Zylie's POV
"Does stupidity really runs in your blood? Kailan pa naging coffee shop ang Shapes?!" I said while tapping my foot on the floor. Isa pa, biglang pumasok sa Isip ko yung nangyari sa akin sa parking lot ng shapes last week. Not that I'm scared or something. Parang ayaw
ko lang muna talagang magpunta d'on.
Pasimple na lang akong napapangiti habang isa-isang umaalis 'yong mga tao sa harapan ko para gumamit nung stairs dahil haller, tatlong floor lang naman 'tong building ko. Ang laking pasalamat siguro ng mga tao sa Xavier Empire na wala ako sa main building dahil kung hindi, dalawa kami ni Zylie na mangugulo sa mga bulbol nila.
"Why Zylie,, you think so little of me. 'Pag sinabi kong magko-coffee tayo sa Shapes, magko-coffee tayo sa Shapes. They will provide a macchiato and green tea latte for us or else I will fire them." Pagbabanta niya pa. See? there's a demonyita hiding underneath her 'I am an angel' facade. An Inner b***h waiting to be unfold. At least ako, alam nila kung ano ang kaya at hindi ko kayang gawin. "Not unless ayaw mo dun dahil natatakot kang baka balikan ka nung dalawang boyfriend mong mukhang impakto, amoy mandirigma." Natatawang sabi pa nito sa kabilang linya.
"Grabe ka sa kanila, Stephanie Araullo. " Pang-aasar ko sa kanya. She hates it when people use her full name kaya sangkatutak na mura ang inabot ko sa kanya at hindi ko napigilang hindi matawa.
Ang ganda kayang pangalan ng Stephanie. Tunog kagalang-galang. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya no'n. "Alright, Shapes it is." Tinap ko yung end button without saying goodbye. Ganoon din naman ang gagawin ni Steffi e,unahan na lang kami.
Taas-kilay pa akong naghintay d'on sa elevator, saka ko lang napansin na si Matt na lang yong naghihintay na makalabas ako. I did a research on him, six months na pala siyang nagta-trabaho para sa'kin, funny. Last week ko lang siya napansin.
"You're going out, Ma'am?" Magalang niya pang tanong.
"Ay hindi! Papasok pa lang ako. Stupid. Kaya ka nga naghihintay na makalabas ako ng elevator para makasakay ka 'di ba? Kung paakyat ako, edi sana kanina pa umandar 'tong elevator." Mataray na sabi ko. I saw his jaw clench. Naiinis na siya. Subukan niya lang akong saktan 'pag hindi siya nawalan ng trabaho at ma-ban siya sa lahat ng company. Naka-ready na nga ang kamay ko at naka-stand by na yong mga security sa gilid, hinihintay ko na lang na may gawin siya sa'kin para magkaroon ako ng dahilang ipahiya siya ng todo but instead of causing commotion, he just took a deep breath, closed his eyes and the moment he opened them to look straight into my eyes, parang ako yung biglang kinakabahan. There's something dark about his stares that made my heart skip a beat. At hindi 'yon dahil sa bigla akong nainlove sa kanya. Asa pa.
"Malay ko ba naman Ma'am Zylie kung hinihintay n'yo lang akong sumakay dahil gusto niyo akong kasabay." Nakangiting sabi na nito. Namalik-mata lang ba ako at akala ko may something?
"In your dreams." Pasimple akong napailing saka ako tuluyang lumabas dun sa elevator. Nase-stress na talaga ako. Maybe after my lunch meeting with Mr. Ong, didiretso na ako sa spa. And oh, nakalimutan kong I-confirm kay Steffi kung anong oras kami magkikita. Never mind, maghintay siya d'on tutal siya naman ang may kailangan sa'kin.
Sa Mall ni Tita Celine na lang ako nagpunta since mas modern yung mga amenities d'on, hindi gaya ng mga pipitsuging mall na naglilipana. At since VIP ako, iniwan nung manicurist ko yung costumer niya para I-entertain ako.
"Anong gusto mong gawin ko? Maghintay kung anong oras ka matatapos? I have an important meeting later!" Sigaw nitong feeling socialite na hindi naman kagandahan at mukha namang walang pera pero ang lakas pa ng loob na sigawan ako? Sino ba siya sa akala niya? Sino ba ako sa akala niya?
"You can." Pasimpleng sagot ko na lang habang nag-update ng instapost ko.
"We're both paying costumers here! Nauna ako, Miss. Hindi ka pwedeng basta na lang pumasok dito at kuhanin si Princess sa akin. Sa akin lang s'ya."
Aba at may pagka-dramatic actress pa pala 'tong babaeng mukhang retarded na 'to.
Pero hindi ko siya papatulan. I won't stoop down on her level. I'll only be wasting my precious time arguing with her kind.
"Ah, Ma'am," singit nung branch manager. "Marami naman po kaming magagaling na nail artist aside from Miss Princess, ire-recommend ko po sa inyo. And as per courtesy from our company, free of charge na po yung services na ipapagawa n'yo."
"b***h!" Isang irap pa ang ginawa niya bago umalis sa harapan ko. Hampas-lupa talaga. Gusto lang naman pala ng libre, kung ano-ano pang sinasabi.
"Princess,"
"Yes, Madam?"
"Full spa treatment for her please. Ako nang bahala sa kanya. Baka mag-eskandalo pa 'yon at sirain ang pangalan ng shop niyo." Sabi ko na lang habang pumipili ng bagong kulay ng nail polish para ipalit sa daliri ko.
"Ang bait mo talaga madam. Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang maldita ka e." Pambobola pa nito sa akin.
Actually, maldita ako. At ang maldita, galit sa kapwa maldita 'di ba? Pero hindi naman ako galit sa kanya. I wouldn't be giving her a gift kung galit ako. Hindi ko siya pagmumukhaing dukha at walang pambayad sa facial. Mabait lang talaga ako. Galante.
"Hindi ka ata niya kilala madam, kaya ganoon umasta," Dagdag pa niya.
"Maybe. Or maybe she knows me that's why she acted that way. We should always give to less fortunate people, don't we?" Binalikan ko pa ng tingin ang babaeng abala na ngayon sa panghaharass ng ibang nail artist sa salon. Hindi ko na lang siya papatulan. My time is just too precious for someone like her.
"Ay madam, nabalitaan namin 'yong nangyari sa inyo sa Shapes. Kamusta ka na po?" Tanong niyang akala mo concern pero h'wag ka, tsismosa din 'tong baklitang to.
"Okay lang ako. If I'm not okay, edi sana wala ako ngayon dito at naninira ng araw n'yo."
"Sabi ko na nga madam e, walang masamang nangyari sa'yo. Okay ka lang. Demonyita ka pa rin." Nakangiting sabi nito. Ganyan lang si Princess pero mabait 'yan. She's one of the few people I really count on. Iilan lang naman kase talaga 'yong pinagkakatiwalaan kong tao. I mean, I don't even trust my father.
An hour later with my nude colored nails done, naglalakad na ako sa parking lot papunta sa car ko. Nagpa-retouch na din ako ng light make up lang ipakita dun sa palengkerang 'yon na hindi hamak na mas maganda ako sa kanya. I pull out my keys from my Gucci bag nung may biglang humatak sa'kin. It happened so fast that I wasn't able to react until I felt something sharp poking on my waist.
"H'wag kang sisigaw, Miss. Kung hindi gi-gripuhan ko 'tong tagiliran mo." Pagbabanta niya pa sa'kin. I cringe. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa sama ng amoy ng hininga niya. Amoy kanal. Gross. This is so unacceptable. Bakit ang mga bad guys sa U.S hindi naman ganito kabalasubas sa sarili? Yung tipong alam mong nasa panganib ka pero hindi ka naman matatakot na mamatay dahil sa suffocation.
At pangalawang beses na itong nangyari sa akin ha. Ano ba, sino bang may galit sa 'kin at bakit hindi na lang ako harapin? Kailangan ba talaga may representative pa siya? How coward.
But of course, I'm wise enough to not speak and to argue with him. Baka mamaya ituloy nga nitong pangit na 'to yung banta niya e. Pero hindi din ako tanga para sumunod na lang sa gusto niya. Sayang naman ang self-defense lessons ko na ininsist ni Daddy kung hindi ko magagamit. Nung makakuha ako ng opening, bigla ko siyang siniko sa tagiliran kaya napaigik siya at nabitiwan yung screw driver na hawak niya. Eww. I wouldn't want that thing to touch me. Baka mamatay ako sa tetano. Nung napayuko siya, I stomp on his feet saka ako nag strode. Nag strode talaga. Alangan namang manakbo ako. Naka stilleto ako kaya ako.
"Ahhhh!" Napasigaw na lang ako noong maabutan niya akonat mahila ang buhok ko. Ang hinayupak, kakapa-hair and make up ko lang!
"Hayop kang babae ka. Kahit sinabi sa'kin na h'wag kitang sasaktan, malilintikan ka talaga sa'kin!" Sabi niya habang hila-hila ang buhok ko.
"Mas hayop ka! Layuan mo 'ko! Ang dumi-dumi mo tapos dumidikit ka sa akin! Bakla ka ba? Pati babae pinapatulan mo!"
"Ang arte-arte mo, eh kung halikan kaya kita ngayon, tignan natin 'yang kaartehan mo!"
Ako? Hahalikan nitong amoy posonegrong 'to? Ewww.
"Mahiya ka naman sa balat mo, kumbaga sa beauty and the beast, mukha kang beast. Literal! Atsaka kahit may library ka pa, hinding-hindi pa rin kita papatulan!"
Para akong nakakita ng stars nung bigla niya akong sinampal. Napaupo ako sa semento sa parking area. Halos mabingi na nga ako sa lakas n'un e. Umiikot din yung paningin ko at pansamantalang para akong nabulag. Noon lang nag-sink in sa'kin na nasa delikadong sitwasyon ako. Na baka katapusan ko na, part two. I am no longer aware of my surroundings. Where's the Police Officer when you need one?
Sabagay, sa pelikula nga, patay na ang biktima bago dumating ang mga pulis, sa tunay na buhay pa kaya?
Natatakot na ako para sa sarili ko pero hindi ko 'yon ipinakita. Ayaw kong umiyak. Hindi na marunong umiyak si Zylie Crisologo. Kailangan kong i-distract ang sarili ko kung hindi, pagpapawisan ang mga mata ko. Dumako ang atensyon ko sa mga bagong linis kong kuko. It was already ruined!
My nails! He ruined my nails!
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. He may be standing in front of me waiting for me to lash out o baka umalis na rin siya sa takot na may gawin ako sa kanya. Mabuti naman kung ganoon.
"Miss, okay ka lang?" May narinig akong boses bago ko naramdaman ang kamay niya sa balikat ko. I flinched. Napatingin ako sa kanya at hindi ko siya maaninag. Siguro dahil 'yun sa panlalabo ng mga mata ko.
"You.. you ruined my nails!" Akmang tatayo sana ako at inalalayan niya akong makatayo. Napahawak ako sa ulo ko. My head hurts like hell. Umiikot pa rin ang paningin ko. Para akong minaso sa ulo na hindi ko maintindihan.
"Ibang klase ka talaga, masaktan ka na nga't lahat, 'yang kuko mo pa ang iniintindi mo." He said. Bakit tila nagbago ang boses nung lalaking 'yon? It's not raspy anymore. Hindi na rin 'yon masakit sa tenga. It was actually familiar. Like something I've heard before.
"Don't touch me!"
"Zylie Crisologo will you please shut up and just do what I say?" Sigaw niya pa kahit pilit kong iniiwas ang katawan ko sa kanya. He's dirty. At baka mamaya, kung saan pa ako dalhin at ano pang gawin ng lalaking ito sa akin lalo na ngayong I'm out of focus, Baka kailangan ko ring magpa CT scan, baka magka brain injury ako dahil sa pananampal na 'ypn nitong lalaking 'to.
Makatakas lang ako rito, sisiguraduhin ko talagang idedemanda ko itong kumag na ito.
"I said don't touch me!"
"Oh, don't be such a brat. Kapag binitiwan kita, malalaglag ka. Mabuti sana kung sa akin ka mafa-fall, Eh hindi naman. So if I were you, just stay and lisyento me.
"And why should I listen to you? You're planning to kidnap me!"
"Wha-what?'
"Isn't that the reason why you're harassing me? You're going to kidnap me?'
"Miss, I just rescue you from your kidnapper tapos ako ang pagbibintangan mong mong balak mangidnap sa 'yo?"
"And you really expect me to believe that?" Umiling ako ng ilang beses trying to clear my head.Tahimik lang ako but I feel like this headache is going to blow my head.
"Why not? Kung masamang tao ako,edi sana hinayaan na lang kita na makuha d'yan."
"Whateve. You.. you have to pay for my nails!" At hindi ko na kinaya ang sarili ko. I close my eyes as darkness consume me.
----