Iñigo's POV
"Mga Paps, kailangan kong umalis. May tumawag sa akin, naaksidente daw si Zylie. Nasa ospital!" Kinakabahan kong sabi. Ano na naman kayang gulo ang pinasok nitong anak ko at nadisgrasya na naman?
"Sigurado ka bang si Zylie nga 'yon? Baka kagaya lang yun nung nagtext kay Brad last time. Tinawag lang siyang Tatay akala na niya anak niya talaga. Ayun, na budol-budol ng five hundred pesos na load." Natatawang sabi ni Liam. Nandito kaming anim sa conference room ng Xavier Empire. Pag-uusapan dapat namin itong mga sunod-sunod na nangyayaring pag-atake sa Xavier.
Dapat.
Kung hindi lang in-announce ni Kupal na Brad na na-release na sa Pilipinas ang Pokeko Go at ayun, paikot-ikot kami sa loob ng conference room para manghuli ng Pokeko.
"Eh, malay ko ba naman kung may anak pala talaga akong Jomar ang pangalan, nagka-amnesia lang ako- ouch!" Sabay-sabay pa kaming napatingin kay Brad na nauntog na pala sa glass wall dahil naglalakad siya habang nakayuko. "At saka, barya lang naman 'yon. Atleast nakatulong ako 'di ba? Hashtag Saint Bradley."
"Buti nga 'yon lang ang nakuha sa'yo. At mabuti rin na nakita ka namin ni Yngrid na tulala habang naglalakad papunta sa bangko, kundi, limas ang kayamanan mo."
"Magwi-withdraw naman kase talaga ako noon, Papi." Sabi pa nito na abala pa rin sa paglalakad. "Hindi ko lang sure kung matalino rin si Iñigo at hindi mai-scam."
"Brad, please. Hindi ako kasing tanga mo." Singit ko na lang. Ako pa ba talaga ang maloloko ng mga 'yon?
"Aray ha. Dahan-dahan naman, Crisologo. Maka-tanga wagas e. Nasasaktan ako."
"Phone ni Zylie yung ginamit. Kapag budol-budol nga lang 'to, makakasakit talaga ako." Inaayos ko na yung mga gamit ko nung biglang sumigaw si Brad kaya natigilan ako.
"Ay pakshit! H'wag kang gagalaw Crisologo. May Poke sa betlog mo!"
Ang sagwa talagang pakinggan nung larong 'yon. Whoever developed that game? Malamang virgin.
At sa sinabing 'yon ni Brad, pinalibutan na nila akong lima. Hindi pa sila nakuntento dahil nahihirapan daw silang hulihin ang isang rare type na poke kaya heto si Brad at nakaluhod pa sa harapan ko.
At 'yon ang senaryong inabutan ng mga Misis namin. Kung nasa malayo ay iisipin ng nakakakita na may ginagawa kaming milagro ni Brad. He's kneeling in front if me. Tipong ka-level ng ulo niya ang ulo ko sa ibaba.
You should have seen the look on Lizzie and Lana's face. My beautiful wife.
"Lizzie, nabo-bother ka ba sa nakikita mo?" Narinig kong tanong ni Lana kay Liz habang nakatitig sa amin. Hindi ko magawang kumilos dahil nga napapaligiran ako nila Papi.
"Nope." Nakangiting sabi ni Lizzie. "Go Playboy, make him come!" At sinamahan pa nito ng tawa ang sinabi niya. Sanay na ata siya sa kalokohan at minsang kabadingan ni Brad kaya hindi na siya nabibigla kapag nakikita nila kami-kaming naghihiraman ng briefs, at kung minsan ay mas touchy pa kaming anim kapag magkakasama- which is almost everyday- kesa sa mga asawa namin.
"Ah, Lana, what are they doing crowding your husband like that?" Ani Celine.
"Nanghuhuli lang kami ng Poke, Sweet. Nasa betlog ni Iñigo e. Ayaw magpahuli-- Yes! Nahuli ko din!" Pagkatapos nilang mahuli si Pokechu isa-isa na silang lumayo sa akin.
"Oh, Pokeko naman ngayon, last time sa moba kayo na-adik. Baka bukas-makalawa n'yan, Pak ganern naman ang nilalaro n'yo," sabi ni Nhia na nakaupo na ngayon sa couch.
"Actually Pangga, pina-praktis na ni Brad 'yon kanina.. Gusto mo bang ituro ko sa'yo yung game para pagkatapos natin mag ganern-ganern, ipa-fck naman kita." Ngiting asong sabi ni Toby na Ikinamula ng husto ni Nhia.
"Si Tobias talaga, may erectile dysfunction ka na, manyakol ka pa rin."
Matapos sabihin 'yon ni Brad ay nanakbo siya papunta sa likuran ni Lizzie. Siguro iniisip ng marami kung paano namin napanatili at patuloy na napapatatag ang Xavier Empire gayong parang ginagawa lang naming playground ang buhay. Simple lang. We have the best wives. If it wasn't for them, hindi kami magpu-pursige. Without them, I, personally don't know what to do. Lana pushed me to be a better person. A better husband and a better father. Kung hindi niya ako binigyan ng isa pang pagkakataon noon, baka naging rugby addict na ako ngayon.
Ilang beses na ring naging cover story sa mga magazine ang buhay namin, our relationship as friends, our relationship with our wives, our relationship with others wife- hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang nakaraan nina Liam, Celine, Louie at Yngrid pati na rin sina Brad, Lena at Stephen. Yes, we made mistakes when we were young. Pero lahat naman 'yon ay nasa nakaraan na. Atleast we did our best to become a better version of ourselves at kung paano namin napanatili yung init ng pagsasama namin. How do we manage to keep the fire burning daw, tinagalog ko lang.
At palagi ko ring sinasagot sa mga inerview na 'yon, especially kapag nanghihingi sila ng advice- na h'wag silang maghahanap ng partner na perpekto, na mabait, sexy saka maganda dahil temporary lang 'yon. H'wag mo din silang babaguhin. Kung taklesa at mataray at may saltik man sa utak ang napili mong mahalin, so be it. Mas masarap magmahal ng babaeng parang takas sa mental. Hindi man ako nakakuha ng babaeng maganda, sexy at prim and proper na asawa. But atleast I'm proud to say that I have the best partner, best friend, and a loving mother. And I could not ask for more.
Ngayon, may magtatanong pa ba kung gaano ko kamahal at kung gaano ako ka-obsess sa asawa ko?
Marami ring nagtatanong sa amin kung paano namin napalaki ang mga bata. How me made them into something they are right now. Si Lucas lang naman na anak ni Stephen ang badsh*t sa kanila. Siya lang ang black sheep sa imperyo pero mabait naman 'yon, may babaero lang talaga at may potensyal na maging pedo kapag hindi niya tinigilan ang bunsong anak nina Liam na si Pia.
My daughter, Zylie? She's not a black sheep. Kahit alam ko naman na may galit sa akin ang anak kong 'yon dahil sa mga nangyari noon ng malaman niyang hindi ko siya tunay na anak, mahal ko 'yon. Hindi naman nagbago. May konting set back lang dahil nabigla ako. Sino ba namang hindi mabibigla nun? Namatay ang una kong asawa na buong akala ko, si Zylie ang may kasalanan. Dinala niya pa sa hukay ang katotohanang hindi ko anak si Zylie and that she's pregnant when she died and that the baby inside her tummy is not mine.
It took a lot of therapy session and time bago ko napatawad ng tuluyan si Rizza at bago ko natanggap at minahal ng lubusan bilang sarili kong anak si Zylie. Alam lahat ni Lena ang mga pinagdaanan ko noon. Mabuti nga at napakatibay nitong asawa kong ito at hindi niya ako iniwanan kahit noong mga panahong kaiwan-iwan ako. Kaya nga mahal na mahal ko ito e.
Nilapitan ko si Lana at siniil siya ng halik, with tounge para intense. Gusto ko pa sana siyang buntisin kaya lang, pagkapanganak niya sa bunso namin nagpa-ligate na siya. Sayang naman yung pangarap ko dating magkaroon ng isang basketball team.
"How's your day, Mi Amore?" Nagblush si Lana sa sinabi ko although hindi ko alam kung anong part nun ang dahilan ng pamumula niya o baka yung halik ko yung dahilan ng pamumula niya.
"Okay lang naman. Tiring. Binatilyo na ang mga anak mo pero para pa rin silang mga bata kung umasta." Inihilig niya pa yung ulo niya sa may balikat ko. Speaking of anak..
"Sabi ko na nga ba may nakakalimutan ako e," napatingin sila sa akin. Napalakas ata yung boses ko. Sorry naman. Kapag nasa paligid si Lana, nakakalimutan ko na ang ibang bagay. Nakalimutan ko rin tuloy yung tumawag kanina e. "I need to go to Sta. Lucia Hospital. Muntik na naman daw kidnapin si Zylie sa Lopez Mall."
"Oh my god!" Sigaw ni Celine. "Kakatawag lang sa'kin ng branch manager. She confirmed na may nangyari ngang ganun sa parking lot ng Mall pero hindi nila nasabi kung sino yung biktima."
"Sa parking lot mismo? Nasaan ang mga gwardya?" Bigla akong natakot. So totoo ngang may insidenteng ganun sa Mall, but that doesn't mean na si Zylie yung biktima--
"Pinapa-imbestigahan ko na yung nangyari para malaman natin agad kung kaninong kapabayaan dapat isisi 'to." muling sagot ni Celine. "But I assure you, mananagot ang mga dapat managot. I'm not going to let go of this incident. Lalo na't sa teritoryo ko pa nangyari."
"Eh, ano pa bang ginagawa natin dito? Pumunta na tayo sa hospital!" Natatarantang sagot ng asawa ko. Tignan nyo naman she's not Zylie's mom pero mahal na mahal niya si Zylie. Anak ko si Zylie sa una kong asawang si Rizza and a year after she died I found out na hindi rin ako ang ama niya.
Pinisil ko yung balikat ni Lana. Alam ko namang nag-aalala siya kay Zylie. Ako din naman e. But we need to be calm. I need to be calm.
"Bago tayo umalis, groupie muna oh, pang Instapost lang." Sabi ni Brad na tumawag pa sa ibaba para manghiram pa ng selfie stick sa sekretarya niya. Nakalimutan kong sabihin na kalahati ng empleyado ng empire, lalo na sa main building pati ang mga sekretarya namin ay mga lalaki. Mahirap nang matukso lalo na't kapag may kalokohang ginawa ang isa, damay-damay na naman kaming lahat. You don't wanna mess with our wives daw. Nag-a-ala Harley Quiin 'pag nagagalit.
Nagkanya-kanya kaming pose para sa unang picture, yung una pa-demure lang. Hanggang sa naging wacky, na naging pictorial, na naging parang pang cover ng men's magazine. Pati nagamit na din namin. Hindi namin kayang piitin si Brad e, sabi nga nila, 'if you can't beat them, join them.' Kaya eto, lahat na kami, selfie addict.
"T-teka.. Lowbat na 'yung phone ko. Fck! Charger, I need charger! Rogelio!" Tawag niya sa sekretarya niya.
"Wala nang oras, Papi. Kailangan na nating pumunta sa Ospital." Hinila ko na siya papasok sa elevator. It is big enough for us twelve.
"P-powerbank? Sino sa inyo ang meron? Dali bibilhin ko ng ten K!" Sigaw ni Brad pagbukas na pagbukas ng elevator sa lobby. At nag-unahan pa silang ilabas yung mga powerbank nila. Kinuha ni Brad lahat 'yon saka siya nag-thank you. "Wala akong cash e. Idadagdag na lang namin sa salary n'yo, hane? Three gives."
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis yung mga kinuhanan ni Brad ng powerbank at sa totoo lang, naaawa ako sa kanila kaya lang ayokong makialam sa trip ni Brad.
"Tara na, Paps." Aya niya sa amin bago hinarap ang asawa. "Liz, ikaw ang mag-drive, ha? Huhulihin ko yung pokemo este manghuhuli ako ng pokeko." Nakangising sabi pa nito.
Naka-convoy kaming anim papunta sa Ospital. Sa susunod nga, trailer truck naman ang bibilhin namin. Para isang sasakyan na lang ang kailangang gamitin. Para kaming lagi na lang deligasyon na hindi mo maintindihan e.
Pagdating sa tapat ng hospital, lumapit na sa amin ang mga gwardya sa hospital at sila na ang nagprisinta na i-park ang sasakyan and I let them. Hindi ko na kailangang magtanong kung nasaan si Zylie. Nakaabang na 'yong head ng hospital sa labas para sa pagdating namin.
"How's my daughter?" Tanong ko. Hindi ko alam kung nakalabas na rin sa media ang mga nangyari kay Zylie but seeing na wala pang reporter na nasa paligid, masasabi kong na-contain ng mga pulis ang insidenteng ito. It's good. Atleast hindi ko kailangan humarap sa mga reporters na marites. Zylie have a bad reputation with reporters.
"She was rushed to the ER earlier, sir. That way po--" Itinuro ako nito sa may hallway na agad naming pinuntahan nang may makasalubong kaming pasyenteng itinutulak nung nurse. May takip ng kumot ang ulo nito at bigla akong kinabahan.
"Sandali lang." Awat ko dun sa nurse.
"Kaano-ano n'yo po siya?" Tanong nito habang may isinusulat sa board na hawak niya.
"A-anak ko." Hirap na hirap kong sabi. Nanginginig ang mga kamay ko, maging ang tuhod ko. Para akong biglang nanghina na hindi ko maintindihan.
----