Chapter 9

1928 Words
Zylie's POV "Am I cleared? Sabi ng Doktor wala namang internal bleeding kaya pwede na akong umalis. Seriously I'm already an hour late for my lunch meeting." Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad. Nakapagpadala na ako ng change of clothes sa secretary ko at handa na sana akong umalis. The doctor gave me a discharge clearance but Daddy doesn't want to let me go. He said we need to talk. I said there's no need for that. At wala na talagang pag asa na makuha ko pa yung deal na yon. This is the only time Sonja Valle agreed on meeting me and then I messed it up. f**k it! "Honey, I called your secretary kanina. She told me you have a meeting to attend nga. Sinabi ko na kung anong nangyari sa'yo and I told her to cancel your meeting." Sabi ni Mama Lana. Oh great. Just f*****g great! Kaya nga ako umalis sa bahay dahil ayokong pinakikialaman ang mga desisyon ko e! Ngayon tuloy para na naman akong nakakulong, para na namang may dapat magdesisyon para sa buhay ko. Hindi ba nila alam na kaya nga ako umalis sa bahay para walang makialam sa akin e. My life, my rules. Ang hirap bang intindihin nun? "And for the mean time, habang hindi mo pa kasama si Steve, sa bahay ka muna titira-" "What?!" Napaupo ako ng wala sa oras sa sinabing yon ni Daddy. "Dad! I'm still processing it, 'Ni hindi ko pa nga natatanggap sa sarili ko na bibigyan mo ako ng asong susunod-sunod sa akin tapos you wanted me to come home? With your family?!" "Inigo!" Napasinghap ako nung bigla akong sampalin ni Daddy. Tito Liam was right behind him para awatin siya at ilayo siya ng konti sa akin. "Yes Zylie. You are coming home with me. To your family." Halos ipagdiinan niya pang sabi. "You had it your way. Pinabayaan ka namin ng Mama mo sa mga gusto mong mangyari and look what happened to you? Twice. Zylie, dalawang beses ka nang muntik mawala sa akin kaya sa ayaw at sa gusto mo, uuwi ka. Sa bahay natin. Sa bahay ng pamilya mo!" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya at ang pagngangalit ng panga ni Daddy. Para akong nag-time travel noong bata pa ako. Nung mga panahong hindi ko pa maintindihan kung bakit galit na galit sa akin si Daddy. Napasigaw ako. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang tenga ko para hindi ko siya marinig. I close my eyes para hindi ko makita ang galit sa mga mata niya. I even push myself away. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. I'm no longer aware of my surroundings. Gusto ko na lang sumigaw at umiyak at magtago at umiwas sa galit ni Daddy. I am scared of him. Noon hanggang ngayon. I am blaming him for my lack of empathy and not having the ability to love. O baka kasalanana ko na kung bakit ayaw kong magmahal at ayaw kong ma-attach sa kahit na sino. Baka natatakot lang din ako na magmahal. I love my Dad and look where that love took me. Broken. Shattered into a thousand pieces. Unfixable. "Zylie?" Rinig na rinig ko ang pag aalala sa boses ni Mama pro hindi ko siya pinapansin. I can't. I just can't. I can't stay with them. I can't live with them. I have nightmares that includes him and my f****d up childhood memories when i was younger. Sa mga panaginip ko, he wasn't my saviour and he wasn't my hero. He was infact the grim reaper. My personal Freddie Krueger. "Mama.. A-ayoko.. please!" Alam ni Mama kung anong nangyayari sa'kin noon. She was the one who sleeps beside me kapag binabangungot ako. Bagay na hindi alam ni Daddy. He spent most of his time building the empire that he didn't know he's destroying me. "Honey.. Shh, come back. Nandito si Mama." She started humming this familiar song while patting my back kaya unti-unting bumalik sa normal yung bilis ng pagtibok ng puso ko. Oo demonyita ako. But I won't deny the fact that even Lucifer's daughter is afraid of her own father. "Z-zylie.." Dad tried touching me pero mas naging dahilan lang 'yon para lalo akong mag-hysterical. I grew up being scared of him dahil kahit hindi ko alam kung anong ginawa ko at kahit wala akong ginagawa, palagi siyang galit sa akin. At first I thought he was just blaming me for my Mom's death. Until I found out that I am not his daughter. Na anak ako ni Rizza sa ibang lalaki at bunga ako ng pagtataksil niya kay Daddy. Anak niya ako sa lalaking gumulo lang sa buhay ko pero ni hindi man lang nagawang akuin ako. He just ruined my life by saying I'm not a Crisologo. Pagkatapos noon ay nawala na lang itong parang bula, as if he's expecting that my life will go on as if nothing happened. As if he didn't drop the bomb that changed my life forever. That's why he hates me. Because he looks at me and see my mom's betrayal. Hindi ko naman kasalanan na anak ako sa ibang lalaki at lalong hindi ko naman ginusto na buhayin ako ni Mommy, yet I am the one who's taking all the blame. So hindi niya ako anak at hindi rin ako anak ni Mama Lana, si Denise lang ang kapatid ko at hindi ang mga anak nila. That's what I am. An outsider. A cast out. Paano ako naging parte ng pamilyang sinasabi niya? "Don't touch me! Don't touch me!" Hawak-hawak ang pisngi kong nasampal ni Daddy, tumayo ko at nagkalad papalayo. Tumama ang likuran ko sa pader and there's nowhere else to go. Nararamdaman ko si Mama sa malapit. I wanted to reach out to her pero natatakot ako na baka si daddy ang mahawakan ko kaya hindi ko na lang ginawa. "Love, ang mabuti pa, iwan mo na lang muna kami. Ako nang bahala kay Zylie.." Narinig kong sabi ni Mama Lana. Iyon naman kase talaga ang ginagawa ni Daddy kapag nangyayari sa akin ito. Umaalis lang siya, expecting na kapag bumalik siya, babalik na rin ako sa dati. He never really saw me growing up kaya hindi niya alam kung anong nangyayari sa akin. Mas mabuti pa nga si Steffi e, kahit papaano, lumaki siya na alam niyang mahal siya ni Tito Stephen. Eh ako? Lumaki lang. Bumuntong-hininga ng malakas si Daddy bago ko narinig na niyaya siya ni Tito Liam para lumabas. Nakita ko siya na naglalakad palayo. Napaupo ako ulit sa kama noong tuluyan na silang makalabas. I took a deep steadying breath kahit sobrang nanginginig pa ako. Unti-unti na rin naman akong kumakalma. There's no point in crying and being hysterical, wala na naman si Daddy e. Lumapit si Mama sa tabi ko at hinawakan niya ang mga kamay ko. Marahan niya iyong pinisil as if telling me it's okay. It was never okay. I was never okay. "Honey?" Umusog si Mama papalapit sa akin. She's always like that. Kaya ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Mother figure kahit na noong yaya ko pa lang siya at hindi pa sila nagkakatuluyan ni Daddy. Alam naman din niya kung anong mga pinagdaanan ko noon kase muntik na rin niyang bitiwan si Daddy. "I-i'm sorry, Ma. Sinusubukan ko naman e. I-" "It's okay, Zylie. Naiintindihan ko naman. And I know you're trying so hard. Your dad is trying his best too. At nag aalala lang siya sa 'yo. He wanted to keep you safe because he loves you." Muntik na akong matawa ng malakas sa sinabing 'yon ni Mama. Ako? Mahal ni Daddy? He loves Denise, and Adrian and Arkin and Alonso and Jaxon but not me. Never me. Bakit naman niya ako mamahalin e hindi naman niya ako tunay na anak? If there's one thing he feels for me, that's got to be burden. I am an extra baggage. Something that's not supposed to happen but happened. At wala siyang choice kung hindi ang alagaan ako. May inalaganan din naman kase siyang pangalan kaya sigurado akong hinding-hindi niya ako bibitiwan. Si Brielle nga na anak ni Tito Toby sa ibang babae na hindi nila kilala, tinanggap at inalagaan nila, ako pa kayang nabuhay ng labing-walong taon na buong akala ng buong mundo ay anak ni Inigo Crisologo? "Ma, no need to defend him. Alam ko naman-- alam natin pareho kung ano ang totoo." Marahan niyang pinisil ang mga kamay ko. I don't know why, but I always find comfort on her touch. Iyon rin siguro ang nakita at minahal ni Daddy sa kanya. Something I wish I can do. Ang i-comfort siya. But you know, I tried so hard and nothing happened. I gave up trying, eight years ago. "Zylie--" "Alam ba ni Daddy kung anong mga pinagdaanan ko dati dahil sa kanya? How desperate I am trying to win his love? Or is he too self-centered, too consumed with hate to even notice me?" Hindi ako sinagot ni Mama sa tanong kong 'yon. Baka ayaw niya lang din akong kasaktan sa isasagot niya. Kung alam niya lang, I am already immune to pain. It's not that hard, lalo na kung araw-araw naman ipinaparamdam sa 'yo na hindi ka ganoon kaimportante para paglaanan ng atensyon. "Huwag mo nang sagutin, Ma. Baka masaktan lang ako. Anyway, papayag akong sa mansyon tumira habang wala pa si Esteban. Wala rin naman akong choice kung hindi ang sumunod, hindi ba? But please, don't stop me from doing what I want to do. I left that house years ago. I am not welcome there." "Alam mong hindi totoo 'yan, Zylie. Namimiss ka na nga ng mga kapatid mo e. They keep on asking me kung kailan ka uuwi." "Ma, please.." Close ako dati sa mga kapatid ko. Hanggang ngayoon naman, madalas ko pa rin silang nakakausap. But I'm slowly pushing them away. Ayaw kong masanay sila sa presensya ko. Ayaw ko rin na mahalin sila kase lahat ng minamahal ko, iniiwan ako. Kaya nga hindi ko masabi kay Rafa na mahal ko siya e. Baka kase bigla na lang siyang manakbo pabalik sa pundiya ni Tita Rhoanne. Speaking of Rafa.. 's**t!' Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na nasa ospital ako. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na dalawang beses na akong naatake. I bet no one in the office told him my whereabouts too. "Kakausapin ko si Inigo para bigyan ka niya ng space. If you really wanted to be alone, wala naman kaming magagawa doon. Just please come home. Para matahimik ang kalooban ng Daddy mo." Panay ang salita ni Mama ngunit hindi ko siya magawang intindihin, I am looking for my phone. Baka naaaligaga na si Rafa sa paghahanap sa akin. Tumayo ako at sinilip ang ilalim ng kama, baka kase nalaglag doon ang telepono ko nung umiwas ako kay daddy kanina. "Okay, Ma." Wala sa loob na sagot ko. Impossibleng nawawala 'yon, gamit ko pa siya kanina para tawagan ang sekretarya ko. "Ma, have you seen my phone?" Tanong ko sa kanya. I even lifted the pillows and bed sheet dahil baka kung saan lang 'yon napasiksik. "Hindi, Zylie. Baka napasama sa mga gamit mong iniuwi kanina." malumanay nitong sagot. "Don't worry about it, ipapacheck ko kay Manang kung napasama sa mga labahin 'yong telepono mo. In the mean time, magpahinga ka muna dito. I'll ask your doctor to release you. Pero sasama ka na sa akin pag uwi sa mansyon. Wala munang trabaho para makarecover ka." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD