Chapter 7

2099 Words
Iñigo's POV Pinipigilan kong magpakita ng kahit na anong emosyon habang nakatitig sa taong nakahiga at natatakpan ng puting kumot sa mukha. I have to be strong, kase kung magpapadala ako sa emosyon ko, panghihinaan rin ng loob si Lana. "Ah, okay po. The estimated time of death po is 3:45 p.m. if you'll just follow me na lang po sa office para ma-process natin yung mga papeles ni Miss Carmina-" "A-anong Carmina?" Naguguluhang tanong ko. Inalis ko yung kumot na nakatakip sa mukha niya at halos mapasigaw ako sa takot. There's so much blood. Halos hindi rin makilala ang itsura nito sa dami ng sugat sa mukha niya. I even saw a broken and her bones showing up. "Na hit-and-run siya kanina, Sir. Base sa I.D na nakuha namin sa mga gamit niya, Carmina Espiritu ang pangalan niya." "That's not my daughter." Masama man pakinggan pero hindi ko talaga matatanggap na anak ko 'yon. Malayo. Malayong-malayo. "Do you know where Zylie Crisologo is?" Hindi ba ako kilala ng nurse na ito? Buong akala ko pa naman, lahat ng tao sa Metro mag idea sa big six. And she's working for Xavier Empire. Akala ko may ibinibigay na pamphlet once natanggap ka para magtrabaho sa Empire para may idea kung para kanino sila magtatrabaho. "Ah, si Miss Crisologo po? Nasa fourth floor po. Na-release na po siya from the ER. Makitanong na lang sa admin kung saan ang room niya." Anito bago ibinalik ang takip sa mukha ni Carmina. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga ng malalim. I let a sigh of reliefhabang pinapanood ko siyang itinutulak papalayo ang stretcher na dala niya. She's probably bringing the body to the morgue. Hindi ko ata kakayanin kapag totoong nalagay sa peligro ang buhay ng anak ko. I lost someone I loved before and it doesn't feel good. Ilang taon ba bago ako tuluyang nakarecover? "Thank you." Saas ko kahit alam kong hindi niya na ako maririnig. Hindi rin naman kase para sa kanya 'yong ipinagpapasalamat ko. Nagpapasalamat ako sa kung sino mang nagbabantay kay Zylie na kahit alam kong kahit ata anghel susuko sa ugali niya, hindi siya pinababayaan at kaya hindi siya totally nalalagay sa peligro. "Papi, tara na." Ipinatong ni Liam ang kamay niya sa balikat ko at bahagya iyong pinisil. Tumango ako bago sumunod sa kanya sa loob ng elevator. Naramdaman ko ang paghawak ni Lana sa kamay ko at gaya ni Liam, pinisil niya rin 'yon. as if giving me the strength I badly, really needed. Nagsisiksikan kaming lahat sa elevator makarating lang kami sa fourth floor at sa kwarto ni Zylie. At nakapagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga nung makita kong gising siya. Magkasalubong na naman ang kilay niya kaya alam kong okay na okay siya. "Zylie Araullo, anong gulo na naman ba ang pinasok mo?! I almost had a heart attack!" Galit na sabi ko habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit. Takot ako. Takot na takot ako na baka may nangyaring masama kay Zylie. Natakot ako na baka pati siya mawala sa akin. I don't wanna lose her. I don't want to lose someone again. Mula noong malaman niyang hindi ko siya anak, lumayo na ng husto ang loob niya sa akin. Na tipong sinisisi niya ako sa mga nangyari, as if it was my fault na hindi ako ang ama niya. Kung alam niya lang, palagi ko ring hinihiling noon na sana, ako na lang talaga ang tatay niya. I always wanted to turn back time para harangin 'yong lalaking sumira sa debut niya at nagsabing ito ang totoong ama niya at bigla na lang mawawala na parang bula matapos nitong sirain ang buhay ng anak ko. At eighteen, she moved away. Few days after her debut, lumipat siya ng bahay. Doon na siya tumira sa dating bahay ni Rizza. Matagal na 'yon pero hindi ko 'yon nagawang pakawalan. It's not because I still love her, but because of the fact that I wanted to preserve her memories. Para naman kahit papaano, makilala at maalala nina Zylie at Denise ang Mommy nila kahit ang liliit pa nila noong namatay si Rizza. Para rin naman hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kanya e. Kahit