Steve's POV Isang beses pa ulit akong sumulyap kay Zylie bago ko ipinark yung sasakyan sa reserved parking area na para sa kanya. She's feisty. Wala ring tigil ang bunganga niya kaya mas lalong ang sarap niyang asarin. Pero nung tumigil siya sa pagsasalita at habang kunot-noong naka-focus siya sa binabasa niya, parang ang sarap naman niyang titigan. Muntik ko na ngang ilabas ang phone ko at kuhanan siya ng litrato kung hindi lang baka mahalata niyang mas updated pa ang phone ko kesa sa kanya. Ilang beses ding nag-cross at uncross yung mga legs niyang alagang wax sa sobrang kinis at ilang beses kong pinilit ang sarili kong sa kalsada ang tingin at hindi sa legs niya. It took me a lot of willpower-even pushing the rearview mirror up para lang sa tuwing titingin ako doon ay hindi sa hita n