I Loved A Stranger
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
The images/videos used in the story are found from different sources all over the Internet, and are assumed to be in public domain and are displayed under the fair use principle.
Copyright © 2014 Xakni_allyM
......
Prologue
New York
We need to do this.
Iyon ang mga salitang tumatak sa aking isipan habang isinisilid ko sa aking maliit na maleta ang mga importante kong gamit and gadgets. Hindi ko na kailangan pang magdala ng maraming gamit. Bibili na lamang ako sa aking pupuntahan dahil alam ko naman ang mga style ng damit na isinusuot nya.
Siya.
Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sumagi na naman siya sa aking isipan. Mabilis kong pinunasan ang mga butil ng luhang tumulo sa aking mga pisngi. Damn. Siya lang talaga ang nagpapalabas ng mga luha sa mga mata ko.
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at saka ko lang sila iminulat nang di ko na makayanan ang sakit ng mariing pagkakapikit.
We need to do this.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Pero paulit-ulit na parang sirang plaka ang boses ni Dave sa ulo ko. Kailangan dahil kailangan. Kailangan kong magtago. Kailangan ko munang magbago ng katauhan at pati na rin ng aking anyo. Napatingin ako sa salamin. Tumayo ang mga balahibo ko nang masulyapan ko ang aking repleksyon dito. Muli akong napapikit nang mariin. Alam kong ako iyon ngunit hindi ko mukha ang aking nakikita. Kaya ayaw na ayaw kong tumingin sa salamin ay dahil nakikita ko siya.
Tama. Dala ko na ang kanyang mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol na ako ng iyak at napayupyop. Ansakit sa mata at sa dibdib. Literal kong nararamdaman ang pagkapunit-punit ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko nang ikuyom ko ang aking kamao sabay suntok sa aking dibdib nang paulit-ulit.
I'm so sorry. I'm sorry, JAMIE.
I need to do this.