KABANATA 23: THE UNIVERSITY HEARTTHROB MAHIGIT ISANG BUWAN na ang lumipas nang malaman ni Stella ang katotohanan. Sariwa pa rin sa kaniya ang sakit pero sinusubukan niyang makalimutan ang unang lalaking minahal. Ang ginawa niya para makalimot, inilagay niya sa blacklist ng cell phone ang lalaking mahal. Hindi niya rin sinubukan hanapin sa anumang social media ang pangalan nito. Para sa kaniya, sapat na ang nalaman niya na niloko siya nito. Kahit naging totoo man ang nararamdaman ng ginoo sa kaniya ay hindi na puwede dahil sa estado nito sa buhay. May asawa na ito. Isang marangal at may dignidad na babae si Stella kaya malabong sumugal siya sa pag-ibig kahit mahal pa niya ito. Hindi niya pinangarap maging kabet. Hindi siya pinalaki ng mga magulang niya para maging ganoon. Dahil inilihim