STARTING POINT

1566 Words
“Hmpf, bakit ko ba sinabi ang bagay na iyon.” Kasalukuyan akong palakad-lakad sa aking silid dahil sa nangyari kanina. Hindi ako mapakali at hindi ko sigurado kung tama ang aking naging desisyon.  Ito ang pinakaayaw ko sa lahat ng aking ugali. Kapag napuno ako ay hindi ko na magawang pigilan kung ano ang sinasabi ng aking utak. Madalas na akong napahamak dahil dito at sa kasamaang palad ay nagdulot na naman ito ng sakit ng ulo sa akin ngayon.  “Paano ko naman sisimulan ang aking pag-iimbestiga?” Para akong tanga na kinakausap ang sarili ngayon. Paano ko nga ba gagawin ang bagay na iyon samantalang hindi ko pa lubos na tukoy ang siyudad na aming kinaroroonan ngayon. Isa pa ay hindi pa din ako nakapagpasya kung anong katauhan ang aking gagamitin sa pagpapanggap bilang normal na tao. “Arghh kainis!” Nagawa kong sabunutan ang sariling buhok dahil sa stress na aking nararamdaman ngayon. Humiga muna ako upang pakalmahin ang aking sarili. Bukas ko na lang siguro sisimulan ang pag-iisip kung anong hakbang ang aking gagawin. Napagtanto ko na hindi pa ako naglilinis ng aking katawan kaya padabog ako na muling bumangon. Tila naramdaman iyon ni Thana kaya maya-maya lamang ay nakarinig na ako ng katok sa pintuan ng aking silid. “Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong niya sa akin nang pagbuksan ko ng pinto ang aking kapatid.  “Medyo.” Totoo at tipid na sagot ko sa kanya.  “Ano ba kasi ang pumasok sa iyong isip at sinabi mo ang bagay na iyon.” Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala sa akin. Mapalad pa din ako na may kapatid akong katulad ni Thana na handang damayan ako sa aking problema.  “Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay hindi ko nakayanan ang tingin na ibinibigay sa akin ni mommy.” Sa tingin ko ay iyon nga ang rason kung bakit ako nakapagsalita ng mga bagay na hindi naman talaga alam.  “Hindi mo na lang sana pinansin si mommy.” Tinapik pa nito ang aking likod.  Hindi ko naman talaga nais na pansinin ang mga sinasabi at iniisip ni Drusilla tungkol sa akin. Gayunpaman ay hindi ko magawang pigilan ang sarili at hayaan siya na paniwalain ang lahat na ako ang may sala sa krimen.  “Ganun nga sana ang aking gagawin pero kilala mo ako Thana.” Si Thana ang higit na nakakilala sa akin sa aming buong pamilya. Walang araw na hindi kami nag-uusap maliban na lang kapag pumupunta si Steve sa bahay.  “Alam ko kaya nga nag-aalala ako sa’yo Vanya.”  “Naku hayaan na natin, nasabi ko na ang kailangan kong gawin kaya hindi ko na iyon mababawi pa kay mommy.” Huminga ako ng malalim upang saglit na alisin ang bigat sa aking dibdib kahit hindi naman talaga ako humihinga.  “Anong gagawin mo ngayon?”  “Iyon nga ang aking iniisip simula pa kanina kasi ang totoo ay wala akong alam tungkol sa pag-iimbestiga.” Pag-amin ko sa aking kapatid.  “Hmm siguro makakatulong sayo kung magbabasa ka muna ng mga libro tungkol sa pag-iimbestiga ng krimen. Tiyak ko na maraming impormasyon ang iyong makukuha sa pagbabasa.” Niyakap ko ng wala sa oras si Thana. Hulog talaga siya ng langit sa akin kahit hindi kami nagmula sa langit. May punto ang aking kapatid at tiyak na malaki ang maitutulong ng bagay na iyon sa akin.  “Maraming salamat Thana.” Saglit akong kumalas mula sa pagkakayap sa kanya.  “Walang anuman. Ikaw pa ba Vanya? Malakas ka sa akin at saka alam ko na ako lang ang mahihingian mo ng tulong.” Muntik akong masamid sa sarili kong laway dahil sa kanyang sinabi.  Totoo naman ang lahat ng iyon dahil wala akong kaibigan. Mas nais ko ang mag-isa kaysa may kung sino akong makakasama. Mananatiling tahimik ang aking mundo kapag wala akong ibang kasama.  “Hindi ka pa ba matutulog?” Pag-iiba ko na lamang sa aming usapan. Hindi ko nais na maging kawawa ako sa paningin ni Thana. Hindi naman talaga ako kawawa dahil masaya ako sa takbo ng aking buhay. Sa ngayon siguro ay masasabi kong hindi na ako masaya dahil sa nangyayari.  “Ang totoo ay matutulog na dapat ako pero narinig kita kanina kaya naisip kitang puntahan.” Nahihiyang pag-amin niya sa akin. Hindi naman talaga kami natutulog bilang bampira pero dahil sa tagal ng aming pakikisalamuha sa mga tao kaya nasanay na din kami na gawin ang bagay na iyon.  “Oh ano pa ang hinihintay mo? Maayos naman ako kaya bumalik ka na sa iyong silid.” Pagtataboy ko sa aking kapatid.  “Sige, magpahinga ka na din dahil may mga bagay ka na dapat alamin.” Pinaalala nito ang tungkol sa aking misyon.  Matatawag ko siyang misyon dahil kailangan kong malaman ang kasagutan sa nangyaring krimen. Totoo ba talaga na bampira ang pumatay sa lalaki? Sino kaya ang nagtangkang gumawa ng bagay na iyon? Tumigil na ako sa pag-iisip dahil biglang nagsulputan ang ibang tanong na kailangan ko din sagutin. Mas mabuti pa siguro ang maglinis na ng katawan upang makapagpahinga. Mabilis akong kumilos at inayos ang aking higaan. Saglit akong tumitig sa kisame ng aking silid bago tuluyang ipikit ang mga mata.  *********** Bumangon ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng aking silid. Agad kong isinara ang bintana at ibinaba ang kurtina na nakasabit doon. Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha nang maalala kung ano ang problema na kailangan kong harapin.  “Tama, kailangan kong magtungo sa library upang maghanap ng mga libro na maaari kong basahin upang makatulong sa akin.”  Tuluyan nang nagising ang aking diwa at agad na kumilos upang makapaglinis ng katawan. Hindi ako dapat mag-aksaya ng panahon dahil hindi ako papayag na maunahan ako ni  Mommy na malaman kung sino ang totoong may sala sa krimen.  Simpleng damit lang ang aking kinuha. Damit na magbibigay proteksyon sa aking katawan upang hindi ako makilala ng mga tao bilang bampira. Hindi ko na tinawag si Thana upang magpalagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ko naman iyon kailangan.  Ang bampirang tulad namin ay walang repleksyon kapag humaharap sa salamin. Madalas ay umiiwas kami sa mga lugar na napapalibutan ng salamin dahil tiyak na maghihinala ang mga taong makakakita sa amin kapag nakita ang tungkol doon. Iyon din ang isang dahilan kung bakit madalas kaming magkasama ni Thana. Kailangan niya ako upang ayusan siya at ganun din naman siya sa akin.  Nang masigurong maayos na ang aking itsura base sa aking pakiramdam ay dinampot ko na ang bag na dadalhin at lumabas ng aking silid. Sabay pa kaming bumaba ni Thana at dumiretso sa kusina upang mag-almusal. “Mukhang parehas kayong may lakad?” Hindi nakaligtas kay Daddy Vlad ang itsura namin ni Thana.  “Pupunta po akong library upang mag-research.” Batid na agad ni Daddy kung para saan ang aking gagawin kaya na ako nito tinanong pa. “Bakit hindi mo ako tinawag, may lakad ka pala?” Binalingan ko si Thana na abala sa ginagawa nitong pagkain.  “Huwag kang mag-alala kapatid dahil nagsasanay na ako ngayon na ayusan ang aking sarili.” “Bakit naman?” Si daddy ang nagtanong. “Magiging abala na si Vanya sa kanyang misyon na gagawin kaya kailangan ko na din sanayin ang  aking sarili.” Nakaramdam ako ng lungkot sa naging sagot ni Thana.  Hindi ko akalain na maging ang bonding namin bilang magkapatid ay hindi na namin magagawa dahil sa aking naging desisyon. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko ng sumuko kay mommy at hayaan na lamang na habambuhay akong paghinalaan. "Vanya, hindi ka pa ba tapos?" Bahagya pa akong nagulat nang marinig si Thana. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nito tinatawag para sabay na kaming lumabas ng bahay. "Sorry, halika na. Dad alis na po kami." Magkasunod kaming humalik kay Vlad bago tuluyan umalis ng bahay. Mabuti na lang at hindi ko nakita si Mommy bago kami umalis. Tiyak na tulog pa iyon hanggang ngayon dahil sa gabi madalas na gising si Drusilla. Magkaiba kami ng direksyon na pupuntahan ni Thana kaya nagpaalam na din kami sa isa't-isa. "Mag-ingat kayo ni Steve huh." Bilin ko sa kanya. Alam ko naman na wala akong dapat ipag-alala dahil bampira din si Steve. Nais kong mag-ingat sila sa mga normal na tao lalo at madalas silang lumalabas. "Oo naman, mag-ingat ka din." Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. "Goodluck sissy." Kinindatan pa ako nito. "Thank you. Sige na at naghihintay sayo si Steve." Kumaway na lamang ako sa kanya. Gumanti naman s'ya bago tuluyang humakbang patungo sa direksyon na kanyang dadaanan. Huminga ako ng malalim. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba sa pagsisimula ng aking misyon. Kailangan kong magsimula sa maayos na paraan upang mabilis kong magawa ang dapat kong gawin. Nagsimula na din akong humakbang patungo sa library na aking pupuntahan. Sisiguraduhin kong hindi mapupunta sa wala ang aking lakad ngayon. Medyo malapit lang ang library sa bahay namin. Hindi ako nakakaramdam ng pagod kaya naisip kong maglakad na lamang. Hindi masyadong mainit ng araw kaya ayos lang na maglakad ako. Saglit akong tumigil at pinagmasdan ang panlabas na kaanyuan ng library. Dalawang palapag iyon kaya tiyak na madami akong mababasang libro mula doon. "This is it!" Muli ay huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng library.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD