CHAPTER 1
APRIL 15, 2020. QUEZON CITY.
Covid-19. Isa itong pandemya na bumalot sa kabuuan ng mundo kaya ang lahat ng tao ay pinag-iingat.
Nakasisilaw ang liwanag ng haring araw sa katanghaliang tapat. May isang buwan na rin simula nang ideklara ng pangulo ang quarantine. But no one could stop a thirty-year-old Kiryu from visiting the woman inside the house. Naroon siya sa tapat ng tahanan nito sa Corinthian Gardens. May dalawang buwan na rin niyang dinadalaw ang babae. Halos araw-araw hanggang sa naharang siya ng checkpoints sa bawat baranggay nitong mga nagdaang araw. Dumating siya sa Pilipinas bago pa pinigilan ang tulad niyang dayuhan na nagmula pa sa Japan para bumisita sa bansa.
Suot ang isang makapal na facemask, iniluwa ng isang itim at makintab na Mercedes-Benz E-Class ang lalaki na tila anak din ng dilim sa kanyang kasuotan. Naglalaro ito sa anim na talampakan at dalawang pulgada ang taas. May katamtamang sukat ng katawan. May kahabaan at alon-alon ang buhok na umaabot sa batok— isang espesyal na marka ang tinatabingan nito sa likuran, halos sa ilalim lang ng kanyang batok. He has fair skin, a good-looking man with Japanese eyes.
“Good morning, Sir Kir! Isang buwan ka ring hindi nakadalaw,” a nurse said.
“Good morning! Yes, too many checkpoints! Halos ayaw magpapasok ng bawat barangay. Kinailangan ko ring magpa-test para sigurado bago ako magpunta rito. It’s good that I’m negative. Where is she?” Huminto siya dalawang metro ang pagitan sa babae.
“Tulad ng dati.” Ngumuso ito sa direksyon na garden.
Nilagpasan ni Kiryu ang nurse matapos magpasalamat. May kadiliman nang bahagya ang loob ng tahanan na kanyang nilalakaran. Hanggang sa marinig na lang niya ang matinis na pagbasag ng kung ano na nagmumula sa garden.
“Ayoko sabi! Ilayo mo ‘yan!” wika ng pamilyar na tinig.
“T-these are vitamins, Madam.” Kita niya ang pangangatog ng nurse na si Stella sa takot habang iniaabot ang maliit na botelya ng gamot.
“Stella, give me the medicines,” utos ni Kiryu.
“Yes, Sir!” Nangangatal ang labi ng babae na iniabot sa kanya iyon.
“Iwan mo na muna kami.”
Hindi na ito sumagot at nagmamadali na umalis. Naiwan sila ng ginang sa hardin. Sa likod ng kinauupuan nitong wheelchair ay may mayayabong na mga puting rosas.
He looked at her softly, meeting her dark brown eyes. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya ito nakikitaan ng takot. Pinagtibay ito ng panahon.
“You! Who are you?” the woman asked.
Hindi niya pinansin ang tanong nito. Tinanggal niya ang kanyang face mask para mas masilayan nito ang kanyang kabuuan. Nilapitan niya ang ginang at sinuri ang kamay nito nang mapansin niya na nagkaroon ito ng galos. Alam niya na bawal ang basta-basta na lang hahawak o didikit sa kapwa lalo na ngayon na may pandemya ngunit wala na siyang pakialam pa roon. Nilingon niya ang tasa na nagkapira-piraso sa lapag. May ideya na siya na ang bagay na iyon ang nabasag kanina. Kumuha siya ng tisyu mula sa box na nakapatong sa mesa na naroon lang sa tabi ng ginang.
“You look like my Ouji,” wika nito, tukoy ang asawa. Palibhasa ay malapit siya kaya mas napag-aralan siya nito. Taimtim itong nakatingin sa kanya habang nakayuko siya at pinupunasan ang halos nangingilabot ngunit maputing kamay nito na nagkaroon ng kaunting hiwa.
He smiled. “How are you?”
Naging malikot ang mata nito at hindi alam ang isasagot sa kanya.
“Have you had your breakfast?”
Hindi pa rin ito sumagot. Ramdam niya na nakatingin lang ito sa kanya.
“Stella!” tawag niya sa nurse na kaaalis lang.
“Y-yes, Sir?”
“Pahingi ng gamot.”
Tumango lang ito at saka umalis. Hindi naman nagtagal nang makabalik ang babae at inabot sa kanya ang kailangan. He opened a bottle of Betadine and put a generous amount in a small cotton. Nakapagtataka na hindi man lang kumontra ang ginang sa kanya.
“I’ll get something for your breakfast,” wika niyang muli nang malinisan na ang maliit na sugat nito.
“Don’t go. N-natatakot ako. I was like a blank sheet of paper. I feel like they are going to poison me. I don’t know who to trust,” anito, nanginginig ang mga kamay at hindi rin mapakali ang mga mata.
He held both of her hands to calm her down. “Do you trust me?”
She looks at him. May ilang saglit bago ito tumango.
“Stella, dalhan mo kami ng almusal,” hiling niya sa nurse, hindi inaalis ang paningin sa may-edad na babae.
Sumunod naman ang huli sa kanya. Naghanda ito sa mesang naroon sa hardin ng pagkain— steamed vegetables, tinapay, prutas at soup ang inihanda nito para pagkain ng may-edad na babae.
“Mas mabuti pa na kumain ka na muna. I guarantee that no one’s going to harm you.”
May ilang saglit itong nakatingin sa pagkain. Tinitimbang ang kanyang sinabi. Natuwa siya nang nagsimula itong sumubo ng pagkain.
“What is happening right now? The people are always wearing masks,” wika ng ginang matapos maubos ang laman sa bibig. Halatang wala itong ideya sa nagaganap sa kasalukuyan. Mas pinili ni Kiryu na huwag itong sagutin dahil sa pabago-bago ng emosyon nito. Mas maganda nang huwag na lang ipaalam dito ang kasalukuyang estado sa labas ng tahanan na iyon.
Hinugot ni Kiryu ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Nasabi na sa kanya na patugtugin ang partikular na musika. Pinindot niya ang play button nito. Isang sikat na musika ni Roxette na may titolong It must have been love ang pumailanlang. Mahina at sakto lang sa pandinig nilang dalawa.
“Lay a whisper on my pillow. Leave the winter on the ground...”
Hindi na siya nabigla nang sumabay ito sa pagkanta. It’s one of her favorite songs. Natahimik din naman ito maya-maya nang mapansin na seryoso siyang nakatingin dito.
“Ah! How’ve your parents?” the woman asked. Humigop ito ng soup.
“They are lovely.” Napangiti si Kiryu matapos maisip kung gaano katibay ang pagmamahalan ng kanyang magulang. “Do you want to hear the best love story I know?”
“I love stories. Especially the old ones.”
“Well, you are lucky that I’m here. I’ll start with April, the year 1990. The music outside a certain room was also like this song,” tukoy niya sa awitin na patuloy na pumapailanlang sa tabi, at saka niya ipinagpatuloy ang kuwento na halos araw-araw niyang naririnig ilang taon na ang nakalipas.