sa magaling sa department nila sa kumpanya nila Leon kung saan siya nagtatrabaho.
“Pero nagsusumikap naman ako, Maria,” giit ni Stella. Nagawa pa niyang ngumiti sa kaibigan.
“Alam ko naman iyon. Pero you can’t deny the fact na naging big time ka dahil kay Leon. Anyways, ang ganda ng bahay niyo. Sana may ganito rin ako.”
Lumapit si Stella at tinapik ang kaibigan. “Dream big. Kaya mo iyan. Magaling ka naman.”
“Pero hindi ako kasing swerte mo,” si Maria. Bumuntonghininga pa ito natapos masabi iyon.
“Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin, Maria. Walang suwerte o malas sa mundo.”
“Basta,” kibit-balikat nitong sagot. “Anyways, thank you, Stella.”
“Walang anuman. Sige na, alis na muna ako. Magpahinga ka na lang muna rito.”
“Okay.”
Nang nakalabas na si Stella sa kuwarto, bumaba na muna siya sa sala nang makitang nakabukas ang pinto. Nakalimutan niya palang isara iyon. Nagmamadali naman siyang humakbang pababa. Pagdating niya sa may pintuan ay napatigil siya nang makita kung sino ang paparating.
“D-Daddy,” mahinang sambit ni Stella bilang respeto sa papapasok na biyenan.
“Daddy?” napailing-iling na usal ni Cobra. Ang makisig at guwapong ama ni Leon.
Lumapit naman si Cobra sa kaniya at tinitigan siya nito na parang kakainin nang buhay. Nang bahagyang hahawakan siya nito ay hindi siya nagdalawang-isip na umiwas. Ayaw niyang dumapo ang kamay ng biyenan sa anumang parte ng katawan niya.
“’Wag mo na akong tawagin sa ganoon, Stella.” Tinitigan nito ang dibdib ng manugang. “Titikman pa kita. Kakamayin.”
“Nasa itaas po si Leon,” nakayukong sabi ni Stella. Iniba niya ang usapan sa pagitan nila ng biyenan.
“Wala akong pakialam sa anak ko. Ikaw naman ang sadya ko. Natapos mo na ba iyong ipinapagawa ko?”
Nagawa ng tingnan ni Stella ang biyenan. “On leave ako, Dad. Kakakasal lang namin ng anak mo kagabi.”
Bumuntonghininga si Cobra. “Daddy again? Nawala tuloy ang paninigas ko, Stella. Pinagod ka ba ng anak ko sa unang gabi niyo? Sayang, mas magaling pa sana ako roon.”
“Hanggan kailan kayo magiging ganyan?” si Stella.
“Hindi ko ala—”
“Why are you here?” si Leon.
Napalingon naman sina Cobra at Stella kay Leon sa pangalawang palapag ng bahay sa may hagdan. Inis namang tinitigan ni Leon ang ama nito. Alam kasi nito ang ugali ng ama.
“Ganyan ka ba bumati sa iyong ama, anak?” sarkastikong sabi ni Cobra. Binigyan pa nito nang nakaiinis na ngiti ang anak.
“Stella, lumayo ka riyan,” maawtoridad na utos ni Leon.
“Para naman akong nakakahawang sakit niyan, ’Nak. Hindi ko pa nga nayakap ang manugang ko.”
Biglang niyakap ni Cobra si Stella kaya agad napatakbo pababa si Leon. Pagdating nito sa kinatatayuan ng dalawa ay hinablot nito ang asawa.
“Umalis na kayo, Dad!” singhal ni Leon.
“Ipagtimpla mo naman muna ako ng juice bago ipagtabuyan, Leon. Nakakawalang respeto ka sa akin.”
“Respeto? Coming from you, dad?”
“Stop actin’ sh*t, Leon. Go! Ipagtimpla muna ako. Hindi ka ba nakokonsensiya? Tinitimplahan pa kita ng gatas noong bata ka pa kahit pagod ako sa pagpapayaman.”
Bumuntonghininga si Leon. “Fine. Maghintay po kayo.”
Tumawa si Cobra sabay tingin kay Stella. “Nagmamatigas pa ang anak ko, Stella. Hindi rin pala ako matitiis.”
Nang umalis si Leon, muling bumilis ang t***k ng puso ni Stella. Kinakaban siya. Natatakot siya sa kinikilos ng biyenan.
“Mas gumanda ka pala kapag nadidiligan, Stella. Baka kung sa akin ka, magiging Diyosa ka na.”
“Wala akong panahon sa mga kalokohan mo,” inis na sabi ni Stella.
“Matapos ang—”
“Enough, Tito. Ayaw mo ng daddy, ’di ba?”
“T-Tito? Nakakatuwa ka, Stella. Let’s be neutral. Just call me by my name.”
“Cobra. Masaya ka na?”
“Good. Pero namiss ko iyong malambing na boses mo. Noong—”
Bumuntonghininga na lang si Stella at sinundan ang asawa sa kusina. Hindi na niya pinatapos magsalita ang biyenan. Pagdating niya roon, kinuha niya ang juice na tinimplahan ng asawa.
“Ako na rito. Doon ka na lang sa ama mo. Leon, huwag kang masyadong pikon sa kanya. Mas gagawa pa iyon ng paraan para inisin ka. Mahal ka niyon. Nararamdaman ko.”
“He is a heartless father. Saan ang mahal doon? Araw-araw niyang sinasaktan si Mommy.”
“Iba ang heartless husband, sa heartless father, Leon. Maaaring masamang tao siya sa ina mo na hindi natin alam kung saan nagsimula, pero ama mo siya. Mahal ka niya. Ang sabi niya ay pumunta siya rito dahil sa akin, para sa trabaho, but I know—gusto ka niyang kumustahin.”
“Binabastos ka niya! Noon pa, ’di ba? If he loves me. He will treasure you also. Pero hindi! Baka nga balak ka pa niyang agawin sa akin.”
“Natatakot ka naman? Sa iyo ako, okay?”
“He is young and goodlooking. Parang magkapatid lang kami tingnan. Kaya hindi mo maiaalis sa akin iyong takot na naramdaman ko.”
Si Cobra Silvestre ay nasa edad kuwarentay dos. Nakabuntis siya sa edad na disi-sais sa naging asawa niya. Pasaway kasi ito noong nasa kabataan pa kaya maagang napunta sa ganoong sitwasyon.
“Are you competing with your father? Aren’t you?”
“Nagseselos lang ako,” pag-amin ni Leon.
“At bakit?”
“My first love. Inagaw niya sa akin. Nahulog sa kanya. Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ako matatakot sa kanya? Natatakot ako na baka ikaw ay balak niya ring agawin sa akin, Stella.”
Nanlaki ang mga mata ni Stella. Hindi siya makapaniwala na ginawa ng biyenan niya iyon sa sarili nitong anak.
“Pero walang maaagaw kung walang magpapaagaw. Charm is charmless sa mga taong may paninindigan. Ibahin mo ako sa first love mo, Leon. Sige na, puntahan muna siya roon.”
Nang nakaalis na si Leon, hindi mapigilang mapailing-iling ni Stella. Ang ginawa niya, kumuha muna siya ng tubig at uminom para kumalma. Lalo tuloy siyang natakot sa biyenan.
Ipinagpatuloy na ni Stella ang ginawa niya. Nagkuha rin siya ng cookies na pwedeng kainin ni Cobra. Nang natapos, lumabas na siya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Stella nang makita ang kaibigan na bumaba mula sa ikalawang palapag ng Mansion. Ang suot nito ay isang cycling at crop top. Makikita rito ang malaking dibdib at magandang katawan ng kaibigan.
Tiningnan ni Stella ang asawa at nakita niya ang inis sa mukha nito. Hindi rin naman niya magawang suwayin ang kaibigan dahil baka mapahiya ito.
Tumayo si Cobra at tiningnan si Maria. Pagkatapos, nilingon nito si Stella. Napayuko naman si Stella dahil naiilang siya sa tingin ng biyenan.
“Kabago-bago lang ng kasal niyo ng anak ko, Stella. Nagpatuloy ka agad ng ahas? Paalala lang, baka matuklaw ang asawa mo. Pero okay na rin iyon, mas may tiyansa na maging tayo.” Napangiti si Cobra. Mukhang may gusto itong sasabihin pero hindi na lang nito itinuloy.
“Dad!” singhal ni Leon. Makikita ang galit sa mukha nito.
“Kalma lang. Pinapainit ko lang ang ulo mo. Mukhang lumamig na kasi.” Tiningnan ni Cobra si Maria na napatigil sa hagdan. “Magbihis ka nang maayos kung nakikitira lang. Hindi mo ito bahay, hijah.”
“Daddy!” singhal ni Stella.
“Huwag ka sa akin mainis. Darating ang araw, masasabi mong may tama rin ako. Gamay ko na ang mga galawang ganyan, Stella.”
Hindi na pinansin ni Stella si Cobra. Nagpatuloy na siya sa paghakbang. Nang dumating siya sa tapat ng biyenan ay inabot niya ang dalang pagkain. Pagkatapos, dumiretso siya sa kaibigan.
Pagdating niya, niyakap niya ito at hinimas ang likuran. Alam niya kasing nasaktan ito sa sinabi ni Cobra.
“Tahan na, Maria. Sa kwarto na tayo.”
“Sorry.”
Nagsimula na silang humakbang pabalik sa itaas...
“It’s okay, pero huwag mong masasamain ang sasabihin ko, ha? Kaibigan mo ako kaya maging totoo ako sa iyo. May punto si Daddy, huwag kang magdamit ng ganyan dito. Okay lang sana kung nasa kwarto ka lang. May asawa ako. Lalaki. Please consider it na lang, Maria.”
“Sorry again.”
Pagdating nila sa kuwarto ni Maria ay agad itong nagbihis ng isang simpleng damit. Pagkatapos, umupo ito sa gilid at walang tigil sa pag-iyak. Nasasaktan pa rin ito sa mga narinig na masasakit na salita.
“Tahan na, Maria. Pagsasabihan ko lang si Daddy. Mauna na ako.”
Paglabas ni Stella, dumiretso siya sa biyenan. Nakangiti naman itong tiningnan siya. Si Leon naman ay parang walang pake na umiinom lang ng juice.
“Dad, huwag naman po kayong bastos. Bisita ko po si Maria. Kailangan niya ng tulong ko. Nasunugan siya,” si Stella.
“This time, sang-ayon ako kay Daddy,” si Leon.
“Good job, Leon. Anak nga kita. Matalas ang pakiramdam.”
Bumuntonghininga na lang si Stella. Sa tingin niya ay wala na siyang magagawa kung pagsasabihan pa niya ang biyenan. Dahil kahit galit ang asawa niya sa ama nito ay nagawa pa nitong sumang-ayon. Wala siyang laban kung ganoon. Alam naman niyang mali rin ang ginawa ni Maria, pero ang gusto niya lang ay kausapin ito nang maayos. Hindi iyong husgahan at pahiyain nang ganoon.
~~~