Zylie's POV 'Nasaan ba 'yong lalaking 'yon?!' Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya! I needed to go somewhere! Kung wala lang sa kanya ang susi ng kotse, kanina ko pa siya iniwan. How could that asshole do this to me?! Lumabas ulit ako ng opisina ko. Damn! Wala akong cellphone number ng kumag na yon, paano ko siya tatawagan? "Nakita mo yung bagong driver ni Ma'am Zylie? Ang gwapo, noh?!" "Oo nga e, parang biglang lumuwag yung thong ko!" Kinikilig pang sagot nung isa. Nagpantig ang tenga ko sa mga naririnig ko. Si Esteban? Gwapo? Ha! Baka gago! Ang speaking of gago, ayun parang modelo pa siyang slow motion na naglalakad papunta sa akin. Napalunok ako nang wala sa oras at automatic na napunta sa leeg ko ang kamay kong parang biglang nanuyo. Not that the sight of him made my throat dry.