KABANATA 9: MARIA’S CHARM
NAKAUWI NA NG bahay sina Stella at Leon. Agad naman silang tumungo sa opisina nila sa mansion para tapusin ang mga proyekto na naiwan nila. Si Leon ay naghahanda sa report niya habang si Stella ay may inaayos na proposal para sa team nila.
Kahit nakatuon ang atensiyon ni Stella sa ginagawa niya, hindi talaga maiiwasan na mapa-isip siya sa sinabi ng asawa tungkol sa kaibigang si Maria. Gusto niyang hindi maniwala. Gusto niyang nagkamali lang ang asawa niya. Pwede iyon para sa kaniya dahil aminado siyang hindi naman perpekto ito.
Nagpatuloy na siya sa ginagawa niya hanggang sa matapos. Nang tumayo na siya sa kinauupuan niya, napatingin siya sa asawa. Nakita naman niyang abala pa rin ito kaya nauna na siyang lumabas. Pero bago niya iyon ginawa ay hinalikan niya ito sa pisngi at binigyan nang mainit na yakap.
Pagdating niya sa kuwarto nila, naisipan niyang maligo na lang muna sa pool. Alam niya rin naman na matagal pang matapos ang asawa niya. Nagtanggal na siya ng damit at shorts at tanging puting two piece na lang ang natira. Kinuha na niya ang bathrobe sa banyo at sinuot iyon bago bumaba mula sa kuwarto.
Nasa pool area na si Stella at agad niyang hinubad ang bathrobe. Tatalon na sana siya pero napatigil siya nang may pumalakpak. Pagtingin niya, napataas kilay siya nang makita ang biyenan. Hindi niya lubos maisip kung bakit nandito na naman sa kanila ang ginoo. Pinulot niya ang bathrobe at sinuot iyon muli. Naiilang siyang makita ang katawan niya. Kahit maganda ang hubog ng katawan niya ay hindi pa rin siya kumportable.
“Take it off again. You’re so damn hot, ha. Bagay tayo.”
“Ano ang pinagsasabi mo? Umalis ka na nga rito.”
Napangiti si Cobra habang dahan-dahan na hibubad ang botones ng polong suot nito. Hindi naman napigilan na mailang ni Stella dahil nakikita niya ang magandang katawan nito. May mga buhok pa ito sa dibdib na mas nagpapaganda tingnan. Nang tuluyan ng mahubad ni Cobra ang damit na suot ay umupo siya sa isang lounge.
“Just swim, baby girl. Your father in law will watch you from a far.”
“Nawalan ako ng gana,” irap na sagot ni Stella.
“Really?”
Tumayo si Cobra sa kinauupuan nito at dahan-dahan na lumapit kay Stella. Nanigas naman si Stella at hindi makagalaw. Natatakot siya sa gagawin ng biyenan. Tumingin siya sa itaas ng mansion kung saan nandoon ang opisina nila. Napabuntonghininga naman siya nang makitang nakabukas pa rin ang ilaw. Ang ibig sabihin ay hindi pa tapos ang asawa niya sa ginagawa kaya malabong hahanapin siya. Hindi naman niya kayang sumigaw dahil alam niya sa sarili na walang gagawin na masama sa kaniya ang biyenan. Ang alam niya lang, aakitin siya nito. Sinubukan kung hanggang saan lang ang karupukan niya.
Pagdating ni Cobra sa kinaroroonan ni Stella, binigyan nito nang malapad na ngiti ang manugang sabay tulak dahilan para mahulog sa swimming pool.
“Cobra!” singhal ni Stella.
“Thank God for disrespecting me by calling my name. I love it.”
Hinubad ni Stella ang bathrobe at hinagis iyon sa mukha ni Cobra. Napatawa naman ang ginoo at unti-unti ng lumayo sa manugang. Bumalik ito kung saan ito umupo kanina. Wala namang nagawa si Stella kung hindi ang maligo na lang ng tuluyan. Ang hindi niya lang gusto ay ang tingin sa kaniya na malagkit ni Cobra. Nakasunod ito palagi sa kaniya. Kahit alam niyang sinasadya iyon ng ginoo, hindi niya pa rin mapigilang mainis.
Habang nakasandal si Cobra sa lounge, hindi nito napigilan na kunan ng larawan ang sarili. Pagkatapos, ipinadala nito sa anak na si Leon. Gusto nitong inisin ang anak.
[Cobra: Hi, son. I’m visiting your wife. I’m enjoying the view. Come with us! Bring some alcohol.]
Nang nabasa iyon ni Leon, agad itong napatigil sa ginagawa. Pero kalmado lang ito at dumiretso sa storage nila para kumuha ng wine. Kumuha na rin ito ng wine glass at mga yelo. Ilang minuto ang lumipas, kalmado itong dumating sa pool area. Tinabihan naman nito ang ama na tahimik na nakatanaw sa kalangitan.
“You look calm. Hindi ko inaasahan iyon,” si Cobra habang hindi tinitingnan ang anak.
Hindi na sumagot si Leon at binuksan na lang ang wine. Naglagay siya sa isang wine glass at inabot sa ama.
“Bumait ka. Hindi ka na pikon, ha?” si Cobra. Tumawa pa ito.
Hindi pa rin sumagot si Leon at tiningnan lang ang asawa na walang alam na dumating ito. Dahil walang balak kumibo si Leon, hinayaan lang iyon ni Cobra. Nilagyan naman ni Cobra ng wine ang baso at inabot iyon sa anak.
“Thanks,” si Leon.
“Hearing that word from you is priceless.”
“Magbihis ka na. Baka lalamigin ka.”
“Hindi ka ba galit na baka maakit ko si Stella?”
“Hindi siya si Tyra.”
“Speaking of your cheap ex girlfriend. We had s*x a while ago. Kaya nga ako nandito. Napagod ako.”
“Good for you. Are you satisfied?”
“Not so. But she’s still great, ha. Masikip-sikip pa rin naman pala. Hindi na siguro nakahanap ng mas malaki sa atin kaya sumikip.”
“Sorry, Dad.”
Napatingin si Cobra sa anak. Napakunot noo naman ito nang makitang may luhang tumulo sa mga mata nito habang nakatitig sa kawalan.
Nilingon naman ni Leon ang ama. “Sorry for everything, Dad.”
“Ang drama mo. Hindi ako sanay. Magalit ka na lang sa akin.”
“Narinig ko ang pinag-uusapan nina Tigre at Agila kanina. Tungkol iyon sa inyo ni Ma’am. Ganoon pala ang totoong nangyari?”
Tipid na ngumiti si Cobra. “Oo. Pero I want you to know na hindi ako nagsisisi na dumating kayo sa buhay ko. Though, hindi ko lang talaga kayang mahalin ang Mommy niyo. Hindi naman kasi katulad niya ang pangarap kong makasama.”
“Naiintindihan ko. But still—hindi mo pa rin siya iniwan. Dahil ba iyon sa amin, tama ba?”
Hindi na sumagot si Cobra at uminom na lang ng wine. Napangiti naman si Leon. Gusto nitong yakapin ang ama pero hindi nito alam kung paano gagawin. Ilang taon din itong naging salbahe rito kaya may hiya itong nararamdam.
“Mom, raped you. Ganoon po ba iyon?”
Bumuntonghininga na lang si Cobra at hindi na sumagot. Ang ginawa nito, uminom lang nang uminom. Nawala kasi ang lasing nito noong may nangyari sa kanila ni Tyra. Nagising ang diwa nito.
“Iyong about sa ex girlfriend ko. Thank you for saving me from her. Dahil sa ginawa mo, ihinatid mo ako sa tamang daan—kay Stella.”
Pag-ahon ni Stella mula sa swimming pool ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang magka-usap ang mag-ama nang walang bangayan. Agad niyang kinuha ang bathrobe na nasa sahig at isinuot iyon. Lumapit naman siya sa mag-ama.
Pagdating niya, tumabi siya sa gilid ni Leon. Hindi na siya nagtanong kung ano ang nangyari. Ang gusto niya ay makinig para malaman kung ano ang meron.
Nilingon ni Leon si Stella. “Can you make sopas for us, mahal? Magbihis ka na roon.”
“Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa asawa mo, anak. Ang sama ng mga mata ko.”
Bumuntonghininga si Leon. “Dad, we’re okay. Please stop actin’ like a sugar daddy to my wife.”
Napangiti naman si Stella dahil sa sinabi ni Leon. Habang si Cobra ay hindi alam ang gagawin. Pakiramdam nito ay sinaksak ito ng anak nang harapan.
“A-Ako? S-Sugar daddy? Sa gwapo kong ito? Gagayahin ko ang kapatid mo. . . ungas ka, Leon!” gigil na sabi ni Cobra.
Biglang niyakap ni Leon ang ama. Napabuntonghininga naman ito dahil nagawa na rin nito ang gustong gawin. Nang nakita ni Stella na mabuti na ang relasyon ng mag-ama ay umalis na siya. Para naman siyang nabunutan ng tinik. Sa tingin niya, hindi na siya gagambalain pa ng biyenan.
•••
[INFINITY: NASA LABAS ako ng bahay niyo. Please let me in. Kung hindi ay magwawala ako rito].
Nanlaki ang mga mata ni Shekaina nang mabasa ang mensahe ng kasintahan. Tiningnan niya ang oras sa cell phone niya at alas siyete pa ng gabi. Bumangon naman siya sa hinihigaan at sumilip sa bintana. Napabuntonghininga naman siya nang makumpirma na nasa labas nga ng bahay nila ang binata. Nakita niyang nakatayo iyon sa tapat ng isang poste.
Dahil wala pa ang mga magulang niya, balak niyang papasukin ang kasintahan nang palihim. Pero bago niya gagawin iyon, sisiguraduhin niya munang nasa loob na ng sariling kuwarto ang kapatid niyang si Skyler.
Lumabas na siya ng kuwarto at dumiretso siya sa kuwarto ng kapatid. Kunwari naman siyang may tinanong dito, pero ang gusto niya lang alamin ay kung ano ang ginagawa nito. Nang nakumpirma niyang nanunood ito ng movie ay napangiti siya. Alam niyang hindi ito lalabas. Kilala niya ang kapatid, hindi iyon kumukurap kapag may tinitingnan na palabas.
Agad naman siyang tumakbo pababa. Paglabas niya ng bahay, agad siyang tumakbo patungo sa labas.
“Babe!” mahinang sabi ng isang lalaki.
Napahinto si Shekaina at napalingon kung saan may tumawag sa kaniya. Bumilis naman ang t***k ng puso niya nang makita ang kasintahan na nakatayo sa tanim nilang balete. Lumapit naman siya rito at inalalayan ng yakap.
“Kanina lang tayo nagkita—I mean kahapon, pero miss mo na ako agad?” kinikilig na tanong ni Shekaina.
“I just love you. Papasukin mo na ako sa bahay niyo. Ang dilim dito.”
“Okay. Halika na. Dahan-dahan lang, ha? Baka makita tayo ng kapatid ko.”
Magkasabay ng pumasok sina Shekaina at ang kasintahan sa loob ng bahay. Pagpasok nila, para silang mga ninja kung gumalaw. Mabilis ngunit walang tunog. Dahil madalas nila itong ginagawa, nakasanayan na nila.
Nang tagumpay na makapasok ang dalawa, agad isinara ni Shekaina ang pinto. Sinigurado niya talagang walang makapasok sa loob ng kuwarto. Pagtingin niya sa kaniyang higaan, nakahiga na ang mahal niya. Hindi naman niya mapigilang kiligin lalo pa na muntikan nang may nangyari sa kanila. Mabuti na lang ay naalala niya ang bilin ng ina na kasal muna bago higa. Mas kinilig naman siya nang naintindihan iyon ni Tigre.
Itinagong lihim nina Shekaina at Tigre ang relasyon nila. Una, takot si Tigre na malaman ng ina nito. Natatakot ito na matulad ang relasyon nila ng mga kapatid nila. Ayaw nito na magkaroon ng problema si Shekaina dahil sa naging sila. Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa sa araw ng pamanhikan ng mga kapatid nila. Sa unang pagtama ng mga mata nila. Sa pangyayaring iyon, doon nila nasabi na para talaga sila sa isa’t isa. Tahimik na tao si Tigre, seryoso. Pero nakita nito ang pag-ibig sa ugali ng dalaga na maingay at bibo. Para rito, ibinigay ng dalaga ang ingay na may kulay sa tahimik na mundo nito.
Unang gumawa ng hakbang sa dalawa ay si Tigre. Kahit tahimik itong tao, naglakas loob itong magpakilala sa dalaga sa private message sa Facegrammer account nila. Hindi nagtagal, nagkaayaan ng palihim na magkita. Doon, mas nakilala nila ang isa’t isa hanggang sa mas lumalim pa iyon at humantong sa maging sila.
Lumapit na si Shekaina sa mahal niya. Pagkaupo niya sa kama, umusog si Tigre at humiga sa hita niya. Hindi naman niya maiwasang mapangiti kahit matagal na silang dalawa ay parang palaging unang beses ang nararamdaman niya. Hindi lang niya sukat akalain na magkaroon siya ng isang katulad nito; malawak ang kaisipan, mahal ang pamilya, maganda ang itsura, at itinuturing siyang prinsesa. Kahit patago lang sila, naintindihan niya na ito lalo na sa nalaman mula sa bibig ng kapatid ng kasintahan na si Agila. Bago lang nalaman ni Shekaina na hindi pala maganda ang trato ng ina ng kasintahan sa kapatid niya. Kaya alam na niya ang totoong rason kung bakit ayaw muna ng kasintahan niya na malaman ang lahat tungkol sa kanila. Bagaman gusto niya, nirerespeto niya pa rin ang gusto nito. Para sa kanya, basta mahalin lang siya nito at walang magbabago ay kakapit siya sa pag-iibigan na meron sila.
“Muntikan na akong magkasala sa iyo, babe,” si Tigre. Inalala nito ang nangyari noong isang gabi.
“’Wag mo na kasi akong halikan sa madilim. Grabe! Nakakadala.”
“I can’t promise but I will try my best. You are the definition of temptation. Ang sarap mo.”
“Nandiyan ka na naman sa mga banat mong nakakalandi.”
“Pero alam mo. Nagseselos ako sa inyo ni Agila. Pakiramdam ko, may gusto siya sa iyo.”
“Hindi ako magugustuhan niyon. Mumurahin lang daw ang panty ko. Ang feeling lang talaga.”
“Patingin nga kung mumurahin ba?” nakangiting tanong ni Tigre.
“Ang landi mo talaga! Porque alam mong mahina ako pagdating sa iyo ay sinasagad mo na ako.”
Tumawa naman si Tigre na bihira lang mangyari kaya hindi matawaran ang saya ni Shekaina. Mabuti na lang ay mahina ang boses nito at malayo ang kuwarto ng kapatid.
“Saan mo iniwan ang sasakyan mo?” tanong ni Stella.
“Somewhere. I just rode a taxi from here.”
“Mabuti. Kumain ka na ba?”
“Wala pa nga. Pwede bang kainin kita?”
“Tigre Silvestre! Iba ka talaga.”
“I can’t get over. The feels still give me chills.”
“Ako ba ang una mo kung natuloy iyon? O may mga babae ka ng nakasalo noon?” tanong ni Shekaina.
“Nope. Ikaw lang ang sinubukan ko. Gusto ko kasi sa mahal ko lang ibigay iyon.”
“Bolero. Gusto mo lang maka-score, e.”
“Magpipigil na ako sa bagay na iyon. But can I kiss you while massaging your boobs.”
Hindi naman mapigilan mamula ni Shekaina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Para bang nagbago ang lahat simula noong muntikan ng may nangyari sa kanila. Naging bukas na sila sa usaping ganoon.
“Can I? Kung papayag ka... I will let you to do the same thing. . . play my d*ck which is exclusively yours.”
“Pero paano kung humantong tayo sa bagay na iyon?”
“Let’s bow down and pray and say sorry to our Lord, God.”
“’Wag na nga lang. Baka manghihina ulit ako. Hintayin mo na lang ako, please. Katulad ng ginawa nila Ate at ng Kuya mo.”
“Okay. I love you, babe.”
Bumangon si Tigre mula sa pagkahiga sa hita ni Shekaina at tinabihan na lang ang dalaga. Nang tumingin si Shekaina rito, humingi ito ng halik na agad naman ibinigay ni Shekaina. Gaya ng sabi ng dalaga, nagpipigil ang binata at tanging mukha lang ng kasintahan ang hinawakan. Napapikit lang silang dalawa habang nagpapalitan ng laway sa isa’t isa. Bukod tanging saya ang nararamdaman nila.
•••
“MARIA, SI ZIAN, boyfriend ko,” pagpapakilala ni Maria sa boyfriend niya.
Kakauwi lang ni Maria galing sa restaurant kasama ang boyfriend na nakilala niya sa States. Ito ay isang Pinoy na anak ng isang negosyante. May magandang itsura ito at magandang pangangatawan. Nakilala niya ito sa isang bar. Hindi niya ito sinabi kina Stella at Maria Angel dahil hindi pa siya sigurado sa binata. Pero dahil sinundan siya nito, sigurado na siyang seryoso ito sa kaniya.
“May boyfriend ka pala? Hindi mo man lang sinabi sa akin.” Napatingin si Maria Angel sa boyfriend ng kaibigan. “Hi, I’m also Maria.”
Inabot ni Maria Angel ang kamay nito kay Zian. Nang tinanggap iyon ng binata para makipagkamay, inalalayan iyon ni Maria Angel ng kanyang magandang ngiti.
“Hello, Zian Buenavista. Nice to meet you,” pagpapakilala ng ginoo.
“Zian, siya pala iyong friend ko na nasunugan. Makakasama natin siya rito. Sana maging mabait ka sa kanya. Kasi iyong asawa ng isang kaibigan namin, allergy sa kanya. Ewan ko ba kung bakit,” natatawang sabi ni Maria Claire.
“Really? Pero at least nandito na siya at tinanggap mo.” Tiningnan ni Zian ang kaibigan ng kasintahan. “You’re lucky to have her.”
“Kaya nga. Ikaw rin. Bagay kayo,” nakangiting sabi ni Maria Angel.
“Mag-usap muna kayong dalawa. Magtitimpla lang ako ng juice. Zian, be nice to her,” sabi ni Maria Claire.
“Okay, Love.”
Pag-alis ni Maria Claire para magtimpla ng juice. Sinigurado naman iyon ni Maria Angel na wala na sa paningin ang kaibigan. Nang nawala na sa paningin ni Maria Angel ang kaibigan, sinadya nitong ihulog ang hawak na cell phone sa tapat ng kasintahan ng kaibigan. Pagpulot ni Maria Angel, sinadiya nitong tamaan ang gitnang bahagi ng katawan ng ginoo gamit ang kaniyang ulo.
“Sorry,” mahinang sabi ni Maria Angel.
“It’s okay,” si Zian.
Napangiti naman si Maria nang nakumpirma nitong may malaking sandata ang kasintahan ng kaibigan. Sa tingin nito, puwede muna itong maging kapalit sa kakahiwalay na kasintahan. Mas napangiti naman ito nang makitang may relo ito mula sa isang sikat na brand.
Pagtayo nito, tinitigan nito nang malagkit si Zian. Hindi naman makagalaw ang binata. Nakaramdam ito ng pang-iinit.
“Hey, guys! Come here,” sigaw ni Maria Claire mula sa kusina.
Pagdating ng dalawa sa kusina, nasa tapat ni Maria Angel ang kasintahan ng kaibigan. Habang kumakain, palihim na inabot ni Maria Angel ang paa niya sa p*********i ng binata. Nang dumapo iyon, pasimple nitong pinisil-pisil. Wala namang reklamo si Zian at mukhang gusto pa ang ginawa ng dalaga rito.
Wala namang kaalam-alam si Maria Claire sa ginagawa ng kaibigan. Bagkus masaya pa siyang tinitingnan ang kasintahan na na masayang kumakain ng cookies na gawa niya. Tiningnan niya rin ang kaibigan na masayang tinitingnan siya.
“After this. . . let’s drink together,” sabi ni Maria.
~~~