KABANATA 1: THE WEDDING
“LEON, I PROMISE to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us.” Mas hinigpitan ni Stella ang paghawak sa kamay ng mahal niya, “Leon, salamat sa lahat. I am lucky to have you. Sa bilyong babae sa mundo, ako ang pinili mo. Marami mang sumubok na tibagin tayo, pero ipinaglaban mo ako dahil mahal mo ako. Bilang isang babae, malaking bagay iyon sa akin. Doon ko masasabi na ikaw na talaga ang para sa akin. Ang bigay ng Diyos sa akin.”
Habang nagsasalita si Stella ay walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Masaya lang siya na humantong silang dalawa ni Leon sa simbahan. Ang buong akala niya noon, bibitawan na siya nito. Pero mali siya—ipinaglaban siya nito nang buong puso at tapang.
Hindi mayaman ang pamilya ni Stella kaya mahirap sa pamilya ni Leon na tanggapin siya. Tagapagmana kasi si Leon sa mga ari-arian ng Pamilya Selvistre bilang ito ang panganay sa tatlong magkakapatid. Malaki ang pangarap ng magulang nito sa anak nila kaya galit sila na napunta lang ito sa anak ng isang simpleng pamilya na nagtitinda lamang sa palengke. Para sa kanila, walang silbi si Stella. Ito ay isang babaeng lang na aasa sa yaman ng anak nila.
Kahit ayaw ng Pamilya Silvestre kay Stella, napipilitan pa rin silang dumalo sa kasal ng anak nila kahit labag ito sa puso nila—wala silang magagawa. Hindi rin naman nila kayang itakwil ang anak gayong ito ang asset ng kumpanya. Dahil sa angking galing ni Leon, sunud-sunuran ang mga magulang sa desisyon nito sa buhay.
Hindi naman mapigilan ni Leon ang sarili na umiyak sa harapan ng babaeng pinili nitong mahalin sa hirap at ginhawa. Hindi nito lubos maisip na natupad na ang pangarap nito na pakasalan ang babaeng iniibig. Mahal nito si Stella kaya ipinaglaban nito ang sinisigaw ng puso.
Natapos si Stella sa kaniyang binitawang pangako para sa mahal niya. Sa pagkakataong iyon, si Leon naman ang manunumpa sa kaniya. Bago ito nagsalita, pinunasan muna nito ang luha sa mga mata. Nanlalabo na kasi ang paningin nito dulot ng kanina pang pag-iyak. Masaya lang ito sa lahat. Katulad ni Stella, pareho lang sila ng nararamdaman.
“Stella, I promise to cherish you always, to honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth, and to be true to you in all things until death alone shall part us. Mahal ko, ito ang pakatandaan mo, hindi kita sasaktan. Saksi ang Diyos. Mamahalin kita nang lubos. Kayo ng magiging pamilya ko. Alam mo, mas masuwerte ako dahil minahal ako ng isang babaeng katulad mo—iba ka sa lahat. Sa iyo ko lang nakita ang tunay na pag-ibig. Kaya ang aasahan mo lang bilang magiging asawa ko, bubusugin kita ng pagmamahal dahil iyon ang deserve mo. I love you, mahal. Magkamatayan man, ikaw lang ang aking the one.”
Humagulgol si Stella. Ngayon pa lang, alam niyang napunta siya sa lalaking kailanman hindi siya sasaktan. Napatunayan niya rin iyon nang ilang beses kaya panatag ang puso niya.
Nang natapos ang palitan ng pangako, oras na para sa pagbigay ng sing-sing sa isa't isa...
“Having this kind of love in your hearts for one another, you have chosen to exchange rings as the sign and seal of the promises you are making to one another today,” anang Pari.
Pagpapatuloy niya, “Rings are very large in their significance. They are made of a precious metal and precious stone, and that reminds us that love is not cheap or common; but indeed love is very costly and dear to us. These rings are also made in a circle and their design tells us that we must keep love continuous throughout our whole lives even as the circle of the ring is continuous. As you wear these rings, whether you are together or apart for even just a moment, may these rings be a constant reminder of the promises you are making to one another this day.”
Napangiti naman si Leon habang tinitingan ang singsing na nakapatong pa sa isang maliit na hugis puso na unan.
Unang kinuha ni Leon ang singsing dahil iyon ang napag-usapan sa orientation ng kasal nila.
“With this ring I, Leon, take you, Stella, to be no other than yourself. Loving what I know of you, and trusting what I do not yet know, I will respect your integrity and have faith in your abiding love for me, through all our years, and in all that life may bring us,” naluluhang sabi ni Leon habang inilagay nito ang singsing sa ikaapat na daliri sa kaliwang kamay ni Stella.
Kinuha naman ni Stella ang natirang singsing. “With this ring I, Stella, take you, Leon, to be no other than yourself. Loving what I know of you, and trusting what I do not yet know, I will respect your integrity and have faith in your abiding love for me, through all our years, and in all that life may bring us.”
Katulad nang ginawa ni Leon, ganoon din ang ginawa ni Stella. Inilagay niya ang singsing sa daliri ni Leon.
Pagkatapos magpalitan ng singsing ng dalawang taong nagmamahalan, nagsipalakpakan ang mga tao sa simbahan maliban sa mga magulang ni Leon. Ang dalawang kapatid lang nito ang nagawa itong suportahan.
Nagbigay naman ng mensahe ang pari at nag-alay ng isang tula para sa dalawa. Minuto ang lumipas, inihanda nito ang huling sasabihin para matapos ang seremonya. Nakangiti naman itong tiningnan sina Stella at Leon.
“Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have—the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride.”
Bumilis ang t***k ng puso nina Stella at Leon dahil alam nilang sa sandaling ito ay opisyal na ang pag-iisang dibdib nila. Masaya namang ibinuklat ni Leon ang belo ni Stella. Hindi nito maitago ang ngiti sa labi dahil ito ang unang beses na mahahalikan ang babaeng mahal. Sa lahat ng babaeng dumaan dito—iba si Stella.
Nang maglapat na ang labi ng dalawa, hindi magkamayaw ang paru-paro sa mga tiyan nila. Matapos ang anim na taon nila bilang magkarelasyon. Nagawa na rin nila ang matagal na nilang pinipigilan—ang maibigay ang matamis na halik sa isa’t isa. Ang maipagmamalaki nila, nagawa nila ito mismo sa araw ng kasal nila. Saksi ang mga mahal nila sa buhay at ang Diyos.
•••
NANG NATAPOS ANG selebrasyon nina Stella at Leon sa isang hotel. Dinala ni Leon ang asawa niya sa isang lugar na wala itong ideya. Iyon ang regalo niya para sa mahal na asawa. Kasalukuyan silang nasa biyahe habang hindi naman maitago ang kaba sa mukha ni Stella. Natatakot ito sa katotohanan na hindi matatapos ang gabing ito na hindi mawawala ang kaniyang pinakaiingatan—ang pagkabirhen.
Nang napansin ni Leon ang asawa, hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Alam niya ang dahilan kung bakit kabado ang mukha ng mahal niya. Natatakot ito sa mangyayari. Sa pagiging inosenti ni Stella, lalong nabihag siya. Marami siyang karanasan noon sa iba’t ibang babae, pero nang nakilala niya si Stella ay pinili niyang magbago.
“Mahal, ready ka na ba mamaya?” tanong ni Leon.
Nang narinig ni Stella ang tanong niya ay hindi nito mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo. Lalo lang bumilis ang t***k ng puso nito. Parang sasabog na nang wala sa oras.
“Kinakabahan ka ba, Mahal? Pangako, gagalingan ko mamaya,” nagpipigil sa tawang sabi ni Leon. Alam niyang lalong hindi mapakali ang mahal na asawa.
“L-Leon,” nahihiyang sambit ni Stella.
“Malaki pa naman itong akin, Mahal.”
“D-Diyos ko, Leon. Natatakot ako,” pag-amin ni Stella nang buong katapatan.
Hindi na napigilan ni Leon ang sarili na tumawa. Natutuwa lang siyang asarin ang mahal na asawa dahil sa pagka-inosenti nito. Nang hinawakan niya ang hita nito, nahampas ang kamay niya nito. Muli naman siyang humalakhak.
“Leon, ano ba,” suway ni Stella.
“You’re my wife,” pagpapa-alala ni Leon.
“Alam ko, pero naiilang ako.”
Muling hinawakan ni Leon ang hita ni Stella sabay pisil. “Sasanayin naman kita, Mahal.”
“L-Leon,” nahihiyang sambit ni Stella.
“Nang-iinit na ako, Mahal. Sakto malapit na tayo.”
Ipinasok na ni Leon ang kaniyang sasakyan sa isang magandang village. Nagpalinga-linga naman si Stella sa paligid.
“S-Saan tayo?” takang tanong nito.
“Nandito na tayo.”
Ihininto ni Leon ang kaniyang sasakyan sa isang madilim na parte ng village. Pagkatapos, may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Nang nakuha na niya ito, hindi niya muna ito ipinakita kay Stella bagkus binuksan niya muna ang pinto ng sasakyan sa tabi ng mahal na asawa. Nang bumukas na ang pinto, bumaba na si Stella. Nakangiti namang sumunod si Leon.
