KABANATA 8: COBRA'S VENOM

2592 Words
KABANATA 8: COBRA’S VENOM “UNGAS, PASUYO NGA ng kumot,” utos ni Agila kay Skyler. Napataas naman ang kilay ng binata nang hindi siya nito pinansin. Napa-isip na lang din siya kung bakit lahat ng mga ungas sa mundo ay hindi siya pinapansin. Tumalikod naman siya at nakaramdam ng lungkot. Pero nang napagtanto niya na parang ang arte niya ay bumangon na siya. Umusog naman siya palapit kay Skyler at tiningnan kung ano ang ginagawa nito sa phone. “ML tayo. Game?” aya niya. “I can’t fight against warrior.” “A-Ako? Warrior? May tama ka... but I have a question, hindi ka ba nababagot na hindi mo ako kinakausap?” tanong ni Agila. “Sayang lang ang laway ko sa iyo, Kuya.” “Ang sarap mong kausap. Walang kuwenta.” “Parang ikaw lang din.” Mas umusog pa si Agila palapit sa binata. “Feeling ko, nagse-s*x ang mga kapatid natin ngayon.” Napangiwi naman ang mukha ni Skyler. “Feeling ko rin. Ano ngayon kung oo?” “Wala lang. Trip ko lang mag-imagine. Ungas, nakatira ka na?” “I’m too young for that. Hindi ako katulad ng iba riyan. Kahit sa library, may tinitira.” Napangiti naman si Agila. “Woah! Nakita mo ako roon?” “Kinunan ko pa.” “P*ta! Patingin?” “Biro lang. Anyways, nasa sulok ako noong time na iyon. Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang nagsitalunan ang mga books sa shelf. Pagtingin ko, may mga imoral na gumagawa ng milagro.” “Ibang level ang pagka-ungas mo, ha? Ang sarap mong bugbugin.” “Subukan mo. Wala naman sigurong pumipigil sa iyo.” Nilingon ni Skyler ang katabing binata. “Tama ba?” Napabuntonghininga si Agila dahil sa inis. Gustuhin man niyang bugbugin ang kasama niya sa kuwarto pero hindi niya magawa. Hindi kasi siya ganoong tao. Nang tumayo siya, tinitigan niya ang nakahigang binata na naka-de kuwatro. Nang nainis siya sa mukha nito, bigla niya itong sinipa sabay takbo palabas. Nang nakalabas ng kuwarto si Agila, malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya. Napayakap naman siya sa sarili dahil manipis na sando lang ang suot niya. Kulay puti iyon na sobrang bagay sa makisig na pangangatawan niya. Pumunta naman siya sa kabilang kubo kung saan ang kuwarto ni Tigre. Pagdating niya, walang tao roon. Napanguso naman siya habang nag-iisip kung saan ito. “Ungas?” sambit niya sa malambing na boses. Hindi nagtagal, dumating na si Tigre. Hindi naman ito nagtanong kung bakit nasa kuwarto nito ang kapatid. Pagpasok nito, tinapik lang nito sa balikat ang kapatid at dumiretso sa refrigerator kung saan may mga flavored beer. Napangiti naman si Agila nang makita niya ang laman ng refrigerator. Lalo na noong inabutan siya ng dalawang bote ng kapatid. Pagkatapos, umupo sila sa sahig at isinandal ang likuran sa kama. “Saan ka galing?” tanong ni Agila. “Labas.” “Ganyan ka ba talaga kung kakausapin? Ang tipid mong sumagot. Ungas ka nga!” reklamo ni Agila. Nilingon ni Tigre ang kapatid. “Ano pala ang dapat na sagot ko?” “Sa labas. Gusto ko lang magpahangin. Hindi pa kasi ako makatulog. Dapat ganoon! Hindi iyong sa labas lang. Ang boring mo, ha!” Tipid na ngumiti si Tigre. “Nakakatuyo iyon ng lalamun.” “Aminin mo lang kasi na hindi mo ako love kaya kayo ganyan sa akin. Ikaw, si Daddy, minsan si Kuya.” “Drama mo.” “Kasalanan ko ba kung ganito ang nararamdaman ko? Kayo naman ang gumagawa ng mga actions na nagbibigay sa akin ng doubts, e. Kung hindi ko lang kayo kamukha? Iisipin ko talagang anak ako sa labas ni Mom o hindi kaya ampon at hindi ako isang Silvestre.” Lumagok ng beer si Tigre at tipid na ngumiti. “Isipin mo lang.” “Grabeng puso iyan, ungas. Nagdadrama na ako rito. Iyan lang ang sagot mo? Dapat makonsensiya