Chapter Two
Kiel
Kasalukuyan akong nagbibilang ng pera sa box ng biglang tumunog ang cellphone na ginagamit para sa mga magpapadeliver ng tubig mula dito sa aking water station na minana ko pa sa aking mga magulang mula sa kanilang mga ninuno, ang TwoBig Water Station. Talaga namang nag iisa ito sa Calle Adonis dahil subok na ito sa ilang taong serbisyo. Kaya naman noon, pinaayos ko ng kaunti kay pareng Macky ang loob at labas nito dahil na rin sa kalumaan. Pinapinturahan ko ng sky blue at white. Naglagay din ng mga bulaklak si Kyla bilang dagdag disenyo narin at siya na mismo ang nag ayos ng mga iyon na kinuha niya mula sa Kyla's Garden na pagmamay-ari niya. Napakalinis at napakaaliwalas tingnan ang water station. Talaga namang hindi ka mangangambang uminom ng aming mineral water.
"Hello, TwoBig Water Station at your service" pambungad ko sa nasa kabilang linya.
"Ah hello, Ezekiel, si Aling Gara mo ito," sagot niya
Si Aling Gara ay nanay ng ex ko. Ex ko na nga ba? Ngunit wala pa kaming closure. Ex na ba ang tawag dun? Hinintay ko siya pero hindi na siya bumalik.Hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang aming komunikasyon. Oo nuon umasa ako pero hindi na yata ngayon. Ewan ko. Ay basta! Moved on na ako. Matagal na panahon na din naman yun.
"kayo po pala Aling Gara. Magpapahatid po ba kayo ng tubig,"
"oo sana iho, pero mamayang alas dos nalang dahil mamamalengke muna ako," aniya.
"Sige po, sige po. Ilang container po ba?" tanong ko.
"Dalawahin mo na hijo, ipapahatid ko nalang mamaya iyung bayad,"
"Sige po, wala pong problema. Ipapadeliver ko nalang po mamaya,"
"Salamat hijo,"
"Walang anuman po Aling Gara," at natapos na ang aming pag-uusap.
Tiningnan ko ang orasan at alas 11 palang ng umaga. Tinawag ko muna si Patrick na kasalukuyan namang naghuhugas ng mga takip ng galon.
"Pat, magpapadeliver daw si Aling Gara ng dalawang galon ng tubig. Mamayang alas dos daw dahil mamamalengke raw muna siya." Bilin ko sa aking Boy. Matagal na rin si Patrick sa'min. Masayahing tao at talaga namang mapagkakatiwalaan ang isang 'to kaya hanggang ngayon ay kasama pa namin siya sa TwoBig water station.
"Naku boss, diba may nagpapadeliver din sa kabilang kanto? Ilan din yun, baka mahuli na yung kay Aling Gara. Hindi ko naman pwedeng isabay dahil iba naman yung daan papunta sa kanila." Sagot niya
"Ano kaya boss kung ikaw nalang ang magdala sa bahay nila? Tutal muntikan mo naman ng maging biyenan iyon diba?" Suhestiyon at biro niya sabay tawa
"Gago! kung anu-ano na naman yang lumalabas sa bibig mo. Sige makapang utos ha!." kunwaring pagalit kong sabi.
"Biro lang boss, HAHAHA, kunwari ka pa, parang di mo tinawag nun na mama" dagdag pa niya na siyang nakapagpangiti sa'kin .
Naalala ko tuloy kung gaano ako kalapit nuon sa pamilya niya. Sobrang bait kasi ni Aling Gara at Mang Gregorio. Hanggang sa, naglaho nalang bigla yung anak nila. Iniwan niya 'ko para sa pangarap niya at hindi ko naman siya maaaring sisihin ng dahil dun. Pangarap niya yun, buhay niya iyon kaya wala akong karapatang diktahan ang gusto niya. Pero ang ikinalulungkot lang ng damdamin ko ay yung bigla niyang pag-alis. Wala man lang paabiso. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa.
"Oo na Patrick na barkada ni Spongebob. Ako na ho ang magdedeliver. Nakakahiya sa inyo. Maaga pa naman. Baka papunta na rin naman si Kyla dito. Siya nalang muna ang tumao dito mamaya." Pagsuko ko sa pang-aasar niya at pinagpatuloy ko na ang pagbibilang ng pera.
Mabilis lumipas ang oras at mag-aalas dos na. Dumating na din si Kyla mula sa bahay dahil mamayang gabi pa ang duty ng aming nurse kaya't dumito muna siya sa water station dahil magdedeliver kami at walang tatao rito.
"Oh sa'n punta mo?" bungad ng kapatid ko
"Magdedeliver ako ng tubig kina Aling Gara. Baka nanduon na siya sa bahay nila. Wala kasing ibang magdadala dun dahil nagpunta sa kabilang kanto si Patrick may dineliver" sagot ko
"Ah okay, Magface mask ka kuya ha. Baka matyempohan ka ng mga pulis jan, ma1500 ka pa."
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Eh diba nga dahil sa COVID-19 na yan. Kaya nga ipapatupad na ang ECQ sa buong Luzon para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na sakit," pagpapaliwanag niya.
"Hindi naman ako kakapitan nun eh. Strong tong kuya mo," sabay flex ng aking muscles sa braso.
"Ahh! strong pala ha, pero bat ngayon mukhang broken parin lalo na pag nag iisa," isa pa tong mapang asar.
"Moved on na'ko kapatid. Matagal na. Ayoko ng maghintay sa wala. Tsaka malamang sa malamang nakahanap na din yun," sagot ko.
"Mabuti naman. Sige na lumarga kana. Pagkatapos niyan. maligo kana. Bye!" pinagtabuyan na nga ako.
Narito na ko sa tapat ng gate nina Aling Gara at nasa magkabilang side ko naman ang dalawang container ng mineral water.
"Aling Gara." tawag ko.
Nakailang ulit akong tawag at katok ngunit walang sumasagot.
"Aling Gara" medyo napalakas ang katok ko sa may gate nila at ilang sandali pa'y naramdaman ko ng may tao.
Hindi ko matanaw kung sino iyon dahil sarado ang kanilang gate.
Kapagkuwa'y bumukas ang gate.
"Anong kailangan......mo?" halos di matuloy ng nasa harapan ko ang sasabihin niya dahil narin sa gulat.
"Yung tubig niyo....po," maging ako ay nagulat din.
Bakit siya nandito?
"Naku Kiel. Nabobo kana. Malamang bahay nila yan kaya siya nanjan," sagot ng isip ko.
"Hi" pangunguna ko
"Hi" sagot din niya.
Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin at alam kong maging siya. Kaya pinapasok niya ako para dalhin ang mga containers sa loob.
"Namiss kita ha" biglang nasabi ko na dahilan naman ng pagkagulat niya.
Kinagat ko ng hindi pinapahalata ang bandang ibaba ng labi ko dahil na rin sa gulat ko at sa hiya. Napangiti nalang ako sa kadahilanang alam kong nahihiya din siya sa akin.
Bakit ko ba nasabi iyon???
Ba't pa kasi siya bumalik? Ano na namang ginagawa niya dito? Nakamove on nako. Ayoko ng alalahanin ang pag iwan niya sakin. Halo halong tanong sa isip ko.
Savanah
Pagkalabas niya ng bahay ay hindi ko maalis sa isip ko ang kanyang sinabi. Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig at umupo ako sa may upuan sa dining table namin. Totoo bang namiss niya ko? Gosh! Mahal pa kaya niya ako? O baka naman hindi niya sinasadyang sabihin 'yon? Namiss ko rin ba siya?
"Naku Sav!! Hindi pwede. May boyfriend ka diba? Ano yan makikipaglandian ka sa ex mo or should I say lalandiin mo siya?" sabi ng utak ko.
Bumalik ako sa katinuan ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dating mahalko at ang mama ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko.
"Anak, ipagtimpla mo nga muna si Kiel ng juice at magpalaman ka narin nitong tinapay na dala ko." Utos ng nanay ko
"Hijo umupo ka na muna at antayin natin ang meryenda. Iyaaos ko lang itong mga pinamili ko." dagdag pa niya bago iniwan si Kiel sa may sala.
Juicecolored! Tama ba ito? Pagsisilbihan ko ngayon yung taong sinaktan ko? Oh my!
"Gaga! ipagtitimpla mo lang siya ng juice. ApakaOA mong maarte ka. Tandaan mo, si Harold lang ang pagsisilbihan mo araw araw" kontra agad ng utak ko.
"Opo ma, saglit lang po" sagot ko
Pagkatapos kong maghanda ng meryenda ay agad na akong lumabas ng kusina. Muntikan ko nang mahulog ang hawak-hawak kong mga inihanda kong meryenda dahil sa scenery na napakaaliwalas sa mata buti nalang at nabalance ko kaagad. Paano ba naman kasi juicecoloooooored! Nakita ko lang naman si Kiel na nakatopless at nagpupunas ng kanyang katawan gamit ang kanyang puting bimpo.
Parang nagslow mo ang bawat galaw niya. Ang pagdampi ng bimpo sa kanyang muscles ay parang napakabagal para sa akin.
O gosh! the biceps,the chest, the n*****s. OMG! Namiss ko ang mga iyooooonnnnn. Sobrang perfect ng katawan niya. Why did I leave this hot and handsome man?
Nagabalik ako sa realidad ng maalala ko ang pangyayaring iyon. Iniwan ko siya para sa pangarap ko. Masama na ba ako? siguro hindi na niya ako mapapatawad. Hayyy!
Nagulat siya sa pagdating ko at agad na isinuot ang kanyang blue tank top.
"Ahh Pacen...siya kana. Ang init kasi. Hindi matigil ang pamamawis ng katawan ko. Ka..nina ka pa ba jan?" Halata ang pagkagulat niya.
Oo! at nakita ko na naman ang katawan mooooooo.
"Ah-eh hindi naman. kalalabas ko lang mula sa kusina. Magmeryenda ka na muna. Pacensiya ka na rin kung mainit. Ilalabas ko lang yung electricfan." hindi siya sumagot at tanging tipid na ngiti ang nakuha ko mula sa kanya. Halatang naiilang siya at maging ako rin ngunit hindi ko pinahahalata.
"Ako na anak. Wag mo ng iwan si Kiel jan. Magmeryenda na kayo" sabi ng nanay ko na dahilan ng pagkadama ko ng konting kurot sa puso ko. Ano ba naman yan!
Walang nagsasalita sa amin since kami lang dalawa sa sala at pumasok sa kwarto si Mama. Kapagkuwa'y ako na ang nagsimula ng usapan. Ayoko sa nakabibinging katahimikan.
"Kamusta na? May asawa ka na ba o girlfriend?" tanong ko sa kanya na siya namang ikinabigla niya.
"Hah?- Ah eh. O..ok lang naman ako. Asawa? wala pa. Girlfriend? Wala din. Ikaw ba kamusta na?"
"Okay lang naman ako, nakauwi lang ako dahil sa ECQ, cancelled din kasi lahat ng flights namin. Tsaka wala pa akong asawa, boyfriend meron pero di pa namin napag uusapan ang pag-aasawa. " Dirediretsong sagot ko at tumango tango lang siya.
Muling nabalot ng katahimikan ang pagitan namin. Iniinom na niya ang kanyang juice at hindi ko mapigilang titigan siya. Yung dahan-dahang paggalaw ng Adam's Apple niya sa bawat paglunok niya. Yung pagflex ng muscles niya sa kanyang braso sa tuwing iinom siya. Shocckkks!
Bakit ampogi parin niya? Bakit napakaperfect niya tapos wala pa siyang asawa o girlfriend manlang? O baka naman may hinihintay pa siya?
Walang ano-ano'y dinirediretso kong ininom ang juice na nasa aking baso dahil sa mga naiisip ko.
"Hooooooh! Ang init nga. sobra" saad ko na sakto namang pagdating ni mama.
"Pacensiya na Kiel ha, natagalan yung electricfan. Hinanap ko pa kasi yung kanyang remote. Magmeryenda ka lang anak. Huwag kang mahihiya." sabi ni mama
"Ah hehe opo Aling Gara, salamat po" sagot naman ni Kiel.
"Bakit nga ba wala ka pang nobya anak? Kegwapogwapo mo. Wala ka bang balak mag-asawa?" ala chismosang usisa ni mama habang ako ay napapatingin sa gwapong binatang minahal ko dati.
"Hehe, meron naman po Aling Gara pero hindi pa po sa ngayon. Mas gusto ko po munang masigurado na siya na po, kung sakali mang may dumating. Mahirap kasing maiwanan sa ere. Kaya ayun po, sa water station nalang muna ako nagfofocus." sagot niya sabay sulyap sa akin.
"Ehem" kunyaring ubo ko sabay inom ko sa bagong salin na juice sa aking baso.
Natamaan ako sa mga sinabi niya. May guilt sa'kin ngunit hindi naman pagiging selfish iyon diba? Habang nandito pa ako sa San Lorenzo, gusto ko sanang magkaayos kami, magkaroon ng closure at maging magkaibigang muli. Tatanggapin kaya niya ako bilang kaibigan sa laki ng kasalanan ko sa kanya? Hindi ako ang unang pag-ibig niya at ngunit siya ang unang pag-ibig ko tapos ganoon pa ang nangyari sa'min. Sana lang ay mapatawad na niya ako at tanggapin niya kong muli bilang kaibigan.
"Okay ka lang Sav?" tanong ni mama.
"Okay lang naman po ako ma. Nasamid lang ako," sagot ko.
"Alam mo anak, bakit hindi mo subukang muli? Siguro hindi si Sav ang para sa iyo. Hindi kayo para sa isa't isa kaya naman pinaghiwalay kayo ng tadhana. Sana lang eh nagkapatawaran na kayo at tanggapin ang isa't isa bilang magkaibigan. Masayang masaya ako dahil may mabait, magalang at mapagmahal na Kiel na naging parte ng aming pamilya. Sana lang ay makahap ka na rin ng taong magpapasaya sayo," maemosyong saad ni mama.
Oh siya anak, saglit lang at kukunin ko yuong pambayad sa tubig." dagdag niya saka tumayo. Tanging opo lang ang naisagot ni Kiel.
Nalulungkot ako sa nangyari sa'min. May kasalanan ako dahil hindi ako nagpaalam sa kanya ng maayos. Hindi ko siya kayang isuko nuon ngunit mas hindi ko kayang isuko ang pangarap ko. Kaya umalis ako para tuparin iyon. Masakit sa part ko, sobra. dahil mahal na mahal ko siya. Gusto ko siyang ipaglaban nuon ngunit hindi siya naniniwala sa LDR. Hindi daw namin kakayanin. Kaya naman minabuti naming tapusin nalang. Kaya't gusto kong maging magkaibigan kaming muli para naman hindi na magkailangan pa. I'll do my best para naman tanggaoin niya ako bilang kaibigan niya.
Ilang saglit pa ay bumalik na din si mama sa sala.
"Iho ito na yung bayad sa dalawang container ng tubig at ang delivery fee," sabay abot ni mama ng 120.
"Naku Aling Gara, huwag na po iyong delivery fee. Nakimeryenda na po ako dito kaya hayaan niyo na po iyon." sinusubukan niyang isauli ang bente pesos. Wala parin talaga siyang pinagbago. Mabait parin siya sa mga magulang ko. Siya at siya parin si Kiel na nakilala ko at minahal ko
"Huwag mo ng ibalik, bayad ko iyan. Masama pag nagbabalik ka ng grasya,"
Ngumiti nalang siya at ibinulsa ang pera.
"Salamat po sa meryenda Aling Gara. Mauuna na po ako dahil magduduty na ho maya maya si Kyla. Wala pong tatao sa water station," paalam niya.
"Sige iho, salamat din. Pasyal ka lang dito kung may oras ka. Welcome ka naman dito eh,"
"Titingnan ko po, salamat po ulit. Sav salamat,"
"Ah hehe. sige. You're welcome. Thank you din," litanya ko.
Inilagay niya sa balikat niya ang bimpo niyang puti saka naglakad palabas ng aming bahay. Tumakbo naman ako sa kwarto ko para kunin ang aking phone dahil kukunin ko ang kanyang cellphone number. Diba nga kakaibiganin ko siya? Pero tama bang ako ang kukuha nun?
"Diba nga feelingerang frog ka?Eh di go," nagsalita na naman ang brain ko.
Kaya naman tumakbo agad ako palabas ng bahay para gawin ang aking misyon. Nadatnan ko naman siyang nagsasarado ng gate.
"Kiel," tawag ko
"Ohh, bakit?"
"A...ano kasi, pwede ko bang kunin yung cellphone number mo?"
Napakunot naman ang noo niya sa kanyang narinig.
"Bakit?"
"Para sana pag nagpadeliver kami ng tubig eh tatawagan o itetext nalang kita" Pag aalibi ko kahit alam kong may sariling number ang water station nila.
"Bakit yung number ko pa?"
"Hindi ba pwede?" takang tanong ko.
"Hindi ko binibigay yung personal kong number para sa mga magpapadeliver ng tubig kasi may sariling numero ang aming water station. Tingnan mo nalang sa container nanduon yun o kaya kay Aling Gara. Alam niya ang numero ng TwoBig. Sige ha, alis na ako." Walang emosyong paalam niya.
Naiwan akong tahimik na nakatayo. Hindi malaman kung anong nararamdaman ko.
Gooooooossssssssh! Napahiya ako duuuun!. Ang isang S-A-V-A-N-A-H hindi pinagbigyan ng isang Kiel???? Parang binabawi ko na yung sinabi ko kanina na hindi siya nagbago. Sinong Kiel yun? Hindi yun si Kiel na minahal ko. Parang ang sungit niya ha. Kanina lang sinabihan niya ako na namis daw ako ng kumag na yun. Pero why? Why ayaw niyang ibigay ang number niya? Bahala siya. Nakakainis siyaaaaaaa.
Padabog akong nagtungo sa loob ng bahay. Parang batang hindi nabigyan ng candy. Bakit ako nagkakaganito?Anong meron?
Nagulat naman ako sa biglang pagtunog ng cellphone na hawak ko na agad ko namang sinagot. Si Harold pala.
"Ayan! Hudyat na iyang tawag ni Harold para magtigil ka sa kabaliwan mo Savanah!" Ayan na naman po ang kontrabidang brain.
-------
"hey. I'm fine love. Ikaw? tanong ko
-------
"Hah??"
End of chapter two.