anong mangyari, She's always my baby girl and she will always be my baby girl. "Wala naman akong ginagawang masama, Dad. Nagkataon lang siguro talaga na ako lang yung inabutan nung kumag na humarang sa'kin." Balewalang sagot niya. Kung hindi ko lang naalalang matanda na si Zylie, papadapain ko siya ngayon din para mapalo ng belt ang pwet niya. "Hindi ka man lang ba natatakot sa kaligtasan mo? Zylie, kung isang beses lang nangyari, matatanggap ko pang random accident lang. But this? Twice in a row? Honey, hindi na lang ito, nagkataon. Someone is attacking you on purpose. Paano pala kung hindi lang basta-basta yung mga pag atake sa'yo? Zylie, we knew you're independent and you like you're independence so much, but we can't take risk." "Love, nag aalala lang ang daddy mo para sa 'yo. He only wanted what's best for you." Nakangiting sabi ni Lana para pakalamahin ako. Mabuti pa nga si Lana, pinakikinggan ni Zylie e. Sabagay, kahit man ako, pinakikinggan siya. At take note, sinusunod ko pa. I do everything to make her happy. "I can take care of myself, Mama." Malumanay na sagot ni Zylie sa asawa ko. See? Kung kanina akala mo nanghahamon siya ng away, ngayon ay malumanay na siya pagdating sa Mama niya. "No. You can't." Magsasalita pa sana si Lana pero inunahan ko na. Ita-tag team lang ako nitong dalawa tapos yung gusto na naman nila ang masusunod. "You need a bodyguard. Kaya sa ayaw at gusto mo, ikukuha kita ng bodyguard." "Pero Daddy-" "No buts. This is for your own safety. Ayaw ko naman na oras-oras na lang ay iisipin ko ang kaligtasan mo. Maawa ka naman sa 'kin, anak. Lalo na ngayong hindi natin kilala kung sino ang kaaway natin at kung sino ang gustong magpabagsak sa Emperyo, we can't always be safe." "Kaya nga sabi ko naman sa 'yo Dad, I can take care of myself. Huwag nyo na akong alalahanin ni Mama." "Pwede ba namang huwag kitang alalahanin, e, anak kita?" Nakita kong napasimangot si Zylie sa sinabi kong 'yon. Alam kong hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi ko. I can't blame her though, she felt betrayed kase akala niya niloko ko siya. Hindi ko naman siya niloko e, hindi ko lang din sinabi 'yong totoo. Hindi niya lang alam na ginawa ko 'yon para hindi siya masaktan kapag sinabi ko sa kanya yong totoo. Na hindi naman talaga ako ang tatay niya. Kung tutuusin, wala akong planong sabihin 'yon. Kahit anong mangyari, she's my daughter. Now I learned mistake. Lahat pala ng bagay kailangang pag usapan. Reagrdless of how hard it is. "Daddy naman--" "Ngayon mismo tatawag na ako sa agency para maghanap ng available agent-" "Daddy naman. Sa ugali kong ito, sa tingin mo may tatagal sa 'kin?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Oo nga pala, Napakasama nga pala ang ugali ng anak ko. Halos isuka na nga siya ng mga empleyado niya e. Kung hindi ko lang secretly tinaasan ang sweldo nila, baka matagal nang nagsara ang modelling agency na hawak niya. Again, It's Rizza's company. Hindi iyon under ng Xavier Empire-- or so Zylie thought. Matagal nang na-acquire ng Xavier ang modelling agency na 'yon, sinabi ko lang sa kanya na hanggang ngayon, nakapangalan pa rin 'yon sa Mommy niya. It's the only thing she thought her mom own kaya akala niya rin, iyon lang ang nag iisang bagay na pagmamay ari niya. Ayaw niya kaseng tumanggap ng kahit na ano galing sa akin dahil hindi naman daw siya Crisologo. She said she's an outcast. Outcast niya mukha niya. Walang outcast na intimidating. Siya lang. Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. She have the agency, lahat ng desisyon niya, iyon ang nasusunod pero lahat ng ikot at galaw ng kumpanya, nire-report sa akin ng mga empleyado niya. The lengths a father do to protect his daughter. "It doesn't matter, maraming skilled sa agency. I think I can find someone who can keep you safe while keeping their sanity safe." Kung kinakailangang mag-hire pa ako ng sundalo para bantayan siya, G lang. Baka nga mapatino pa siya nun e. Althought it will never be an easy task. "You mean having someone who constantly sneaks behind my back para lang marinig yung pinag uusapan namin ng kausap ko?" Mataray na sabi niya. "Dad, if I wanted someone to follow me everywhere I go, I'd get a dog. Not someone who acts like one. At least dogs don't snitch." Kanino pa ba naman magmamana ng katarayan 'tong anak ko kundi sa ina n'ya. Hindi naman ganito ka-maldita si Rizza noong nabubuhay pa siya. She's very soft spoken, one thing I really loved about her. Kahit naman iniputan ako ni Rizza sa ulo, minahal ko naman talaga 'yong babaeng 'yon. Si Lana din. hindi naman palengkera ang ugali ng asawa ko para mamana niya. "Well," tumikhim ako, clearing my thoughts. "Actually, I wanted to ask someone to look after you twenty-four hours a day, seven days a week so technically, hindi nila kailangan mag-sneak up sa'yo dahil makakasama mo naman siya sa bahay--" "What the hell?!" Nanlalaki ang mga matang sabi niya. "Daddy, hindi na ako bata! I don't need a bodyguard!" Hindi daw siya bata pero nagta-tantrums. Napabuntong-hininga na lang ako ng wala sa oras. I started counting from one to ten. Malapit na, malapit ko nang masakal itong anak kong ito. Sa katahimikang 'yon, saka ko lang naalala na kasama ko nga pala sina Papi pero walang nagsasalita. Gets ko rin naman na takot sila kay Zylie kahit na mas matanda si Steffi sa kanya. Maldita kase talaga itong anak ko. Nanre-realtalk pa kaya kahit si Lizzie, ayaw siyang kausapin. Nagmulat ako ng matang hindi ko alam na ipinikit ko pala para tumingin sa paligid. Ayun, nasa hallway sila ng hospital, abala pa rin sila sa panghuhuli ng pokeko. "Ang babait n'yo talaga noh? Hindi n'yo man lang ako tinutulungan kay Zylie." Wala na rin sa tabi ko si Lana. Kasama niya na sina Liam sa gilid. Iniwan talaga nila ako para kausapin mag isa ang anak ko. "Kaya mo na 'yan, love. Ako na lang ang huhuli ng poke para sa 'yo. Tapos mamaya, poke ko naman ang hulihin mo." Sabi ni Lana na agad na nagpatindig sa naghuhumindig kong twelve inches na sandata. "Sabi mo 'yan ha. Kapag ako tinulugan mo-" "Nagsalita na naman ang wawasak daw sa bahay bata ko pero one round lang, knock out na." Sagot ulit ni Lana na naging dahilan para matawa ng malakas ang mga ungas. "Wala ka pala, Papi e. Matanda ka na, mayabang ka pa hindi mo na kaya ang twelve rounds. Hanggang salita ka na lang pala!" Pang aasar ni Stephen sa akin. "That's not the point. The point is, hinahayaan n'yo ako dito. Para kayong hindi friends." Nagtatampong sabi ko. Hinarap ko na lang ulit si Zylie na ngayon ay nakasimangot na ng husto. "Imagine growing up hearing that. Ngayon alam ko na ang klase ng trauma na inabot ni Steffi growing up surrounded by you guys. Ang kalat masyado." "Isa ka pa, Zylie. Iniiba mo rin ang usapan." "Dad, wala naman na tayong kailangang pag usapan. My decision is firm, I don't need a bodyguard." "As well as my decision. Kung magkaiba tayo ng stand tungkol rito, sino na lang ang mag-aadjust?" Kaya ko namang pagbigyan si Zylie sa mga gusto niyang mangyari e, but not this one. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapg may nangyari talagang masama sa anak ko. "Plus, this is the second time. Alangan namang hintayin pa natin ang third bago ka maniwalang may nagtatangka sa buhay mo." "Pero Daddy, You wanted a complete and total strabger to stay with me. Hindi ba mas nakakatakot "yon?" "I'd run a complete and thorough background check bago ko ibigay sa 'yo--" "Papi!" Napatingin kaming lahat na kakapasok lang ng kwarto. Nakatingin lang siya dun sa telepono niya habang parang uod na inasinan. Hindi mapakali. "Astig n'ong delivery truck ng itlog ng itik dun sa labas, may pokeduck. Kanino kaya 'yon?" Tuwang-tuwa pa rin niyang sabi na para bang iniinggit pa kami na hindi mo maintindihan. "Ang ironic, noh? Truck ng itlog ng itik tapos pokeduck!" I should stop seeing him. Hindi magandang impluwensya ni Brad sa akin. Pero paano? kalahati ng buhay ko kasama ko na silang lahat. "Uhmm. Sa'kin po." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD