Chapter One

3098 Words
Chapter One Savanah SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA! Natuon ang pansin ko sa headline ng news na kasalukuyang umeere sa TV. Nasa labas kami ngayon ng aking mga kapwa flight attendants at kumakain sa isang restaurant. Mukhang nakatuon din ang pansin ng lahat sa TV Patrol na kasalukuyang nagbibigay anunsyo tungkol sa kasalukuyang Corona Virus na kumakalat sa buong mundo. Simula bukas, isasailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng kumakalat ngayon na Corona Virus mula sa China. Ang naturang sakit ay pinangangambahang mabilis na kumalat lalung lalo na at may naitala nang community transmission sa San Juan. Kaya naman, sa ilalim ng ipatutpad na ECQ ay ipinagbabawal na muna ang paglabas ng bahay lalung lalo na ang pagpunta sa mga matataong lugar. Nangangahulugan ito na ipinagbabawal muna ang public transportation. Nililimitahan na rin ang pagpasok at paglabas ng mga turista sa bansa kung kaya’t inaasahang mahihinto ang operasyon ng ng mga airlines sa bansa. “Oh My Gosh. Matetengga ba tayo guys?” nag-aalalang tanong ni Jeny, isa sa mga kaibigan kong Flight Attendants. “Hindi naman siguro. Hintayin lang natin ang saabihin ng management,” sagot naman ni Hazel. “Siguro naman ay aabisuhan tayo ng BIYAHE Airlines kapag titigil na ang operasyon natin,” sabad naman ni Harold, ang boyfriend ko. “Pero kung titigil man ang operasyon natin, okay lang din naman sa akin. Namiss ko na rin naman ang probinsya,” wika ko. “So, magkakalayo na tayo?” nagpout pa ang pogi kong jowa. “May chat naman at video chat love. Saka, hindi naman siguro matagal itong lockdown na ito. Masunurin naman sa palagay ko ang mga Pilipino,” sagot ko. “Yun ang akala mo Van,” ani Shella. “Nakakatakot na nga ang work natin eh. Hindi natin alam, isa na pala sa mga passengers natin ang may sakit. Hindi pa natin alam. Kaya mas maigi na rin siguro na titigil tayo. Tuloy pa rin naman ang sahod,” singit naman ni Ahron. “Kawawa naman ang mga contractual,” nakasimangot na wika ni Hazel. PAGKATAPOS ng dinner ay kanya kanya na rin kami. Ihinatid ako ni Harold sa tinitirhan kong condo unit. Dalawang taon na kaming maging magkasintahan ni Harold at halos kalahating taon din siyang nagpacute at nanligaw sa akin. Sinagot ko siya sa paraang ikinagulat niya dahil ang akala niya ay umalis na ako sa trabaho ko noong time na iyon. Nagpaalam kasi ako na aalis na ako, pero hindi ko ipinaalam sa kanya na prank lang ang lahat dahil gusto ko siyang sorpresahin sa bahay nila. Close din kasi kami ng mga magulang niya kaya naman doon ko na mismo sa bahay nila sinabi ang balitang sinasagot ko na siya. Sa tinagal tagal na naming magkasama sa BIYAHE Airlines ay halos alam na namin ang routine at habits ng bawat isa. Mahilig siyang kumain ng pizza at manood ng Hollywood series. Past time niya iyon sa quarters namin sa tuwing gabi na kami nakararating. Matangkad siya at medyo maputi. Maganda ang pangangatawan at walang tiyan. Wala man siya masyadong abs ay maayos pa ring tingnan ang pangangatawan niya sa tuwing naka topless siya. Sa loob ng dalawang taon ay napag-uusapan din naming dalawa ang tungkol sa kasal dahil hindi na rin naman kami bumabata. Iyon nga lang at hindi pa siya nagpopropose. Pero siguro, darating din talaga iyon kung ibibigay ng tadhana. “Sunduin kita bukas love,” saka niya ako hinalikan. Medyo matagal iyon kaya naman ramdam ko ang pagkasabik niyang masolo ako mula pa kanina. “Sige love. Ingat ka sa pag-uwi,” wika ko pagkatapos naming maghalikan. “Sige. See you tomorrow. I love you,” yumakap pa siya. “I love you more,” sabad ko. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse niya at inihatid ko na lang siya ng tingin. Umakyat na rin ako saka ihiniga ang katawan ko sa kama ko. Alas onse na ng gabi kaya naman tinatamad na akong kumilos pa. Tinanggal ko na lang ang sapatos ko pati na rin ang cabin crew’s hat ko sa ulo na kumakapit sa buhok ko dahil sa hairpins. Wala na akong lakas pa para magshower man lang. Maya maya ay may tumawag sa cellphone ko. Kinapa ko naman ito sa loob ng bag ko habang nakapikit pa. At nang mahagilap ko ito ay saka koi to sinagot kaagad kahit na pipikit pikit pa ang mga mata ko. “Hello,” tinatamad ang boses ko. “Hi, this is Karen of BIYAHE Airlines. I just want to inform you that our operations and flights will be temporarily cancelled starting tomorrow. This is due to the Luzonwide Enhanced Community Quarantine from the National Government. Please, stay in contact with us for more updates as to when shall we continue. We pray for your safety amidst this pandemic. Good night!” Nagising ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Karen. Napabangon naman kaagad ako at nag-open ng data ng phone saka nagmessage sa aming group chat. >>> Guys, tinawagan ba kayo ni Karen? Nagulat naman ako nang isa isang nagdatingan ang chats ng mga kasamahan ko. <<< Just received a call from Karen. I hope to see you very soon guys. Will miss you. <<< Shocking. Hindi ko pa man din nakuha mga gamit ko sa Cabin Crew’s Room. <<< This is an opportunity for us to go home. Missed my family. Yung message ni Hazel ang nagpaalala sa akin sa mga magulang ko sa probinsya. Kailangan kong umuwi. Agad kong kinontak sila mama. Sana lang ay gising pa sila. Nagring naman ang cellphone nila at buti na lang ay may sumagot kaagad. “Hello ma,” “Hello anak. Napatawag ka. Gabi na ah,” halatang ginising ko sila sa pagkakatulog. “Ma, sa tingin niyo ba ay may bumyaheng San Lorenzo Transit kanina paalis diyan?” “Bakit anak?” “Uuwi po ako bukas ma. Nagdeklara ng ECQ ang government. Tigil operasyon muna kami sa trabaho. Tumawag sila samin ngayon lang,” “Siguro may bumyahe anak. Sabi naman nila ay may pagkakataon pang umuwi ang mga tao sa probinsya kaya makipag-unahan ka na,” “Sige ma. Mag-eempake na ako ngayon,” “Mag-iingat ka anak ha? Tawagan mo kami kaagad kung nakasakay ka na,” “Sige po ma. Tulog nap o kayo,” “Sige anak,” Ibinaba ko na ang tawag. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin k okay Harold ang desisyon ko kaya naupo muna ko saglit. Hanggang sa siya na mismo ang tumawag. “Love, tinawagan ka na rin ba ni Karen?” tanong niya. “Oo love. Ngayon lang,” “So, anong plano mo?” “Hindi ko nga alam eh,” wala pa akong lakas ng loob. “If you want, stay ka muna dito sa bahay. I will try to talk sa parents ko,” “Love,” “Yes love?” “Balak ko sanang umuwi muna sa amin,” “Ganon ba?” “Oo. Tumawag din kasi ako sa bahay kanina,” “Sure. Okay lang naman sa akin love. Pero paano? Baka sa ngayon ay unahan na ang mga pasahero sa mga bus stations,” “Plano ko sanang umalis na ngayon Love. Mag-eempake na ako,” “Sige, ihahatid na kita sa bus station. Wiat for me there,” “Love, thank you,” “No problem. I love you,” “I love you too,” Saka niya ibinaba ang tawag. Agad ko namang inilabas ang malaking maleta ko saka ko ibinuka sa ibabaw ng kama. Kinuha ko na sa cabinet ang lahat ng damit ko nan aka hanger pa at isa isa itong tinanggal sa pagkakasabit. Pinagkasya ko ang mga ito sa maleta ko. Nag-iwan lang ako ng mga iilang gamit at kung sakaling pabalikin kami ay hindi ako gaanong mahihirapan. Nang makapag-empake na ako ay saka naman dumating si Harold. Agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan. “Ready?” aniya. “One minute,” wika ko. Nagmadali akong naglagay sa isang eco bag ng mga pagkain. Biscuits, nuts, chichirya at mga inumin. May stock din kasi ako sa bahay. Kaya’t para hindi na ako mahirapan ay babaunin ko na lang ang mga ito. Nagpatong na lang ako ng jacket sa uniform ko at saka nagsandals kahit na nakasuot pa ako ng stockings na kulay itim. Isinukbit ko na ang bag ko at saka nagmadalang sumunod kay Harold na dala ang malaking maleta ko. Maging siya ay hindi pa nakakapagpalit ng uniform kaya naman halatang kararating niya pa lang sa kanila nang tumawag siya. Pagdating namin sa Bus Station ng San Lorenzo ay halos hindi na mahulugang karayom ang mga taong nagnanais makauwi. “Love, mukhang malabo ka dito,” wika ni Harold habang tinatanaw naming dalawa ang bukana ng station mula sa loob ng kotse niya. “Love, try natin sa kabilang station,” wika ko. Saka naman siya bumira at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa kabilang bus station papunta pa rin ng San Lorenzo. Bumaba ako at nakipagsiksikan sa mga tao. Ngunit katulad ng mga pasaherong nasa labas ay hindi ako nabigyan ng ticket dahil wala pa raw bus na dumarating. “Wala pa raw bus na dumarating love. Paano na kaya iyan? Ang daming pasaherong naghihintay oh,” “Wala na bang ibang bus pauwi sa inyo?” “Try ko na lang magcutting trip,” suggestion ko. “Sure ka?” “Oo. Kaysa naman hindi ako makauwi,” “Sige. Saan ba?” tanong niya. “Doon tayo sa bus station ng San Agustin. Nakita ko kanina wala masyadong tao,” Saka kami sumakay ulit sa kotse niya. Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa Bus Station ng San Agustin. Mag-aala-una na at tanda na naisailalim na sa Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon. Pumila ako sa kuhanan ng ticket at ilang saglit pa ay nakakuha na rin ako sa wakas. “Love, nakakuha na ako. Aalis na kami in 5 minutes,” bumalik ako sa lugar kung saan nakaupo si Harold at binabantayan ang maleta ko. “Love, mamimiss kita ha?” agad naman siyang yumakap. “Biglaan to love. Pero hayaan mo, tatawag naman ako palagi sayo. And may kotse ka naman, pwede ka lang pumunta sa amin pag gusto mo,” “Napakalayo pero susubukan ko. Kung pwede nang bumyahe ay ikaw talaga ang unang pupuntahan ko,” wika niya. “Sige love. Mamimiss din naman kita. Video Call tayo daily,” “Promise me you’ll keep me updated sayo okay,” hinawi niya ang buhok ko na nasa mukha ko na. “Yes love. Mag-iingat din kayo dito okay?” “Yes. For you,” saka niya ako hinalikan muli. I know that this is a public place but God, this is my boyfriend and I don’t care kung anong iisipin nila. Ang alam ko lang talaga ay hindi kami magkikita ng matagal dahil sa pandemic na ito kaya I deserve and I need this damn kiss from my damn hot and sweet boyfriend. “Tinatawagan ang lahat ng pasahero ng San Agustin Transit na may bilang 2205 na magtungo na sa ikalimang lagusan dahil sa ilang saglit lang ay ito’y aalis na,” Nagulat naman ako sa bilis ng pag-alis ko. Tiningnan ko pa ang ticket at tumugma ang number nito sa bus number na nabanggit. “Love, aalis na ang bus,” “Wait,” saka niya ako hinilang muli at niyakap ng mahigpit. “Just always remember na mahal na mahal kita and after this pandemic, we’ll see each other again and will make our dreams come true,” I know what he means. “Okay love. I love you so much and remember to be safe and healthy. Magiging tatay ka pa ng mga anak ko,” nginitian ko siya saka ko siya hinalikang muli. “I love you,” mahinang wika niya. “And I love you too,” Saka niya ako muling niyakap ng mahigpit. Gosh, mamimiss ko ang lalaking ito. I just pray na matapos na ito kaagad. Pero looking forward din naman ako sa pag-uwi ko sa probinsya. Kaya naman nang mailgay na sa istribo ang maleta ko ay umakyat na rin ako. Tanaw na lang kami nagkapaalaman dahil marami na ring umakyat sa taas. May kaunting lungkot para sa akin ang pag-alis pero kailangan din ako ng pamilya ko sa ngayon. Seat number twenty seven ako kaya naman sa medyo dulo na talaga ang pwesto ko. Matapos ang siksikang naganap sa paghahanap ng seat number ay agad akong nagpisik ng alcohol sa mga kamay ko. Mahirap na at baka mahawaan ako o kaya naman ay nakahawak ako ng virus mula sa kung saan. Nagsuot na rin ako ng face mask kaya naman mukhang handa na rin akong matulog dahil ramdam ko na talaga ang pagod. Pero bago iyon ay nagreply muna ako sa text message ni Harold. From: My Boyfie Love. Take care. I will wait for that day. I love you and take care. To: My Boyfie I love you too love. Take care and I will miss you. See you very soon. Sent. Pagkasend ko ng reply ko ay nagtext din ako kila mama. Hindi na ako nag-abala pang tumawag dahil alam kong natutulog na rin talaga sila. To: Mama Ma, nakasakay na ako pero cutting trip lang. Huwag na kayong mag-alala. See you bukas. Sent. Pagkatapos nito ay inilagay ko na sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Matapos magcheck ang kundoktor ng ticket ay nagpasya na akong matulog. Buti na lang at dalaga rin ang katabi ko at hindi gaanong malikot sa kanyang kinauupuan kaya nakatulog din talaga ako ng maayos. Nagstop over ang bus sa isang kainan at mukhang nagkakape ang mga driver kaya naman nagpasya akong umihi muna. Tulog ang halos lahat ng mga pasahero dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw. Sa tantya ko ay mga bandang alas seis kami darating sa San Agustin. Ang San Agustin ay bayan na malapit sa San Joaquin. Ilang oras pa ang byahe ko mula San Agustin patungong San Lorenzo kaya naman mahaba habang upuan pa talaga ang magaganap. Pagkaihi ko ay bumili muna ako ng mainit na tubig para may mailagay ako sa baon kong cup noodles. Nang makaakyat na ako ay saka ako nagsimulang kumain. Nagugutom na rin kasi ako sa mga ganitong oras kaya pinagbigyan ko ang sarili ko. Pagkatapos kong kumain ay nagpatuloy na rin ako sa pagtulog. Katulad ng inaasahan ay nakarating na kami sa San Agustin ng bandang alas seis kaya naman wala na akong pinalagpas pa na oras. May mga van papuntang San Lorenzo mula sa tabi ng bus station kaya naman nagbabaka-sakali akong mayroon pang byahe. Mabuti na lang talaga at mayroon pa ring byahe dahil pinagbibigyan daw ang mga taga probinsya na makauwi muna sa kani kanilang mga lugar. Kaya naman, mahigit tatlong oras na naman akong mauupo at matutulog sa loob ng van na ito. One, two, three. Three long hours, narrating din namin sa wakas ang aking home town. It’s so good to be home. Pagbaba ko ng van ay naghire na ako kaagad ng tricycle pauwi sa Calle Adonis. Nakadama ako ng excitement sa katotohanang makauuwi na rin ako muli. Pero handa na nga kaya akong harapin muli ang mga tao sa amin? Bahala na. Basta’t ang mahalaga ay uuwi ako para sa aking pamilya. Wala nang mas mahalaga pa kundi sila. Bumaba ako sa tapat ng gate ng bahay namin. Maganda pala talaga ang nagging resulta ng mga pinagawa ko. Nagpagawa kasi ako ng extension ng bahay namin at dahil si Macario ang head ay expected na maganda talaga ang kalalabasan nito. Katabi ng bahay namin ang aming paupahan. Mas malaki nga lang ito kaysa sa bahay pero ayos na rin naman. “Maaa,” tawag ko mula sa labas ng gate. Agad namang narinig ni mama ang tawag ko kaya nagmadali siyang lumabas at pagbuksan ako. “Naku anak, matutuwa ang papa mo. Salamat naman sa Diyos at ligtas kang nakauwi dito,” niyakap niya ako saka tinulungan na sa mga bagahe ko. “Biglaan lang din po talaga ang pag-uwi ko ma. Tingnan niya, hindi pa ako nakakapagpalit ng damit oh,” ipinakita ko pa sa kanya ang suot kong uniform. “Ang mahalaga anak ay nakauwi ka na. Alalang alala kami sayo ng papa mo noong marinig namin ang balita,” Pumasok na kami sa bahay at naabutan ko si papa na nagtitimpla ng kape sa mesa. “Magkape ka muna anak,” nakangiti si papa sa akin saka ko siya nilapitan. “Namiss ko po kayo,” niyakap ko siya ng mahigpit. “Alalang alala kami sayong bata ka,” niyakap din ako ni papa. Nakita ko naman si mama na magkahawak ang mga kamay habang natutuwang pagmasdan kaming dalawa ni papa. Naupo na ako sa tapat ng mesa habang nandoon din sila kaharap ko. Nagkwentuhan kami sa kung paano ako nakauwi. Sinabi kong nakipagsapalaran talaga ako sa mga bus stations para lang makauwi ako dito. Nasabi ko rin naman sa kanila na tinulungan ako ni Harold. Alam nila ang tungkol kay Harold dahil nababanggit ko siya tuwing tumatawag ako dito. Hindi pa man sila magkakilala sa personal pero hindi nagkukulang si Harold na magpakilala sa mga magulang ko through video chat. Minsan, kapag niyayaya niya akong magdtae tuwing day off ay ipinapaalam niya pa ito sa mga magulang ko kaya naman natutuwa rin sa kanya ang mama at papa. “Salamat talaga sa Panginoon at nakauwi ka na dito anak,” ani papa. “Kailan ang balik mo niyan? Huwag muna sana dahil maraming nagkakasakit. Hindi ligtas ang trabaho mo anak,” alalang wika ni mama. “Huwag po kayong mag-alala. Ginagawan na po ng paraan ng BIYAHE Airlines management para masiguro ang safety measures naming mga empleyado nila,” “Oh siya anak. Alam naming pagod ka sa biyahe. Kumain ka na muna at magpahinga ka sa kwarto mo,” “Kumain na ho ako kanina sa stop over ng bus at kanina rin sa stop over ng van ma. Matutulog na lang siguro muna ako,” sagot ko. ‘Oh siya sige. Handan a ang kwarto mo. Magpahinga ka na muna anak,” ani mama. At dahil sobrang napagod talaga ako ay nakatulog na rin ako kaagad. NAGISINg ako sa isang tawag ng lalaki mula sa labas ng bahay. “Aling Gara,”sabay katok pa nito sa gate na nakalikha ng malakas na tunog. Tiningnan ko ang orasan at pass two o’clock na pala. Kaya naman bumangon na lang ako. “Aling Gara,” patuloy pa rin sa pagtawag sa labas ang lalaki. “Nasaan ba sila?” nagkakamot pa ako ng ulo nang lumabas ng kwarto. “Nasaan sila nagpunta?” pipikit pikit pa ang mga mata ko habang hinahanap sila. Pero wala talaga. “Aling Gara,” patuloy sa pagtawag ang boses ng lalaki. Kaya naman inayos ko ang sarili ko at ako na lang ang haharap sa kanya. Nagmadali akong lumabas ng bahay at nagtungo sa tapat ng gate. Hindi ko kita ang nasa labas dahil sarado ang gate kaya naman binuksan ko na ito kaagad. “Anong kailangan…..mo,” halos hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa gulat. “Yung tubig niyo…po,” maging siya ay nagulat. May hawak siyang dalawang blue containers ng mineral water. Bakit siya pa ang unang makikita ko sa Calle Adonis? “Hi,” bati niya na halatang hindi makapaniwala. “Hi,” bati ko rin. Hindi ako makatingin sa kanya. Gumwapo siya. At halatang kasalukuyan ang work niya dahil pawis na pawis din talaga siya sa suot niyang blue tanktop. Nakashorts lang din siya ng itim kaya naman nakadagdag pa iyon sa kagwapuhan niya. Napakasimple pero hot ang dating. Pero nagbalik ako sa huwisyo ko nang mapagtanto kong siya ang ex ko. Siya ang lalaking ipinagpalit ko sa pangarap ko. At hindi ko alam kung mapapatawad niya pa talaga ako. “Mabuti naman at nakauwi ka dito,” nakangiti niyang wika. “Pa-pasok ka,” “Ha?” “I mean, ipasok mo na lang yung dala mong tubig sa loob,” maluwag kong binuksan ang gate saka siya pumasok. “Namiss kita ha,” nakangiti niya pa ring wika. Bakit ganito? Bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko? Namiss niya ako? Namiss ako ni Ezekiel. Ang dating mahal ko. “Namiss?” pagkaklaro ko. Ngunit wala na siyang isinagot dahil lumabas na rin siya kaagad pagkalapag ng mga containers sa tapat ng bahay ko. HAaayyy naku naman, tumitibok ng mabilis ang puso kong lito. End of Chapter One.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD