bc

Chasing The Mafia Princess

book_age18+
1.7K
FOLLOW
10.7K
READ
second chance
substitute
like
intro-logo
Blurb

A ruthless assassin. A dazzling mafia heiress and a woman living behind the mask who promise not to fall in love because of her dark past.

Si Theresa, isang top rank runway model at hinahangaan ng lahat, pero sa likod ng kan'yang magandang mukha at katawan, nakatago ang anino ng kanyang tunay na katauhan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang pulis na si Blake at sa maikling panahon, nahulog ang loob nila sa isa't isa.

Sa màrahas na mundong walang puwang ang puso at pag-ibig, magawa kayang protektahan ni Theresa ang pagmamahalan nila ni Blake kung siya mismo, kailangan niyang pumili?

Piliin kaya ni Theresa ang wagas na pagmamahal o manaig sa dugo niya ang pagiging mafia at talikuran ang minamahal para balikan at kunin ang posisyong iniwan sa kanya ng mga magulang?

-------------------------------------------------------

Sequel po ito nang The Mafia Heir Hidden Wife story ni Draven at Agatha.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
THERESA BEIJING, CHINA. Malakas na tunog ng tambol at musika para sa nagaganap na Dragon Festival ang naririnig ko mula sa hotel room na kinaroroonan ko. Two hours na akong nagmamasid habang nakatayo sa gilid ng bintana at hinihintay ang oras para gawin ang misyon na siyang dahilan kaya narito ako sa Beijing. Tunog ng nag-ring na cellphone ko sa ibabaw ng kama ang gumambala sa pagmamanman ko. Nilapitan ko ito at agad sinagot ng makitang si Draven Madrigal, ang tumatawag sa akin. Agad na sinagot ko ang tawag dahil alam kong importante ito. Hindi siya tatawag sa akin ng walang mabigat na dahilan, lalo na alam niyang nasa misyon ako. "How's everything, Theresa?" tanong agad ni big boss. "Waiting for an action, boss," tipid na sagot ko na hindi inaalis ang mga mata sa lugar kung saan hinihintay kong dumating ang pakay ko. "I need you here, Theresa. Finish your job and return to the Philippines as soon as possible," utos ni Boss Draven na siyang pinuno ng mafia organization na kinabibilangan ko. Yes, I am a member of one of the leading mafia organizations in the Philippines. Led by the Madrigal clan and currently by Draven Madrigal, the heir to his clan and a candidate for the Magna El Cajon aces and council head leadership. "Yes, boss. Kapag lumabas sa lungga niya si Salvador Agostini, matatapos ngayong araw ang misyon ko," confident na sagot ko. "Alright." Ito lang ang huling narinig ko. Pinutol na ni Draven ang tawag at hindi man lang nagpaalam. Well, I'm used to it. Ganyan talaga ugali ng lalaking iyon. Bihirang magsalita at limit lang kung kausapin ako. Expected ko nang may dahilan kaya tumawag siya sa akin, dahil bihirang mangyari na tatawagan niya ako kapag ganitong nasa misyon ako para lang utusang umuwi ng Pilipinas. As expected, sampung minuto lang ang lumipas, dumating ang taong pakay ko, kasama ang mga tauhan niya at ang babaeng ikinakama at parang lintang laging nakadikit sa kanya. Wala akong pakialam sa personal life niya, dahil hindi naman na siya magtatagal sa mundo. Ilang minuto na lang ang natitira sa buhay niya, dahil siguradong mamawala na si Salvador Agostini dito sa ibabaw ng lupa. Isa siyang Italian national na kailangan kong itumba. Masyado na siyang tinik sa landas nang pinuno ng council na si Declan Madrigal na siyang papalitan ni Draven Madrigal in future. Suot ang pang cosplay na dragon attire, lumabas ako sa hotel room na tinuluyan ko. Walang bakas na iniwan ko ang silid at umalis na handa para sa misyon ko. Maraming tao sa buong paligid. Mausok at maingay, pero hindi nawalan ang pokus ko sa taong pakay ko. Mahirap siyang lapitan lalo na at napapaligiran ng mga tauhan kaya pinagmasdan ko muna at pinag-aralan ang bawat kilos nito. Mukha lang karaniwang turista si Agostini, pero alam ko kung anong pakay niya dito sa Beijing kaya narito siya. Nakita kong may mga chinese national ang lumapit sa table ni Agostini at mabilis itong tumayo pagkatapos. Sinundan ko ng tingin ang grupo nila at pagkatapos ay naglakad para sumunod sa kanila. Sa saradong pintuan na may mga lalaking nagbabantay sa labas pumasok ang grupo. Mahigpit ang security at alam kong kapag nagkamali ako ay mahuhuli ako at mapanganib ito sa buhay ko pero sanay na ako. Inayos ko ang wig na suot ko at naghintay ng tamang pagkakataon. Hindi nagtagal, may nakita akong parating na lalaking may dalang cart na mabilis kong nilapitan. "Hi, I'm Mr. Agostini's personal assistant. I'm here to help you serve the food to ensure that all of it is safe for him to consume," seryosong sabi ko na nakatitig sa mga mata ng waiter na kaharap ko. "Sure, ma'am," magalang na sagot ng kaharap ko na inilahad ang kamay. Tinitigan ko gamit ang matalim na mga mata ang lalaking kaharap ko at ipinahihiwatig sa kanya na mapanganib ako. "Let me serve them and don't tell anyone about it; otherwise, it will cost your life as my client's existence must not be known by anyone here," seryoso at pormal na sabi ko. "Yes, ma'am," magalang na sagot ng kaharap ko. Mabilis na kinuha ko sa mga kamay niya ang handle ng cart na tulak-tulak ng lalaki at pagkatapos ay tinapunan ng masamang tingin bago tinalikuran. Walang pumigil sa akin sa pintuan ng pumasok ako. Nadatnan kong nakaupo ang target ko, katabi ang malanding kabit at kaharap ang dalawa pang lalaking siyang kausap para sa gagawing exported ng droga papuntang Europe. "Buona sera, Mr. Agostini," nakangiting bati ko. Kilala ko ito, lalo na at sa Italy rin ako naka-base bilang isang sikat na ramp model. Pinag-aralan ko ang bawal movement niya, pero dahil mainit ako sa Italya, dito ko nakakita ng pagkakataon na lapitan siya ng walang nakakakilala sa akin. "Ciao bella," nakangiting bati sa akin ng target ko na ibig sabihin ay 'hello beautiful' na agad inikutan ng mga mata ng babaeng katabi nito. Alam kong nakuha ko agad ang atensyon ng lalaking pakay ko ng matamis ang ngiti na ngumiti ako sa kanya at pagkatapos ay sinalubong ang tingin habang nag-se-serve ng tsaa. "For you." Mahinhin na inilapag ko sa harap niya ang tasa ng tsaa habang hindi inaalis ang matamis na ngiti sa labi. "Welcome here in China, sir." Tumaas ang gilid ng labi ni Salvador Agostini at pagkatapos ay inabot ang tasa at dinala malapit sa labi at humigop habang nakatitig sa akin ang mga matang may bakas ng pagnanasa. Humakbang ako paatras at kumuha rin ng isa pang tasa para bigyan ng tsaa ang mga kaharap niya. Nagbilang ako ng ilang segundo bago nakangiting lumabas. Walang pumigil sa akin dahil ang akala ng lahat ay totoong staff ako dito sa restaurant. Minuto lang ang lumipas, nagkagulo na. Biglang bumukas ang pintuan ng private room na pinanggalingan ko at pumasok ang mga bodyguard ni Salvador Agostini at sinundan ng nagtatakbuhan na mga staff. Malinis at walang bakas na naiwan ang trabahong ginawa ko. Siniguro kong hindi na aabot ng buhay sa hospital ang target ko. Deadly ang poison na ginamit ko at walang pang lunas dito, dahil mismong ang organisasyon na kinabibilangan ko ang gumawa nito at walang kahit anong antidote na pwede nilang magamit at available kahit maghanap sila sa black market. Walang nakapansin sa akin sa kinauupuan ko habang suot ang shade at pinanood ang nangyayari. Mabilis na nahubad ko kasi ang damit na suot ko sa kung saan ako nagtago at inilugay ang mahabang buhok. Alam kong safe sa lugar na iyon dahil terminated