“SOFU!” tawag ni Kenichi sa kanyang lolo na may halong pakiusap. Iyon ang formal na tawag niya kay Master Takayama.
He came to Black Diamond Bar to talk to his grandfather. Ayaw niya ng ideya nito na kausapin si Eleri. Hindi niya tanggap ang babae, hindi siya pumapayag na maging babae ito dahil sa napakaraming dahilan.
Inilapit ng may edad na lalaki ang maliit na cup sa labi nito at ininom ang sake o Japanese rice wine na laman niyon.
“I like the woman,” wika nito sa Hapon. “She has guts.”
“But, Sofu, I don’t want to get involved with any woman! That night is a mistake!”
May bakas silang iniwan sa silid at hindi nito pinagkaila ang kanilang ginawa ng babae.
His grandfather growled. “It’s not a mistake, Kenichi! You need an heir! I need an heir for us to continue this business! And I am pretty sure that you like that woman! She’s pretty, and I also like her aura.”
“But, Sofu. You told me that women have no place in our world,” katwiran ni Kenichi.
“That’s why I only needed her child. Your child!”
Takot si Kenichi na magkaroon ng babae sa kanyang tabi dahil sa napakaraming dahilan. Namatay ang kanyang Pilipinang ina sa edad niyang anim sa kanyang harapan habang inililigtas siya. Ilang grupo ang may personal na galit sa kanyang pamilya at hindi nakaligtas ang kanyang ina. Ang kanyang ama naman ay namatay din nang dahil sa parehas na rason. May sumaksak dito habang naroon ito sa ibang bansa.
Kung bakit nabubuhay si Kenichi sa kasalukuyan ay dahil mas pinalalakas niya ang sarili para maging karapat-dapat na susunod na tagapagmana ng kanyang grupo. He was alert. Kumikilos pa lang ang kanyang kalaban ay naaamoy na niya ito, nakagagawa na siya ng paraan. Hindi niya pa kayang harapin na magkaroon ng babae sa tabi.
“Kenichi, you are already twenty-eight! You need an heir! You like that woman, that’s why I chose her.”
Napayuko na lang siya, ayaw niyang aminin sa kanyang sarili ang bagay na iyon. Kung sana ay hindi natuloy ang naganap noong isang gabi sa pagitan nila ni Eleri Martinez.
“I’ll think about it, Sofu,” magalang niyang wika niya nang may tinig nang pagsuko.
Lumabas siya ng pribadong silid. Humiling siya ng bote ng alak sa waiter. Kasalukuyang kumakanta si Eleri sa entablado. Nakaramdam siya ng galit dito. Hindi dapat ito napunta sa kanyang silid noong nagdaang gabi! Kung sana ay nagpigil siya nang gabing iyon.
Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa bote ng alak habang pinanonood ito. Bakit ba siya nito pinahihirapan?
Eleri sang on the stage, “First Light” by Makoto Matsushita.
Masyadong tumutugma ang awitin nito sa kanyang nararamdaman. Taimtim niyang pinanood ang babaeng kumakanta sa entablado.
Eleri stands five feet and six inches. Matangkad ito kumpara sa ibang babae. Ngunit hanggang balikat lang din niya ito. May kapusyawan ang balat nito, maliit ang mukha, may kahabaan ang buhok at balingkinitan ang hubog ng katawan. Ang pinakagusto niya rito ay ang manipis na labi nitong hindi napahiran ng matingkad na kulay ng lipstick. She was simple, and yet alluring.
Tila panaginip na pumapasok sa kanyang isipan ang imahe nito noong nagdaang gabi, kung paano maglandas ang kanyang palad sa magandang hubog nito na nakikita niya sa kasalukuyan. Napalunok siya at saka ininom ang laman ng kanyang bote. Hindi maiwasan na magbalik sa kanyang ala-ala ang huling engkuwentro niya sa kanyang ina.
“Kenichi! Dito ka magtatago.” Parang naririnig niya pa rin hanggang sa kasalukuyan ang sinabi ng kanyang ina. “Huwag kang lalabas at takpan mong mabuti ang iyong bibig. Hangga’t maaari ay huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay. Kahit anong mangyari, naiintindihan mo ba?”
Tumango ang anim na taong edad na Kenichi sa sinabi nito.
Niyakap siya ng ina nang mahigpit habang naglalandas sa pisngi nito ang mga luha. Naririnig nila ang mga hiyaw sa labas ng kanilang silid, mga nababasag na kagamitan, at mga kalansing ng kung anong patalim.
“Faster!”
Pinadapa siya nito sa ilalim ng kama. “Don’t make any sound, Kenichi. Remember that mommy loves you.”
Naglandas na lang sa kanyang pisngi ang mga luha. Tahimik siyang umiiyak at sinunod ang nais ng kanyang ina na huwag gumawa ng kahit na anong ingay habang nakadapa roon sa ilalim ng kama. Sinipa ng kung sino ang pintuan.
“What do you want?” wika ng kanyang ina sa lengwaheng Hapon.
“I need your life! Where is your son?” wika ng lalaking nakasuot ng boots na itim. Iyon lang ang tangi niyang naaaninag mula sa kanyang puwesto—ang binti ng lalaki.
“My son is not here. He’s with Master Takayama.”
Kumalabog na lang ang sahig na gawa sa kahoy. Natutop ni Kenichi ang kanyang bibig nang dumapa sa kanyang harapan ang mukha ng kanyang ina. Dilat ang mata nito na nakatingin sa kanya. Nagawa pa nitong ngumiti sa kanya hanggang sa huling sandali. Iniharang din nito ang sarili sa kanyang pinagtataguan. Naririnig niyang kumakaluskos ang lalaking naka-boots na halatang iniikot nito ang silid para hanapin siya.
Panay lang ang pagluha niya habang tutop ng palad ang kanyang bibig. Hindi siya gumagawa ng ingay tulad ng huling bilin nito.
Mommy!
Nakatingin ito sa kanyang direksyon, ngunit wala na itong buhay...
Nagbalik sa kasalukuyan ang masyado nang lumipad na masakit na ala-ala ni Kenichi. Iyon lang ang tanging karanasan na natatandaan niya hanggang sa kasalukuyan. Ang boots ng lalaking pumatay sa kanyang ina, ang pagbulagta nito sa kanyang harapan at kung paano siya ma-trauma sa naganap na iyon sa kanyang buhay.
Nilagok niya nang isahan ang laman ng boteng hawak habang nakatingin pa rin sa direksiyon ni Eleri na katatapos lang kumanta.
Ilang taon niyang itinatak sa kanyang isip na hindi na magaganap sa pamilya niya ang ganoon, at mangyayari lang ito kung hindi siya magmamahal ng babae.
Kaya nga sa loob ng dalawampu’t walong taon ng kanyang buhay ay wala siyang binigyan ng atensiyon sa kahit na kaninong dilag. At iyon ang dahilan kung bakit nagagalit siya kay Eleri! Ano ang mayroon ito para guluhin ang kanyang pananaw nang ganoon?
Salubong ang kanyang kilay nang makipagngitian ito sa gitarista. Nagawa pa ng huli na tapikin ang makinis na balikat ng babae. Masama ang ipinukol niyang tingin sa palad ng lalaking iyon. Kung maaari lang na putulin niya ang kamay nito sa oras na iyon ay ginawa niya.
May relasyon ba ito kay Eleri?
Ipinilig niya ang ulo. Nahihibang na siya! Nababaliw na siya at mas mabuti pa na umalis na lang sa lugar na iyon.
Ngunit hindi naman niya akalain na hindi pa oras para maghiwalay ang landas nila ng babae sa gabing iyon.
***
HALO-HALO ang emosyon ni Eleri sa sinabi ni Tonya. Suwerte ba siyang maituturing dahil binigyan siya ng pagkakataon na makukuha ang kanyang nais kapalit lang ng anak ni Kenichi, o malas iyon dahil siya ang napili ng pamilya nito?
Masyadong misteryoso ang pagkatao ng lalaki. Mayroong parte sa kanyang diwa na nais alamin ang sikreto nito.
Napansin na lang ni Eleri na naroon na siya sa hindi pamilyar na eskinita. May kadiliman pa man din at kaunting liwanag lang ang mayroon mula sa magkakahiwalay at magkakalayong poste sa bawat kanto ng eskenita. Dis-oras na ng gabi at oras na ng pahinga kaya tahimik ang daan. Tanging takong lang ng kanyang sapatos ang lumalagutok sa sahig.
Nakatingin sa kanya ang apat na kalalakihan na nakakumpol sa kabilang parte ng kalsada na nilalakaran niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Masyado na pala siyang naabala ng kanyang isipan, hindi na niya namalayan na ibang daan na ang kanyang nilalakaran. Nagpatuloy siya sa lakad at hindi pinansin ang mga ito. Yumuko siya at mas niyakap ang suot na jacket.
“Onee-san!” tawag sa kanya ng isa na ibig sabihin ay “ate”.
Mas binilisan ni Eleri ang kanyang paglakad kaya nilagpasan niya ang puwesto nito, ngunit tumawid sa kalsadang dinadaanan niya ang lalaki. Nilingon ni Eleri ang grupo at mas dumoble ang kanyang kilabot. Kung bakit naman kasi kung saan siya napadpad.
“Ahh!” Hindi niya naiwasan na mapatili nang maabutan siya ng isa at hawakan siya sa braso.
“Bibigyan ka namin ng pera. Maglaro tayo!” wika nito sa salitang Hapon na hindi niya naiintindihan. Pinigilan siya nito.
“Let me go! Don’t bother me!” Nagpupumiglas siya.
Nagpakita sa kanya ng kumpol ng perang papel ang isa. “Kowagaranaide kudasai. (Don’t be afraid.) Watashitachi wa mugaidesu. (We are harmless.)”
Nagtawanan ang mga ito na lalong nagpakilabot sa bawat balahibo niya.
“Please leave me alone! I want to go home!”
Mga tili ni Eleri ang gumigising sa lugar na iyon sa kasalukuyan. Ayaw naman niya na masira basta ang kanyang pangarap nang dahil sa katangahan niya sa gabi na iyon. Hinawakan siya sa baywang ng isa para pigilan kaya halos masira ang lalamunan ni Eleri sa pagtili. Nagpatuloy siya sa pagpupumiglas.
“Ahhh!”
“Kanojo o hanatte oite kudasai! (Leave her alone!)” anang tinig mula sa kanyang likuran na basta sumulpot sa masikip na eskenita. Dumagundong ang boses nito sa gitna ng tahimik na gabi. Naka-hood ito ng itim na jacket at madilim pa sa kinatatayuan nito kaya hindi niya ito namumukhaan. Kalaban ba ito o kakampi?
“Naze kanshō shite iru nodesu ka? (Bakit ka ba nangingialam?)” asik ng isa.
“Kanojo wa watashi no on'nada! (She’s my woman!)” Humakbang ang lalaki papalapit sa kanilang kinatatayuan.
Napatigil ang isa nang mamukhaan ang kanyang tagapagligtas. Pinigilan nito sa braso ang kasama. “Watashitachiha sarubekida to omoimasu. (I think we should leave.)”
“Nani?! (What?)”
“Maghanap ka ng ibang babae! Nauna kami sa kanya!” wika naman ng isa pa. Bago pa ito makakilos ay nasipa na ito sa leeg ng kanyang tagapagligtas kaya tumindig sa pagkakatayo si Eleri. Tumilapon ang lalaki dalawang metro ang layo mula sa kinatatayuan nito.
Umungol ito habang hawak ang leeg.
Inakbayan siya sa balikat ng bagong dating at hinila sa gawi nito. Tinanggal nito ang hood.
“T-Takayama-san!” usal ng isa habang nanlalaki ang mata.
Nilingon ni Eleri ang lalaki at halos lumundag ang kanyang puso nang mamukhaan si Kenichi. Matalim naman ang titig na ipinukol ng huli sa apat na lalaki.
“Humihingi kami ng tawad! Hindi namin alam na babae mo siya!” anang isa sa salitang Hapon. Nagawa pa nitong pagdikitin ang dalawang palad para humingi ng tawad sa lalaki.
“Boo!”
Natatakot na nagsipagtakbuhan ang mga lalaki mula sa kanilang puwesto. Pinagmasdan na lang ni Eleri at Kenichi ang nagmamadaling makalayong mga bulto ng mga ito.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenichi sa kanya.
“I’m sorry, I was lost. Pauwi na dapat ako sa apartment,” aniya na nanginginig pa rin.
Hindi ito nagsalita at pinakatitigan lang siya. May ilang segundo na yata bago niya napansin ang pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Napalitan nang pamumula ang pisngi ni Eleri nang mapagtanto na taimtim itong nakatingin sa kanya.
“I-I—”
“Ihahatid kita. Delikado na’t baka may makasalubong ka na namang masamang loob.”
“H-hindi mo naman kailangang gawin ‘yon.”
Pinakatitigan lang siya nito sa loob ng ilang segundo. Nabigla na lang siya sa sunod na ibinigkas nito. “What’s your relationship with your guitarist?”
Kumunot ang noo ni Eleri sa biglaan nitong tanong. Tanong na hindi niya alam kung saan nagmula.