NAIA, Philippines
DK
Inilabas ko ang cp ko sa aking handbag at sinagot ang tawag ni Dave. Siya ang namumuno sa chapter ng organisasyong kinabibilangan ko sa New York at siya rin ang nagplano kung bakit ako naririto sa bansang kahit kailan ay di ko tinangkang balikan. Masakit balikan sa alala na sa bansang ito namatay ang aking mga magulang at naging dahilan upang mapasok ako sa organisasyon.
Leader si Papa ng chapter ng organisasyon dito sa Pilipinas. Tinambangan nila kami isang araw. Inambush. Parehong namatay ang mga magulang ko sa pagprotekta sa akin mula sa mga baril ng mga kalaban. I was 5 that time. Si Dave ang second-in-command ni Papa. Siya ang nag-alaga sakin mula nang ako ay maulila at dinala niya ako sa New York dahil siya na ang mamumuno sa chapter doon. He was 20 that time. Doon na rin ako nagsanay bilang assasin. Napakabata ko pa nang magsimula ako. I had my first mission when I was nine and received my first millions nang mapatay ko ang gang leader na assigned sa akin. Kung ang mga kaedad ko ay barbie ang pinaglalaruan, ako nama'y baril na ang hawak noong mga panahong iyon.
"Devin..." napapikit ako pagkarinig sa pangalang binanggit niya. Siya lang ang tumatawag sa akin gamit ang buo kong first name.
"It's Jamie now, Dave." I said with a sigh. Lalong bumigat ang pakiramdam ko habang nakikipag-usap sa kanya.
"Yeah, I always forget." he chuckled.
"So you finally arrived. How do you feel now that you're there? Don't worry, I've sent some of our men to watch over you and be of assitan-"
"Dave, stop it!" I stopped his rants. Sabi ko na nga ba. Nakita ko kanina sa eroplano ang mga tinutukoy niyang mga tao. Alam kong bagong recruits ang mga iyon. Tingin at galaw pa lang nila, alam na alam ko na. Six months kong ininda ang nangyari sakin at another six months ang ginawa kong pagpapagaling kaya hindi na ako updated sa mga bagong recruits ng organisasyon ngunit malakas ang instinct ko sa mga katulad ko ang trabaho.
"Okay, okay. I'm the one who is worried even if I am very sure na tayo lang sa chapter ang nakakaalam ng ginawa natin, I have to be sure na magiging safe ka dyan. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari habang nandyan ka." serious na siya sa pagsasalita ngunit alam kong alm niya kung gaano katigas ang ulo ko..
"I don't need them. Alam mong kaya ko ang sarili ko." I stubbornly said.
"You wouldn't be the second-in-command sa chapter if you can't take care of yourself. Remember, hindi na ikaw si Devin Kaye Martin na kayang magpatumba ng dalawang dosenang kalaban with your bare hands. Ikaw na si Jamie del Mar, isang mahinhin na babae na di marunong lumaban." Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. He is right. Kahit langgam ay hindi kayang patayin ni Jamie. Kahit kinakagat na siya ay papagpagin niya lamang ito.
"You need to control your hands. Mastered mo na ang paggaya sa mga karakter ng mga tao at pagpatay pero alam kong kapag uminit na 'yang ulo mo ay mas malakas ang hatak ng kamay mo para manakit kesa sa control ng isip mo." Whoa! What can I say more. Dave knows me so well.
"Dave, I promise you, I'll try to be 100% Jamie and forget that I am DK. I'm doing this not only for me but for Jamie. I'll call you back. Andito na ang sundo ko." I told him dahil nakita ko na ang plakard na may pangalan ni Jamie. Kilala ko ang nakahawak ng plakard - ang kanyang Daddy katabi ang kanyang asawa, ang stepmom ni Jamie. Teka, wala ata si Jane, ang maldita niyang half-sister.
Yinakap ako ng matandang lalaki nang mahigpit nang makalapit ako sa kanila. Dama ko ang kanyang pananabik sa kanyang anak. Once ko lang na-meet ang ama ni Jamie at kamukhang-kamukha siya ng kanyang ama, ang mukhang dala-dala ko na.
Bineso naman ako ng stepmom ni Jamie. Alam ko rin na malayo ang loob nito sa kaibigan ko at nagpapakitang-tao lang ito upang di masita ng asawa.
Sumabay na ako sa paglalakad ng mga ito papunta sa naka-park na SUV na alam kong pag-aari ng mga ito. Nasulyapan ko din ang mga recruits na pumasok sa dalawang vans na naghihintay sa kanila. It irritated me dahil alam kong simula sa araw na ito ay mayroon na akong mga unwanted shadows na susunod-sunod kahit saan ako pumunta. Napabuntong-hininga ulit ako nang mahina.
Nang buksan ng daddy ni Jamie ang pintuan para makasakay na ako ay may isang magandang babaeng naghihintay sa loob. Maganda nga ang mukha nito but I won't be deceived by the face. I can actually see the evil glint in her eyes.
"Welcome back, sis." she said smiling widely at me.
Tumango na lamang ako at pumasok. Muli ko siyang nilingon. Wala na ang ngiti nito habang nakalingon din siya sa akin. All I can see is a deadly glare she is giving me. Napangiti din ako. Mukhang hindi magiging boring ang bagong buhay ko rito sa Pilipinas.
I closed my eyes and tried to relax.
Welcome home, Jamie. I smiled at my thought.