KABANATA 22: FIRST HEARTBREAK “WAHHH!” SIGAW NI Stella. Napasigaw si Stella nang mabasa ang ipinadalang E-mail ng Monte Carlos na nakapasa siya sa isinagawang pagsusulit noong nakaraang linggo. Agad naman siyang bumaba ng bahay nila at niyakap ang dalawang kapatid. Gusto niya lang iparamdam sa mga ito ang saya na naramdaman niya. “Ano ang meron, Ate?” tanong ni Shekaina. “Pumasa ang Ate!” sigaw ni Stella nang may panggigigil. “Wow! Ang galing ng ate ko!” masayang sabi ni Skyler. “Congrats, Ate! Sobrang proud ako sa iyo,” naluluhang sabi ni Shekaina. “Thank you sa inyong dalawa! Dahil diyan... magluluto ako ng special pansit!” “Yes! Damihan mo ang sahog, Ate,” si Shekaina. “Dapat lang. Huwag niyo munang ipaalam kina Mama at Papa, ha? Lagot talaga kayo sa akin.” “Okay po.” Bumalik