Chapter 1
Zylie's POV
"I don't care about the risk, I need to get that project! Kapag hindi niyo nakuha si Sonja Valle para sa commercial na 'yun, lahat kayo mawawalan ng trabaho!"
"But Miss Crisologo, nakapirma siya ng kontrata sa kabilang modelling agency, baka mademanda tayo kapag ipinilit natin ang gusto mo." At ang lakas lang ng loob niyang sagutin ako.
Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa side niya. Wearing my famous predatory smile that frightens almost everyone who sees it.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ko habang pinaglalaruan yung kwelyo nung polo shirt niya.
"Matt, Miss.. Matt Jenkins," nakita ko pa yung Ilang beses paggalaw ng Adam's apple niya senyales na Ilang beses niyang paglunok.
"Well Matt," Naglean pa ako ng konti para dumikit yung bibig ko sa tenga niya. "That's what I hire you for. I didn't pay you a penny para kwestyunin ang mga desisyon ko. I am paying you to do your work. Are we clear?"
I felt his sharp intake of breath on my neck bago ko naramdamang ilang beses siyang tumango. Satisfied, I pull back, staring at him as he fidget on his seat. He's hot, in a geeky kind of way- but he is hot. Still not my type. Bagay sila ni Jaime.
"C'mon people. Move!"
Ilang minuto nang nakalabas sa conference room yung incompetent na empleyado ko pero nagpupuyos pa rin yung kalooban ko. How can they be all so stupid? Ang simple-simple lang ng kailangan nilang gawin- lure Sam Pinto para lumipat siya ng ibang agency at para mapunta sa kumpanya ko yung multi-million commercial project na ino-offer sa kanya para lang maglaba habang nakasuot ng lingerie at magpa-sexy sa isang detergent soap commercial- pero hindi nila nagawa! I mean, ang dali-daling I-bribe ng tao. Money makes the world go 'round.
Kung bakit ba naman kase siya pa yung napili ni Mr. Ong e, ang dami-dami namang magagandang modelo 'tong agency ko.
Yes, this is my modelling agency. My Mom, Rizza Crisologo did everything para mapalago 'tong kumpanyang 'to bago siya mamatay at ito lang ang nag-iisang bagay na hiningi ko kay Daddy Iñigo. I wanted to continue my mom's legacy, hindi lang dahil sa gusto ko, kundi dahil alam kong wala akong karapatan sa ibang pagmamay-ari nila. Kahit kay Daddy wala akong karapatan.
Being the illegitimate daughter, I only have myself. Heck. 'Ni hindi ko nga naramdaman na minahal ako ni Daddy e. Sabagay, anong pagmamahal naman ang aasahan ko galing sa kanya kung hindi naman niya ako tunay na anak? I feel so alone in this world. Those who decided they wanted me to become a part of their lives or they wanted to be a part of my life had given up trying.
Hindi ko sila kailangan. Bakit ko pa sila hahayaang mapalapit sa akin ng husto kung iiwan lang din naman nila ako?
"Babe, magkasalubong na naman 'yang kilay mo," Ni hindi ko man lang naramdamang nasa tabi ko na pala si Rafa sa sobrang layo ng tinakbo ng isip ko.
"What are you doing here?" Taas kilay kong sabi. Sa lahat ng taong itinutulak ko palayo, si Rafa lang yung parang naka glue yung paa. The more I push him away, the more he's determined to stay.
"Nag-order ako ng chinese foods sa baba, e naisip ko baka magpaka-stress ka na naman at makalimutan mo na namang kumain, kaya eto, dinala ko na lang dito para sabay na tayong kumain." Nakangiting sabi niya.
"I'm not hungry." Malamig na sabi ko saka ko dinampot yung mga papeles na nasa lamesa ko. Actually, I like him. I like Rafa Love. But there's no way in hell that I'm gonna tell him that I like him. I'm not really good at stroking ego. His ego.
"Oh, c'mon Zylie.. Chao fan 'yun, tatanggihan mo lang?" Natigilan ako sa pagdampot nung Ilang pirasong papel pa sa harapan ko. I'm hungry. Hindi na ako nakapag breakfast sa condo- my dad insisted na sa bahay pa rin daw ako sa Xavierville Subd. umuwi pero, yeah hindi ko kayang sikmurain na isang buo at masayang pamilya sila samantalang ako, ako 'ni hindi ko alam kung anong pangalan ng Tatay ko o kung nasaan man siyang lumalop ng Pilipinas. He shouldn't left me, you know. He ruined my eighteenth birthday. He ruined my life. He should atleast had the balls to take me after claiming that he is my father. Sana hindi na lang siya dumating para guluhin yung buhay ko tapos para naman pala siyang asong bahag ang buntot na kung gaano kabilis dumating at I-claim na anak niya ako ay ganun din siya kabilis nawala.
Fucking p*ssy.
"Zy," Napapitlag ako nung dumampi sa pisngi ko yung mga daliri ni Rafa, pulling me out of my sentiments. "Nawawala ka na sa sarili mo, gutom lang 'yan, babe. I'll feed you."
Kinuha niya yung mga papeles na nasa kamay ko at siya na din yung dumampot nung ibang papeles, inipit niya yun sa kilikili niya saka siya nagpunta sa likuran ko para ihawak yung kanang kamay niya sa kanang kamay ko at yung kaliwa sa kaliwang kamay ko na para kaming maglalakad na naka-one line. Kumbaga sa kalsada, one way lang kaya hindi pwedeng magkatabi.. Para sa isang professional photographer na may tatay na abogado, napaka-sweet ni Rafa. Kung hindi lang talaga naka-set sa utak ko na lahat ng minamahal at inaalagaan natin, nawawala sa atin, I'm willing to give whatever this s**t I have with him a chance.
"So how was your day?" Binuksan niya yung Styrofoam na may lamang chao fan bago niya yun inabot sa akin. He folded his shirt sleeve up to his elbow bago niya inayos yung sauce nung siomai.
"Disaster. Napapaligiran ako ng mga incompetent na tao." Naiinis na sabi ko. "Imagine, Si Sonja Valle lang, hindi pa nila makuha!"
"Well maybe you're putting too much pressure on them. Give yourself and your employees a break. Siguro naman hindi kawalan sa'yo kung papalampasin mo yung opportunity na 'yun, 'di ba?" Naglagay siya ng kanin sa kutsara niya atsaka iniumang yun sa bibig ko.
"Ano pang silbi na dalawang styro yung tinake out mo kung susubuan mo din lang ako?"
"Well, I was hoping na since sinusubuan kita, susubuan mo din ako." He smile coyly. Namumula yung mga pisngi niya na naging visible kahit negrito siya na ikinangiti ko na din. Ang tagal niya ng nagtitiis na intayin ako, siguro naman kakayanin niya pa yung Ilang linggo 'di ba?
-------
"Anong meron dito?" Tanong ko kay Lucas pagkaupong-pagkaupo ko sa bar stool. I've never seen shapes this crowded before.
"Ah, bachelor's party. You shouldn't be here, you know. Baka mapagkamalan ka nilang performer, mabastos ka pa."
"Kaya pala majority ng nandito ay lalaki tapos parang kinulang sa tela yung suot ng mga girls." I said while scanning the room. "Atsaka as if naman napaka-gentleman n'yo. E, mas balasubas pa kayo nila Klein at Rylie kapag magkakasama." I said rolling my eyes.
"It runs in the blood, Zy." Nakangiting sabi ni Luke.
"You're not blood related, Lukas." Inirapan ko siya saka ko tinawag yung bartender para umorder ng margarita.
"Hey! 'Bat ako nadamay d'yan? I'm innocent, you know." Naka puppy dog eyes pang sabi ni Caleb saka ako niyakap.
"I'm a one-woman man, Zy." Rylie said.
"Kaninong woman? Kay Steffi o kay Aia?" Pang-asar na tanong ni Luke.
"f**k you."
"Speaking of Aia, narinig kong pinag-uusapan nila Mommy na babalik na daw si Aia. Tapos na ata yung temporary restraining order niya para lapitan si Rylie kaya for good na 'yung pagbalik niya sa Pilipinas, and.. isasali daw siya dun sa quote-unquote 'auction for charity' nila Ate Jaime." Habang sinasabi 'yun ni Klein, nakatingin kaming lahat kay Rylie, gauging his reaction. I saw his jaw clench, his fist curled into a ball.
"Tanginang TRO 'yan, inabot ng ilang taon." Caleb said. Hanggang ngayon ata masama pa rin ang loob niya sa kuya niya dahil sa nangyari noon.
"'Yun ata yung sasabihin ni Jaime na new proposition niya para mapapayag akong sumali sa auction.."
"Pustahan tayo, babakuran ni Rylie si Amaia."
"Ulul!" Rylie stormed out, leaving us laughing our heart out.
"I miss her, our bubbly princess." Natahimik sila sa sinabi kong 'yun.
"I miss her, too." Pagsang-ayon ni Caleb. "And Kuya Rylie.. kahit matigas pa sa punong narra ang pagsasabi niyang wala siyang pakialam kay Aia, we all knew what he feels for her."
"I miss her too. At hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagalit si Rylie sa ginawa ni Amaia. I mean, man! Palay na yung lumapit sa manok, hindi pa tinuka." Si Lukas na pinaka manyakis, said. "Kung ako ang pinasok sa kwarto ni Amaia ng nakahubad noon, edi buong puso kong ibinigay yung katawan ko."
"Ew. And to think, patay na patay ka kay Sophia ngayon tapos may pa handa-handa ka pang nalalaman!"
"Malay mo naman Zy, kung sa akin tinamaan si Amaia, edi dalawa kaming walang problema ngayon. At least hindi feelings ang pinaglalaruan ko, kundi ang katawan niya." Ngiting-aso pang sabi niya.
Tumayo na ako sa stool pagkatapos kong ubusin yung margarita ko. "My plan is to unwind, pero mas na-stress ata akong kausap kayo." Without a backward glance nagpunta din ako dun sa pinuntahan ni Rylie palabas.
Amaia's plan to seduce Rylie was the highlight of our teenage year. I mean, ilang sixteen years old ba ang kilala niyo ang kayang gawin ang ginawa ni Amaia noon? Siya lang 'yun.
----