Chapter Three

2544 Words
Chapter Three Savanah Nagulat ako sa sinabi ni Harold though it's okay dahil boyfriend ko naman siya, but how will I complete the mission churva kung nandito siya?? Flashback "Hey Love, How are you?" "Hey , I'm fine. Ikaw?" "I'm fine. Namimis na kita agad. I'm planning to spend my time with you during this ECQ. Gusto ko sana jan muna ako sa inyo para naman makapagbonding tayo and to finally meet your family"- Harold "Hah??" "Ayaw mo ba?" "Ah-eh hindi naman sa ganun love. Nagulat lang ako. Pero diba sabi mo masyadong malayo 'tong sa amin?"  "Yeah, pero diba sabi ko kahit malayo ka pupuntahan kita? Okay lang sa akin yun besides I have my car kaya hindi na ako mahihirapan."  "Sure ka ba?"  "Oo, sure na sure na ako. Wala din naman akong gagawin dito."  "Okay sige sige. I'll tell kay mama" "Yay! Thank you love. I miss you and I love you. See you. Itetext ko nalang kung kelan ako luluwas." " Okay love. I love you too. I miss you. Bababa ko na muna ha, maliligo lang ako. Muahh" "Sige Love." End of flash back Siguro tama itong utak ko. Pero wala namang masama kung ipupush ko yung balak kong maging friends kami ng ex ko diba? Maissue kasi tong brain na to pero may point din naman siya. Ang gulooooooo! Magfofocus nalang ako sa boyfriend ko. Pero kasiiiiiiiiiii. Gusto kong maging kaibigan ulit si Kiel. Promise hanggang kaibigan lang talaga. Gusto ko lang makabawi sa kasalanan ko sa kanya. Hindi ko naman na siya mahal eh kasi may mahal na ako at si Harold yun. At magkakasama kami ngayong ECQ, diba self? Haaaayyy! Para na akong tangang kausap ang sarili ko. Tama! Wala na akong pakialam kung ayaw niyang maging friends kami. Hindi na ako madidistract sa pagfeflex ng mga muscles niya. Sa mabangong amoy niya kahit pawisan na siya. Feeling ko safeguard na blue parin ang gamit niyang sabon. Yun kasi ang sabon niya nuong kami pa. Amoy na amoy ko pa kahit puro pawis siya kanina. "Savanaaaaah! Ano ba? Gusto mong kurutin ko iyang singit mo para magtigil ka na jan. Feelingerang frog. Hindi ka na mahal nun." mortal na kaaway ko talaga ang utak ko sana huwag pati ang puso ko. Tumigil na ako sa pag-iisip ng mga kung anu-ano at nagtungo na ako sa banyo para maligo. Kiel Nakakapanibago yung itsura niya. Mas gumanda siya at naging matured. Hindi ko rin maiwasang tingnan siya. Nahihiya ako dahil nakita niya akong nakahubad ang pang itaas. Nagpunas kasi ako ng katawan dahil sobrang nanlalagkit na ako sa sarili kong pawis. Nahuhuli ko din siyang nakatitig sa akin mula sa aking peripheral view habang kausap ko si Aling Gara. Hindi ko na kaya pa ang pinag uusapan kaya't nagpasya na akong umuwi. Inaaya ako ni Aling Gara na mamasyal daw sa bahay nila kung wala akong gagawin. "Titingnan ko po, salamat po ulit. Sav salamat." ang tanging naisagot ko "Ah hehe. sige. You're welcome. Thank you din." litanya niya.  Lumabas na ako ng bahay nila at nilagay ang puting bimpo sa aking balikat. Habang hinihila ko ang gate nila upang isarado ay ang sakto namang pagtawag niya sakin. "Kiel" tawag niya "Ohh, bakit?" masungit kong sagot "A...ano kasi, pwede ko bang kunin yung cellphone number mo?" Napakunot naman ang noo ko sa aking narinig. "Bakit?" "Para sana pag nagpadeliver kami ng tubig eh tatawagan o itetext nalang kita." takang tanong ko eh alam naman niyang may numero na ang TwoBig sa containers. "Bakit yung number ko pa?" "Hi... hindi ba pwede?" utal na sabi iya "Hindi ko binibigay yung personal kong number para sa mga magpapadeliver ng tubig dahil may sariling numero ang aming water station. Tingnan mo nalang sa container nanduon yun o kaya kay Aling Gara. Alam niya ang numero ng TwoBig. Sige ha, alis na ako." Walang emosyong paalam ko na kahit sa loob loob ko'y gusto kong ibigay ngunit hindi iyon tama dahil alam kong may nagmamay-ari na sa puso niya at ayaw kong madurog pa ulit. Nakarating na ako sa TwoBig Water station ng 2:46. Antagal ko pala dun. Nadatnan ko si Kyla at Patrick na nagmemeryenda. "Kuya ba't antagal mo? Naunahan ka pa ni Patrick dadalawa lang naman ang dineliver mo." bungad na tanong ng kapatid ko "Ah alam ko na ma'am Kyla. Mukhang natagalan duon sa MAGIGING BIYENAN NIYA SANA." May diin sa huling mga sinabi niya at nakangiti pa siya ng nakakaloko . Ibinato ko sa kanya ang hawak kong puting bimpo at natawa naman siya. "Boss, balita ko dumating yung si Savanah, yung ex mo. Nakita mo siya sa bahay nila?" tanong niya sabay taas baba ng kanyang dalawang kilay. "Totoo ba? OMy! Ilang taon din kayong hindi nagkita kuya. Flight attendant na ba siya? May asawa na?" sunod-sunod na tanong ng aking magaling na kapatid "Mga chismoso at chismosa! Pumunta nalang kayo sa bahay nila kung gusto niyong masagot iyang mga tanong niyo." Seryosong sabi ko ngunit pinagtawanan lang ako ng dalawa. Naupo muna ako sa sofa na nasa harap ng TV. Napaisip sa mga nangyari kanina. Ang awkward mga pre. Nalungkot ako sa mga sinabi ni Aling Gara. Ramdam kong tinuring na nila akong parte ng kanilang pamilya nuong kami pa ni Savanah. Pero wala eh, siguro nga tama siya, hindi kami para sa isa't-isa. Inaamin ko sa sarili ko na hinangad kong balikan niya ako nuon. Umasa ako na hindi niya ako iiwan. Pero gaya nga ng sabi ko, wala akong karapatang magdikta ng kanyang mga ninanais gawin. Sa totoo lang kasi, hindi ko kaya ang Long Distance Relationship dahil naranasan ko na iyon nuon bago ko pa siya nakilala, sa kasawiang palad ay hindi nagwork. Ewan ko. Mahirap kasi para sa akin ang hindi mo makita at makasama ng isang araw ang minamahal mo. Oo may cellphone pero hindi iyon sapat para sa akin. Hindi sapat ang marinig ko lang ang boses niya, gusto ko yung nakikita, nahahawakan at nakakasama ko siya. Kaya siguro pinaghiwalay kami ng tadhana dahil hindi ko alam humawak ng ganoong klaseng relasyon. Mabilis lumipas ang oras at 5:07 na nga. Napagpasyahan kong umuwi na muna ng bahay. Nagpaalam na muna ako kay Patrick. Nauna nang umuwi si Kyla dahil may duty siya sa hospital. Babalik nalang ako mamaya pagkaligo. Nakita ko naman sa tindahan nina pareng Macky sina Amir at Nathan na umiinom ng softdrinks. "Kuya Kiel inom tayo mamaya." sabi ng aming bunso, si Amir. "Libre mo? Bakit? May tip ka na naman ba dun kay sir Lance?" tatawa tawang tanong ko "Gago, hinde. Wala gusto ko lang. Naiinis kasi ako kay Yumi." sagot niya "May LQ sila pre." Sabad naman ni Nathan "Naku po, hindi maganda yan. Ayusin niyo na habang maaga pa baka magsisi ka." suhestiyon ko kay Amir "Eh basta. Naiinis ako sa kanya. Bahala siya." parang batang nagmamaktol "Oh sige. iinom nalang natin mamaya iyan. Babalik ako mamaya. Maliligo lang ako. Tawagin niyo na rin yung iba at mukhang matindi ang pinagdadaanan ng bunso namin ahh" Ngingiti ngiti kong sabi "Sige pre, tatawagan ko na sila maya maya." boluntaryo ni Nathan Nagpaalam na nga ako sa dalawa at nagtungo na sa aming bahay. Nadatnan ko si Mama sa kusina na nagluluto ng ulam. Naaamoy ko na ang aroma nito kaya't alam ko na ang niluluto niya. Hinubad ko muna ang damit ko at nilagay sa may upuan sa mesa at nagtungo ako sa may ref para kumuha ng tubig. "Ma, adobong chicken ba yan no?" tanong ko sa kanya "Oo anak, yung paborito niyong magkapatid." sagot ni mama "Wow. mukhang mapaparami na naman ako ng kain niyan". "Aba'y sigurado ako duon anak. Ipagbabaon ko nalang din ang kapatid mo para hindi na siya lumabas sa hospital mamaya". sabi niya "Siya nga pala anak, balita ko dumating na daw si Savanah." sabi ni mama na dahilan ng pagkasamid ko. "Okay ka lang anak?" "Opo ma. nasamid lang ako". sagot ko "Nag-usap na ba kayo? Nagpaliwanag na ba siya? Naayos niyo na ba?" natatawang sunod sunod na tanong niya. Isa pa si mama, nahawaan narin ba siya ng pagkachismosa? Sana naman hindi. Nakangiti ako habang nag iisip. "Ma, mas mabuting sumama ka nalang kina Kyla at Patrick. Pumunta nalang kayo sa bahay nina Aling Gara. Haha. Ganyan na ganyan din yung mga tanungan nila kanina sa TwoBig." Pilosopong saad ko. "Aba'y pilosopo kang bata ha. Maligo ka na nga at amoy pawis kana." natatawa ding sabi niya sabay takip sa kanyang ilong. Sobrang swerte lang namin sa aming mga magulang dahil pinalaki nila kami ng maayos. Hindi din naman maiwasan ni mama na magtanong ng tungkol kay Savanah at sa akin dahil alam niya kung paano namin binuo ang aming relasyon at kung paano iyon nagtapos. Saksi si mama sa mga gabing umiiyak ako dahil sa paghihiwalay namin. Mga gabing hindi ko alam ang buhay ko kinabukasan. Alam niya kung gaano ko siya kamahal. Alam niya ang lahat sa amin. Pinipilit niya pa ako nuon na kontakin ko daw si Savanah pero hindi ko ginawa dahil ayaw ko ng makagulo pa sa kanya sa pagtupad ng mga pangarap niya. Agad na akong nagtungo sa cr para maligo. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng puting sando at itim na shorts. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay saka lumabas ng kwarto ko. "Ma, duon lang ako sa tindahan nina pareng Macky. Mauna nalang kayong kumain." Paalam ko kay mama. "Sige anak, tatakpan ko nalang mamaya ang mga pagkain dito sa mesa. Bahala ka na mamaya." s**o ni mama mula sa kusina. Lumabas na ako ng bahay saka nagtungo sa aming tambayan. Naririnig ko na ang kantahan mula roon kung kaya't nagmadali na akong naglakad. Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan Kung may problema tayo- tayo lang din naman ang magtutulungan Hindi pwedeng may maiiwan Magkakasama pag may kasiyahan Tumigil naman sila nung dumating ako. Si Arc, Nathan, Macky, Amir at si Adrian na ang nanduon. Naging parte na rin ng samahan si Adrian dahil mabait naman siya at hindi mayabang. "Wow, fresh!" sabi ni Arc at akmang aamuyin pa ang aking kili-kili. "Haha. Di ka kasi naliligo pre kaya di mo alam ang amoy ng fresh. "Akala ko ako nalang yung kulang. Nasaan yung iba?" Tanong ko. "Papunta na raw sina pareng Leo, si pareng Baste naman hindi raw makakajamming ngayon." si Macky. "Ganon ba? Simulan na natin hindi na ako pupunta sa TwoBig. Ipapasara ko na kay Patrick para naman makadami tayo. Paiyak na yata yung isa jan." sabay sulyap kay Amir. 6:29 na kaya tinawagan ko na si Patrick para isara yung water station. Pagkatapos kong makausap ay siya namang pagdating ni Pareng Leo. "O ayan na si pareng Leo, buti naman at nakapunta." sabi ni Adrian. "Pinakain pa kasi namin yung mga bata at pinatahan ko muna si Leo Jr. Nagpupumilit sumama." sagot naman ni Leo. "Pati nga si pareng Macky eh, buti pinayagan ni Pulis Patola" si Amir. "Oo nga eh, anonm bang ganap? may mag eemote ba?" tatawa tawang tanong ni Leo. "Nagyaya kasi si Amir mukhang may problema ang isang 'to." si Nathan na hinahaplos haplos pa ang likod ni Amir. "Hindi, biro lang yun haha. Gusto ko lang kayong makasama. Baka yung isa jan ang hindi okay." sabay lingon sakin ni Amir na siya namang pinagtataka ko. "Hah? Okay lang ako. Gago. Diba sabi mo kanina naiinis ka kay Yumi?" balik ko sa kanya. " Hahaha. Joke lang yun mga pre. May nasagao kasi akong balita kaya nagyaya ako ng inom." si Amir na patawatawa pa. "Aba't chismoso kana ngayon ha" binatukan ni Leo si Amir. "Bago ituloy nag kwentuhan kung ano man ang ichichismis nitong bunso natin eh simulan na natin." Si Arc. Sakto namang naglalabas na si Macky ng tigitigisa naming beer at mga chichiria. Siinimulan na nga namin ang inuman at kwentuhan. Base sa unang tirada ni Amir, mukhang alam ko na. Ako ang puntirya ng isang to. Ako ang mahohotseat ngayong gabi. Malilintikan to sakin. "Ano ba yung nasagap mo?" Si Macky "Dumating na raw si Savanah" si Amir. "Hah??" sabay-sabay na reaksyon ng lahat. "Ang OOA niyo magreact. Di bagay sa inyo" Sarkastik kong sabi ngunit natatawa. "Teka lang, si Savanah, sino yun pre?" tanong ni Adrian dahil siya lang ang hindi nakakaalam ng tungkol sa amin ni Savanah sa kadahilanang bago pa lamang siya sa aming grupo at matagal na kaming wala ni Savanah kaya hindi na pinag-uusapan ng barkada. Ngayon lang dahil umuwi siya. Ito yung ayaw ko eh. Yung ako ang nahohotseat "Siya ba yung ex mo pareng Kiel?" si Nathan. "Oo, siya nga yun." si Leo. "Si Savanah, yung ex niyang nang iwan sa kanya ng biglaan" si Arc. "Ooooooooooohhhhhhhhh" kantyaw ng lahat. Nagkamot nalang ako ng batok saka tinungga ang bote ng beer. So tama nga ako, ako ang puntirya nila ngayong gabi dahil sa pagdating ni Savanah. Maissue ang mga kaibigan kong 'to. Kaya naman walang lihiman na nagaganap sa amin. "Ano pre? Nagpunta ka na ba sa bahay nila? Nag usap ba kayo?" Si Leo "May nararamdaman ka pa bang pagmamahal jan?" si Macky sabay turo sa puso ko. "Gusto mo pa bang maayos kayo?" Si Adrian. "Ilang taon kayong hindi nagkita?" Si Amir na tatawa tawa pa. Natawa nalang din ako sa mga itsura nila habang nagtatanong, kaya ni isa sa kanilang katanungan ay wala akong sinagot. Tinungga ko ang beer na ikinamaktol nilang lahat. Para silang mga bata. Haha! pero mahal na mahal ko ang mga ito. "Ba't wala kang maisagot?" Si Nathan "Nahawaan narin kayo ng pagiging chismoso. Sumama nalang kayo kay Patrick, Kyla at Mama. Pumunta kayong lahat sa bahay nina Savanah at sa kanya nalang kayo magtanong." gaya ng sinabi ko kay Mama, yun din ang sinabi ko sa mga kumag na to. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. "Oh ohhhhhh!" bigla biglang saad nilang lahat sabay tahimik. Nagulat naman ako sa taong dumating. Si Savanah. "Pinag-uusapan niyo ba ako? Bakit narinig ko yung pangalan ko?" hindi ako makaimik. Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig. Lahat kami ay natahimik. Hindi alam kung ano ang aming isasagot sa kanyang tanong. "Natahimik kayo? Kanina lang ang iingay niyo ngayong dumating yung pinag-uusapan niyo para kayong nakakita ng multo. Kalalaki niyo mga chismoso." Galit ba sabi ni Savanah "Ah, Sav bibili ka ba?" tanong ni Macky "Hindi na, sa iba nalang. Salamat ha. Ipagpatuloy niyo yan." Sarcastic na sabi niya Hindi ko na din mapigilan kaya sumabad na ako. "Narinig mo lang yung pangalan mo akala mo pinagchichismisan kana. Hindi ba pwedeng may tinatanong lang sila? Assuming mo naman. Kung ayaw mong bumili rito eh di umalis ka. Duon ka nalang sa kabila. " inis na sabi ko sa kanya. Napapangiti naman ang mga kumag. "Bakit? Hindi nila sakin itanong?" sagot niya. "Yung yung sinabi ko sa kanila kaya binanggit ko yung pangalan mo. Sinabi ko na sayo nalang sila magtanong dahil mas masasagot mo. Kaya narinig mo yung pangalan mo." depensa ko. "Ok" at walang anu-ano'y umalis na siya Kunwaring pinagalitan ko naman ang mga chismoso kong mga kaibigan. "Ayan, tanong pa. Mga chismoso. Tantanan niyo na nga ako, wala ng KAMI kaya itigil niyo na yang kantyawan na yan. May nobyo na rin siya." litanya ko. "Ayuuuuuuuun. Paano mo nalamang may nobyo siya?" Tanong ni Amit na nakangiti. "Malamang sa malamang, nag usap na sila." si Arc Hinayaan ko nalang sila sa kanilang kantyawan. 8:02 na ng gabi nang matapos kami at napagpasyahan naming magsiuwian na. Pagkarating ko ng bahay ay agad na akong kumain pagkatapos nun, hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nagtootjbrush saka nagtungo sa kwarto para matulog. Humiga na ako aa malambot kong kama. Tinanggal ko na rin ang damit ko para mas komportable. Isang araw na naman ang natapos na puro pang aasar ang natanggap ko. Napahikab ako saka pumikit at hinanap ang tulog ko. End of chapter three.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD