Chapter 9

1426 Words
THERESA Six o'clock pa lang ay nakarating na ako sa lugar kung saan ko natagpuan ang location ni Mayor Rosales. Madilim na ang paligid at mula sa kung saan nakaparada ang sasakyan ko ay alam kong hindi ako makikita ng mga alipores ng taong target ko. Inayos ko ang wig na suot ko, pati na rin ang hidden kamera na nakadikit sa damit at necklace sa leeg ko. Siniguro kong attractive ang looks ko at makukuha ko agad ang atensyon ng taong pakay ko sa oras na pumasok ako. Confident na pumasok ako sa bar kung saan naglalagi si Mayor Rosales. As expected, nagkalat ang mga tauhan niya sa loob at labas nito, pero balewala sa akin na narito sila, dahil kaya kong gawin ang misyon ko ng walang kahirap-hirap gamit ang ganda at talinong meron ako. Umupo ako sa gitna ng bar. Hindi nagtagal, may lumapit sa aking bartender at tinanong ako kung ano ang order ko. Hindi katulad sa Maynila na sosyal ang mga bar at high-end ang establishment na ito, pero wala akong pakialam pa sa disenyo nito, dahil isa lang ang pakay ko at iyon ay makakuha ng kahit anong magagamit ko, para mapabagsak at masira si Mayor Rosales. In my peripheral vision, alam kong nakuha ko agad ang atensyon niya. Ilang saglit pa, may lalaking lumapit sa akin at sinabing pinatatawag umano ako ng amo nila. Kunwari ay nagulat ako, pero lihim na natutuwa ako. Bingo, walang kahirap-hirap na nakalapit ako sa target ko, dahil siya mismo ang gumawa ng paran para makalapit ako sa kanya. "Good evening, po," kiming bati ko at kunwari ay nahihiya kay Mayor Rosales. Sa harap niya, nagkunwari akong kinakabahan, dahil may mga armadong kalalakihang kasama ang mayor na kaharap ko, kaya nag-lumikot ang mga mata ko at luminga-linga ako. "Sit down, miss," sabi ng lalaking alam kong kanang kamay ni Mayor Rosales. Malambing na ngumiti ako sa lalaking kasama ko at naghatid sa akin dito sa table ni Mayor Rosales. Harapan kong ipinakita na attracted ako sa kanya ng saglit ko siyang titigan sa mga mata at hindi kumukurap. Lihim na napangisi ako ng makita kong nag-lumikot ang mga mata ng katabi ko at napalunok na tumingin kay Mayor Rosales na alam kong hindi niya nagugustuhan ang nakikita sa harap. "Who are you, sir? Kunwari ay hindi ko kilala ang lalaking kaharap na tinanong ko ito. "I'm Tonny, my princess," nakangiting sagot ng walang-hiyang mayor na kaharap ko. Nakakasuka ang pagmumukha ng demonyong ito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil honestly, nandidiri akong tawagin niyang princess. "Tell me, bakit kailangan mo akong papuntahin dito sa table mo?" seryoso at walang emosyon na tanong ko. Ngumiti ang kaharap ko, pero ang mga mata ay malinaw na sinuyod ang kabuuan ko. "Maganda ka, napakaganda mo at nakuha mo ang atensyon ko," mayabang na sagot ng kaharap ko. "Alam kong maganda ako, but I'm sorry kung attracted ka sa akin. Well I'm not here para makipag-usap sa kahit na sinong lalaki. I just wanna have fun and enjoy my night alone," pormal at walang ka-ngiti-ngiting sagot ko. Confident na nagtaas ako ng noo. Alam kong hindi sanay sa rejection ang mayor na kaharap ko. Upon my investigation, marami siyang naging babae at ginagamit ang pera at position para makuha ang sinumang magustuhan, kahit pa menor de edad pa ang ilan sa mga ito. "Then I'll buy you a drink, princess." Pinigilan ko ang sarili kong sapakin ang kaharap ko. Feeling sweet ang gago eh, mukha namang kangaroo. "I have my own money to buy whatever I want, mister. I'm rich and don't simply allow someone like you to buy me a drink because, honestly, I'm not interested in it, not unless-" Sinadya kong putulin ang sinasabi ko at tinitigan ang ang mayor na kaharap ko. "Then, what do you want, princess?" agad na tanong ni Mayor Rosales na nababakas ang excitement sa mga mata. "Are you sure na kaya mong ibigay ang gusto ko, Tonny?" mapanuksong tanong ko at sensual na ngumiti sa kanya. Mapang-akit na pinag-krus ko ang mga binti ko, kaya malinaw na nakahantad ang maputi at makinis na mga hita ko sa gutom na mga mata ng taong kaharap kong dinilaan pa ang nanunuyong pang-ibabang labi. "Sabihin mo lang, akong bahala," sagot ni Mayor Rosales. Tinitigan ko siya sa mga mata at natuwa ako sa nakikita kong excitement sa mukha niya "Ibibigay mo ba talaga kung anong gusto ko kapag nalaman mo at hindi magbabago ang isip mo, Tonny?" Mabilis na tumango ang kaharap ko kasabay ng malakas na 'yes.' Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya at mapang-akit na umupo sa tabi niya. Simula na nang trabaho ko at kailangang galingan ko, para walang maging problema. Sensual na ngumiti ako at parang walang ibang tao ang nasa paligid namin na inilapit ko ang mukha ko malapit sa balikat niya at mahinang bumulong. "I'm not comfortable na maraming mga mata ang nakatingin sa akin, Tonny," malanding bulong ko, kahit halos masuka ako na sumayad ang labi ko sa leeg niya ng nagkunwari akong hahalikan ko siya. Sa isip ko, nagbubunyi ako ng buksan ni Mayor Rosales ang butones ng suot na polo. "Gardo, sabihin mo sa mga tauhan natin, sa labas muna sila," utos niya sa tinawag na kanang kamay. "Happy now, princess?" tanong ng katabi ko, kaya malapad ang ngiti sa labi na tumango ako. Nang makita kong mabilis na nawala sa paningin ko ang mga kasamang bodyguard ni Mayor Rosales at agad na sinimulan ko ang trabaho. "Now, pwede ko na bang sabihin sa iyo kung ano ang gusto ko, for you to have me here with you, Tonny?" "Sure, name it," agad na sagot ng katabi ko na hinaplos ng kanang kamay ang exposed na braso ko. Inangat ko ang kanang kamay ko at dinala sa tapat ng dibdib ni Mayor Rosales at sensual at mabagal na hinaplos. Ramdam ko ang epekto ng pang-aakit ko sa katabi ko. Hinayaan kong humagod sa tagiliran ko ang kamay ng target ko, habang hinihimas ako at lalo ko pang idinikit ang katawan ko sa kanya. "I want something unique, lumayo ako sa bayan namin, kasi sure na magsusumbong sa parents ko ang mga tao doon kapag nakita nila akong nagsasya sa labas, Tonny." Nag-angat ako ng mukha at tiningnan ang katabi ko. "Gusto kong ma-expience gumamit ng drùgs. I'm so depress right now, kasi ipinagkasundo ako ng parents ko sa ka-business deal nila. Gusto kong makalimot." "Sure, princess. Anything you want, ibibigay ko, pero anong kapalit ang makukuha ko kung pagbibigyan ko ang gusto mo?" naninigurong tanong ng tusong mayor na katabi ko. Malanding ngumiti ako. "Me, you can have me all night. Kahit magasawa ka sa katawan ko magdamag, basta ba, sasabayan mo ako, para pareho tayong mag-eenjoy." "Makukuha mo ang gusto mo, princess. Let's go to my place," agad na sabi ni Mayor Rosales. "Sasama ako, pero sa sasakyan ko na lang tayo, Tonny. Pwede namang sumunod ang mga tauhan mo. Bago lang ang car ko, I can't leave it here and I won't allow anyone na mag-drive sa baby ko, dahil kahit driver ni daddy ay hindi ko pinapahawak kahit susi ko." Iglap lang, parang batang naging sunod-sunuran sa gusto ko si Mayor Rosales. Ako ang may hawak ng manibela at nakaupo siya sa passenger seat, habang sinusundan ko ang kotseng sakay ang mga tauhan niya. Everything goes so well according to my plan. Tumawag ang kasamahan ko na may pangalan daddy sa phone book ko at malinaw na nakikita ni Mayor Rosales sa screen ng bluetooth ng sasakyan ko. Nakamonitor siya sa operation ko ngayon. Malinaw na nakikita niya ang nangyayari sa paligid ko, pati na rin ang target namin, kaya alam niyang kapag pumasok na sa sasakyan ko si Mayor Rosales ay simula na ang trabaho niya dahil sa nakakabit na kamera sa katawan ko. "Yes, daddy?" Agad na sagot ko. "Where are you?" Kunwari ay seryosong tanong ng kasamahan ko sa organisasyon at kasalukuyang nasa base. "I'm having a good time, dad," tipid na sagot ko. "I have transferred twenty million to your account. Pagkatapos mong magsaya d'yan, umuwi ka na." Walang pasabi na pinutol ko ang tawag. Pinindot ko ang end button at bumaling sa katabi ko. Alam kong sa ginawa ko, hindi ako basta gagalawin ni Mayor Rosales dahil sa isip niya, makapangyarihan ang aking pamilya kung saan, malaki ang magiging pakinabang niya kapag dumikit siya sa akin, bagay na pabor sa misyon ko, dahil ito mismo ang gagamitin ko, para ilabas ko ang bahong pinakatago-tago niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD