Chapter 3: Meeting Them

656 Words
Humanga ako sa bahay na pinasukan namin. Hindi iyon mala-palasyo gaya ng bahay ko sa New York ngunit napakaelegante nito kung maituturing. Itinuro ng Daddy ni Jamie ang isang pintuan malapit sa kusina bilang aking magiging silid. At alam ko ang dahilan kung bakit ang silid ng kaibigan ko ay nasa baba at hindi nasa ikalawang palapag kung nasaan ang mga kuwarto ng mga miyembro ng pamilya nito. Takot si Jamie sa hagdan. Isang aksidente noong bata pa ito ang rason kung bakit. Napatingin ako sa stepsister ni Jamie. Nakita ko ang pag-ismid niya. Yes. Si Jane ang rason kumbakit takot si Jamie sa hagdan. Itinulak ni Jane si Jamie sa hagdan noong bata pa sila dahilan kung bakit may mahabang pilat si Jamie sa bandang dibdib. Maldita talaga ang babaeng ito kahit na noong bata pa. Nang walang anu-ano'y napasulyap ako sa katulong na hila-hila ang maliit kong maleta. May nararamdaman akong kakaiba dito dahil sa mga tinging ibinabato nito sa akin. Huminga ako nang malalim at pumasok na rin sa kuwartong pinasukan nito at ng ama ni Jamie. Hindi na sumunod ang mag-ina sa amin. Narinig ko pa ang Tita Carla ni Jamie na nagpahanda ng meryenda para sa kanila. Inilibot ko ang aking paningin sa kuwarto. Elegante din iyon with a touch of femininity. Sigurado akong masisiyahan si Jamie kapag nakita ang kuwartong inilaan ng ama nito para sa kanya. "Magpahinga ka muna, anak. Ipakuha mo na lang ang meryenda mo kay Ana kapag gusto mo na ang kumain." nakangiting sabi ng matandang lalaki sa akin. Pananabik at pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata nito habang tinitigan ako at hindi ko mapigilan ang pagngiti sa ipinadarama nito ngayon sa akin. "Thanks, Mm-dad." wika ko rito. Nakita ko ang pagsilay ng masayang ngiti sa mga labi nito. "All for you, Jamie." he said as he walked towards the door. Nang tuluyang makalabas ang ama ni Jamie sa kuwarto ay lumingon ako kay Ana na mukhang naghihintay sa aking iuutos. "Who sent you here?" I asked na nagpangiti rito. "It's Master David, my Lady." she answered still with a smile. Bingo! Sinasabi ko na nga ba. "Since when were you here?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer na suot ko. "Since Mr. del Mar asked for a personal assistant from the local papers." sagot nito sa aking katanungan. "From what class are you?" tanong ko ulit at humiga na sa kama. Napagod din naman ako sa biyahe lalo't hindi ako nakakatulog tuwing bumibiyahe ako. Nakita kong tumalikod ito at yumuko upang pulutin ang blazer na itinapon ko na lang basta kanina. Palihim kong inabot ang isa sa mga frames na malapit sa lampshade at ibinato iyon kay Ana. Bigla itong humarap at sinalo ng walang hirap ang frame na tatama sana sa mukha nito. "Class B, Lady" she said and walked towards the lampshade and placed the frame to where I took it a while ago. Napangiti ako sa kakayahang ipinamalas niya. By classes kami sa Phoenix organization na organization of assassins sa buong mundo. Class A ang division kung saan jack of all trade ang mga miyembro. At bawat miyembro dito ay team leader ng iba't ibang classes o departments depende sa mastery ng mga ito. Sa class A ako ngunit wala akong department dahil mastered ko ang lahat ng skills, tricks at stints ng bawat department. Isa pa, 80% ng misyon ng organisasyon ay kasama ako at gumagawa ng aksyon kasama ang napiling members ng bawat class. Ako lang ang class A na kasama sa mga misyon. Depende naman ang kasamang members na kinakailangan sa bawat misyon na nakatoka sa grupo. Ang class B na kinabibilangan ni Ana ay ang mga magagaling sa self-defense at mga sharp shooters. Puro babae ang members nila. Talagang di pinalagpas ni Dave patisa loob ng bahay ng mga del Mar para lang mapabantayan ako. Tumango na lamang ako kay Ana at saka ako pumikit. "Ayusin mo na ang mga gamit ko. Gisingin mo ako after an hour." huli kong sinabi as I let myself drift to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD