Chapter 8

2023 Words
Steve's POV "Who the f**k are you?!" Parang nabingi 'yung tenga ko sa sabay-sabay nilang tanong (more like sigaw) kung sino ako. Kasalanan ko pa bang masyado silang oblivious sa paligid nila na hindi nila napansing nasa gilid lang ako at magkausap pa kami ni Zylie bago sila dumating? "Papi, baka guardian angel 'yan ni Zylie, nanunundo na." Bulong nung lalaking huling dumating don sa kausap ni Zylie, which I assume is her Dad. "Tanga. Guardian angel ni Zylie tapos nakikita nating lahat? Maglibot ka na nga lang ulit sa labas, baka may makita kang poke do'on." "Ayoko na maghanap ng poke, papi. Nasa tamang poke na ako e." Anino sabay inakbayan ang asawa nitong si Lizzie Boromeo. "Isa pa, baka mapagtripan ako nung mga nurse. Alam mo na, chick magnet." Namumutlang sabi nito. "Ulul. Sabihin mo, natatakot ka lang baka may makasalubong kang pasyente na sumisirit ang dugo eh, himatayin ka na naman." Natatawang sabi pa nung  isa. Pinagtawanan na din siya ng iba niyang kasama and for the first time, nakita kong ngumiti at narinig kong tumawa si Zylie Miss sungit. "I love you talaga, Tito Brad." Sabi ni Zylie pagkatapos niyang tumawa ng malakas. "Dad, Mom, Mga Tito and Tita, siya yung tumulong sa'kin, twice in a row na makatakas sa mga bad guys." Wow. Good mood ata si Sungit at hindi ako sinisinghalan. "Although, hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niya-" "Steve. Pero mas sanay akong tawaging Esteban." Ako na yung nagsabi ng pangalan ko para sa kanya. Nakakahiya naman e, dalawang beses ko nang iniligtas ang buhay niya, hindi na nga marunong magpasalamat, hindi pa alam ang pangalan ko. "At sa akin 'yong delivery truck ng itlog na may pokeduck." "Do you want to work for me as my daughter's bodyguard?" Tanong sa sakin ng daddy ni Zy. Yup, businessman. Straight to the point. Wala nang intro-intro, no need for getting to know each other. "What?! Dad! I told you, I don't need a bodyguard! Isa pa, hindi tayo nakakasiguro na hindi 'yang lalaking 'yan ang may pakana sa muntikan ko nang pagkapahamak!" Galit na sabi ni Zylie. So much for saying na good mood siya. Binabawi ko na. "Ah, kase kung ako yung may pakana ng muntikan mo ng pagka kidnap, malamang baka wala ka dito sa ospital ngayon?" Hindi ko napigilang itanong. "Hindi ka na nga marunong magpasalamat, mahilig ka pang manisi." "I told you the first time and I'm telling you again, I don't need your help-" "Puro ka I-don't-need-your-help, kung hindi ako dumating, malamang lumulutang na sa Ilog Pasig yang katawan mo. Nuknukan ka ng yabang, hindi mo nga kase kaya-" "Okay, Kids. Enough already." Natatawang pigil ng Daddy niya sa amin. Nakalimutan kong may mga audience kame. Ang lakas kase maka-beast mode nitong babaeng 'to! "So ano? Willing ka bang maging bodyguard ng anak ko? Mukha namang capable kang protektahan ang anak ko, you've proven it enough." Araw-araw kong babantayan si sungit? Ayaw ko nga! Tatanda ako ng maaga. "Daddy." Pabuntong-hiningang sabi ni Zylie para maagaw ang atensyon ng Tatay niya. "Paano ako magkakaroon ng driver at bodyguard, eh, alam mo namang wala akong car at hindi ako mahilig sumakay sa car? Nagkataon lang na hindi ako masusundo ni Rafa at may client meeting ako kaya ko hiniram yung Land cruiser. Saan mo naman pasasakayin 'yang lalaking 'yan?" "Oh edi sa'yo." Napasinghap si Zylie sa sinabing 'yon ng Daddy niya. Sabagay pati naman ako napanganga rin do'n. "Iñigo!" "Ang ibig kong sabihin, may sasakyan ka sa bahay, kuhanin mo na. Tutal naman may driver ka na kapag pumayag si Steve. edi I-backride mo. Or much better kung ikaw yung sasakay sa kanya-I mean sa backride-" "And let him touch my beloved Saorise?" Taas-kilay niyang tanong. "No way in f*****g hell! Baka magasgasan pa siya." "Zylie naman." He said exasperatedly "You're risking your life because of your stubbornness! Sa ayaw at sa gusto mo, ikukuha kita ng bodyguard! Kesehodang ibili pa kita ng sarili mong sasakyan, maging safe ka lang." Humarap sa akin ang daddy ni Zylie. "May car ka ba iho?" Tanong niya sa akin. Kung may Saorise si Zylie na ayaw niyang ipahawak sa akin, mas lalo naman hindi ko siya papasakayin sa Nexus ko. Kaya nga 'yong truck ang madalas kong gamitin para hindi kaagad maluma e. "Umm.." "But, daddy! Ayaw kong sumakay sa truck niya. kadiri kaya!' Wow ha, arte-arte nito akala mo naman talaha, kagandahan. "No more buts, Zylie. Concern lang ako sa'yo, kami ng Mama Lana mo." Parang nag-iba yung aura ni Zylie sa sinabing 'yon ng Daddy niya. I don't know kung ako lang ang nakapansin o wala naman talagang nagbago. Feeling ko lang 'yon. "If that's what you want, then go on. Take my freedom away." 'Ang drama!' "Oh, don"t be such a drama queen. I'm doing this to keep you safe, not to take your freedom away." Her father said, voicing out my concerns." Humarap siya sa akin pagkatapos sumang ayon si Zylie and he asked me kung anong trabaho ko. "Nagde-deliver ng itlog-" mabilis na sagot ko coz that's what I was doing bago ko ma-rescue si Zylie. "Good.  Siguro naman may driver license ka, 'di ba?" Napatango ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari and before I knew it, isa-isa na silang lumapit sa akin at kinongratulate ako sa bago kong trabaho. 'What just happened?' Wala akong matandaang pumayag na ako sa gusto nilang mangyari. "Congrats, you can start tomorrow." "Agad-agad?" Hindi ko napigilang itanong. "Hindi n'yo man lang ako hihingan ng resume or police clearance man lang?" Not that I'm considering his offer. Nagtataka lang ako kung bakit ganoon lang kadali para sa kanila na tanggapin ako. "No need." Nakangiting sabi pa ng Daddy niya. "As long as I know that Zylie is in good hands, okay na tayo." Again, ayun na naman 'yong kakaibang aura na bumalot kay Zylie. Nasa side niya yung Mommy niya at bahagya nitong pinisil ang kamay ng dalaga. 'What's wrong with you, Miss Sungit? Para tuloy akong biglang na-intriga sa'yo. What are you hiding?' "Tanggapin mo na, hindi ka magsisisi. Namimigay si Iñigo ng house and lot sa mga driver-bodyguard na nagta-trabaho sa kanya. May libre pang nilagang saging na saba. Sa birthday mo, reregaluhan ka pa n'yan ng paborito mong inumin- aray!" "Manahimik ka nga, Brad! Wala na namang kwenta yang mga salitang lumalabas sa bibig mo!" Singhal ng Daddy ni Zylie dun sa kausap niya bago ito napaharap ulit sa akin. "I'm Iñigo Crisologo,  by the way." 'So this is the infamous big six..' Hindi ko napigilang isipin. Hindi naman sila nakaka-intimidate. Saktuhan lang. Ang childish nga e. Imagine, they're playing that pokeko game. So I really don't know the fuss about them at kung bakit maraming negosyante ang takot sa kanila, but they look normal. Typical. I watched Mr. Crisologo scold Zylie at kung buhay pa ang mga magulang ko, baka ganoon rin sila sa akin. Wala namang special treatment. I was actually expecting to see red carpet being laid down noong sinabi ko sa doktor na tumingin kay Zylie kanina na tinawagan ko na ang parents niya at on the way na sila. Napatingin ako sa paligid ko. I knew them. Kaya pala pamilyar sa akin yung mga mukha nila. Alam ko na kung sino-sino sila.  These guys. They are the pillars of Xavier Empire. They were ruthless when it comes to business. Hindi ko lang inexpect na ang mga lalaking nasa likod ng isa sa pinaka mayamang imperyo sa Pilipinas ay aasta ng ganito. Seryoso? Yung isa nanghuhuli pa ng pokeko? Samantalang may plano pa lang nga akong I-download yun mamaya? And their wives.. Jesus. Their wives! Kung hindi lang silang lahat nakaharap sa 'kin kanina pa ako napasipol. Bakit ang Mommy ko- Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa- hindi ganito ka urgh.. Rapsa Beb? Para lang silang magkakapatid. Para lang din nilang kapatid si Zylie. "My arm is getting tired, Mister." Nabalik ang isip ko sa daddy ni Zylie na nasa harapan ko nga pala at nakalahad ang mga kamay. Agad ko yung kinuha and he rewarded me with a hard squeeze dahil parang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko. Yung tipong muntik na akong mapangiwi pero kailangan kong magmukhang strong. "Can you start tomorrow?" Tanong niya pa. Teka lang.. um-oo na ba ako? "May kailangan pa akong ideliver na mga itlog sa kabilang bayan, Sir-" s**t! Bakit 'yon ang sinabi ko? I should have said no. Hindi naman siguro nila ako ipapasalvage kung tumanggi ako, 'di ba? Am I really considering his offer to be his daughter's bodyguard? "Dad, May trabaho si.. siya. Isa pa, I can take care of myself!" Nagtangka pa siyang tumayo pero tinitigan siya ng Daddy niya. And anything she has to say was vanished into thick air. "One more word of refusal, lalagyan ko ng masking tape ang bibig mo." Pagbabanta pa nito. Nakita ko ang ilang beses na paglunok ni Zylie bago siya umiling. "Weh.. ang lakas mo magbanta, Crisologo. Hindi mo nga alam kung anong pinagkaiba ng masking tape atsaka duck tape e." Napabuntong-hininga siya bago naglakad papalapit dun sa teleponong nasa side ng kama ni Zylie. "Hello, Nurse station? Yes. Room 4017. Magpadala nga kayo ng mga nurse dito. Nagdo-donate daw ng dugo si Bradley Borro-" "Pakyu ka, Papi. Gago ka. Tangna neto!" Sunod-sunod na mura ang inabot niya kay Mister Borromeo matapos nitong maagaw sa kanya ang telepono at ibalik iyon sa cradle. "Tangna neto. Badtrip ka Papi!" Nakasimangot pang sabi nito. Tinawanan lang siya ng mga nasa paligid niya. "Ang boka mo kase masyadong kupal ka e. Hindi kami makapag usap ng maayos. Baka kako kailangan ka muna namin ulit patulugin kagaya nung nagka dengue si Brielle.." Natatawang sabi pa ni Daddy ni Zylie. Speaking of Zylie, ayun nakangiti ang Zylie. But when she saw me looking at her, she fixed her face. Back to poker face na naman siya. Inalis niya ang mga ngiti sa labi niya at pinagtaasan ako ng kilay. Mukhang magiging kapareho ako ni Matt ah. I also like challenge. And so far, the girl laying on the bed is the biggest challenge I've ever encountered. Why, but I like seeing her smile. Now that I had the taste of it, I wanted to see it more often. And the only way to do it is to be with her. Always. Isa pa mukha kadugtong na ng apdo niya ang disgrasya and she can't take care of herself and I am very much willing to take care of it for her and tame her in the process. Tignan natin kung hanggang saan ang taray niya. "Kailangan ko lang tapusin yung mga delivery ko hanggang bukas tapos pwede na akong magsimulang magtrabaho para sa inyo." Sabi ko na nagpatigil sa kanilang lahat. Tinignan pa ako ng masama ni Zylie pero nasa peripheral vision ko lang siya at naka focus ako sa Daddy niya. Hell, kung nakakamatay ang tingin, malamang nakabulagta na ako ngayon. "Good. I'll double your salary." Napangisi na lang ako sa sinabing iyon ni Mr. Crisologo. Baka magulat siya kapag sinabi ko kung magkano ang salary ko. "Here's my calling card. I'll expect you Monday morning." He handed me his calling card na agad ko din namang kinuha. Hindi ko na yon tinignan at nilagay ko na lang sa back pocket ko. Sasabihin ko sanang baka himatayin siya kapag dinobl niya ang salary ko but I kept my mouth shut. ayaw ko namang lumabas din na masyadong mayabang kahit na may ipagmamayabang naman. "Aalis na ako," sabi ko kay Zylie na nakatingin sa akin. "Babalikan kita sa Lunes. I won't be able to take care of you yet so please take care of yourself for me." Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis pero imbes na ngitian ako pabalik, she raise her middle finger then tapped in on her chin saka siya sumenyas ng two at zero gamit ang mga kamay niya. Napapailing na lang akong tumalikod at nag umpisang maglakad palabas ng kwarto. I stayed there for a while kaya narinig ko pa ang pakikipagtalo ni Zylie sa Daddy niya. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD