KABANATA 21: DESTINED PAG-UWI NI STELLA mula sa coffee date nilang dalawa ni Cobra ay abot langit ang saya na nadarama niya. Sa tanang buhay niya, si Cobra ang unang lalaking pinagbigyan niya ng pagkakataon na makilala. Maraming manliligaw sa kaniya sa unibersidad na pinapasukan noon, pero walang sinuman ang hinayaan niyang makilala. Hindi siya sigurado sa mga taong iyon at ayaw niyang sumugal lalo pa at wala pa siyang karanasan. Pero sa ginoong nakatagpo, nagbago ang ihip ng hangin. Hinayaan na niyang buksan ang kaniyang puso. Kahit hindi niya iyon kaedad, wala siyang pakialam doon. Hindi iyon mahalaga sa kaniya. Ang mahalaga para sa kaniya, ipakita ang totoong ugali ng isang tao. Sa sandaling nakilala ang ginoo, nakikita niyang mahal siya nito. Kahit minsan, balahura itong magsalita, hi