“Ang dilim, Leon. Saan ba tayo?”
“Sa bahay natin,” nakangiting sabi ni Leon.
“B-Bahay?” kunot-noong tanong ni Stella.
“Yup. Mahal kita, Stella. At alam kong galit sina Mom at Dad sa iyo. Hindi naman kita puwede itira sa bahay namin dahil una, hindi ko hahayaan na maging uncomfortable ka sa environment na titirahan mo. Pangalawa, mga lalaki ang kapatid ko...” Hinawakan ni Leon ang mukha ni Stella at hinaplos. “Maganda ka, baka magkagusto pa sila iyo. Mahirap na. Pangatlo, babaero ang ama ko. Sakit niya na iyon. Kaya ngayon pa lang, ilalayo na kita sa kanya. Dito sa bahay na ito, akin ka. Magiging kumportable ka. Sa iyo lahat ng ito. Dito tayo bubuo ng pamilya.”
Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Stella. “Salamat, Leon.”
“You’re always welcome, Mahal. Tara na, pasok na tayo? Wait—may naiwan pala ako.”
Bumalik muna si Leon sa sasakyan at kinuha ang maliit na remote ng kanilang bahay. May pinindot siya rito dahilan para bumukas ang gate.
“Tara na sa loob?” aya niya.
Muling pumasok na ang dalawa sa loob ng sasakyan. Pagkatapos, ipinasok na iyon ni Leon sa loob. Nang bumaba si Stella ng sasakyan, sumunod naman si Leon at kaagad na kinarga ang asawa.
Napatawa naman si Stella. “Leon, ibaba mo ako.”
“Nope. Mahal kita. Baby kita.”
Nang nasa tapat na silang dalawa sa pinto, binuksan na iyon ni Leon sa pamamagitan ng hawak niyang susi. Kahit nahihirapan siya dahil karga niya ang mahal na asawa. Hindi niya iyon ininda.
Pagpasok nilang dalawa, tumungo si Leon kung saan ang plangka ng kuryente sa loob ng bahay nila. Pagkatapos, binuksan niya ito at pinaandar lahat ng ilaw. Nanlaki naman ang mga mata ni Stella. Hindi nito inaasahan ang lawak ng buong bahay. Dahil madilim kanina, wala itong ideya na napakaganda ng titirahan nila. Alam nitong mayaman na tao ang pinakasalan, pero hindi nito inaasahan na sa ganoong klase ng bahay ang titirahan nito.
“Lahat ng ito ay para sa iyo, mahal ko,” ani Leon nang buong pagmamahal.
“Salamat.”
Nang natapos isara ni Leon ang pinto, umakyat na siya sa itaas ng bahagi ng bahay kung saan ang napili niyang maging kuwarto nilang mag-asawa. Nang makarating sila roon, kaagad niyang pinahiga ang mahal na asawa. Napatakip naman si Stella sa bibig habang tinitigan si Leon. Naiilang ito sa titig ng asawa. Nang dahan-dahan na tinanggal ni Leon ang botones ng kaniyang polo sa harapan ni Stella, hindi niya mapigilang mapangiti.
“Titigan mo ako, Mahal. Sa gabing ito, ako’y sa iyo at ikaw ay akin. Magkainan tayo.”
Nahihiya na tumango si Stella. “Handa na ako, Leon. Galingan mo.”
Napakamot naman si Stella sa ulo nito. Nahihiya lang ito sa naging sagot. Pero sa kinalaunan, napagtanto rin nito na kailangan nitong magpakatatag. Kasal na ito at responsibilidad nitong mapaligaya ang asawa.
Bumuntonghininga si Stella at tumingin sa asawa. “Patingin ng ano mo, Leon.”
Humalaklak si Leon. Hindi niya mapigilan ang sarili. Natatawa lang siya sa sinabi ng mahal niya. Ang ginawa niya, ipinasok niya ang kamay sa loob ng pantalon at inilabas ang malaking alaga. Matigas na ito at handang manuklaw.
“Ito na mahal.”
Nang makita iyon ni Stella, kaagad itong dumapa sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot. Namumula rin ang mukha nito. Kinikilig.
Walang tigil naman sa pagtawa si Leon habang dahan-dahan na lumapit sa mahal niya. Pagkahiga niya sa kama, tinanggal niya ang takip sa mukha ni Stella at pinaulan niya ito ng halik. Sa sandaling iyon, gumanti na si Stella na siya namang ikinatuwa niya.
“I love you, mahal,” sabi ni Leon sa kaniyang isipan.
~~~