ka, e! Ang sama niyo talaga sa aki—yuck, ungas!” Inilapit ni Agila ang mukha sa leeg ng kapatid. “Hickey ’yan, ’di ba?” “K-Kagat lang iyan ng langgam,” sagot ni Tigre. “Hindi mo ako maloloko, ungas!Gumagawa ako niyan kaya malabong magkamali ako. Ikaw, ha! Kaya ka siguro wala kanina dahil may ka meet up ka sa pinakamalapit na lodge mula rito.” Tumayo si Tigre. “Umalis ka na nga!” Nanlaki naman ang mga mata ni Agila nang makitang may nakadikit na piraso ng dahon sa likuran at buhok ng kapatid. Tumayo rin siya at hindi makapaniwala sa nalaman. “G*go! Sino ang kakant*tan mo rito?” “Bibig mo! Alis.” “Yuck, ha! Ew si ungas hindi na virgin.” “Alis!” “Oo na.” Bago lumabas si Agila, kinuha niya muna ang mga natitirang bote ng beer. May takot naman siya habang ginagawa iyon dahil nasa isip niya na baka bigla siyang sipain ng kapatid. Nang nakalabas na siya, dumiretso na siya sa kuwarto nilang dalawa ni Skyler. Nadatnan naman niyang umiinom ito ng gatas sa mesa. Ang ginawa niya, umupo siya sa harapan ng binata at inabutan ng beer. “Drink with me.” “Mahal ko ang liver ko. Patayin mo mag-isa ang sarili mo,” si Skyler. “Ang sarap mong murahin!” “G*go ka. Go!” Bumuntonghininga na lang si Agila. Aminado siya sa kaniyang sarili na mahihirapan siyang makipag-usap sa binata. Palagi kasing may pabalang na sagot ito sa mga banat niya. Naiinis siya. ••• “SKY, GISINGIN MO na si Shekaina,” utos ni Stella. “Okay, Ate.” Pag-alis ni Skyler, tinimplahan muna ni Stella ang dalawang kapatid niya ng gatas para pagdating ng mga ito ay puwede ng inumin ang gatas na inihanda niya. Tinimplahan na rin ni Stella ang asawa at ang mga kapatid nito. Napatigil naman sa pagtitimpla ng gatas si Stella nang dumating na si Skyler. Tiningnan niya ito nang may pagtataka sa mukha dahil hindi nito kasama ang isa pang kapatid. “Si Shekaina?” tanong ni Stella. “Masakit po raw ang katawan niya. Mukhang may lagnat din siya, Ate.” “Paano nangyari iyon? Ang sigla niya lang kahapon.” Nilingon ni Stella si Leon. “Ikaw muna ang magtuloy nito, Leon. Pupuntahan ko muna ang kapatid ko.” Habang papapunta sina Stella at Skyler sa kuwarto kung saan si Shekaina, makakasalamuha nila sa daan ang dalawang Silvestre. May pagtataka naman sa mga mukha ng dalawang binatilyo nang makita ang pagmamadali nina Stella at Skyler. “Good morning, Ate. Saan kayo?” tanong ni Tigre. “May lagnat daw si Shekaina,” si Stella. Natapos marinig ni Tigre ang sinabi ng hipag ay napatakbo ito papunta sa kung saan ang kuwarto ni Shekaina. Nagtinginan naman sa isa’t isa sina Stella at Skyler. Habang si Agila ay napakamot sa ulo at iniisip kung ano ang meron. Pagdating nila Stella sa kuwarto kung saan si Shekaina ay nadatnan nila roon si Tigre at inasikaso ito. Nilagyan pa ng binata ng bimpo ang noo ng dalaga. May pagtataka naman sa mukha ni Stella. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa nakita. Sa tingin niya, may kakaiba sa dalawa. Nag-iisip naman siya ng isang pangyayari kung nakita niya na bang magkasama sa isang lugar ang kapatid at bayaw. Napabuntonghininga naman siya dahil wala talaga. Pero iba ang nakikita niya. Mapapa-isip talaga siya. Lumapit si Stella sa hinihigaan ng kapatid. Pagdating niya, hinawakan niya ang noo, leeg, at katawan nito. Nang nakumpirma niyang mainit ito ay hindi niya maitago ang pag-aalala. Tiningnan naman niya si Tigre na hindi pa rin umaalis sa tabi ng kapatid niya. “Ako na rito, Tigre. Salamat sa pag-aalala. May tanong ako, magkaibigan ba kayo ni Shekaina?” tanong ni Stella. “Kahapon lang,” pagsisinungaling ni Tigre. Tatayo na sana si Tigre pero napahinto ito nang hawakan ni Shekaina ang kamay nito. Nanlaki naman ang mga mata ng kapatid ng dalaga lalo na si Agila na parang nakakita ng multo. Natahimik ito at hindi alam kung ano magiging reaksiyon. Nang nakita nitong unti-unting inilapit ni Tigre ang kamay ni Shekaina ay tumalikod na ito at umalis. “Tigre, Shekaina? May dapat ba akong malaman?” tanong ni Stella. “We are in a relationship. Mahigit 9 months na rin.” “A-Ano!?” sigaw ni Stella. Nagising naman si Stella matapos umamin ni Tigre sa panaginip niya na may relasyon ito sa kapatid niya. Napangiti naman siya dahil alam niyang malabo itong mangyari. Hindi rin niya nakitang nag-uusap ang dalawa kaya posibleng magkakatotoo ang panaginip. Napailing-iling naman siya habang tumatawa nang maalala ang ginawa ni Agila noong nakitang hinalikan ni Tigre ang kamay ng kapatid niya. Sa tingin niya, masyadong maliit ang mundo ng panaginip dahil pati roon ay Silvestre at Araneta pa rin. Tiningnan ni Stella ang asawa sa tabi niya na mahimbing pa rin sa pagtulog. Humihilik pa ito dahil napasobra sila kagabi. Hindi lang isa o dalawang beses nila inulit kung hindi tatlo. Napangiti naman siya nang makitang lumabas ang alaga nito sa loob ng boxers. Ang tigas nito. Ang ginawa niya, pinasok niya itong muli sa loob at tinakpan ang asawa ng kumot. Pagkatapos, tumayo na siya at pinuntahan ang kuwarto kung saan natutulog si Shekaina. Gusto niya lang itong tingnan dahil ang panget ng panaginip niya na nagkalagnat ito. Pagdating niya roon, kinatok na niya ang pinto. Mga ilang segundo rin ang lumipas, pero walang sumagot. Ang ginawa ni Stella, binuksan na lang niya iyon nang walang pahintulot. Pagpasok niya, walang tao. Wala ang kapatid niya, pero nakaayos na ang hinihigaan nito. Lumabas na lang siya roon at hinanap ang kapatid. Pagdating niya sa kung saan ang mga kabayo. Nakita niyang nakasakay roon si Shekaina habang nasa baba naman si Agila at inaalayan ito. Naglalakad lang sila habang nag-uusap. “Ate!” sigaw ni Shekaina nang makita ang kapatid. “Mag-ingat ka riyan!” sagot ni Stella. “I will po! Nandito naman ang ungas para alalayan ako!” Tumango si Stella at kinawayan ang kapatid. Senyales na babalik na siya sa kubo. Pagtalikod niya, nakita niya si Tigre sa itaas ng puno. Nakaupo lang ito at mukhang masama ang timpla. Nakatingin naman ito sa kung saan sina Shekaina at Agila. Pero hindi na lang iyon inisip ni Stella dahil nasanay naman siya na ganoon si Tigre. Madalas wala sa mood. Katulad ng asawa niya na pana-panahon ang ugali. ••• PUMAIBABAW SI MARIA kay Tep habang walang tigil sa paggiling. Napapikit pa siya habang napakagat-labi. Nagpipigil lang siya sa sarap ng naramdaman habang nakabaon sa p********e niya ang malaking alaga ng kasintahan. Walang tigil naman sa pag-ungol si Tep dahil nanggigil si Maria. Para bang ibinigay na niya ang lahat-lahat para mapaligaya ang mahal. Minuto ang lumipas, nilabasan na si Tep. Humiga naman si Maria sa braso ng mahal niya at hinimas ang diddib ng kasintahan. “Tep,” sambit ni Maria. “Bakit?” “S-Sorry. Pero ito na iyong huli.” “Huling ano?” “B-Bilang tayo.” “Nakikiuso ka ba, Maria? Prank ba ito para sa second anniversay natin?” Tipid na ngumiti si Maria at bumangon. Tiningnan niya ang kasintahan na ginawang biro ang sinabi niya. “Gaya ng sabi mo. Anniversary natin, pero ano? Wala ka man lang maibigay sa akin. Hindi mo kayang bumili ng bulaklak para sa akin. Kahit pangpatay man lang iyong tig 100. Tep, sorry. Akala ko okay lang na ganito, pero hindi! Iyong mga kaibigan ko milyones ang pera habang ako ay umaasa lang sa sahod ko. May boyfriend nga ako, pero wala namang laman ang bulsa.” Nagsimula ng mangilid ang luha ni Maria kaya natulala na si Tep dahil sa mga narinig. Sa pagkakataong ito, alam nitong seryoso na ang kasintahan. Bumangon si Tep at pinunasan ang luha ni Maria. “S-Sorry kung ganito lang ako. Sorry kung hindi ko maibibigay ang mga gusto mo. Pero nagsumikap naman ako, Maria. Overtime ako nang overtime para may maiaabot din ako sa iyo. Nagkataon lang talaga na may lagnat ang kapatid ko kaya nagamit ko pangbili ng gamot niya. Maria, huwag mo naman ako iwan. Ikaw na lang ang yaman ko. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon.” “Mahal kita, Tep. Pero pakiramdam ko, wala talaga akong future sa iyo. May pangarap ka ba talaga sa buhay?” Natulala si Tep dahil sa itinanong ni Maria. Bukal naman sana ito sa kasintahan sa mga pangarap nito sa buhay. Pero biglang hindi na iyon nakita. Kinuha ni Maria ang mga damit niya na nagkalat sa sahig at agad nagbihis. Nang nakabihis na siya, tiningnan niya ang kasintahan na walang tigil sa pag-iyak. Nasasaktan siya sa ginagawa niya pero para sa kanya iyon ang tamang gawin. “Mauna na ako, Tep. Mag-ingat ka.” Naglagay ng pera si Maria sa tabi ng dating kasintahan. “Two hundred ’yan. Pamasahe mo.” Hindi na nakasagot si Tep at napayuko na lang. Sobrang nasaktan ito sa ginawa ni Maria. Sa tingin nito, minaliit ang pagkatao nito. Paglabas ni Maria sa kuwarto ng motel, dumiretso na siya palabas. Nagpakatapang siya at hindi na inintindi ang mararamdaman ng dating kasintahan. Para sa kanya, kailangan na niyang gumalaw para hindi mapag-iwanan. Pumunta na siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng taxi na masasakyan. Hindi nagtagal, may humintong taxi sa tapat niya. Agad naman siyang sumakay at nagpahatid sa pinakamalapit na bar kung saan ay tambayan ng iba’t ibang klaseng tao na may maraming pera. ••• NASA COUNTER SI Cobra at mag-isang umiinom ng wine. Madami namang babaeng nakapalibot sa kaniya pero wala siyang ni isang pinapansin. Ang gusto niya lang ay magpakalasing. May sarili silang bar sa bahay nila pero hindi naman niya kayang mamalagi roon dahil nandoon ang asawa niya na sakit sa ulo para sa kaniya. Mag-aaway lang sila kung nandoon siya. Habang umiinom si Cobra, maraming kamay ang humihipo sa kaniya pero hinayaan niya lang iyon. Natutuwa rin naman siya dahil nabubuhay ang p*********i niya. Pero dahil pagod siya, wala siyang gana. Binayaran na niya lahat ng mga nainom niya at tumayo para umalis. Nang papalabas siya ng bar, may pamilyar siyang mukha na nakita. Isang maganda at seksing babae. Ang babaeng inagaw niya sa anak. Lumapit siya rito at tinabihan ito. “Hi, Miss beautiful.” “T-Tito,” sambit ni Tyra. “Cobra na lang. Ang panget naman pakinggan ng Tito. Nakakatanda.” Inakbayan ito ni Cobra. “May kasama ka ba?” “Papapunta na rito ang boyfriend ko.” “Papapunta? Sino pala itong katabi mo? Ako?” “T-Tito.” Pinisil-pisil ni Cobra ang balikat ng dalaga. “Alam mo. Sa lahat ng natikman ko. Ikaw ang hindi ko malilimutan.” “Pero may boyfriend na ako.” “Sssh. . . don’t be like that, Hijah. Kaya mo ba akong tanggihan? Alam mo naman kung gaano ako kagaling, ’di ba?” Napakagat-labi ang dalaga nang maalala kung gaano kagaling sa kama ang katabing ginoo. Sa unang beses na natikman ito ni Cobra, napa-iyak ito sa sobrang sarap. Naduling. Nahumaling. Hinahanap-hanap. “Ano na, Hijah?” bulong ni Cobra sabay dila sa tenga ng dalaga. “Sige po.” Napangiti naman si Cobra sa sagot ng dalaga. Ang ginawa niya, iginapang niya ang kamay patungo sa dibdib nito at hinimas na parang nagmasa ng kuwarta ng tinapay. “Tara na? Gusto ng manuklaw ng totoong cobra ko,” sabi ni Cobra sa malalim niyang boses. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD