Prologue
Prologue
Kiel
Sa unang pagkakataon, iniwan ako ng babaeng akala ko ay makakasama ko habang buhay.
Pero naghintay ako.
Maraming nagtatanong sa akin kung bakit ako nananatiling walang buhay-pag-ibig sa loob ng ilang taon mula nang iniwan niya ako sa payak na lugar ng Calle Adonis.
Sabi nila, tanga raw ako.
Sabi nila, huwag na akong umasang babalik pa siya.
Sabi nila, maghanap na lang ako ng iba.
Sabi nila, napakahaba na ng halos tatlong na taon ng paghihintay ko kaya dapat makalimot na.
Sabi nila, baka may iba na siya.
Pero sabi ko naman, hanggat may naiiwang nag-aantay, baka sakaling may babalik. Babalik para buuin ulit ang naiwang wasak.
Pero hanggang kalian ako maghihintay?
Hanggang kalian ako aasang babalik pa siya?
Hanggang kalian ako magsasabing siya pa rin ang laman ng puso ko?
Hanggang kalian ako magpapakatanga?
Hanggang sa dumating na nga siya.
Pero bakit ngayong nandito na siya ay parang nawala ng bigla yung dati?
Bakit ngayong nandito na siya ay hindi ko magawang ibalik yung dati?
Bakit ngayong nandito na siya ay parang nawawala na ang init sa puso ko?
Dapat pa bang ibigin ko pa siya?
O ang nakaraan ay dapat lang na limutin ko na?
Mananatiling katanungan ang mga ito hanggat hindi pa kumpirmado ang lahat sa aking puso at isipan.
Sa ngayon, iisa-isahin ko muna ang mga nangyari sa buhay ko na kasama siya matapos ang mahabang taong paghihintay ko sa pagbabalik niya.
Sa huli, alam kong pag-ibig ang naglapit sa aming dalawa sa isa’t isa. Sana ay pag-ibig din ang maglapit sa aming dalawa. Kung hindi man bilang magkasintahan, ay sana bilang magkaibigan.
Ako si Ezekiel, at ito ang aking kwento.