na rin ang CCTV. Walang nakakita ng pumasok at lumabas ako sa silid na pinasukan ko, kaya ligtas at walang kahirap-hirap na natapos ang trabaho ko. As expected, dead on arrival Salvador Agostini, pati na rin ang kabit niya at dalawang ka deal dahil sa unknown poison na hindi pa matukoy kahit ng mga eksperto. Since tapos na ang trabaho ko, I fly back to Manila at sinundo ako ng mga tauhan ni Boss Draven sa airport para ihatid sa base. "Welcome back, Theresa," bati ni Abby na siyang sumundo sa akin at nagmamaneho ng sasakyan. "Salamat," tipid at walang ganang sagot ko habang nakapikit na nakasandal ang likod at ulo sa upuan. Matagal akong hindi umuwi dito sa Pilipinas dahil mas prefer ko ang manatili abroad. Hindi maganda ang naging buhay ko dito at kung ako lang ang masusunod, ayaw ko nang bumalik pa dito. Walang direksyon ang buhay ko. Nabubuhay akong walang ibang iniisip kung 'di ang sarili ko. Walang pamilya at walang pakialam sa mundo. Everything seems normal sa base ng pumasok ako sa silid na laan para sa akin. As expected, maaga palang ay pinatawag ako ni Boss Daven na siyang pinuno ng organisasyon sa opisina niya. Ang akala ko ay tungkol sa naging trabaho ko sa China ang pag-usapan namin, pero hindi ko inaasahan na may panibagong trabaho agad siyang ibinigay sa akin at iyon ay ang maging trainor ng isang babaeng sa tingin ko ay menor de edad pa. I didn't ask for more details about her. Ginawa ko ang trabaho ko, dahil iyon ang dahilan kaya narito ako sa Pilipinas at ayaw kong magtagal dito kaya nakipag-deal ako kay Draven na after two months, babalik ako abroad pero hindi nangyari. Iniwasan kong mapalapit ang loob sa kahit na sino, lalo na at related sa trabaho ko, pero hindi kay Agatha na siyang dahilan kaya pinauwi ako ni Draven dito sa Pilipinas. She's sweet, innocent at mukhang walang muwang sa màrahas na mundong pinasok niya. I never thought na ang isang inosenteng gaya niya ay magiging bahagi ng organisasyon, pero hindi na ako magtanong dahil may limitasyon rin ang trabaho ko. Hindi ako bulag, napapansin ko ang kakaibang tingin ng pinuno namin sa babaeng tinuturuan ko. Nakikita ko ang pagiging possessive niya towards Agatha na binigay pa ang personal black card niya at pinagamit sa bago naming miyembro, bagay na nakakapagtaka dahil never na nangyari ito. Tuloy-tuloy ang naging trabaho ko kasama si Agatha. Naging personal bodyguard rin niya ako without her knowledge, kaya alam kong mahalaga siya sa pinuno namin. She's guarded, kaya kahit saan siya pumunta ay kasama ako, kahit pa ang sumama ako sa kanya pauwi sa probinsya kung saan siya galing. I witnessed her pain. Nakita ko ang sarili ko sa kanya noong kontrolado pa ng mga pekeng mga magulang ko ang buhay ko, kaya nagpasya akong tulungan siya, dahil kahit pinigilan ko ang sarili ko ay napalapit na siya sa akin. Napagkasunduan namin ni Agatha na mag-imbestiga tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya. Sinabi niyang sigurado siyang pinatay ang parents niya dahil nakita niyang nilason ang mga ito. I did my very best para matulungan si Agatha. Pinili kong bumalik sa Zambales ng mag-isa para personal na imbestigahan si Mayor Tonyo Rosales. Aalamin ko kung ano ang totoong kaugnayan ni mayor sa pagkamatay ng mga magulang ng babaeng alam kong mahalaga sa pinuno ng mafia organisasyon na kinabibilangan ko. I did my own investigation at nagpanggap na abogado ni Agatha, pero hindi ko inaasahan na sa maliit na probinsyang ito, kailangan kong mag-ingat ng husto sa bawat ginagawa ko, dahil may mga matang nakasunod sa bawat kilos ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
185.7K
bc

His Obsession

read
92.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook