Chapter 10

2051 Words
Zylie's POV "Saang impyerno ka nagtago? I can't seem to get a hold of you these past few days." Steffi said bago siya naupo at agawin yung tequila shot ko. "Bakit, namiss mo 'ko?" Pang asar kong sabi sa kanya. I signalled the bartender for another round of tequila and Steffi ordered her favorite, s*x on the beach. "Alam mo namang sa mansyon ako umuuwi ngayon e. I'd rather stay inside my room than to go out. Mabuti nga niyaya ako ni Lucas ngayon e." "Ano naman kung sa mansyon ka umuuwi, hindi ka naman kinulong ni Tito Inigo, you're still free to go out. ang sabihin mo, maarte ka lang talaga." Natatawang sabi niya. Inirapan ko na lang si Steffi at tumingin sa mga sumasayaw sa ibaba. "Isa pa, hindi kita mami-miss. Baka ako ang mamiss mo. I'll be leaving tomorrow. May shoot kami sa Isla Araullo. Naalala mo yung pinag usapan natin last time?" "The one where you pulled out my models?" Tumango siya. "Ano nga palang balita doon? You were supposed to tell me," "Yah. And you were supposed to meet me last friday." Taas-kilay niyang sabi. Hindi din pala ako nakapunta sa date naming dalawa nung friday. Pagkatapos ko kaseng mag-hysterical, pinilit ko si Mama na uuwi muna ako sa apartment para kumuha ng mga gamit ko. Nagpahatid ako kay Tito Liam at ngayon lang ulit ako lumabas and I'm drowning myself para pagbalik ko sa mansyon mamaya, sa isang linggo na ako magising. Kung bakit ba naman kase napakatagal magparamdam ni Steven para makaalis na ako sa bahay na 'yon e. Kung tutuusin, parang okay na rin naman na mag-back out si Steve, ang kaso, baka tuluyan na akong hindi makaalis sa mansyon kung wala akong bodyguard. "About that.. something came up." "Nasabi nga ni Mommy." Nakakita ako ng slight na concern sa features niya na agad rin namang nawala kaya hindi ko na lang pinansin. Alam ni Steffi na ayaw na ayaw ko ng kinakaawaan ako. "So kamusta ka naman?" Nagkibit-balikat ako bago ininom yung shot ko. "You know daddy wants me to stay with them for good and now I'm staying with them." She gasps. Alam ni Steffi yung tungkol sa mga nightmares ko gaya ni Mommy. She might never win the best bff award but she knew when to listen. And right now I need her to listen so i continued. "And he f*****g hired me a f*****g bodyguard for f**k's sake!" Napatingin sa amin ang karamihan sa tao doon but they knew better not to mess up with me. "I mean, come on! Hindi na ako bata! He wasn't able to take care of me when I was younger tapos ngayon aasta siya na parang concern na concern siya sa akin?! f**k him!" Oh great! May dahilan kung bakit hindi ako umiinom ng alak in public. Sa shapes pa talaga. Bakit ba iniisip kong magandang idea na lumabas pa ako? I'm starting to lose control of myself. Hindi na ako magtataka kung mamaya lang e nandito na ang mga alipores ni Daddy. "Zylie, Siguro naman may dahilan si Tito Iñigo kaya gusto ka niyang bumalik sa inyo." Sarcastic akong ngumiti. "Ano palang reason niya? Ang ipamukha sa akin na mayroon siyang isang masaya at buong pamilya? Oh, Stef. Alam mo at alam kong hindi ako parte ng pamilyang 'yon. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko? I am not a Crisologo. I don't even know who I am." "Baka naman hindi ka nga Crisologo, baka Borromeo ka. Baka nagkamali lang 'yon nurse sa Ospital kaya naipalit ka sa isang anak ni Tita Lizzie. Parehas kayo ng ugali, you know?" Natatawang sabi niya pa na ikinataas ng kilay ko. I know what she's doing. She's trying to calm me down sa pamamagitan ng pagbibiro at pag iiba ng topic. "B*tch." Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras. Ayaw ko mang aminin, natutuwa ako na may nakausap ako ngayon. Na mayroon handang makinig sa mga hinaing ko sa buhay. "Okay lang, maganda naman." pag aasar pa nito sa akin. "Anyway, since nandito na rin naman tayo, sasabihin ko na yung plano ko. But you have to promise me one thing.. You have to keep this a secret." She trailed off. Parang hinihintay niya atang sa bibig ko manggaling at mangako na isisikreto ko 'yun. "I'm not really good at making promises and keeping secrets.." Sagot ko sa kanya. She smirked then took a sip on her drink. "This is highly confidential, Zy. Kami lang ni Daddy ang may alam nito kaya you have make up your mind. Gusto mo pa bang malaman o hindi?" I bit my lower lip. Do I really want this? Do I really wanted to be involved? No. But I'm curious, the Marites inside me wanted to know. "Okay. I still wanted to know, but you know me, Steff. I can't keep a secret-" "It's not something illegal nor bad, actually. It's an experiment first. I have plans to help Rylie and Amaia reconciliate kaya dadalhin namin silang dalawa sa isla, without them knowing na recorded ang bawat galaw nila. pero syempre, we both know that Tita Yngrid won't allow this to happen kaya naman ang mga boss pa lang ang nakakaalam. "Are you fcking kidding me?" Nanlalaki ang mga matang sabi ko. Sino ba ang lasing, ako o si Steffi? "Gaga ka ba talaga? Alam ko na alam mong may feelings ang jowa mo kay Aia tapos pagsasamahin mo pa sila sa isang lugar with the sense of illusion na pwede silang mag-ala temptation island doon dahil akala nila walang makakaalam?!" I saw a flicker of worry on her eyes pero bigla din naman iyong nawala. Hayy.. stupid Steffi is risking her relationship with Rylie to impress dear-old-daddy Stephen. "Mahal ako ni Rylie, he won't do that." Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Kapag ba talaga nagmamahal, nagiging tanga? Ang tanga-tanga niya e. Parang gusto ko tuloy siyang ipabaril sa Luneta para maging patron saint ng mga tanga sa Pilipinas! And please! Mahal? s**t. Mahal my ass. Ikauunlad ba ng Pilipinas ang pagmamahal na 'yan? "Mahal? Oh, please Steffi. Stop with the L word. Love is just a lame arse excuse for weak people. We don't need love to live. Ano na lang ang sasabihin ni Beyonce niyan? Girls run this mother effin world, right?" I said while holding my glass. "You sounded like it's a bad thing," "Believe me, it's worst than that. Kaya nga allergic ako sa salitang iyan, 'di ba?" I've had enough alcohol for this night. May trabaho pa tomorrow. Sana bukas na rin magsisimula yung bodyguard/driver ko. Sana magbago ang isip niya at magback out. Hell, sana hindi na siya magpakita. I can't see why Daddy Iñigo insisted he became my bodyguard. He doesn't know the guy! Baka mamaya, rapist pala yun o kidnapper o axe murderer, or worst, baka siya talaga yung mastermind sa pag kidnap sa akin. Although hindi ko makita ang dahilan kung bakit kailangan niya pa akong dalhin sa ospital last friday kung kikidnapin lang nila ako. Maybe he wants to gain my Dad's trust? Pero bakit? Don't get me wrong, baka naman sabihin ng ibang tao that I always see the worst in everyone no, I'm just being precautious, that's all. You can't just trust someone just because that someone saved your ass not once but twice, kahit pa walang panama si Tanner Mata sa kagwapuhan nito. ----- Come Monday morning, I had my normal morning routine. I jogged, did my yoga exercise and then I ate my favorite Tapsilog. Parang tanga lang 'di ba? I spent a lot of time working out pero nagche-cheat naman ako sa foods. So? I love eating. I'm full of contradictions, I get that a lot. After taking a long shower, I ransacked my old closet in search for something to wear. Urgh. My clothes. I need to update my wardrobe selection. They're so last week. I choose red off-shoulder satin top and a black above the knee pencil skirt. I done my hair and make up before taking my hot pink hello kitty helmet on its rack. My meeting with Mr. Ong was cancelled last Friday because of the Incident and I plan to pay him a visit. It's easier to travel using my big bike. Everything seems normal, ilalabas ko na nga sana yung Saorise ko sa garahe, Except that handsome silver Montero sport and an even handsome driver-bodyguard is blocking my way. Not that I'm gonna tell that to him, his head is big enough as it is. Baka magka-hydrocephalus, kasalanan ko pa. "Good morning, Ma'am Zylie." Ngiting-aso pang bati niya sa akin. Urgh! I hate this! "Kanina, good pa ang morning. Ngayon, I don't think so." Mataray na sabi ko. Why does he have to be this edible looking this Monday morning? And that smile.. I wanted to erase that smile on his face! Lumingon ako sa mansyon. Alam kong kanina pa umalis si Daddy papasok sa trabaho at sina Denise, Jaxon, Adrian at Arkin naman ay maaga rin pumasok sa school. So it's basically me and this guy. Nakangiti pa rin siyang kinuha yung laptop bag and portfolio ko saka iyon inilagay sa backseat. Wala na akong nagawa kung hindi ibalik sa maayos na pagkaka-park yung motor ko at ibalik sa rack yung helmet. I watched him for a while wondering how can I make him quit. I don't need someone to watch over me. Since my eighteenth birthday, nobody was there for me. I shut everyone out of my life. I manage to make It on my own. At hindi ako papayag na may bigla na lang papasok sa buhay ko when I definitely don't need anyone. Literally. "Ma'am, ang hot mo tignan sa motor mo. Parang gusto kitang sakyan-este mag backride kagaya ng sabi ng Daddy mo." Nakangisi pa ring sabi nito. Napakurap ako ng Ilang beses. Seriously? "Bastos!" Hindi makapaniwalang sabi ko. So sa kamay nitong lalaking ito talaga Ipapaubaya ni Daddy ang buhay ko? Sa manyakis na 'to? "Magkaiba naman po yung bastos sa nagsasabi ng totoo," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi at pinagbuksan ako ng pinto. "At saka, ang bastos nakahubad. Special kapag nakatuwad." "Letse!" Nagdadabog akong pumasok sa loob ng sasakyan. Ang aga-aga, binubwiset niya ako! "Alam mo bang pwede kitang sisantehin ngayon? Kabastusan yang ginagawa mo!" Sabi ko pa pagkasakay na pagkasakay niya sa manibela. "Hindi ho pwede, kay Mr. Crisologo ako naka-employ. Siya lang daw ang may karapatang sisantehin ako." At kinindatan niya pa ako bago niya isinuot yung shades niya. The nerve of this guy?! Urgh! It's infuriating! "Saan tayo, Ma'am?" "Nasa kotse pa." Pabalang kong sagot. "Not unless sinusubukan mo nang paandarin yung sasakyan para makaalis na tayo." Tinaasan ko pa siya ng kilay.Matutuyuan ako ng dugo sa antipatikong lalaking to. "Hindi niyo pa naman kase sinasabi Ma'am kung saan tayo pupunta, baka mamaya dalhin ko kayo sa biglang liko e, awayin mo naman ako." "Hindi bagay sayo ang maginoo pero medyo bastos, sa totoo lang." "Ma'am, si Coco Martin ho ang idol ko. Masyado naman atang makaluma ang trip mo, mahilig ka sa DOM 'noh?" "What the f**k?!" Ilang beses nagbukas-sara yung bibig ko sa gulat. Never in my twenty-five years of existence did someone aside from my Dad humiliate me this way. Anong feeling niya, porke si Daddy ang kumuha sa kanya at wala akong karapatang paalisin siya e may karapatan na siyang makipag usap sa akin na parang close kami? "God, you're so annoying!" "Thank you. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon pero English e, maganda pakinggan. Kaya tingin ko gwapo ang ibig sabihin nun." Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niyang yon. s**t with a capital S. Ano ba naman 'tong pinasok kong 'to? "Joke lang Ma'am, pinapangiti lang kita. Sayang naman ang outfit mo kung sisimangot ka lang." Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang ako sa labas. Napansin kong palabas na kami ng subdivision pero hindi ko pa naman nasasabi sa kanya kung saan kami pupunta. "Sa McKinley tayo." Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagbasa ng mga emails habang nasa byahe. Mas mabuti na yon kesa titigan ko ng titigan 'tong lalaking nasa harapan ko at may hawak ng manibela. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD