Jane
"She's coming back."
Nagulat ako sa sinabi ng daddy ko. Ano raw? Nagkatinginan kami ni Mommy na tulad ko ay napatigil din sa pagnguya. Pakiramdam ko'y pareho kaming nabingi sa sinabi ni Daddy. Alam naming pareho kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang sinabi.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Josef." si Mommy.
"Babalik na siya. Sa ikalawa ang dating nya." Daddy said without looking at us.
Oh, no! Di nga ako nagkamali ng rinig. Babalik na siya. Babalik na ang taong kinamumuhian ko noon pa. Ang taong lagi na lang pasikat - kesyo maganda na mabait pa, matalino, makinis, hindi makabasag pinggan. Kulang na lang ay ilagay sa noo niya ang salitang PERFECT. Ah! Lagi na lang siyang bida noong andito siya. At ako, dakilang 2nd runner up lang niya.
Ibubuka ko pa lang sana ang aking bibig upang magprotesta ngunit nakasalubong ko ang matalim na tingin ng aking ama. Napalunok na lang ako ng laway at napasulyap sa aking ina.
"Josef, alam mo namang..." simula nya ngunit agad din iyong pinutol ng malakas na boses ni Daddy.
"Oo, Carla, alam ko. At alam din ninyo na sampung taon kong pinagbigyan ang gusto ninyong mabuhay ng wala siya! Pero ngayon, ako naman ang masusunod. Ako naman ang magdedisisyon para sa kanya. At gusto kong bumalik na siya, sa buhay ko at sa bahay na ito."
Natameme kaming pareho ni Mommy at napatingin na lang sa kanya.
"At ikaw, Jane, ayokong malalaman na ginagawa mo sa kanya ang ginagawa mo noon kapag andito na siya. Alam ko ang pagka-brat at pagka-prima donna mo. Alam kong may gagawin ka na naman kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na sa'yo ito... don't do anything stupid." talak pa niya.
"And I am expecting the both of you to act what I am expecting from the both of you." he finished as he got up from the dining table.
"Mom..." tawag ko kay Mommy. I'm sure, kitang-kita niya ang pagtutol sa mukha ko.
"You heard your dad. Wala na tayong magagawa pa." she stood up and left me.
This can't be happening.
AARGH! Kulang pa ang 10 years na pagkawala niya para makalimutan ko ang galit ko sa kanya. Sana forever na lang siya sa kinaroroonan niya ngayon. I can't imagine na maaagaw niyang muli ang koronang pilit kong inagaw sa kanya noon. Well, mukhang kailangan ko ulit ang gumawa ng paraan para mawala siya nang tuluyan sa buhay ko at sa mundong ito. Kung nagawa ko noong bata pa ako, mas magagawa ko ngayon ang pag-erase sa kanya sa perfect kong buhay. Sisiguraduhin ko iyon.
Humanda ka na sa pagbabalik mo, JAMIE.