KABANATA 20: COFFEE DATE “HI, ’NAK. KUMUSTA?” tanong ni Cobra sa kakarating na anak. Hindi na sumagot si Leon sa kaniya at sinamaan lang siya ng tingin. Hindi naman siya nagulat doon dahil inaasahan niya na iyon. Nang dumaan ang anak sa gilid niya, hinawakan niya ang braso nito. Huminto si Leon at muli siyang tiningnan. “Bitaw,” maawtoridad na sambit ni Leon. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit at parang kakain ito nang buhay. “She loves to blow, ha?” natatawang sabi ni Cobra. Nangilid ang luha sa mga mata ni Leon. Hindi nito alam kung ano ang gagawin. Gusto nitong bugbugin ang ama. Gusto nitong wasakin ang mukha nito, pero nanaig pa rin rito ang pagiging isang anak. “F*ck you!” sigaw ni Leon. Napatingin ang lahat ng mga tao sa loob ng mansion. Nanlaki naman ang mga mata ni Riza