KABANATA 14: TRYING TO BE OKAY “MAHAL, KINUMUSTA MO na ba si Agila?” tanong ni Stella. Hindi maitago ang pag-aalala ni Stella sa bayaw dahil alam niyang nasaktan ito sa nalaman. Hindi rin naman niya inaasahan na mayroon pa lang relasyon ang kapatid niyang babae sa bayaw niyang si Tigre. Napagtanto niyang tama ang asawa sa nararamdaman nito na kakaiba tungkol sa dalawa. “Hindi pa raw lumabas sa kuwarto niya,” sabi ni Leon habang nagmamaneho. “Puntahan natin?” “Huwag na. Hayaan mo muna iyon. Kapag ganoon iyon, hindi iyon kailangan ng kausap. Baka lalaki lang ang ulo niyon.” “Ikaw bahala. Pero nag-usap na kaya silang dalawa ni Tigre?” Bumuntonghininga siya. “Sa daming babae. Bakit isa lang ang gusto nila? Ang lungkot naman.” “Ganoon talaga ang buhay. May mga bagay na hindi natin gustu