KABANATA 17: YOU ARE MINE “DADDY!” SIGAW NG isang bata. Napakamot si Cobra nang marinig ang ang boses ng pangalawang anak na si Tigre. Ang ginawa niya, hinarap niya ito. Lumapit naman ito sa kaniya at binigyan siya nang mahigpit na yakap. Bumuwag naman siya at ginulo ang buhok nito. Pagkatapos, inabot niya ang laruan na binili para sa bunsong anak. “Is this for Agila, Dad?” tanong ni Tigre . “Marunong ka ng magsarili, ’di ba? Kaya hindi malabong sa kapatid mo iyan.” “Yuck, Daddy! You’re so silly. So sa kanya nga ito?” “Yup. Ihatid mo na iyan. Bumalik ka na roon. Hindi ba ang sabi ko, kapag nandito tayo sa Mall. Call me Kuya Coco?” “Dad, naman! But fine—Kuya Coco!” “Go.” Pag-alis ni Tigre, hindi mapigilang mapangiti ni Cobra. Natutuwa lang siya sa anak niya. Napakamasunurin kasi ni