KABANATA 15: THERE WAS NEVER AN US “GUSTO KA NI Daddy para sa akin,” bungad ni Tigre. Kakapasok lang niya sa bahay ng mga Araneta. Dahil alam niyang may alam na si Skyler sa kanila, hindi na sila natatakot na makita na magkasama. Alam na ng halos lahat maliban sa mga magulang ni Shekaina. Pero hindi naman sila natatakot doon dahil alam nilang hindi tututol ang mga ito sa relasyon nila. Iyong ina lang naman ni Tigre ang iniiwasan na malaman ang tungkol sa kanila. Alam niya kasi ang posibleng mangyayari kung nagkataon. “Mabuti kung ganoon. Pero okay na ba kayo ni Agila? Nakapag-usap na kayo?” “Oo, kagabi. Kasama pa namin si Daddy. Alam mo, nag-movie marathon kami. Ang saya lang namin. Nasa gitna pa namin dalawa si Daddy.” “Mabuti. Wala ka bang klase? Bakit ka ba naparito?” “Meron. Umuw