Chapter 8

1750 Words
THERESA Daig ko pa ang napalaban ng away kagabi at nabugbog ng mga kalaban ang buong katawan ko. Pasaway talaga si Blake, unexpected na alaga pala talaga sa push up ang lalaking katabi ko, kaya ang lakas ng stamina at dahilan kaya masakit ang mga kalamnan ko. Mahirap pala makipag-sèx sa virgin, dahil kapag natuto na ay nagiging halimaw sa kama. I'm out of words sa naging experience ko sa kanya kagabi. It's unimaginable and honestly, nag-enjoy naman talaga ko sa namagitan sa aming dalawa, kaya lang, grabe naman ang aftermath, dahil sa nararamdaman ko ngayong humupa na ang init sa pagitan kung ang matinding pananakit ng buong katawan ko. Napailing na lang ako ng maalala na nabali pa namin ang kama, kaya ang resulta, sa lapag kami natulog, pero hindi pa na kuntento si Blake, dahil nagising na naman akong nasa ibabaw ko siya at pinang-gigilan ako. Akmang babangon sana ako ng matigilan ako at mapangiwi. Masakit ang mga binti ko, lalo na ang balakang ko. Mahapdi rin ang kaselanan ko at mukhang nasobrahan ako sa sèx, kaya kailangan ko talagang magpahinga. "Yan kasi, kasalanan mo 'yan, Theresa," panenermon ng kabilang bahagi ng utak ko. Na-challenge si Blake dahil sa sinabi ko, kaya inubos ng lalaking katabi ko ang lakas ko. I wonder kung may katas pa siyang natira at hindi natuyaan, kasi hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang nagpakawala ng semilya sa loob ko. Well, hindi ako natatakot na mabuntis ni Blake kaya hinayaan kong panay ang putok niya sa loob ko, kasi unstable naman ang menstration ko at may hormonal imbalance pa ako. Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman kong pumulupot ang braso ni Blake sa bewang ko at kinabig ako. "Kumusta ang pakiramdam mo?" malambing na tanong ng katabi ko. "Masakit ang katawan ko. Abuso ka kagabi, Blake," nakasimangot na sagot ko. Mahinang natawa ang katabi ko na humalik pa sa buhok ko. "Ang bango mo, ang sarap amuyin-" "Hey, stop!" malakas na sabi ko habang nakataas ang kanang kamay. Wala akong tiwala sa paamoy-amoy at panay ang patak-patak na halik ni Blake sa leeg ko. Natuto na ako at kapag hindi ko siya pinigilan ngayon ay baka hindi na ako makatayo at makalabas ng silid niya. "Masakit ang buong katawan ko, huwag mong sabihing may balak ka na namang umiskor ngayong umaga, Blake. Pagpahingahin mo naman ako." "Opo, yakap lang, promise," nakangiting sagot ng katabi ko na dumantay pa ang binti sa hita ako at pumulupot ang mga braso sa bewang at inabot ng kamay ang dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya ng pisilin ang dibdib ko sabay diin ng sarili sa likuran ko kaya tumama sa pisngi ng p'wet ko. Obviously, gising na naman ang alaga niyang mukhang hindi na yata natutulog kasi laging matigas. Hay, ganito pala kapag pulis. Totoo nga ang sabi nilang palaging matulis. Proven and tested ko na, kaya kung gusto ko pang makalakad, kailangan ko nang bumangon. Hinawakan ko sa braso ang katabi ko at marahang hinaplos ang balat niya. Hindi ko ginagawa ang ganito sa kahit na sino pero sa tingin ko, kailangan kong maglambing sa kanya para pagbigyan ako. "Blake, nagugutom na ako, saka sobrang pagod na pagod ang pakiramdam ko," mahinang bulong ko gamit ang sweet voice na malimit ay ginagamit ko kapag kailangan sa misyon ko. "Sige, maghahanda muna ako saglit ng almusal natin," mahinang sagot ni Blake na bumaon pa ang mukha sa leeg ko at hinalikan ako. Nakahinga ako nang maluwag ng bumangon siya at naramdaman kong lumabas ng silid. Mabilis na hinatak ko ang kumot para ibalot sa hubàd na katawan ko at nag-talukbong. Dala na rin ng pagod at puyat ay nakatulog ulit ako. Nagising na lang ako na ginigising na ni Blake at sinabing handa na ang almusal. Masakit ang ulo na tumango lang ako habang nakapikit. Bagsak talaga ang katawan ko at sa tingin ko ay kailangan kong matulog at bumawi ng lakas. "Tanghali na, Lara. Lalamig na ang pagkain natin sa mesa," mahinang sabi ni Blake na bahagya akong tinapik sa balikat. Napilitan akong bumangon para maghilamos at mag-toothbrush. Sa susunod talaga, hindi ko na bibiruin si Blake ng gano'n at baka mabalda ako at hindi na makalakad pa. Malay ko ba naman kasing ang lakas ng stamina niya dahil mostly naman sa mga naka-one night stand ko ay isang round lang tapos wala na. Isinantabi ko muna ang strict diet ko. Basta kumain ako hanggang sa na busog ako dahil kailangan ko ng lakas. Mabilis rin akong bumalik sa silid at nahiga sa kutson sa sahig at pagkatapos ay niyakap ang unan at nakatulog. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa akin, kaya sinabi ko kay Blake na huwag akong gisingin. Dala ng pagod, alas dos na nang hapon ng magising ako. Hindi pala pumasok sa trabaho ang kasama ko, dahil siya ang nabungaran ko ng magising ako at agad na pinaghanda ng tanghalian. Siguradong lolobo ang katawan ko kapag laging ganito. Matapos kumain ay nagpaalam ko kay Blake na aalis, dahil may importante akong pupuntahan na related sa kasong hawak ko. Gusto niya akong samahan, pero tumanggi ako at seryosong sinabing huwag siyang makulit dahil ayaw ko ng gano'n. Gladly, wala na akong narinig na kahit ano mula kay Blake. Pinanood lang niya ako habang nag-aayos ng mga gamit ko. Mabuti na lang at pumayag siya. Exactly four o'clock ng matapos akong maligo at magbihis. "Kailan ulit ang balik mo dito, Lara?" tanong ni Blake ng ihatid ako sa sasakyan ko. "Not sure, tatawagan na lang kita," sagot ko kahit sigurado akong hindi ko gagawin iyon. Kailangan ko na kasing kumilos ng mas mabilis. Dalawang araw na ako dito sa lugar nila at may limang araw pang natitira para matapos ko ang misyon ko. "Sige, mag-ingat ka. Tawagan mo agad ako kapag nakarating ka na sa Maynila," sabi ni Blake na hindi maitago ang lungkot sa mga mata. "Sige," tipid na sagot ko habang ikinakabit ang seat belt sa katawan ko. Dumukwang si Blake at kinabig ako sa batok. Mabilis na naglapat ang mga labi namin at siniil ako ng halik na agad ko namang ginantihan ng walang pag-aalinlangan. "Sige na, gagabihin ako sa biyahe," paalam ko. "Thank you sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo, Blake." "Welcome ka dito sa bahay anytime na gusto mong pumunta dito, Lara," sagot ni Blake na pinisil ang baba ko. "Heto ang susi mo." Inabot ni Blake ang kaliwang kamay ko at binigay sa akin ang susi ng bahay niya. Napatingin ako sa bagay na nasa palad ko at hindi agad nakapagsalita. "See you soon, Lara," sabi pa ni Blake ngumiti sa akin. "Okay." Tanging ito ang naisagot ko, dahil sa totoo lang ay bigla akong nawalan ng sasabihin. Bumilis kasi bigla ang tîbok ng puso ko at pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano sa lalamunan ko tapos sunod-sunod na nagtaas-baba ang dibdib ko. "Aalis na ako," mahinang sabi ko at binuhay ang makina ng sasakyan ko. Tumango si Blake at isinara ang pintuan ng sasakyan ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagpikit ang mga mata at pagkatapos ay pinasibad na ang sasakyan ko. Isang sulyap ang pinakawalan ko sa bahay ni Blake sa side mirror ng kotse ko habang papalayo. Malinaw na nakita kong nakatayo pa rin siya sa kung saan ko iniwan hanggang sa tuluyang nawala sa paningin ko. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng bigat sa dibdib habang palayo ako sa lugar kung saan naging bahagi ng misyon ko. Siguro nga ay special talaga si Blake dahil nagkaroon ako ng kakaibang damdamin para sa kanya, pero alam kong kahit anong mangyari ay wala itong maidudulot na maganda. Pinili ko ang umalis dahil kailangan. Nagkaroon na ako ng marking point sa mga lugar kung saan nagpunta si Mayor Rosales kahapon matapos umalis ng munisipyo at umuwing umaga na sa bahay niya, kaya kailangan ko nang kumilos ng mabilis. Instead na umalis dito sa Iba at bumalik ng Maynila gaya ng paalam ko kay Blake ay tumigil ang sasakyan ko sa isang liblib na lugar. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada kung saan hindi basta mapapansin ng mga taong dadaan. Kailangan ko kasing palitan ang plate number ng kotse ko at mag-aayos na rin, para hindi ako mamukhaan ng mga mga kakilala ni Blake at baka ituro na naman sa kanya. Mabilis na bumaba ako at maliksi ang kilos na pinalitan ko ang plate number sa harap at likuran ng sasakyang dala ko. Safe naman ito dahil galing ito mismo sa LTO. Kahit may mag-check sa akin sa daan, lalabas pa rin sa checking ng highway patrol group na may ganitong uri ng sasakyan dahil isa sa pag-aari ng organisasyong kinabibilangan ko. Part ito ng trabaho ko, kaya marunong akong gawin ang ganito. Ilang minuto lang, iba na ang gamit kong plate number na nakakabit sa sasakyang dala ko. Agad na pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at nagbihis. Gamit ang maliit na salamin ay nagbago ang mukha ko dahil sa make up na in-apply ko. Mas attractive at sophisticated ang looks ko ngayon. Inayos ko na ang damit na suot ko, pati na rin ang buhok ko, na bumagay sa akin kaya nag-shine naman ang looks ko. Ilang minuto pa ang pinalipas ko, isa-isang tiningnan ko ang na tracked kong location na pinuntahan ni Mayor Rosales sa loob ng twenty-four hours na nakamonitor ako sa kanya at pinag-aralan ang movement niya. Gamit ang gps ay hinanap ko ang mga nasabing lugar at establishment online. High-tech ang nakakabit na tracker sa sasakyan ni Mayor Rosales at naka-auto link ito sa system na connected sa cellphone at malaking screen dito sa loob ng sasakyan ko. Walang kahirap-hirap na nahanap ko ang mga lugar na pinuntahan ng target ko. For the last time, siniguro ko na walang makakakilala sa akin sa pupuntahan ko. Ibang mukha ang makikita ni Mayor Rosales sa paligid niya sa oras na magkaharap kaming dalawa. May dalawang oras pang natitira, sapat para mapaghandaan ko ang paghaharap namin ng mayor na pakay ko. Hindi magtatagal, matatapos rin ang paghahari niya sa bayang ito. Ako ang magiging hadlang sa landas niya at kapag nangyari iyon, hindi na siya makakabangon pa dahil hindi lang ang pangalan at reputasyon ni Mayor Rosales ang sisirain ko na siyang utos ng big boss ko, kung 'di ang lahat ng mga taong nasa likod niya at sinusuportahan siya, dahil nakikinabag rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD