Chapter 5

2002 Words
Steve's POV Hindi ko alam kung pinagtatagpo kami ng tadhana nito ni Miss Sungit pero isa lang ang alam ko, trouble magnet 'tong isang to. Buti na lang, napadaan ako dun sa parking lot matapos kong I-deliver yong mga balut sa isang specialty restaurant sa loob ng Lopez Mall at buti na lang naka-sick leave yung driver kaya wala akong choice kung hindi ang mag-relyebo sa kanya. Tutal naman, wala rin naman akong gagawin, magmumukmok lang ako sa opisina. At nakita ko na naman si Zylie Crisologo na nakikipagbuno sa isang lalaking may hawak na patalim. Hindi ko maintindihan, may balat ba sa pwet ang babaeng 'yon kaya lagi ko na lang siyang nakikita sa ganitong sitwasyon? She manage to escape by using her elbows and stomping at his feet that actually made that dominant inside me proud. Pero hindi naman siya nakalayo masyado bago nagawang hablutin nung lalaki yung buhok niya. Kung ako kase sa kanya, sana tinuhod niya na lang sa yagballs yong lalaki, baka mas malaki pa iyong chance na makatakas siya. Pinag iisipan ko pa kung makikialam ako dahil baka magaya na naman last time na ako na nga ang tumulong, ako pa yung napasama. Masama pa naman ang tabas ng bunganga nitong babaeng 'to pero hindi ko na alam kung bakit bigla ko na lang kinambyo yung truck papunta sa kanila, dahilan para mabangga ko yung lalaki at maitulak niya si Zylie palayo. Alam mo yung tipong mentras ko siyang iniiwasan, pero yung katawan ko parang may sariling buhay at pilit na lumalapit sa kanya. Kitang-kita ko pa kung paano tumama yong ulo niya sa gilid ng isang sasakyan bago siyang parang tangang tumitig na lang sa kuko niya. Nawalan ng malay yung lalaki matapos ko siyang aksidenteng mabangga kaya pinuntahan ko agad si Zylie. "Lapitin ka talaga ng disgrasya ano?" Wala sa akin ang focus niya. Para ngang hindi niya narinig yung sinasabi ko e. "Miss, okay ka lang?" Tanong ko. Alangan namang tawagin ko siya sa pangalan niya, baka lalong mag-hysterical 'to. "My nails! You ruined my nails!" Paasik na sabi niya. Napanganga ako dahil doon. At talagang mas importante pa sa kanya yung kuko niya kesa sa kung may masakit ba sa kanya? Ang hirap talagang maging mabait sa mundong ito pero sabi nga ng lolo ko, kahit gaano kasama ang mundo, piliin pa rin dapat na maging mabuting tao. 'Tanginang 'yan, ikaw na nga ang tumulong, napasama ka pa.' Napapailing na lang na sabi ko. Kung ganito naman ang makakaharap mo, kahit santo ata madedemonyo. Pero bago pa man ako makapagsalita, bigla na lang siyang nawalan ng malay. She's not dead, yet. But seeing that she's overdramatic by nature, baka bigla na lang itong magising at sabihin na ako 'yong nagtatangka sa buhay niya. Napaka palengkera pa naman ng babaeng ito, iisipin mo talagang hindi siya isa sa mga tagapag mana ng pinaka malaking imperyo sa Metro. Ganoon ang tingin ko sa kanya noong isang gabi. She's nothing more than a social climber. Kung hindi nga lang sinabi ni Matt na iyon ang boss niyang si Zylie Crisologo, iisipin ko talagang gate crasher itong babaeng ito sa stag party ng kaibigan namin sa Shapes--which, she technically owns, according to my friend. Tinawagan ko si Matt para ipaalam sa kanya ang nangyari. Sisihin man ako nitong babaeng ito, atleast my testigo akong back up sa akin. Pagkatapos nun ay kinuha ko ang telepono niya sa loob ng bag niya. It was locked and she's sleeping kaya hindi pwede ang face recognition kaya naman hinawakan ko na lang ang kamay niya para i-unlock ang telepono niya gamit ang fingerprint scanner. Napakalambot ng kamay niya pero sigurado akong hindi naman iyon ang dahilan kung bakit hindi ko magawang bitiwan ang kamay niya habang pinapakialaman ko ang telepono ng dalaga. Nag aalala lang talaga ako. Walang malisya. I immediately called a contact on her phone named 'Daddy' and a part of me, that slightly dominant part of me wonders who that daddy is. Nakausap ko naman ang daddy niya. And what do you know? It was Iñigo Crisologo- The Iñigo Crisologo of Xavier Empire. Siya lang naman ang nakausap ko. It's not that I am intimidated. Nanibago lang talaga ako. Pinag iisipan pa nga ako ng masama ni Mr. Crisologo. He said something about scamming him. As if naman kailangan kong gawin 'yon. Ilang minuto ang nakalipas bago dumating 'yong mga pulis na alam kong tinawagan ni Matt at agad nilang dinampot at pinosasan yung lalaking nakahandusay pa rin ngayon kasunod yung ambulansya. Sasabihin ko sanang baka may pilay 'yong lalaki dahil nabangga siya ng sasakyan ko but seeing Zylie's face, ipinagkibit-balikat ko na lang 'yong nangyari sa lalaki. Ginusto niya 'yon e, panindigan niya. Kung tutuusin, pwede ko na siyang iwan. May mga idi-deliver pa akong balut at itlog ng itik at may darating akong shipment mamaya pero mas pinili ko pa rin ang manatili sa tabi niya hanggang sa makarating kami sa Ospital. I don't know why. Sigurado rin naman kase ako na kapag nagising itong babaeng 'to, imbes na magpasalamat ay sigurado akong tatalakan niya lang ako but there's something about her, something about the calm and peace that's written all over her face at that moment na tipong ayaw ko siyang iwanan. She needs me. Ramdam na ramdam ko iyon sa napakahigpit na hawak niya sa kamay ko. Kaya kesehodang bungangaan niya na naman ako kapag gising niya, I'm not going anywhere. Not until I know she's safe. --- Nakasakay ako sa ambulansyang maghahatid kay Zylie sa ospital. I am looking at her lovely face. Sana palagi na lang siyang walang malay o natutulog para naman mas maganda siyang tignan. 'Did I.. Did I just said she pretty? Fck!' Napalunok ako ng wala sa oras matapos isipin 'yon. Well, she's pretty. I won't deny that fact. Hindi siya kamukha ng Daddy niyang si Iñigo Crisologo so I bet, nakuha niya sa Mom niya ang mga features niya. Kahit namumula na ang mukha niya at magkakapasa gawa siguro ng nangyari sa kanya kanina, she still looks like an angel, kapag kalmado. Her raven black hair fanning on her beautiful face. Mapupunggay rin ang mga mata niya. And her lips-- 'Oh, that luscious lips,' It has more better use than talking. Bigla tuloy na-excite si junjun dahil alam niyang para sa kanya ang mga labing iyon. Tumingin ako sa labas. Hindi naman ako tigang pero bakit para akong nakakaranas ng tagtuyot sa mga oras na 'yon. Nakakahiya. Hindi naman ako teenager and I'm really good at controlling myself. But with Zylie? Dmn, I wanted to kiss her and more. Napapasipol na lang ako habang pinagmamasdan ang matataas na building na pagmamay-ari pa rin ng Xavier Empire. Gaano ba karami ang mga ari-arian nila at halos lahat na ata ng establishment na puntahan ko, may bakas nila. Hindi naman kase ako talagang lumaki sa Metro kaya wala akong idea sa extent ng yaman nila. I was born and raised in Sta. Catalina. I have- had a stable job, I'm a high ranking official, an army reserve. Kinailangan kong magretire ng maaga dahil walang kasama sa Metro ang lolo ko. And I need to stop him from making bad decisions. Kagaya na lang ng pagpapakasal niya sa disiotso anyos niyang girlfriend na hindi ko alam kung saan niya pinulot. Mabuti na lang talaga, pagdating na pagdating ko pa lang sa mansyon, nagpakita na sa akin ng interes sa akin and lolo caught her following me inside the bathroom. Edi napatalsik siya sa mansyon ng wala sa oras. Ayon nga lang, simula noong araw na 'yon, naging malungkot na palagi si Lolo. Ibinigay niya na rin sa akin 'yong isang box ng viagra na stock niya dahil wala naman na daw siyang paggagamitan. Kababata ko sina Matt and Patrick sa Sta. Catalina pero ako lang ang naiwan doon dahil sa Metro na silang dalawa nagtrabaho. Matt works for Zylie and at the same time, he owns Club Adonis. An exclusive-members only club. Akala ko noong una, gay bar 'yon sa sobrang higpit ng security. Akala ko rin, nahihiya siya kaya ayaw niyang ipaalam na sa kanya ang Adonis. Hanggang sa nakapasok ako at naging member din ng club. Nasurpresa ako pero hindi ako nagulat. Bata pa lang naman kase kame, may fascination na talaga si Matt sa shibari--rope bondage. Na-guidance office pa nga ito matapos magsumbong ang kaklase namin na itinali siya ni Matt. Sa amin ding tatlo, si Matt pa lang ang may anak sa pagkabinata. Wala e, mapusok na marupok pa e. Minsan ko na ring naisipang dalhin si Lolo sa Adonis para naman malibang siya kahit papaano pero natatakot rin ako na baka atakihin naman siya sa puso at mas mapadali ang buhay niya kapag nakita niya ang mga nangyayari sa loob ng Adonis. "Sir, pwede n'yo nang iwan sa amin si Miss Crisologo." Agaw sa atensyon ko nung isang pulis. He wanted me to leave and abandon Zylie? Na ngayon ay nakakapit pa rin sa kamay ko? Actually pwede na naman. My work here is done. Pwedeng-pwede na akong umalis at ipagpatuloy ang mga dapat ko pang gawin pero hindi ko 'yon ginawa. Gusto ko na ngang sapakin ang sarili ko dahil hindi ko na alam kung anong ginagawa ko sa buhay. I'm wasting my time here. "It's fine. I might give information regarding the assault. Kahit naman papaano ay nakita ko ang mga nangyari." Tumango lang ang pulis at hinayaan niya na lang ako. Nasabi ko na rin naman na sinadya kong sagasaan 'yong lalaki. It's not necessary but it felt good. Isa pa, ayaw kong nakakakita ng babaeng sinasaktan. Mabuti sana kung sakit na may kasamang 'Uhhhh, more' 'yong ginagawa nila, baka nakisali pa ako. "Sir kasunod nga pala natin 'yong truck n'yo." "Hindi ba kailangan 'yon bilang ebidensya? I committed a crime, after all?" Tanong ko. Aminado naman kase ako sa ginawa ko and I'm willing to face him or them. "No need, Sir. Hindi nalang namin isasama sa report ang nangyari." Ako naman ang tumango matapos niyang sabihin 'yon. Atleast hindi kailangang ma-delay ang mga deliveries. Ilang minuto pa ang nakalipas at pumarada na ang sasakyan ng ambulansya sa harap ng hospital. Pagdating namin doon ay, mas maraming tao at mga kamay ang nag aasikaso sa kanya. "Hanggang dito na lang po kayo, Sir." Sabi ng nurse na pinigilan akong pumasok pa sa emergency room. Hindi naman na kailangang dalhin pa siya sa emergency room dahil wala naman nang emergency but this is Zylie Crisologo. She is entitled to all the best medicines, doctors and equipment available. Kesehodang check up lang 'yon. "Ah, sige." I tried pulling my hands away from her but she held on tighter. Alam kong nakita ng nurse ang ginawang 'yon ni Zylie kung kaya hindi na lang siya nagreact. "Zylie let go. May tumatawag sa 'yo, kailangan kong sagutin 'to." Sabi ko noong biglang tumunog ang telepono niya kaya wala akong choice kung hindi ang tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya para sagutin ang tawag na yon. I even saw her slightly open her eyes kaya alam namin na conscious siya, medyo dramatic lang talaga. Iñigo Crisologo is calling me. He's making sure na hindi ko siya pinaglololoko at hindi ko sinasayang ang oras niya because he said, his time is precious. Akala niya ata talaga, pina-prank ko lang siya. Hindi lang naman kase oras niya ang nasasayang, oras ko din naman. I'm not gonna waste my precious time doing nonsense stuff just for the fun of it. Kung hindi nga lang ako concern sa babaeng hindi naman dapat ay baka nasa CR na ako, gumagawa ng kasalanan using the images of Zylie's mouth. Mr. Crisologo said something about coming to the hospital as soon as they can. They. Meaning marami sila and that's my cue to leave. The only problem is, I just can't go and leave her alone. There's something about her sweet, luscious mouth--err eyes that begs me to stay. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD