bc

Sleuth Bloodrose

book_age16+
50
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
tragedy
twisted
mystery
vampire
city
secrets
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Vanya Bloodrose, a party-goer girl who has been hit and run then suddenly forgot about what happened to her previous life. All is well with her new life not until a crime happened to the city where they lived.

She decided to investigate the truth about the mysterious death of Max Miranda. Her family pointed her as a suspect that's why she wanted to clear her name. Eager to know who the killer is, she also remembered her past and would like to identify if who is the person behind the accident.

She has now three suspects that are related to the crime. Kieran Perez is the friend of the victim working as a journalist. She found out some documents under his possession that are related to the crime.

Damien Salvatore is the man that she found on the crime scene when she is investigating late at night.

Orpheus Gilbert is the one who holds evidence that will surely point him as a suspect.

Three men certainly lead her to the truth and fall for her sleuth act. The reward is she also identified the person behind her accident.

V for Vanya, V for Victory, and last but not the least is V for VAMPIRE as what she is now.

chap-preview
Free preview
EXORDIUM
Habol ko ang aking hininga dahil sa sobrang hingal gawa ng aking pagtakbo. Panay ang lingon ko sa aking likuran upang masiguro na hindi ako nito nasundan. Buong lakas kong ginagamit ang aking kakayahan upang makatakas sa lalaking tumutugis sa akin ngayon ngunit likas na mabilis din s’yang kumilos kaya hindi kami masyadong nagkakalayo. Hindi ko na alam kung saan ako naroon ngayon. Ang tanging bagay lamang na nasa isip ko ay mailigtas ang aking buhay sa kamay ng humahabol sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa aking sarili pero nakakaramdam ako ngayon ng sobrang pagod at tila nais nang maghiwalay ang aking mga biyas. Gusto kong tumigil ngunit alam kong magiging katapusan ko iyon. Hindi ko naman ginusto na malaman ang tungkol sa kanyang pagkatao. Kung alam ko lamang ay hindi ko na sana isinubo ang aking sarili sa kanya lalo at ito pala ang mapapala ko ngayon. May nakita akong malaking nitso kaya mas binilisan ko ang aking pagtakbo upang saglit na makapagtago doon dahil hindi ko na kayang tumakbo pa. Magpapahinga lang muna ako at muli akong tatakbo upang makatakas sa kanya. “Vanya?” Naririnig ko ng malinaw ang pagsigaw nito sa aking pangalan kaya batid ko na malapit lamang s’ya sa akin. “Nararamdaman kong malapit ka lamang sa akin kaya magpakita ka na!” Tinakpan ko ang aking bibig upang masiguro na walang boses ang kumawala doon. Hindi n’ya ako maaaring makita dahil siguradong magiging katapusan ko na iyon. Hindi ko magawang kumilos ngayon sa aking pinagtataguan. Tila ayaw din gumana ng aking utak para makapag-isip ng paraan upang makatakas sa lalaki. Pinapangunahan ako ngayon ng takot at isipin na baka maging katapusan na ng aking buhay. Hindi ko nais na mangyari iyon dahil hindi ko pa natutuklasan kung sino ang totoong suspek.  Kung alam ko lang sana na malalagay sa kapahamakan ang aking buhay ay hindi ko na sana hinayaan ang sarili na alamin ang katotohanan tungkol doon. “Vanya, nasaan ka ba?” Hindi mo man lang maramdaman na takot s’ya sa isang tulad ko. Sabagay ay hindi nga pala n’ya iyon mararamdaman dahil ito ang kanyang trabaho. Ang totoo ay kaya ko naman iligtas ang aking sarili pero hindi ako sanay makipaglaban kaya siguradong mapapaslang lamang ako nito. Wala akong mahingian ng tulong dahil napakalayo ko na sa aming tahanan maging sa sentro ng syudad. Nasa liblib na sementeryo ako ngayon at tiyak kong hindi din masyadong napupuntahan ng mga tao ang lugar na ito dahil sobrang luma na ng mga nakikita ko sa paligid. Naalala ko na wala din pala akong hihingian ng tulong kahit pa malapit ako sa aming tahanan. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang tingin sa akin ng aking magulang dahil hindi ko pa napapatunayan sa kanila kung sino ang totoong may sala sa nangyaring krimen. Sa madaling salita ay hindi pa malinis ang aking pangalan mula sa isyu. Sumasakit ang aking ulo dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Nagsisimula na akong magsisi ngayon sa desisyon na aking ginawa. Hinayaan ko na lang sana na maging ganun ang tingin nila sa akin at tumahimik na lamang. Ngunit alam ko sa sarili na hindi ko iyon kayang gawin lalo at buhay ko ang nakasalalay sa nangyari. Isa pa ay may ibang dahilan din ako kaya ako nagpasyang alamin ang katotohanan. Hindi ako matatahimik kapag naging ganito ang sitwasyon ko habambuhay. Natigil ako sa pag-iisip nang makaramdam ng kaluskos malapit sa aking tinataguan. Agad kong pinakiramdaman ang aking paligid. Mas tinalasan ko pa ang aking mata upang makakita ng ibang puwesto na maaari kong pagtaguan. Nararamdaman kong mas malapit na s’ya ngayon dahil mas malinaw para sa akin ang kanyang amoy. Napapangiwi pa ako at pilit na pinapakinggan kung saan direksyon nagmumula ang hakbang ng lalaki. Nang masiguro kung saan ay mabilis akong kumilos upang lumipat ng puwesto na maari kong pagtaguan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal sa ganitong sitwasyon. Nagiging mahina na din ang aking pakiramdam at nahihirapan akong alamin ang kanyang lokasyon ngayon. “Hindi ako titigil hangga’t hindi kita nakikita Vanya!” Tila galit na din ito ngayon dahil sa tono ng kanyang boses. Malamang ay pagod na din ang lalaki sa paghabol at paghahanap sa akin. Gayunpaman ay hindi pa din ako susuko at hindi ko hahayaan na mahanap ako nito. Natigilan ako nang maalala na hindi ako maaaring magtago habambuhay. Hindi man ako nito mapatay ay ganun pa din ang aking magiging katapusan dahil siguradong masusunog ako kapag hindi nakaalis sa lugar na ito. Ngayon ko naintindihan na mahirap kapag walang kaibigan na maaaring hingian ng tulong. Alam ko din naman na walang may nais makipagkaibigan sa akin dahil sa ugaling mayroon ako. Hindi naman ako ganito pero dahil sa mga sakit na idinulot nila sa akin noon kaya pinili ko ang mabuhay ng ganito. Nararamdaman kong malapit na naman s’ya sa akin. Mabuti na lamang at matalas ang aking paningin at pandinig kaya tumagal ako ng ganito. Gayunpaman ay hindi ako maaaring magpakampante dahil hindi ko sigurado kung ano ang kayang gawin nito upang mahanap lamang ako. Muli akong lumipat ng puwesto upang makalayo sa lalaki. Wala akong hawak na kahit anong sandata na maari kong gamitin laban sa kanya. Hindi naman ako dapat magkaganito ngunit dahil sa kanyang kakayahan kaya nagdulot ito ng takot sa akin at nawalan ako ng lakas na kalabanin s’ya. Isa pa sa aking kinatatakutan ay ang kakayahan nito na mapaslang ako at hindi na muling mabuhay pa. “Vanya hindi mo ako matataguan habambuhay dahil hindi ako papayag na hindi matapos ang kailangan kong gawin ngayong gabi!” Umalulong pa ang malakas nitong sigaw at dahil na din sa sobrang tahimik ng paligid kaya maririnig mo talaga ng malinaw ang kanyang sinabi. Hiling ko na sana ay makaramdam s’ya ng pagod pero sigurado ako na malabong mangyari yun. Muli kong inilibot ang aking paningin upang tiyakin na may matataguan pa ako. Mas nilakasan ko pa ang aking pandama upang masiguro ang aking kaligtasan. Natigil ako sa aking ginagawa dahil may pamilyar na amoy ang sumama sa hangin na aking nilalanghap ngayon. Hindi ako maaring magkamali lalo at araw-araw ko itong naaamoy bilang bahagi ng aking buhay. Mas lumalakas pa ang amoy na iyon at tila nanunuot sa aking ilong. Mas tinalasan ko ngayon ang aking paningin at walang tigil na hinanap sa paligid ang maaaring pinanggagalingan nito. Nagawi ang aking tingin sa pinakamalaking nitso sa dulong bahagi ng aking puwesto ngayon. May nakikita akong bulto ng katawan at sigurado akong pamilyar s’ya sa akin. Mas nag-focus pa ako ng tingin sa aking nakikita upang masiguro na tama ang aking naiisip. Malinaw sa aking paningin ang bangkay na nasa harapan nito. Natumba ako sa aking pagkakatalungko at bahagyang napaatras. Muli kong tinakpan ang aking bibig upang hindi ako makalikha ng ingay na maaring magdulot sa aking kapahamakan. Nanlalaki ang aking mga mata na nakatingin sa lalaking kasalukuyang nakaharap sa aking lokasyon dahil tila naramdaman nito ang aking presensya. Hindi ako nagkamali dahil pamilyar nga s’ya sa akin ngunit hindi ko akalain na ginagawa n’ya ang bagay na natuklasan ko ngayon sa kanya. Sadyang hindi pa tapos ang nangyayari sa akin ngayong gabi dahil awtomatikong naibaba ko ang aking kamay upang ihanda ang sarili sa pag-atake nang may humawak sa aking balikat. Agad akong hinila nito patungo sa isang malaking nitso sa aking likuran. Hindi ako makagalaw at wala akong nagawa nang takpan nito ang aking bibig at humarap sa akin. “Vanya!” Nanlalaki ang mga mata na sambit nito sa aking pangalan. Pakiramdam ko ay katapusan na talaga ng aking buhay dahil sa tatlong lalaki na kasama ko ngayon dito sa sementeryo. Isang humahabol sa akin na nais akong paslangin dahil sa kanyang tungkulin. Isang nakaramdam sa aking presensya at natuklasan ang kanyang ginagawa. Ang huli ay ang lalaking may hawak sa akin na hindi ko alam kung bakit nandito din ngayon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
108.5K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Taming His Heart

read
46.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook